Nadurog ang puso ni Madeline.

Mas malala pa ito sa sakit ng isang milyong pana sa kanyang puso.

Hinding hindi niya makakalimutan ang gabing iyon. Malupit siyang pinilit na manganak at kinuha ang kanyang anak mula sa kanya.

Hanggang ngayon, di pa rin niya alam kung lalaki o babae ang anak niya. Mas kamukha niya kaya ang bata o mas kamukha ito ni Jeremy?

Tinginan ni Madeline ang Twitter account ni Meredith at nakita niya itong nagyayabang. Pinagyayabang niya ang kanyang mga mamahaling kotse, branded na bag, at ang kanyang reputasyon pati na ang kanyang pamosong tunay na magulang. Pinagmamayabang niya rin ang kanyang anak kay Jeremy.

Nasa masamang babaeng kagaya niya ang lahat-lahat ngayon.

Sa kabilang banda, siya, si Madeline, ay walang-wala.

Nakakatawa.

Mayroong ilang pagkakataon na gustong hanapin ni Madeline si Jeremy. Subalit, napagtanto niya na wala pala siyang katapangan na gawin ito.

Walang pigil siyang pinahirapan sa kulungan at maisip niya pa lang ito ay napapangiwi na siya.

Subalit, nang maisip niya ang tungkol sa kanyang nawawalang anak, humakbang pa rin si Madeline.

Nakatayo siya sa harapan ng mansyon kung saan siya ang dating matriarch at nakaramdam ng kapaitan sa kanyang puso. Nang pipindutin niya pa lang ang doorbell, nakita niya si Meredith na lumabas mula sa pinto.

Magarbo ang kanyang kasuotan at mukhang masigla pero arogante. Nang makita niya si Madeline sa may pintuan, napahinto siya sa kanyang paglalakad habang may bakas ng gulat sa kanyang mga mata. Subalit, isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha.

"Nagtaka pa ako kung sino ka. It's my good sister. Bakit? Kailan mo pa nakumpleto ang reformation mo?"

Lumapit siya suot ang kanyang high heels. Gustong masuka ni Madeline nang makita niya ang kanyang nakakadiring ngisi.

Ayaw nang magsayang ng mga salita ni Madeline sa kanya. "Ibalik mo sa'kin ang anak ko."

Diretso siyang nagsalita. Nagbago ang ekspresyon ni Meredith nang marinig niya ito. Pagkatapos ay mas lalong lumaki ang kanyang ngisi.

"Ang anak mo?"

"Oo! Ang anak ko! Ibalik mo ang anak ko!"

"Patay na ang anak mo," walang kaabog-abog na sagot ni Meredith. "Sabi ni Jeremy nakalibing ang bastard child mo kasama ng nalaglag kong baby."

Nagdilim nang ilang segundo ang paningin ni Madeline. Pakiramdam niya ay nahiwa ang kanyang puso at ngayo'y nagdudugo.

Hinatak niya ang kwelyo ni Meredith sa sobrang galit. "Sinungaling! Buhay ang anak ko! Ibalik mo ang anak ko! Ibalik mo! Gusto kong makita si Jeremy! Sabihin mo makipagkita sa'kin!"

"Madeline, nababaliw ka na! Bitawan mo ko. If not, pagdurusahan mo ang consequences!" babala ni Meredith. Ngunit, hindi na makontrol ni Madeline ang kanyang sarili. Namumula sa galit ang kanyang mga mata at mas hinigpitan niya ang hawak sa babae.

Hindi makahinga si Meredith kaya tinawag niya ang security.

Gusto sanang tanungin ni Madeline ang tungkol sa kinaroroonan ng kanyang anak pero naramdaman niya na may pumukpok sa kanyang batok. Pagkatapos ay nawalan siya ng malay. Pagkatapos ng ilang oras, nagising si Madeline nang may sumampal nang malakas sa kanyang mukha. Mabagal siyang nagising dahil sa mahapding sakit.

Nakahalukipkip ang mga braso ni Meredith habang nakatayo sa kanyang harapan. "Madeline, I guess wala kang natutunan sa three years mo sa prison," sambit niya at yumuko para dutdutin ang sikmura ni Madeline.

"I heard meron kang tumor over here. Lalala ito anytime at papatay sa'yo, right?" Nakakapangilabot ang kanyang tawa. "Attack her! Lalo na ang part na 'to!"

Handa na kaagad ang mga arkiladong tao na nasa kanyang tabi. Sa sandaling binigay ni Meredith ang kanyang utos, sinimulan nilang patamaan ang buong katawan ni Madeline, lalo na ang lugar kung nasaan ang kanyang tumor.

Namaluktot si Madeline pero hindi pa rin siya makapagtago mula sa kanilang mga suntok. Ang sakit mula sa kanyang sugatang kalamnan ay hindi maikukumpara sa mga sinabi ni Meredith, "Sabi ni Jeremy nakalibing ang bastard child mo kasama ng nalaglag kong baby."

'Ang anak ko...'

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report