Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman -
Kabanata 54
Lumingon ang maliit na bata dahil siguro narinig niyang may papalapit. Ang nakakatuwa at blanko niyang mukha ay nakaharap na kay Madeline. Ang maliwanag at malinaw niyang mata ay parang makintab na baldosa nang kumurap ito at tumitig kay Madeline.
Tila ba napawi ang apoy ng poot sa puso ni Madeline sa isang iglap. Pagkatapos ay napalitan ito ng di maipaliwanag na pagmamahal at kagandahang-loob.
Lumabas ang luha sa mga sulok ng kanyang mata at bigla siyang nakaramdam ng kagustuhang umiyak.
'Kung nandito pa ang anak ko, siguro nakakatuwa din siya kagaya nito.'
Atsaka, bukod-tangi din si Jeremy. Ang anak niyang nagmana sa kanya ay siguradong magiging kasingwapo niya.
Yumuko si Madeline at hinawakan ang malambot at nakakatuwa nitong mukha. "Anong pangalan mo honey?"
Nakakatuwang sinabi ng maliit na bata, "Tawag sa akin ni mommy at daddy ay Jack."
'Mommy at daddy'.
Nasaktan si Madeline sa mga salitang ito.
Dapat may mommy at daddy din ang kanyang anak, ngunit ngayon...
"Maddie, ano na nang binabalak mong gawin? Pwede mong gawin ang kahit na ano sa akin pero pakiusap huwag mong saktan ang anak namin ni Jeremy!"
Medyo ensaherada pakinggan ang sigaw ni Meredith. Higit pa rito, idiniin pa niya mismo na anak nila ito ni Jeremy.
Hindi kailanman inisip ni Madeline na gawin ito sa isang inosenteng bata. Nang marinig niyang sumigaw si Meredith, gusto niyang matawa.
Baka nga kailangan niyang kumuha ng leksyon sa pagiging malupit mula sa babaeng ito.
"Mommy." Kaagad na tumakbo palapit ang maliit na bata.
Binuhat ni Meredith si Jack nang nag-aalala, pagkatapos ay kabado niya itong sinuri. "Tignan ni Mommy kung nasaktan ka ba."
Bahagyang humagikhik si Madeline. "Meredith, talagang pagaling nang pagaling ang kakayahan mo sa pag-arte."
"Maddie, bakit ba ang sama mo?" Nagdadalamhating tumingin si Meredith kay Madeline. "Noong nakaraang tatlong taon, inagaw mo ang kasintahan ko at pinatay ang una kong anak kay Jeremy. Bakit gusto mo pa ring saktan ang anak ko makalipas ang tatlong taon? Kahit na hindi tayo magkapatid sa dugo, trinato kita lagi nang maayos."
Nang makita ang hipokritong pagganap ni Meredith, kumutya si Madeline bago makinig. "Talagang ang ayos ng trato mo sa akin, kaya talagang babawian kita, mabuti kong kapatid."
"..." Nagulantang si Meredith nang marinig niya ang mga salitang iyon. Natulala siya saglit.
Medyo natuwa si Madeline nang makita niyang naguguluhan si Meredith.
Dahil ayaw na niyang magsayang pa ng oras sa kanya, aalis na sana si Madeline nang makita niyang lumalapit si Jeremy.
Sa ilalim ng buwan, ang kanyang asetismo ay mas nakakahumaling kumpara noong nakaraang tatlong taon.
Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline ngunit di na siya muling magkaroon pa ng pagnanasa at pantasya sa tungkol sa lalaking ito.
Walang-pake siyang sumulyap dito at nilagpasan ito nang hindi humihinto.
Sumimangot si Jeremy at inabot ang braso ni Madeline.
"Saan ka pupunta, Mrs. Whitman?" Binuksan niya ang kanyang labi, puno ng pagtataka ang kanyang tono.
Huminto si Madeline at napansing padilim nang padilim ang mukha ni Jeremy mula sa kanto ng kanyang mata. Tinikom niya ang kanyang bibig at ngumiti kay Jeremy.
"Ano sa tingin mo darling? Gabing gabi na. Syempre uuwi na ako."
Mapagpanggap na ngumiti si Madeline at nakita niya ang bahagyang kinang sa mga mata ni Jeremy. Binitawan ng lalaki ang kanyang kamay nang hindi siya sigurado kung ano ito. "Hintayin mo ako sa kotse. Pupuntahan kita kaagad."
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report