FORGET ME NOT -
Chapter 24 – A little too much.
"Hope!" Excited siyang kinawayan ni Myca pagkadating na pagkadating niya sa terminal ng bus. "Na-miss kita, best friend!" Agad siya nitong niyakap nang makalapit. "Na-miss din kita!" Masaya silang nagyakapan.
It had been a while. No, humigit kumulang isang buwan lang pala. Pero pakiramdam ni Hope andaming nangyari.
"So pa'no? Sa resort ka muna ha?"
"Ano pa nga ba?"
Her mother wasn't home. Finally ay pumayag ito na mag-enjoy naman. Kaya ayon, naka-tour ito kasama ang mga bagong kaibigan nito. Naka-lock ang bahay nila kasi 'di naman planado ang uwi niya.
"Pakiramdam ko, antagal kitang hindi nakita." Sinipat siya ni Myca ng tingin bago sila sumakay sa kotse nito. "Iba ang epekto ng pagyaman sa'yo. Sa lahat yata ng ordinaryong babae na naging señorita, eh ikaw lang ata ang stressed more than ever ang hitsura."
"Hindi ko ginusto maging Fontanilla," mabigat ang loob niyang sagot.
"Hmmn, meron ka bang hindi kinukwento sa akin, Hope?" Nananantiyang tanong ni Myca.
They weren't best friends kung hindi nito mahahalata na may pinagdadaanan siya. "Pagod lang 'to."
Myca shrugged. They drove in silence.
Wala pa siya sa mood magkwento. Hindi pa nga rin niya nababanggit sa kaibigan na pinsan niya si Kaden Aragon.
"Michael and Kim are here for vacation. Pero 'wag kang mag-alala, sisiguraduhin ko na 'di ka nila lalapitan," sabi ni Myca habang papasok na sila sa premises ng resort.
"Kumusta na sila?" Wala sa loob niyang tanong.
"Ayon, after how many years nasa honeymoon stage pa rin. Ewan ko ba kung bakit ayaw pa nilang magkaanak!"
Tamad siyang ngumiti.
"Palagay ko ayaw ni Kim na masira ang katawan niya."
"We don't know their reason, Myca..." sabi ni Hope habang papahinto sila sa tapat ng main lobby ng resort. "Baka hindi lang talaga sila magkaanak."
"Sana nga 'yan ang dahilan." Myca rolled her eyes.
Pababa na sila ng kotse nang tumunog ang cellphone niya. Personalize ang ringtone niya kaya nang marinig niya ang 'Thank God I Found You' ni Mariah Carey, hindi na niya hinugot sa bag niya ang aparato. Kaden was the caller. Sigurado siya that by this time alam na nitong wala na siya sa mansyon.
"Bakit ayaw mong sagutin?" Myca asked.
"It's Kaden."
"Kaden?"
"Yup. Kaden Aragon."
Tumango ito, tumalikod sa kanya bago humarap ulit.
"Dr. Aragon visited here a couple of weeks ago... Did he tell you? You seem to have communication."
"What?" Nagulat siya. "Why?" Kaden didn't mention to her na bumalik ito sa San Gabriel. Anong naging pakay ng binata roon?
"Nagtanong siya tungkol kay Rain," nananantiya na namang tugon ni Myca na parang inaanalisa ang reaksyon niya.
"About what?" Kinakabahan niyang tanong, baka mali lang kasi siya ng dinig.
"About Rain."
"You're kidding."
"Course not." Hinarap siya ni Myca. "Hope Ferreira, may hindi ka ba sinasabi sa akin, ha?"
"Anong tungkol kay Rain ang tinanong niya?" She asked ignoring Myca's question.
"I smell something fishy..." Suminghot singhot pa ito sa paligid niya.
"Myca, please..."
"Spill it first."
"What?"
"May komunikasyon kayo ni Kaden?"
She sighed. As if naman maitatago niya sa kaibigan ang totoo.
"Kaden Aragon is Isabella Fontanilla's fake cousin. He just admitted it to me like almost two weeks ago." Pahapyaw niya sa malalaki ang mga matang si Myca. Hindi ito makapaniwala sa narinig. "So tell me, ano ang tinanong niya tungkol kay Rain?"
"OMG!" exagg nitong bulalas. "Small world!"
"Myca---"
"Okay. He asked me how Rain died..."
"No way! Myca, what did you tell him?" Halos yugyugin niya ang kaibigan as she remembered na tinanong din siya ni Kaden at nag-imbento lang siya impromptu ng isasagot. Paano kung magkaiba sila ni Myca ng sagot?
"Teka nga!" Protesta nito. "Alam mo namang 'di natin napag-usapan 'yon, di ba? So I just told him a partial truth."
"What exactly did you tell him?" Pigil ang hiningang tanong niya.
"That he died in a car crash. Nahulog sa bangin ang bus na sinakyan niya at kasama siya sa mga namatay."
"No," sambit niya.
"Bakit?" Naguguluhang usisa ni Myca.
"He asked me too, Myca! And I gave a different answer!"
"Hope... Magtapat ka nga sa akin, up to what extent ang inabot ng pagiging fake cousins n'yo ni Dr. Aragon?" Nagdududang tanong ng kaibigan niya dahil sa OA niyang reaksyon sa magkaiba nilang kwento kung paano namatay si Rain. "Bakit parang masyado kang bagabag na magkaiba tayo ng sagot?"
She looked at her friend helplessly.
"We're together," amin niya.
"OMG!" Myca exclaimed. "I knew it! Naramdaman ng puso niya ang hindi maalala ng isip niya!"
"But I left him."
"What?!" Hindi pa ito naka-move on sa unang sinabi niya ay nagulat na naman niya ito. "But why?"
"It's complicated." Mapait siyang ngumiti.
It was a hard decision to leave. Pero kailangan. Kung iyon ang paraan para masiguro niya na mabubuhay si Kaden.
*****
HOPE was nowhere to be found. Gustong sumigaw ni Kaden. Galit na galit siya. Paano nagawa ni Hope na iwanan siya?
Akala ba niya ay nagkakaintindihan na sila? Bakit ito nagdesisyong umalis na hindi siya kinukonsulta? At ano ang rason na ibinigay nito?
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
'I still love Rain. Hindi ko kayang mahalin ka,' she told him through a letter she left through Kellen. "D*mn it!" He cursed.
Si Rain na naman? That person didn't even exist! Pinaglalaruan siya ni Hope. Rain didn't die dahil walang Rain in the first place. Patunay doon ang magkaibang sagot nina Myca at Hope kung paano ito namatay.
Idagdag pa na walang nakapagturo sa kanya kung saan nakalibing ang taong iyon. Bumalik siya sa San Gabriel a couple of weeks ago para mag-imbestiga at kahit na masakit sa kanyang malamang walang Rain, hindi niya naisantabi ang pag- ibig na nararamdaman para sa dalaga. Pinili niyang mahalin pa rin si Hope.
Tungkol naman sa mga "alaala" na gumugulo sa isipan niya, he'd rather forget those. Tumigil na rin naman kasi mula noong maging maayos sila ni Hope. Baka dala lang iyon ng damdamin niya para sa dalaga.
Damdamin na hindi niya alam kung anong gagawin. She lied to him at naniwala siya. Pero umalis pa rin ito. He was replaceing it hard to forgive her.
"Dr. Aragon," untag ni Kassey na pumasok sa silid niya nang walang paalam. Hindi ba ito marunong kumatok?
"Please, lumabas ka na," mahinahon niyang pakiusap kahit gusto niyang bulyawan ang kapatid.
"She sacrificed for you," sabi nito.
"What do you know, Kassey?" pigil ang galit niyang tanong. Lagi na lang nanghihimasok sa personal affairs niya ang babae.
"What do I know? Alam ko lang naman na si Hope ang dahilan kaya ayaw mo ng pakasalan si Zoey."
Napatingin siya sa kapatid. Paano nito iyon nalaman?
"See? But don't worry, wala pa naman akong pinagsasabihan. You're lucky that the people here are dense enough to notice your secret."
"She already left." Walang ganang nagbawi siya ng tingin. "It doesn't matter anymore."
"Hope made the best decision."
"To leave me?" Parang punyal na itinarak iyon sa dibdib niya. "Kass, I am ready to defy anyone for her!"
"Pareho nating alam na hindi totoo iyan! Papatayin ka ni Lolo!"
"At sa tingin mo ba natatakot ako? Walang makakapigil sa akin na mahalin si Hope! Ipaglalaban ko siya kahit na ikamatay ko!" He stopped there, totoo iyon, nakahanda siyang ipaglaban ang pagmamahalan nila. Pero hindi naman niya pwedeng ipaglaban ang taong hindi naman willing lumaban kasama siya.
"Wag mong sayangin ang sakripisyo ni Hope, kuya! She left para mabuhay ka!"
"She left because she couldn't love me!"
"Alright. Suit yourself kung ano ang gusto mong paniwalaan." Kassey shrugged. "Ang masasabi ko lang, tama ang desisyon ni Hope. You know me, I don't like Zoey. Pero kung sa piling niya ay ligtas ka, then sapat na iyon para tanggapin ko siya."
He gave his sister a disbelieving look. Did she really think na nanganganib ang buhay niya? He knew Agusto Fontanilla, malupit ito sa kanya pero naniniwala siya na hindi siya nito magagawang patayin.
First off, he would think of Agatha. Mahal na mahal siya ng stepmother niya at siguradong masasaktan ito kapag nawala siya.
Aminado siyang kaya siyang saktan ni Agusto but to be killed by him is a little bit too much to think.
"Just leave me alone, please?"
Kassey shrugged again but left anyway.
*****
KADEN stared blankly at the forget-me-nots outside his window. Nagdesisyon na siyang palayain na si Hope.
"Sigurado ka ba, Doc? Ang ganda-ganda nito!" Sabi ng assistant niya habang inaalis na ang halaman.
"Palitan mo ng bago," sagot niya.
"Oh sige. Iuuwi ko na lang po ito, ha?"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Tumango siya at nagpunta sa mesa niya. Sunod niyang inalis ang singsing ni Hope sa nakikita niya. Gusto na niya iyong itapon. Pero heto na naman siya, hindi niya magawa. Kaya sa huli, inilagay na lang niya iyon sa pinakasulok ng drawer niya. "You can start calling patients."
"Okay, Doc..."
It has been three days. Hindi siya nag-attempt na tawagan o habulin pa si Hope. It will not be worth it. Ito na ang lumayo, ibig sabihin ay hindi talaga siya kayang mahalin ng dalaga. At kahit masakit sa kanya, hindi niya ito pipilitin. Mababalewala rin naman ang kaligayahan niya kung hindi niya mapapasaya ang mahal niya.
Besides, there's Zoey. And he decided na ituloy ang kasal nila.
Nakipag-ayos siya sa dalaga kahapon at tuwang-tuwa ito. Narealize niya na sobra niyang nasaktan ang babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin siya. It was a big mistake to leave her for Hope.
'I forgive you, Kaden!' Zoey told him. 'Alam ko na babalik ka pa rin sa akin kaya hindi ko pa kinacancel ang kasal natin. I was right! Ako pa rin ang mahal mo at ako pa rin ang pipiliin mo sa huli!'
He didn't argue on loving her still. Kilala naman niya ang sarili niya. Hindi na niya mahal si Zoey. Pero matagal niya itong minahal kaya marahil ay mamahalin niya ito ulit. Kailangan lang niyang makabangon sa pagdurog ni Hope sa puso niya. Kung totoo man si Rain- sana maging masaya si Hope sa alaala nito.
*****
KAILANGAN niyang subukang i-work out ang relasyon nila ni Zoey. Few days to go before their wedding, Kaden couldn't still replace it in his heart to be happy.
Kaya naman gumagawa siya ng mga paraan para pareho silang makabangon ni Zoey sa problemang ibinigay niya sa relasyon nila.
Just now, papunta siya sa apartment ng kasintahan. Alam niyang naroon lang ito dahil malapit na nga ang kasal nila and she was so concerned on getting enough beauty sleep.
'I want to be the most beautiful bride for you, Kaden. I want you to be proud of me.'
'You are beautiful, Zoey.'
'But I have a feeling that it's not enough... I want you to look at me- only me.'
The guilty siya roon. Iniisip ba ni Zoey na hindi sapat ang ganda nito kaya nagawa pa niyang mahulog sa iba?
Niyakap na lang niya ang kasintahan. Hindi niya magagawang ipaliwanag pa dito na hindi naman panlabas na kaanyuan ang batayan ng pagmamahal niya.
Pero kung sasabihin niyang mas may malalim na kadahilanan pa kaya niya minahal si Hope, mas masasaktan niya lang si Zoey.
He pulled over in front of Zoey's apartment. Kinuha muna niya ang malaking bouquet ng bulaklak sa backseat at boxes ng chocolate bago kumatok.
"Kaden!" Tila gulat na gulat ito nang mapagbuksan siya. "You didn't tell me you're coming." Napalitan nang matamis na ngiti ang nauna nitong pagkagulat.
"I believe I'm here to surprise you." Gumanti siya ng ngiti.
Napansin niyang medyo magulo ang ayos ni Zoey. Nakataas lang ang buhok nito gamit ang ponytail, maluwag ang tshirt nito at pawisan. Hindi rin ito nagtangkang yumakap o humalik sa kanya.
"Ahm, naglilinis kasi kami. Manang is here to help me," she explained at napangiti siya sa animo'y pagkahiya nitong humarap sa kanya na medyo madungis. "Kad----" nalunok nito ang sasabihin nito when he suddenly grabbed her and kissed her senseless.
Mahigpit niya itong niyakap. He realized na malaki ang naging pagkukulang niya kay Zoey and it's about time para bumawi.
Pinaghiwalay lang sila ng tikhim ni Manang Ocing na yaya ni Zoey mula pa pagkabata. Nasa may pintuan ito ng silid at may buhat na malaking box.
"Tulungan na kita, Manang," he volunteered, si Zoey naman ay nagpaalam para maligo muna. "Saan po ba ito ilalagay?"
"Ilalabas na iyan. Mga lumang gamit na gusto ng itapon ni Zoey. Naghahanda na ang alaga ko na maging asawa mo, hijo."
Tinugon niya ang matanda ng ngiti. Kahit paano ay natuwa siya sa isiping iyon. Zoey would make a good wife, 'wag lang nitong pairalin ang pagiging brat nito at wala silang magiging problema. Lumabas siya at inilagay sa tabi ng basurahan ang kahon. Tatalikod na lang siya nang mahagip ng tingin niya ang isang bagay sa loob ng bahagyang nakabukas na box.
He felt his chest tightened..
Because in the box was the journal in his dream few weeks ago...
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report