OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 16: MRS. KIM
HYENA
"Nakabalik na ba si Kai sa dressing room nila?" I ask my assistant habang nakaupo ako sa isang upuan sa loob ng dressing room. Mula nang bigla syang umalis kanina hindi ko na sya muling nakita pa.
Hindi talaga ko mapakali, saan ba sya nagtungo? And why he looks so pissed? Wala naman sigurong nangyaring masama sa kanya right? Imposible 'yon. He can't do stupid things that can ruin our image. Lalo na kung para sa asawa nya. Hindi ko sya mapapatawad kung ganon.
"Ms. Hyena, magsisimula na po 'yung shooting. Pinapatawag na po kayo ni Direk." Pahayag nung staff na dumungaw sa pinto. Tinanggal ko naman 'yung blanket na nasa lap ko. Tumayo na ko't sumunod sa kanya.
Pagkarating-pagkarating ko sa set, which is yung garden nitong school. Marami na ang mga taong nakapaligid roon upang makiisyoso. Nakaayos na ang mga props and camera. Napangiti ako nang masilayan ang isang lalaking nakatayo sa di
kalayuan.
"He looks fine naman." Bulong ko pa habang papalapit.
Itataas ko na sana ang kanang kamay ko upang kuhain ang atensyon nya, nang may hindi inaasahang eksena kong nasaksihan. My smiles suddenly disappear and my eyebrow goes up. Ang sayang nararamdaman ko ay napalitan ng inis. Who the heck is she?!
Tinawag nito ang pangalan ni Kai. Nilingon naman sya ni jerk at masayang sinalubong. Kitang-kita ko kung paano sila masayang mag-usap. Hinawakan pa nung babae 'yung buhok ni Kai at inayos 'to. Really? This scene sucks!
"Uy, tignan mo nga naman. Akalain mong ngumingiti pala ang Kai na 'yan. Sa tuwing nag-uusap kasi kayo, lagi lang syang nakastraight-face." Komento ng manager ko matapos makita yung dalawa.
I faced him with a disgusting face, "Shut up!"
Nanahimik naman sya at dahan-dahang lumayo sa'kin. Muli kong ibinalik ang atensyon kila Kai. I composed myself and went beside them. Napahinto sila sa paglalandian at napatingin sa'kin. Mukhang nagulat sila nang makita ko. "Hindi mo man lang ba ko ipapakilala sa kasama mo?" saad ko habang nakacrossed-arm.
Mukhang natameme naman sa kagandahan ko 'yung babae. Hindi nya kasi matanggal ang tingin sa'kin. Exactly on what I thought. Pinagmasdan ko naman sya mula ulo hanggang paa. She looks so plain and simple. Nothing interesting.
"Uhh. Sure, this is Hyena," I cut Kai's word. Inilahad ko ang kanang kamay ko at nagpakilala.
"Kai's leading lady, love team and a special friend." I gave her a fake smile. Look bitch! I am way better than you.
Tinanggap naman nya 'yon at ngumiti. "Nice to meet you, Hyena. Ako nga pala si Dasuri Kim," aniya.
"My wife.” Singit ni Kai. Nilingon ko sya with a shocking face.
"What? Your what?"
"I said my wife, asawa ko." then holds the girl's hand.
Halos maubusan naman ako nang hininga sa aking nasaksihan. Pakiramdam ko may bumagsak na malaking bato sa ulo ko. Ibinalik ko ang tingin 'don sa babae. Nakangiti ito sa akin na para bang wala syang ginagawang masama. Seriously? Sya na 'yon?
"Argh. Sumasakit ang ulo ko." saad ko pagkatapos magdeklara ni Direk ng break. Ilang scene na rin ang natapos namin. Pero kahit ganon, until now I can't believe na nakita ko na 'yung asawa ni Jerk.
I am expecting too much. Akala ko pa naman isa 'yung model na pwedeng ipangtapat sa'kin. Someone who is beautiful enough, sexy enough, and gorgeous enough para mainsecure ako. But hell, she is----argh, I can't replace any word to describe that girl.
Basta I'm terribly disappointed sa taste ni Kai.
"Tubig gusto mo?" alok sa'kin ni manager. Nilingon ko sya at sinenyasan na lumapit.
"You can see that girl?" tanong ko.
"Alin? 'Yung laging nakadikit kay Kai?"
"Exactly, maniniwala ka ba na sya ang asawa ng mayabang na 'yon? Gosh. Just thinking of it? It's giving me headache." I even rolled my eyes. "Hmm."
Pinagmasdan naman nya 'yon at pinag-isipan ang sinabi ko, "Base sa nakikita ko, mukha namang okay 'yung babae. Hindi mo sya masasabing sobrang ganda sa unang tingin pero kapag tinitigan muna. Doon lumalabas 'yung pagiging simple at inosente ng mukha nya, hindi nakakasawang titigan. A natural and refreshing beauty. Kaya siguro sya pinakasalan ni Kai, mukha kasing mabait at masarap kasama. Actually, ang kyut nga nilang tignan. Halatang mahal na mahal nila ang isa't- isa."
"Anong sabi mo?! Ha. This is frustrating," nasisira na ata ang tuktok ng mga tao ngayon.
"Layas!" singhal ko sa kanya. Hindi sya nakakatulong. I swear.
DASURI
Ako lang ba o talagang masama ang tingin sa'kin nung leading lady ni hubby? Mula kasi nang ipakilala kami sa isa't-isa, lagi ko na syang nahuhuling nakatingin sa akin. Para ngang iniirapan pa nya ko minsan.
"Hoy sasaeng! Natanggap mo 'yung sinend ko sa'yong video?" biglang sulpot ng isang evil maknae sa tabi ko. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa tabi habang pinapanood ang huling eksena nila Kai at Hyena na kukuhanan ngayong araw. "Oo, kainis ka alam mo 'yon. Talagang wala kang magawang matino sa buhay mo." naiinis kong sagot dito. Ngumisi naman 'to sa harap ko.
"Ganon talaga, hindi ko kasi matanggap na isang ugly duckling at hindi prinsesa ang pinakasalan ni Kai. Akalain mo dalawang beses pa? Tsk. Tsk. May sira na nga talaga ang tuktok ng kaibigan ko." hahampasin ko sana sya sa balikat nang sumangga agad ito sabay tawa. Lakas talagang mang-asar naku!
"Bahala ka sa buhay mo. Kahit anong sabihin mo, hindi na kita papansinin." Banta ko pa dito.
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Ilang minuto rin kaming nanahimik at pinagmasdan lang ang acting nila Kai. Habang nakatitig ako sa dalawa, hindi ko mapigilang isipin. Sa mga drama kagaya nito, hindi kaya nagkaka-inlove-an din ang mga cast kagaya nang nangyayari sa pino-foreplay nilang mga tauhan? Kagaya na lang ni Goo Hye-sun at Ahn Jae hyun, nagkasama sila noon sa isang palabas hanggang sa maghulog sila sa isa't-isa at magpakasal.
Naalala ko tuloy 'yung naging discussion namin about sa love sa isa sa mga naging klase ko sa America,
"For how many years of teaching, there are lots of questions my students always asked me regarding falling in love. But my favorite one is, 'Can we really teach ourselves to fall in love with someone? Or not?""
"Well, according to researched, many people tend to fall in love with their co-workers, co-teachers and even co-students. Because from those cases you are given a chance to actually get to know and even bond with a person before declaring your interest. Working side by side with someone daily, seeing him or under pressure commiserating over problems and congratulating over wins is actually the best way to being attach. Which is according to Helen Fisher of Rutgers University, Love has 3 stages lust, attraction and attachment."
"That's also the reasons why actors and actresses of a one drama, falling in love with each other before they may end the shooting. According to Geoffrey Widdison, an engineer and scientist, I quoted; "If actors are doing strongly emotional scenes together, especially romantic scenes, it amplifies matters. It's well established that faking an emotion over a period of time makes you more likely to feel that emotion. If you have to pretend to be in love with someone for months at a time, there's a good chance you'll actually start developing feelings for them."
Totoo pala, ang love napag-aaralan o di kaya'y nakokondisyon. Basta lagi mo lang makasama ang tao, magagawa mo nang ma-attach dito.
Eh' Si Kai at Hyena kaya? Na-a-attach na rin kaya sila sa isa't-isa?
"Selos ka?" Napalingon ako sa nagsalita. Nakatingin ito sa'kin at halatang seryoso sa kanyang tinatanong.
"Kung nagseselos ka, h'wag mo na lang silang panoorin. Nasasaktan ka na nga, hinahayaan mo parin. Ano ka ba masochist?" binawi na nya ang tingin sa'kin at inilabas ang kanyang cellphone para maglaro dito.
"Sino naman nagsabi sa'yong nagseselos ako? Nage-enjoy nga kong panoorin sila. Ang galing kasi nilang umacting." Depensa ko agad.
"Sinungaling. Kitang-kita kaya sa mukha mo. Kulang na lang tumayo ka dyan sa kinauupuan mo at hatakin ang asawa mo palayo. Um, wait. Gawin mo na kaya? Para naman may magandang mabalita ang mga press. Siguradong lalong pag- uusapan ang drama namin. Haha." Talagang humarap pa 'to sa'kin para tumawa.
Naulinigan ko naman ang pagsigaw nung direktor. "Okay cut! Good job everyone. Tapos na ta'yo."
Ilang minuto lang ang nakalipas, sumulpot sa harap namin si Kai na katatapos lang sa pag-acting. "Mukhang mas nagiging close na kayo ni Sehun. Dapat na ba kong magselos?"
Tumayo ako't kumapit sa braso nya, "Kahit makulong kami pareho sa isang kwarto. Imposible 'yung sinasabi mo. Baka isa na lang ang matirang buhay pagkatapos 'non. Diba evil maknae?" Tumayo naman ito at ipinasok ang dalawang kamay sa kanyang bulsa. Poker face itong umalis sa harap namin matapos sabihin ang mga katagang, "Sabi mo e. May magagawa pa ba ko?" "Problema 'non?" tanong ko pa kay Kai pagkaalis nya.
Daig pa nya ang babaeng dinadatnan sa pagkakaroon ng moodswing. Nagkibit-balikat lang sa harap ko si Kai atsaka ngumiti.
Ang hirap talagang intindihin ng mga lalaki. Tsk!
"Hoy Kai! Magse-celebrate ang buong staff at cast dahil sa mataas na rating ng pilot episode. Siguro naman hindi mo na kami tatanggihan? Isama mo na rin 'yung asawa mo para wala ka nang i-dahilan pa." pahayag nung Direktor. Sabay pa kaming napalingon sa kanya ni Kai. Maya-maya ay narinig ko itong magsalita.
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"What do you think wifey? Sasama ba tayo?" napatingin tuloy ako sa kanya. Sa akin na rin pala nakatuon ang atensyon nito.
"Oo naman, isa ka 'don sa mga bida. Ang panget naman atang hindi ka sumama diba?" ngumiti si Kai at pinisila ang pisngi ko, "Thanks!"
"Sige ho, Direk. Sasama kami."
"Me too. I'll come." Singit naman ni Hyena.
"Yun oh! Makukumpleto din tayo sa wakas!" tuwang-tuwang pahayag nung Direktor. Hinawakan na ni Kai 'yung kamay ko at hinila papunta sa van nila. Nadaanan pa namin si Hyena na masama na naman ang titig sa'kin. "Ano ba talagang problema nya? May ginawa ba kong masama?" bulong ko. Mukhang naulinigan 'yon ni Kai kaya tinanong nya ko. "What? May sinasabi ka?"
Umiling-iling naman agad ako, "Wala, sabi ko. Ang galing mo kanina. The best!" nginitian nya lang ako sabay bukas sa pinto ng van.
"Sakay na wifey," utos nito.
Pumasok naman ako sa loob at umupo sa back seat. Nandoon na rin si Sehun na may nakapasak na earphone sa tenga at eye mask. Nakasandal pa 'to sa upuan at mukhang nagpapahinga. Hindi ko naman ininda 'yon at umupo sa tabi nya. Maya-maya nama'y nagpaukan na rin sa loob ang asawa ko at si Jamie unnie. Umupo sa tabi ko si Kai, sa tabi naman ng driver si unnie.
"Ohh.. Dasuri, mabuti naman at sumama ka. Pasensya na nga pala kung hindi man lang kita nakausap kanina. Ang dami ko kasing ginawa." Pahayag ni Unnie pagkakita sa'kin. Pinaandar na ni Manong driver yung makina ng van atsaka umalis sa kinaroroonan namin.
"Okay lang po 'yon. Hindi naman ako nainip. Nag-enjoy nga po ko sa panonood. Hehe." Sagot ko naman.
"Good. Anyway Kai, heto na pala 'yung mga scripts para sa susunod na shooting." Inabot naman 'yon ni hubby at saka binuklat ang loob.
"Kailangan mong paghandaan 'to nang mabuti. Dyan na kasi kukuhaan 'yung first kis----" Mukhang natigilan si unnie sa sasabihin nya.
Nakakatitig lang 'to sa katabi ko na para silang nagsesenyasan. Nilingon ko nga si Kai, bigla naman nitong ibinalik sa mga hawak nyang scripts ang atensyon nya. Okay..... anong meron?
"Ahh, basta paghandaan mo na lang 'yan. Mahirap na baka kasi makailang take pa kayo. Ha-ha." naiilang na tawa ni Unnie.
"Okay," tipid namang sagot ni Kai.
Hindi na ko nagusisa pa, mukha naman kasing ayaw talaga nilang ipaalam sa'kin 'yung pinag-uusapan nila.
Hmm.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report