OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 22: PAASA

DASURI PAASA!

One-word pero marami nang nasaktan. Lahat na lang ba ng tao sa mundo paasahin ka? Bibigyan ka ng dahilan para maniwala tapos kapag naniwala kana, saka naman nila isasampal sa'yo ang katotohanang NAG-ASSUME KA LANG. WAG KA KASING ILUSYONADA!

Aish! Kakaloka! Ang nakakainis pa 'don, kasama ang asawa ko sa mga taong may genes ng walangyang 'PAASA' na 'yan. Akala ko pa naman matutupad na ang inaasam-asam ko. Akala ko pa naman gagawa na kami ng bagong nilalang sa mundo pero hindi! Hindi nangyari 'yon. Huhu.

Pagkatapos kong maligo, na sobrang nagmadali akong magbanlaw. Bumungad sa'kin ang asawa kong mahimbing na natutulog. Sinubukan ko syang gisingin kasi nageffort talaga ko. Sampung beses akong nagtoothbrush para sa kanya. Nagpabago rin ako pero TAKTE! Tinulugan lang ako ng mokong!

Tssss! Sayang 'yung red lips and sexy outfit ko.

Tapos kinabukasan, nung makita nya ang itsura ko. Bigla ba naman akong TINAWANAN! Mabuti daw at nakatulog sya agad baka daw kasi binangungot sya kung nakita nya ko bago matulog. Langya talaga 'yon. Huhu. "Did you eat breakfast? You look like a zombie."

"Aist, pati ba naman ikaw? Wala talaga kayong magawa kundi ang laitin ako. Kakainis." Reklamo ko sa lalaking nakatayo sa harap ko. Sa wakas dumating na rin sya. Kanina pa kaya ko naga-aantay dito sa room namin. "How long have you been here?" tanong pa nito.

"Tinatanong mo ko kung gaano na ko katagal dito? Psh. Muntik nang ako ang magbukas ng school dahil sa sobrang aga ko rito. Kaya lang dito pala natutulog 'yung guard kaya naunahan nya pa rin ako." Sarkastiko ko namang sagot. Nginisihan nya lang ako bago magsimula sa paglalakad.

"Let's go, we need to practice again. We only have 3 hours to do that." Pahayag nya habang hindi ako nililingon.

Pumunta sya sa kanyang upuan at ibinaba ang kanyang gamit. Tumayo naman ako't pumunta sa unahan. Doon lang kasi may space kung saan pwede kaming magpractice.

"Bakit ka nga pala biglang umuwi kahapon? Mukha namang wala kang biglaang lakad?" nagtataka kasi talaga ko sa biglaan nyang pagalis. Imposible namang nabadtrip sya kay hubby dahil kabaligtaran 'non ang nangyayari. "You don't have to know it." Sagot nya habang naglalakad na papalapit sa'kin.

"Bakit naman? E' sa gusto kong malaman. Sabihin mo na kasi," pamimilit ko pa rito. Hindi nya ko pinansin at inayos 'yung gagamitin naming sound system.

"Huy, magsalita ka naman. Kinakausap kaya kita. Bakit ka nga umuwi bigla? May nangyari ba sa bahay nyo? Tinext ka ng mama mo? Pero hindi ko naman nakitang hinawakan mo 'yung cellphone mo a'?"

"I don't live with my mom, she's on America right now." Pumunta ko sa gilid nya at inusisa rin ang kanyang ginagawa. Inaayos na lang nya 'yung sounds nung laptop ko tapos makakapagstart na kami sa practice.

"Edi 'yung papa mo na lang,” dagdag ko pa. Bigla naman syang napahinto sa kanyang ginagawa. Mukhang meron syang inalalang bagay. Napatitig tuloy ako sa kanya.

"I don't have a dad. He is dead already."

Aww. Nakaramdam ako nang lungkot para sa kanya. Kita ko kasi sa mga mata nito ang sakit. Mukhang matagal na nyang dinadala sa kanyang dibdib ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama. Ang hirap siguro 'non. Kahit naman kasi hindi ko madalas makasama ang parents ko, mas gugustuhin ko na 'yung ganon kaysa ang hindi na talaga sila makita pa kahit kailan. Gaya na lang nang sa kalagayan ni L. joe, kahit gustuhin nya man. Hindi na pwede. Hahawakan ko pa lang sana ang balikat nya para pagaangin ang pakiramdam nito nang bigla nya kong lingunin.

"I won't tell you my reason, unless you are my girlfriend."

"Huh?" 'yon lang ang tanging katagang nasabi ko dahil sa gulat. Bahagya naman syang tumawa.

"If you don't have plans to be my girl, then stop asking questions. You are giving me false hope." Sabay alis nito sa harap ko. Napasimangot ako dahil sa naging sagot nya. Ano namang masama sa ginagawa ko? Gusto ko lang naman syang makilala nang husto.

Umayos na rin ako nang tayo at sumunod sa kanya. Ipinatong ko ang aking kamay sa palad nya. Tinawanan nya muna ko bago kami magsimula sa pagpa-praktis. Baliw.

ΚΑΙ

"After ng guesting, di-diretsyo na tayo sa school nila Dasuri para muling magshooting. Kamusta na nga pala kayo ng asawa mo? Bigla kayong nawala sa restaurant. Hindi ka man lang nagtext." Sunod-sunod na tanong ni noona habang inaayusan ako sa dressing room. Ako, si Sehun, si noona at 'yung make-up artist ko lang ang naririto.

Pinahinto ko muna 'yung nagaayos sa'kin bago sya hinarap, "We're okay now. Hindi naman ako nahirapang ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon ko. Nga pala, hinanap rin ba kami ni Direk? Nagtanong ba sya kung bakit kami bigla kaming nawala?"

"Hindi, pero may isa pang tao ang nagkahalata agad sa pagalis nyo. Mukhang binabantayan nya talaga ang bawat kilos mo. Sa tingin ko nga, papasa syang stalker mo." she gave me a meaningful smile. Maski si Sehun ay napatingin sa amin nang marinig ang kanyang sinabi. Mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy nya.

I heaved a sigh, "Wala kong oras para sa babaeng 'yon."

"Pero marami syang oras para sa'yo." Singit ni Sehun sa usapan. Hindi ko mapigilang mapailing. Pati ba naman sya?

"Lalabas muna ko. Tatawagin ko na lang kayo kung magi-start na yung show." Tumayo si noona at lumabas ng kwarto. Isinama pa nya 'yung make-up artist bago lumabas.

"Kinuha nya kay noona ang number mo. Hindi sya sumasama sa mga staff party kung hindi ka rin kasama. At ang huli, pinuntahan ka nya sa practice room natin kahit wala naman syang sapat na dahilan."

"Hindi si Hyena ang klase ng babaeng magsasayang ng oras sa isang taong walang halaga sa kanya. Alam mo naman siguro ang pinupunto ko, hyung?" I look at Sehun's eyes at nakita ko doon ang pagaalala. Kahit hindi ako magsalita alam kong alam na nya ang sagot sa kanyang katanungan.

"Mabuting hangga't maaga, linawin mo na sa kanya kung saan lang ba ang lugar nya sa buhay mo. Hindi pwedeng dalhin nya sa realidad ang posisyong nakuha lang naman nya sa isang drama. Lalo na kung meron nang nagmamay-ari ng posisyong iyon."

Tumayo ako't lumapit sa pinto ng kwarto. Hinawakan ko ang door knob at bahagya itong pinihit. Nilingon ko syang muli bago tuluyang lumabas,

"I know and I already did."

Napangiti naman sya dahil 'don. Masigla syang tumayo at sumunod sa'kin. Inakbayan pa nya ko pagkalabas nya nang kwarto, "Mabuti naman at umaksyon kana agad. Mukhang mahihirapan ka kasi sa babaeng 'yon. Itsura pa lang halatang matigas na ang ulo." Tawang-tawang komento nito.

"Wala ka kasing bilib sa akin, wala kong planong lokohin ang asawa ko. Dahil sigurado ko na maraming lalaki ang naghihintay sa pagkakataong 'yon." Pasimple ko syang sinulyapan habang nagsasalita. Nasamid naman ang mokong sabay iwas ng tingin sa'kin.

"Ehemp! Ehem! ang yabang nito. Para namang maraming nagkakagusto dyan sa asawa mo. Sasaeng na nga pangit pa. Mga sira lang tuktok maaakit 'don 'no." reklamo nito kunwari. Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot. Makapanlait ang lokong 'to. Isa rin naman sya mga sira ang tutok na lalaking 'yon.

Patuloy lang sa pagsasalita si Sehun tungkol sa kung gaano katanga at kawalang taste ang lalaking maakit sa asawa ko. Hindi ba sya nasasaktan sa mga pinagsasabi nya sa sarili nya? Parang bata.

Nahinto lang ito nang may makasalubong kaming isang babae. Diretsyo ang tingin nito habang naglalakad. Gaya nang dati nakabunto't na naman ang mga tauhan nya sa kanya pero ang kakaiba, naglalakad ito na para bang hindi kami nakikita. Sinubukan syang kalabitin ng alalay nya para ituro kami pero isinawalang-bahala nya lang iyon at nagtuloy sa paglalakad. Napahinto kami ni Sehun at napatitig sa kanila hanggang sa makalayo ang mga ito samin.

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Naulinigan ko pa ang pagsasalita ng kasama ko, "Mukhang brutal ang paraan ng pagkakabusted mo sa babaeng iyon, hyung. Nakakatakot."

Hindi ko sya pinansin at nanatili sa pagtitig kila Hyena. Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko, dahil iyon ang tama at ang gusto kong gawin. Siguro ang pwede ko lang pagsisisihan sa ngayon, mali ang paraang ginamit ko. "Tara na," aya ko kay Sehun.

THIRD PERSON

"Alright everyone! Magandang umaga sa inyong lahat. Maganda ba ang gising nyo? Pwes lalong gaganda ang araw nyo dahil sa mga bisita natin ngayong araw. Sila lang naman ang cast ng bago at kinaadikang drama tuwing gabi. Ang mga karakter at kinakikiligang couple sa drama-rama sa gabi na, ang Moon Shadow!!!! Palakpakan naman dyan."

Isang nakakabinging palakpakan at hiyawan ang namutawi sa studio ng programang kinaroroonan nila Kai. Masaya silang binati at pinakilala ng dalawang host nito. Hindi naman magkamayaw ang mga tagpanood sa sobrang tuwa. "Kahit kauumpisa pa lamang ng dramang Moon Shadow, nakuha na agad nito ang atensyon ng madla. Laging nagte-trending sa twitter. Maski sa ibang social networking site ay ito ang pinagkakaguluhan. Grabe! Hindi na nga ito papaawat pa," pahayag ng unang host na babae.

"Hindi lang 'yan. Ilang fans na ang nagbuo nang grupo para suportahan ang iba't-ibang love team ng palabas. Syempre lalong-lalo na ang main characters nitong ginagampanan ni Kai at Hyena, Congrats sa inyo." Segunda naman nang pangalawang host na lalaki. Yumuko ang dalawa at nagpasalamat. Kasalukuyan na kasing nakaupo ang mga ito sa kani-kanilang designated seats.

"Aigoo! Talaga pa lang bagay ang dalawang ito 'no?" patungkol nang host kay Kai at Hyena. Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid.

Ngumiti si Hyena at bahagyang ipinatong ang ulo sa balikat ni Kai. "Talaga po? Hindi naman po ata. Haha." saad pa nito. Nagtawan naman ang mga kasama nila pati na ang ang dalawang host. Naghiyawan na naman sa kilig ang mga audience. Wala nang nagawa si Kai kundi ang maki-ride sa nangyayari.

"Bago tayo ubusin nang langgam dito. Magpakilala muna kayo," may halong birong pahayag ng babaeng host. Muli na namang nagtawan ang mga tao. "Annyeong hasaeyo! Ako po si Sehun, ginagampanan ko po ang second leading man sa drama. Bestfriend ko po dito si Hyena."

"Hello po! Ako naman si Minah, ginagampanan ko po rito yung pagiging kababata ni Kai."

"Hi everyone, I am Hyena at ako po yung bidang babae sa drama kung saan, ako po yung parang naging stalker ni Kai dito." Simple nitong pagpapakilala.

"Ako naman si Kai, yung main character na lalaki. Bale ang character ko po dito ay anak ng mayaman t kilalang politiko. Ayaw kong sundan 'yung yapak ng father ko. Nagsimula kong magrebelde nung nasa high school pa lang ako." "Ano ba 'yung concept na binubuo ng dramang Moon Shadow?" singit na tanong nung lalaking host na si Kai ang sumagot.

"Ang drama po kasing Moon Shadow ay inspired sa sinabi ni Mark twain na, 'Everyone is a moon, and has a dark side which he never shows to anybody. Kung saan po ipinapakita sa drama yung iba't-ibang dark side na meron ang mga characters. Yung character po kasi dito ni Hyena, ang una nyang nakita is yung dark side nung ginagampanan kong character and fall for it. Kaya lang po dahil nga medyo bad boy ako rito lagi ko syang itinututulak palayo." Mahabang paliwanag ni Kai.

"Teka, medyo naguluhan ako kung bad side yung nakita ni Hyena kay Kai bakit nainlove parin sya dito?" tanong nung host na babae. Si Hyena naman ang sumagot sa katanungang iyon.

"I will answer that question, ahmm. Because I saw Kai's dark side mas naintindihan ko po 'yung pinanggalingan nya. Yun din po yung rason kung bakit gusto kong mas mapalapit sa kanya. Dahil ginusto ko po syang alagaan. Kaya lang Kai hated it, kaya tinutulak nya ko palayo. It's more like, defense mechanism, ayaw nya kasing mahulog sa'kin that's why ini-ignore nya ko." sinulyapan pa ni Hyena si Kai habang sinasabi ang huling linyang sinabi nya. Napatitig naman dito sandali si Kai.

"Wow. Ano naman ang koneksyon ninyong dalawa sa kanila?" Si Sehun ang unang nagsalita.

"Dahil best friend ako ni Hyena dito, ako yung pumipigil sa ginagawa nyang pangungulit kay Kai. Gusto ko kasing ipakita sa kanya na mali ang ginagawa nya. Sinasaktan lang nya 'yung sarili nya. Para kasi sa character ko, hindi naman talaga sya mahal ni Kai. Hindi lang 'yon maamin ni Hyena sa kanyang sarili." Sa pagkakataong ito. Si Hyena naman ang tinamaan sa sinabi ni Sehun. Hindi nya lang ito pinahalata sa lahat at nagawa pang ngumiti.

"Sobrang gulo pala nang relasyon ng mga bida sa dramang ito. Marami pa po tayong malalaman tungkol sa kanila sa pagbabalik natin after a 15 minutes break." Pahayag nang host pagkatapos sumagot ni Sehun. Nagpalakpakan naman ang mga tao at isinisigaw ang mga pangalan nila.

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Samantala,

Sa eskwelahan nila Dasuri. Lubos ang kaba nito habang nakatayo sya sa pinto ng music club room. Sila na kasi ang susunod na tatawagin para sa audition. Hindi ito mapakali at pababalik-balik ng lakad. Kabaligtaran naman nya ang kanyang kapartner na si L. joe. Kampante lang itong nakasandal sa pader habang pinagmamasdan sya.

"Hindi ka ba kinakabahan?" nanginginig na tanong ni Dasuri. Umiling naman si L.joe.

"No,"

"Pero bakit? Nakakatakot kaya 'yung mga judges natin. Sabi nga nung iba masusungit daw lahat 'yon. At saka isa pa, kasali dyan si Gain, alam mo bang frenemy ko 'yon dito sa school? Siguradong sinisiraan na nya ko sa mga kasama nya. Naku! Kinakabahan talaga ko," aligaga nitong pahayag.

Wala namang nagbago sa reaksyon ng mukha ni L. joe. Wala parin itong kaemo-emosyon, "Don't give them a fvck!" saad nito.

Namilog naman ang mga mata ni Dasuri nang marinig 'yon. Dali-dali nyang nilapitan ang kasama. "Ano kaba! H'wag kang magmumura baka may makarinig sa'yo, madisqualified pa tayo." kinakabahan nitong pahayag. Inismidan lang sya nang kaharap at saka pumasok sa loob ng kwarto. Napasinghap naman si Dasuri. "Hala! Kami na. Goodluck samin. Kayo na po bahala Lord. Thank you!" sabay pasok na rin nito sa loob.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang nya rito. Bumungad agad kay Dasuri ang nakasimangot na mukha nang president at vice president ng club. Lalo namang dumoble ang kaba nyang nang masilayan ang nakangising si Gain sa tabi ng mga

ito. Shete! Nandito nga talaga ang bruha, isip-isip pa nya.

Mababasa mo sa mukha ni Gain ang mga katagang, 'Goodluck sa'yo Dasuri. Hahahaha.' Parang naistatwa ang ating bida. Hindi sya makakilos at parang nauubusan nang hangin sa katawan. Mas intense pa ito kaysa sa pagsasama ng asawa nya at ni L. joe sa bahay nila kahapon.

"Lee Byung Young and Dasuri Kim, sandali, ikaw yung asawa ni Kai. Tama ba?" pahayag ng presidente ng club. Isa itong babae na may suot-suot na salamin. Hindi rin naman nakakalayo sa edad nila pero mababanaag mo sa mukha nya ang pagiging istrikto.

"Ako nga po 'yon," kinakabahan at nahihiyang tugon ni Dasuri. Tumalim ang tinging ipinupukol sa kanya nung babae.

"Kung iniisip mong bibigyan ka namin ng special treatment just because asawa ka ni Kai, you are definitely wrong. Wala kaming pakialam sa background ng mga member namin dahil ang pinaka importante for us ay ang mga bagay na kaya nilang gawin at ibigay para sa club, which is ang talent, effort and time." Iniangat pa nito ang kanyang mukha at tinitigan si Dasuri.

"Wag po kayong magalala, hindi naman po ako humihingi ng special treatment. Labas po ang asawa ko sa pagsali ko rito. Nandito ko sa harap nyo bilang estudyante ng SNU at hindi bilang asawa ni Kai," napairap si Gain dahil sa sinabi ng ating bida. Mukhang napaniwala naman nya ang kaharap dahil sa pagbabago sa reaksyon ng mukha nito. "Magsimula na kayo," pahayag ng presidente.

Nawala ang kabang nararamdaman nya mula kanina. Napalitan ito nang determinasyong manalo. Manalo hindi sa isang kumpetisyon, kundi sa pagpapatunay sa mga taong nasa harapan nya na hindi lang sya basta asawa ng isang sikat na idol. Kundi isa rin syang estudyante na may kakayahang pumasa sa mga kakayahang hinahanap nila.

Matapos ang kanilang performance. Tumayo ang dalawa para hinatayin ang resulta ng kanila ginawang pagsayaw. Nag-usap naman ang mga judges at tinally ang kanilang mga boto. Hindi nagtagal hinawakan ng presidente ang mic at nagsalita.

"Okay, Mr. Lee and Mrs. Kim," panimula nito.

"Based on your performance, we saw that you have the talent and coordination that we are looking for an applicant. Congratulations, both of you are now parts of our club. You can enjoy the privileges and responsibilities of our team starting from now." Hindi ako mapagsidlan ng tuwa si Dasuri dahil sa kanyang narinig. Halos hindi sya makapaniwala sa mga nangyayari. Tanging pagbow at pasasalamat lang ang kanyang nagawa. "Salamat po! Salamat!"

Lumabas ito ng kwarto na nakapaskil sa mukha nya ang sobrang saya. Hindi nya alam kung paano itatago ang sayang nadarama. Sobra ang paghihirap na dinanas nila bago makuha ang tagumpay na 'to. Kaya hindi nya masisisi ang sarili na magdiwang ngayon ng sobra.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report