OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 25: I’M HURTING TOO

ΚΑΙ

Ilang beses ko nang tinawagan ang cellphone ni Dasuri. Sangkatutak na text messages na rin ang ipinadala ko rito pero kahit isang reply ay wala kong natanggap. Hindi na ko mapakali, sobra ang pagaalalang nararamdam ko lalo na't alam kong si L. joe ang kasama nya.

Bakit bigla syang nagalit? Bakit hindi nya muna sinubukang makinig sa paliwanag ko? Hindi naman kasi nya naiintindihan. Pinili kong halikan si Hyena hindi para saktan sya.

Ginawa ko 'yon dahil 'yon ang tama. Hindi ko pwedeng ihalo ang personal kong buhay sa trabaho. I need to be professional for my co-artist and staffs. Hindi naman pwedeng idamay namin ang iba sa pansarili naming problema. Why she can't understand that? Hindi kasi pwedeng sya at sya na lang lagi ang iintindihin ko. Hindi lang sa amin umiikot ang mundo. We need to consider the people around us. Sana nakinig muna sya sa'kin kanina baka sakaling mas naintindihan nya ang pinanggagalingan ko.

Nakarinig ako nang ingay sa labas, mula sa makina ng motorsiklo. Mukhang huminto ito sa tapat mismo ng bahay namin. Sinilip ko iyon mula sa bintana ng kwarto namin.

Nakita ko naman si Dasuri na kabababa pa lang mula sa motorsiklo ng kaklase nyang si L. joe. Bigla kong naitikom ang kamao ko. Anong oras na bakit ngayon lang sya umuwi?!

Dali-dali akong lumabas ng kwarto and went downstairs. Balak kong salubungin sya pagpasok ng bahay. Hindi naman ako nabigo dahil pagkarating ko sa sala, kapapasok lang din ni Dasuri mula sa labas. Huminto ko sa tapat nya.

I didn't say anything, I was just looking at her face. Bakas dito ang lungkot at pagkainis dahil sa nangyari kanina.

She glimpsed at me then walks away. Hinigit ko ang braso nya dahilan para mahinto 'to sa harapan ko. "Let's talk." Pakiusap ko.

Hindi man lang nya ko nilingon. Hinawakan nya lang ang kamay ko para tanggalin ito sa pagkakahawak sa kanyang braso. Nakaramdam ako ng pagkirot sa aking dibdib nang hindi nya ko pansinin at maglakad na paakyat sa kwarto. Is this her way of getting revenge?

I breathe heavily to relax myself. Hindi pwedeng magsabay ang inis namin sa isa't-isa, mas lalo lang lalala ang problema. Sinundan ko sya sa taas para subukang amuhin.

"Dyan ka matutulog? Sa kabila 'yung kwarto natin." Pahayag ko matapos kong mapansin ang pagdiretsyo nya sa dati nyang kwarto. Hindi naman nya ko pinansin at ipinagpatuloy ang pagbukas nito.

Hindi na ko nakatiis. Sabay kong hinawakan 'yung braso nya at ang doorknob. Nilock ko 'yung pinto matapos ko syang iharap sa'kin. Isinandal ko ang likod nya sa pinto and look straight to her eyes.

"Ayokong matulog tayo na may galit sa isa't-isa. Kung ano man 'yung ikinagagalit mo sa'kin, tell me. Makikinig ako. Mag-usap tayo, please..." I want her to feel how desperate I am. Kung gaano ko kagustong magkaayos kami ngayon. Hindi ko kayang nakikita syang ganyan. Nasasaktan rin ako.

Suminghap ito sa harap ko habang itinutuon sa iba ang kanyang atensyon. Pansin ko ang pagpigil nito sa mga luha nyang nagbabadyang bumagsak.

"Gusto mo talagang malaman 'yung ikinagagalit ko? Gusto mo ipamukha ko sa'yo 'yung kagaguhang ginawa mo sa'kin?! Pinagmukha mo lang naman akong tanga Kai, lagi na lang."

"Akala ko pa naman ako 'yung pipiliin mo. Akala ko iintindihin mo ko kaso hindi e. Iniwan mo ko dung nakatayo mag-isa. Tapos nung nilapitan kita at nagmakaawa? Nagsorry ka nga, hinalikan mo naman sya sa harap ko. Ang sakit-sakit kaya. Awang-awa ko sa sarili ko. Pakiramdam ko napakawalang-kwenta ko, na ang tanga-tanga ko. Alam mo naman na gusto ka nya diba? Kaya bakit Kai? Bakit?" kitang-kita ko kung paano unti-unting bumagsak ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan. Kitang-kita ko kung paano umiyak sa harap ko ang babaeng mahal na mahal ko and it's killing me.

I tried to hug her but she keeps pushing me away. Hinampas-hampas nya ang dibdib ko habang humahagulgol.

"I'm sorry Dasuri. Hindi ko sinadyang saktan ka. I just did what I think is right. I need to act professional when it comes to work. Hindi pwedeng idamay ko ang ibang tao sa problema natin. Leading lady ko lang si Hyena, I kiss her because it was written on the scripts. But I don't have any feelings about her, I don't even like her." sinubukan kong ipaliwanag 'yung side ko. Sinubukan kong maintindihan nya 'yung pinanggagalingan ko. Wala naman kasi akong pakialam kay Hyena. Sya lang 'yung mahal ko. Mahirap bang intindihin 'yon?!

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Pero gusto ka nya Kai, gustong-gusto ka nya." She shouted at me.

Marahas ko namang inilapat ang aking mga kamay sa magkabilang gilid nya. Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Mukhang natameme naman sya dahil sa ginawa ko.

"L. joe likes you too." Sobrang lamig kong pahayag.

"Dasuri, I'll make you like me too. That was the exact words na sinabi nya sa'yo sa rooftop ng school nyo. Akala mo ba ikaw lang 'yung nasasaktan? Ako rin Dasuri,"

Nakatitig lang ako sa mukha nya habang dahan-dahang tinatanggal ang mga braso ko sa gilid nya. Mukha namang natauhan na sya sa mga sinabi ko.

"Nasaktan din naman ako nung sumama ka sa kanya. Iniwan mo ko kahit tinatawag kita. Pero hindi ako nagalit sa'yo, alam mo kung bakit? Kasi, I want to understand you. I want to listen to your reasons," my voice is already broken. "Pwede ba sa susunod makinig ka muna bago magalit? Mahal kita pero nakakasawa na."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report