OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 46: MR. SUNGIT
DASURI
"Ang taray, kailan ka pa nakabili ng kotse? Dati pamotor-motor ka lang. Ngayon sosyalin kana. Mukhang mayaman ka nga talaga gaya ng sabi ni Chunji." Saad ko habang nakasakay sa kotse ni L. joe. Oo, Maniwala man kayo o hindi. May kotse nga ang mokong na 'to. Kahit ako nagulat e. Mukhang mamahalin pa.
"I bought it yesterday because--------" I cut his words.
"Oops! Di ba sinabi ko na sa'yong bawal kang mag-english kapag ako ang kausap mo?" sita ko rito. May deal kami tapos ayaw sumunod. Geez.
Kumunot naman ang noo, "Are you fucking serious about it?"
"Hey! Hey! Don't cuss. Maririnig 'yan ng baby ko. Mamaya paglabas nya, bad words agad ang una nyang sabihin dahil sa'yo." Nakapout kong saad. Natawa naman si L. joe dahil sa itsura ko. "Argh, fine. Sige na. Magha-hangul na ko para sa'yo." Napansin ko ang bahagya nyang paggiwi.
"Geez. I think I sound funny talking in Korean."
Hindi ko na napigilan ang pagtawa, "Actually, medyo lang pero kyut naman e. Hahaha." Mas sanay kasi sya mag-english kaya kapag naghahangul na medyo kakaiba 'yung accent pero cute naman pakinggan. Hehe. "Pabo." Bulong nya habang nakangiti. Hindi ko naman pinansin 'yon. Alam ko namang expression nya lang 'yon. Hehe.
Pagkarating namin sa ospital na pinag-confined-nan ko nung mga nakaraang araw. Pinarada agad ni L. joe 'yung kotse nya at inalaayan akong lumabas. Medyo naninibago pa ko sa mga kilos nya pero iniisip ko na lang na ganon talaga sya magpakita ng affection sa isang tao na may pagka-sweet din ang supladong 'to. Hihi.
"Eto 'yung ospital na pinagdalhan sa'yo, right?" tanong nito pagkarating naming sa bukana ng ospital. Tumango-tango naman ako.
"Yup, yung doctor kong isa yung nagrecommend sa akin sa ob ko. Pumayag na rin ako tutal sila naman talaga nakakaalam ng kalagayan ko. At saka isa pa, may gusto rin kasi akong dalawin rito." "Who?"
"Si Manong sungit, pasyente rin sya ng ospital na 'to. Nagkakilala kami matapos nyang maligaw sa kwarto ko. Babalik na daw dapat sya sa kwarto nya kaso nagkamali sya nang pasok at napunta sa kwarto ko."
"Actually, mukha lang syang masungit kaya ko sya tinawag na ganon. Hindi kasi sya marunong ngumiti kagaya mo. Medyo hawig nga kayo e. Tapos kaawra mo pa kaya ikaw agad ang naalala ko nang makita sya e. Hahahaha." "Tara, magtanong tayo 'don sa receptionist," aya ko kay L. joe pagkarating namin sa loob.
Pagkalapit namin roon napansin ko agad ang pagkislap ng mga mata ng dalawang receptionist ng ospital nang makita ang kasama ko.
Napaarko tuloy bigla ang kilay ko. Sa ilang araw kong namalagi rito, parang ngayon ko lang sila nakitang magiliw na nakiharap sa mga tao. Dati, sinubukan ko lang magtanong kung saan ba pwedeng maglakad-lakad rito. Sinungitan agad ako. Tss. Talaga naman.
"Ahm, Excuse me? Anong floor ba pwedeng makita ang Ob-GNYS rito?" tanong ni L. joe sa dalawa. Halos mag-unahan naman 'yung dalawang babae sa pagsagot.
"Shocks! Ang gwapo bes!"
"Tabi, ako ang kakausap. Ang kyut pa ng accent. Hihi."
"Ahm, Sir, may schedule na po ba kayo sa kanya?" nagnininingning ang mata niyang pahayag nung may red lipstick. Nakataas pa rin ang kilay ko habang pinagmamasdan sila. Tsk.
"Ah, yeah, nakakuha na kami ng------" sa pangalawang pagkakataon, pinutol ko ulit ang sasabihin ni L. joe. Tinakpan ko pa ang bibig nya para mahinto ito. Napatingin naman silang tatlo sa'kin.
Dahan-dahan 'yong tinaggal ni L. joe, "Bakit? May problema ba?" nag-aalala nitong pahayag. Umiling-iling naman ako.
"Bakit mo ko pinigilan magsalita?"
Ang kaninang pag-aalala ay napalitan ng pagtataka. Napakagat naman ako sa pang ibaba kong labi. Dapat ko bang sabihin sa kanya 'yung dahilan? Iniangat ko aking tingin at napansin ko ang pagtitig ni L. joe, halata rito na gusto nya talagang malaman ang iniisip ko. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang magsalita.
"Wag kang magkorean sa harap nila." Medyo nahihiya ko pang pahayag.
"Ha? Pero diba sabi mo......"
"Gusto ko sa akin lang. Ako lang ang kakausapin mo ng Korean. Ayokong pati 'yung iba. Kasi....."
"Kasi?"
"Kasi...... n-nagseselos..... argh. never mind." Sabay iwas ng tingin dito dahil pakiramdam ko bigla kong matutunaw sa ginagawang pagtitig sa akin ni L. joe. Di naman nagtagal ay narinig ko syang magsalita. "Pffft. I see. Okay, I understand now." Naramdaman ko ang pagharap nyang muli sa mga babae.
"I'm sorry if my babe is acting like that. She's kinda emotional because of her condition. I hope you can understand." Tuwang-tuwang pahayag ni L.joe.
"Hmm, bakit? Buntis po ba sya?" tanong naman nung isang babae. Kahit nakatalikod ako. Hindi ko maiwasang mainis marinig lang boses nila. Grrr. "Yeah,"
"Buti hindi kayo naiirita sa mga mood swing nya?"
Takte. Nang-intriga pa talaga 'yung mga babae. Kaasar. I can't help but to make face on the side. Nagulat lang ako nang bigla kong akbayan ni L. joe. Napasulyap pa ko sa kamay nya sa balikat ko bago sya lingunin. "Well, I guess I won't. Because every time she does weird things, I can't help but to fall for her more deeply." Ngumiti pa ito sa akin sabay pisil sa ilong ko.
Nagulat naman ako kaya hinawi ko 'yon sabay alis sa harap. Halatang nagulat sya sa ginawa ko pero hinayaan ko na lang iyon at nagpatuloy sa paglalakad.
"Aish. Bakit ang init nang magkabilang pisngi ko?" saad ko habang nakahawak sa mga ito. Grabe naman kasi si mokong. Sabi nya gusto nya lang maging ama ng anak ko? Bakit parang pinapakilig na rin nya ko? After 10 minutes...
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Here. Eat this. Masamang magutom si baby," napaangat ang mukha ko sa lalaking nag-aabot sa'kin ng tinapay at gatas. Umupo pa ito sa tabi ko matapos kong abutin yung mga pagkain. "Salamat."
Kasalukuyan kasi kaming nakaupo sa waiting shed sa tapat ng room na pagche-check-upan ko. Marami ring nakaupo rito na kapwa ko mga buntis kasama ang mga asawa nila. Yung iba malalaki na 'yung tyan. Ako nga ata yung pinaka bata rito e.
"May problema ba?" Naulinigan kong tanong ni L. joe. Natauhan naman ako't napalingon sa kanya.
"Huh? Ah. Wala...." Sabay iwas na naman ng tingin rito.
"Don't lie at me. I can sense that there's something wrong." Sagot naman agad ni L. joe.
"Hindi naman ako magagalit, magsabi ka lang. Kahit pa tungkol 'yan sa asawa mo...." Ramdam ko sa boses nya ang sinseridad. Kaya kahit medyo nagaalangan ako ay sinabi ko na rin.
"Ang totoo nyan, nang makita ko 'yung mga mag-asawang nakapila rin dito bigla kong naisip ang asawa ko. Kung hindi kaya nagkagulo, kung hindi kami nag-away, sasamahan nya rin kaya ko rito para i-pacheck-up ang baby namin? Ang tagal ko na kasing inimagined ang tungkol dito. 'Yung katabi ko sya habang hinihintay naming tawagin ang pangalan ko. Mag-uusap kami tungkol sa mga plano namin pag lumabas na 'yung baby namin. Yung pagtatalunan namin kung babae ba o lalaki. Pati na yung kung ano ang ipapangalan namin. Kaso mukhang imposible na lang ang lahat ng 'yon. Lalo na ngayon na ang alam nya, wala na ang baby namin." L. joe holds my hands. Hinawakan nya iyon at pinisil-pisil. "Then tell him the truth. Sabihin mo sa kanyang nagsinungaling ka, na buhay pa talaga ang baby nyo." Seryoso nitong pahayag.
Agad-agad rin naman akong umiling, "Para saan pa? Para kuhain nya sa kin ang anak namin at magsama sila ni Hyena? No way! Nanghihinayang lang naman ako sa sana maganda at masayang pamilyang bubuuin namin. Pero dahil hindi sya nagdalawang-isip na sirain 'yon. Might as well, wag rin akong maghinayang na itago sa kanya ang totoo."
"Makakaya ko namang palakihin ang anak ko kahit wala sya sa tabi ko. Nandyan ang parents ko. Ang mga kaibigan ko. At saka....... Ikaw. Hindi mo naman ako pababayaan diba?" nilingon ko si L. joe at humingi nang kumpirasyon. Napangiti na lang ako nang tumango-tango ito bilang sagot.
"Of course, I won't. I'm your knight, remember? And as a knight you should not turn your back."
Gumaan ang pakiramdam ko sa mga naging sagot sa akin ni L. joe. Masaya kong malaman na kahit nagawa kong saktan ng asawa ko. May tao paring handa kong damayan sa mga panahong kagaya nito. L. JOE
"Based on my test na ginawa kanina. You are already 4 weeks pregnant, Mrs. Kim. I'm pretty sure na nararanasan mo na ang mga early signs ng pagdadalang-tao. And nabanggit rin sa'kin ng doctor mo ang nangyari sa'yo last week. I'm so very glad na walang masamang nangyari sa inyo nang bata. But sana wag na iyong mauulit pa. Dahil baka sa susunod ay hindi na natin magustuhan ang resulta."
"Kaya ikaw, Mr. Kim, you should take care of your wife. Kung maari mas doblehin mo pa ang pag-aalagang ginagawa mo sa kanya ngayon." Itatama pa lang sana ni Dasuri ang doctora because she thinks that I am Dasuri's husband. Ngunit agad-agad ko rin naman syang sinenyasan na ayos lang.
"I understand doc. And I promise na hindi na mauulit pa ang nangyari sa kanya dati. Right, babe?" napansin ko ang pamumula sa pisngi ni Dasuri nang hawakan ko ang kamay nya sabay ngiti rito. Halatang hindi nya inaasahan ang ginawa ko kaya medyo napaisip pa sya bago tumango-tango.
"Kung ganon, aasahan kong sa pagbabalik nyo dito ay mas magiging mabuti pa ang kalagayan ng asawa mo. Kung gusto nyo namang malaman ang kasarian ni baby. Pwede na syang i-ultrasound pagdating nya ng 10 weeks pero para mas makasiguro, I suggest sa ika-12 weeks na lang natin gawin 'yon."
"Nasa inyo na rin naman ang number ko. You can contact me if you have something to ask. Mag-iingat kayo sa pag-uwi."
"Sige ho doc. Salamat."
"Salamat po,"
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
As we go outside the room. I face Dasuri at napansin kong hindi parin nawawala ang pamumula sa mukha nya. Dahil natutuwa ko sa mga reaksyon nya. I lean on her para asarin pa ito.
"Are you blushing because I hold your hand or because I called you babe, twice today?" lalo naman syang nagulumihanan pagkarinig nito.
"H-Huh? Hindi no! Wag ka ngang assuming!" tangi nya agad.
"Really?" I teased.
"Oo nga, kala nito. Tss." She tried to act normal pero halatang naiilang na sya. Haha.
"Okay, BABE." I winked at her that gave her hiccups. Umayos na ko nang tayo at ginulo ang buhok nya.
"You're so cute."
Kalalagay ko pa lang nang kamay ko sa ulo nya nang mapatingin sya sa gawing likod ko. Napauwang pa ang bibig nya halatang nagulat sa nakita.
"Woah! Manong sungit?!"
Nagtaka ko sa kung sino ang tinutukoy nya kaya dahan-dahan kong nilingon ang nasa likod ko. Hindi naman nagtagal ay nakita ko na rin ito. An old guy sitting on the wheelchair. He's looking on us without any expression on his face. Unti- unti namang nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makilala kung sino ito.
My smile become a frown and my mood change to worst one. Ni hindi ko nga nagawang pigilan ang biglang pag-alis ni Dasuri sa tabi ko. Lumapit sya sa lalaki upang batiin.
"Annyeong hasaeyo! Manong sungit! Pasensya na po kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo nung nadischarge ako dito sa ospital. Hindi na kasi ako pinayagan ng parents kong mag-gala pa. Ayan tuloy di kita napuntahan. Pero wag po kayong mag-aalala, dito parin ang monthly check-up ko kaya madadalaw ko parin kayo. Hehe." Even Dasuri is talking to him. Pansin kong sa akin sya nakatingin. Nakatitig ito sa akin na para bang sobrang tagal nya kong hinanap. "Oo nga po pala, manong. Kasama ko ngayon 'yung friend kong pinakapaborito nyong i-kwento ko sa inyo."
"Lee Byung Hun..."
"Eh?" napahinto si Dasuri sa pagsasalita nang marinig nitong bigkasin nang lalaki ang tunay kong pangalan.
Mas nagulat pa ito nang marealized na kanina pa nakatitig sa akin ang lalaking iyon. Wala na tuloy syang nagawa kundi ang dahan-dahan akong lingunin habang may pagtataka sa kanyang mga mata. Napabuga naman ako sa hangin dahil sa nangyari. Lumapit ako sa kanila at hinablot ang kamay ni Dasuri para hilahin sya paalis roon. "Woah! Wait!" angal pa nito.
"Umalis na tayo." Hindi ko sya pinansin at nagmamadaling inalis sya roon. Sandali pa kaming nagkatitigan nung lalaki pero hindi ako nagpatinag. Hinigit ko parin si Dasuri at nagsimula nang maglakad. Napahinto lang ako nang bigla syang magsalita, "Hindi ko akalaing dito pa pala tayo magkikita."
Nagpasalit-salit ang tingin sa amin ni Dasuri. Halatang lalo syang naguluhan sa mga nangyari. Ikinuyom ko ang isa kong kamay para pigilan ang inis. Huminga ko nang malalim bago sya sinagot. "Sana nga hindi na lang tayo nagkita. You just ruined my day." At saka muling naglakad palabas kasama si Dasuri.
If there's a person, I hated the most? Sya 'yung lalaking pinakamamahal ng aking ina.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report