OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 49: RIVAL

ΚΑΙ

Hanggang sa matapos ang klase ko sa section nila Dasuri. Malimit nya parin akong tignan. Ramdam na ramdam ko ang pag-iwas na ginagawa nya sa akin. Gustong-gusto ko na syang higitin at yakapin kanina pa pero hindi ko magawa dahil nasa harap kami ng camera.

"Okay, good take!" sigaw ng director.

Nagbell na rin hudyat na tapos na nga ang klase namin. Nagsitayuan naman na ang mga estudyante at kanya-kanyang alis sa pwesto nila. Tinuon ko agad ang atensyon ko kay Dasuri na kasalukuyang isinusukbit sa likod ang kanyang bag. "Mrs. Kim, maiwan ka saglit. I want to talk to you." Malumanay kong pahayag. Nagkatinginan sila ng kaibigan nya bago sya muling sumulyap sa akin.

"Para saan ho, sir?" walang gana nitong pahayag.

"Tungkol 'to sa pag-alis mo sa klase ko kanina." Pagdadahilan ko.

"Dapat kasama din si L. joe." sabay turo pa nya rito. Napalingon naman sya sa amin.

"Isa-isa ko kayong kausapin. But first, ikaw muna ang maiwan rito." Kitang-kita ko kung paano umasim ang mukha ni Dasuri dahil sa utos ko. Ngunit kahit ganon, masaya kong sinunod nya ko.

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago tuluyang makalabas ang lahat. Pati na ang staff ng show ay pinakiusapan kong umalis na muna. Ipinaliwanag ko sa kanilang gusto kong makausap ang asawa ko sa pribadong paraan. Naintindihan naman nila iyon.

"Maupo ka," pahayag ko sabay turo sa upuan sa tapat ko.

Kahit labag sa kalooban ay sumunod sa akin si Dasuri. Umupo sya sa upuan sa tapat ng table ko. Palihim naman akong napangiti.

Gaano na ba katagal since huli kong natitigan nang ganito kalapit ang mukha nya? Hindi ko na maalala. Basta ang alam ko lang sa ngayon. I really missed her so bad.

"Ano po bang gusto nyong pag-usapan natin, Sir? Kung ipapatawag nyo ang parents I'm sorry pero busy silang mga tao. Kung paparusahan nyo naman ako, sabihin nyo na agad kung ano. May mga kaibigan pa kong naghihintay sa'kin." Pahayag nito habang hindi man lang ako tinitigan. Nakatitig lang ito sa sahig.

Dasuri, hindi mo ba alam na nasasaktan ako sa ginagawa mo?

Huminga ko nang malalim at ngumiti rito.

"Don't worry hindi kita paparusahan. Hindi ko magagawa 'yon because I can't afford to see you suffering." Napaangat nang bahagya ang mukha ni Dasuri nang marinig ang sinabi ko. Para bang inaaalam nya kung nagsasabi ba ko ng totoo o ng hindi.

Ngumiti pa ako rito bago ko inilabas sa harap namin ang baon-baon kong mga lunch box. Isa-isa ko 'yung binuksan sa harap nya para makita nya ang mga paborito nyang pagkaing iniluto ko bago pumunta rito. Mataman naman nya 'yong pinagmamasdan.

"Anong ibig sabihin nito?" nagtataka nyang pahayag.

"Lunch time narin naman kaya naisip ko, okay lang na kumain tayo ng sabay?" hindi ko alam kung papayag ba sya sa gusto kong mangyari but still I tried.

Hinainan ko sya ng mga gagamitin nya. 'Yung kanin na binaon ko talaga para sa kanya. Pati chopsticks, inayos ko lahat ng 'yon. Gusto kong ipakita sa kanya kung gaano ko pinaghandaan ito.

"I'm sorry kung parang biglaan ang lahat. Sobrang na-miss lang talaga kita na makasabay kumain kaya gumawa ko ng paraan para mangyari 'to. Sana magustuhan mo 'yung mga niluto ko." Pagbasag ko sa katahimikan. Mula kasi nang ihain ko 'yung mga pagkain. Hindi parin sya umiimik. Nakatingin lang sya sa mga ito at maski ang magsalita ay hindi nya magawa. Hindi ko tuloy malaman kung natutuwa ba sya o hindi sa mga hinanda ko.

"Eto o, kumain ka ng isda para lumakas ka." Sabay lagay ko ng isda sa lunchbox nya.

Gaya kanina nakatitig lang pa rin sya sa mga pagkain at hindi kumikilos. Kaya laking gulat ko nang bigla syang magsalita.

"Ano ba 'tong ginagawa mo Kai? Hindi ka ba nahihiya? Nandito ka sa school namin bilang isang professor kaya paano mo nagagawang landiin ang mag-aaral mo? Sana man lang nag-isip ka muna bago kumilos. Nakakahiya." Tumayo sya mula sa pwesto nya at ibinagsak ang chopstick na ibinigay ko sa kanya. Napahinto naman ako sa pagkain at natameme sa sinabi nya.

Her words are like swords na tumarak sa dibdib. Masyado 'yung masakit na parang tatagos hanggang sa likod ko.

"I'm sorry," ang tanging salitang nabitawan ko.

Ang sakit pala. Ang sakit mabalewala ang mga pinaghirapan mo. Hinayaan ko si Dasuri na lumabas ng kwarto at iwan ako roon na nag-iisa. Ngayon ko lang nare-realized, yung mga pambabalewalang ginawa ko kay Dasuri noon. 'Yung di ko pag acknowledge sa mga effort nya sa tuwing uuwi ako sa bahay. Sobrang sakit pala. Ngayon ko lang naiintindihan.

Muli kong kinuha yung mga chopstick ko kanina at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko pinansin ang paglabo nang aking mga mata dahil sa luhang nagbabadyang bumagsak mula rito. Sinunod-sunod ko ang pagsubo sa pagkain upang makalimutan ko ang sakit sa aking dibdib. Sakit na dati ay asawa ko ang nakakaranas.

"Ang tanga mo kasi Kai, you deserved it." Saad ko pa sa aking sarili.

Buong akala ko'y tatapusin ko ang pagkain ko na puno nang hinanakit sa aking dibdib. Kaya laking gulat ko nang makarinig ako nang mga yabag sa sahig. Napahinto ako at napatitig sa dalawang sapatos na nakahinto sa gilid ko. Inihinto ko ang pagkain ko't dahan-dahan itong nilingon.

Nakita ko ang isang pamilyar na babae na nakatingin sa akin. Huminga muna ito nang malalim bago ibinuka ang kanyang bibig,

"Bumalik ako kasi nanghihinayang ako sa mga pagkaing niluto mo. Pero hindi ibig sabihin, pinapatawad na kita."

Patuloy sa pagtulo ang luha sa mga pisngi ko pero hindi ko rin maitatangi na hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ko. DASURI

Nakatingin lang ako kay Kai habang panay ang pag-asikaso nya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagsasalita. O kung bakit wala kong maramdaman sa mga ginagawa nya. It seems like naging manhid na ang puso ko pagdating sa kanya.

Ilang minuto pa ang nakalipas at hindi na ko nakatiis. Nagsalita ako't pinatigil sya sa kanyang ginagawa.

"Ano ba 'tong ginagawa mo Kai? Hindi ka ba nahihiya? Nandito ka sa school namin bilang isang professor kaya paano mo nagagawang landiin ang mag-aaral mo? Sana man lang nag-isip ka muna bago kumilos. Nakakahiya." Tumayo ako mula sa pwesto ko at ibinagsak ang chopstick na ibinigay nya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko. O kung bakit nagagalit ako sa kanya. Siguro kasi, ayoko lang yung fact na umaasta syang parang walang nangyari, na wala kaming hindi pagkakaintindihan.

"I'm sorry," bahagya akong natigilan nang marinig ang sinabi nya. Ngunit kahit ganon mas pinili ko paring magpatuloy sa paglalakad. Lumabas ako nang kwarto at iniwan sya roong nag-iisa.

Napasandal ako sa pader matapos kong makalabas ng pinto. Doon ko naramdaman ang panginginig ng aking mga tuhod. Pati na ang pag-init nang magkabilang mata ko. Kinailangan ko pang tumingala para lang mapigilan ang nagbabadyang pagbaksak ng luha mula rito.

"Badtrip naman e. Bakit kailangan pa nyang gawin 'yon. Bakit kailangang.... arggh." napahilamos na lang ako sa aking mukha dahil sa sobrang frustration. Pinapakalma ko pa ang aking sarili nang maulinigan ko si Kai na magsalitang muli. "Ang tanga mo kasi Kai, kaya bagay lang sa'yo 'yan." Bakas sa boses nya ang sobrang lungkot. Mukhang umiiyak pa nga ito. Napabuntong-hininga na lang ako't muling napalingon sa pinto ng kwartong kinaroroonan nya. "Dasuri naman e. Bakit hanggang ngayon, hindi mo parin sya matiis?" I closed my eyes for a while then started to walk. Pilit na ginigiit ng isip ko na mali itong gagawin ko. Maling magpaubaya na naman sa sinasabi ng puso ko. Pero takte lang.... bakit hindi ko talaga sya matiis?

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

May kumirot na kung ano sa dibdib ko nang makita ang kalagayan ni Kai. Tama nga ang hinala ko patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mata nya habang pilit na inuubos ang mga pagkaing nasa harapan nya.

Tahimik akong lumapit rito, bahagya naman syang napalingon sa'kin nang maramdaman ang presensya ko. Pilit kong tinago ang totoo kong nararamdaman. Mas ginusto kong ipakita na wala parin ako sa kanyang pakialam, "Bumalik ako kasi nanghihinayang ako sa mga pagkaing niluto mo. Pero hindi ibig sabihin, pinapatawad na kita."

Nasilayan ko ang matamis na ngiti sa labi nya. Mukhang hindi pa nga sya makapaniwala na nakatayo ako sa harapan nya. Tinitigan ko lang sya habang walang kaemo-emosyon ang aking mukha.

Hindi nagtagal ay natauhan ito. Dali-dali nyang pinunasan ang mga luha sa kanyang mukha at nagmamadaling tumayo para alalayan ako sa pag-upo.

"Sorry. M-Maupo ka." Mautal-utal pa nitong pahayag.

Sinunod ko naman sya't naupo sa tapat nya. Hinintay ko pa na makaupo na rin ito sa pwesto nya bago ko simulan ang pagkain. "S-Salamat ha? Salamat. Salamat talaga."

I don't know why pero nakaramdam ako nang awa habang pinagmamasdan ko ngayon ang asawa ko. Pansin ko sa reaksyon ng mukha nya ang sobrang saya pero kahit ganon mababanaag mo parin na sobrang bigat ng kanyang dinadala. I saw dark circles under his eyes. Napansin ko rin na parang mas pumayat sya ngayon di gaya noong mga panahong magkasama kami sa isang bahay. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko't inalok sya nang pagkaing kinakain ko. Without any word itinapat ko sa kanya 'yung chopstick kong may laman-laman na gulay. Napatulala naman sya nang mapansin 'yon. Nakatitig sya sa akin habang nagtatanong ang kanyang mga mata. Mukhang hindi sya makapaniwala sa aking ginawa.

Wala na tuloy akong nagawa kundi ang magsalita,

"Eat this," medyo nahihiya kong pahayag. Napangiti naman si Kai bago ako sundin. Nakipagtitigan pa ito sa'kin habang ginagawa 'yon. Pero agad-agad ko rin namang pinutol ang tinginan naming 'yon.

Yumuko ako't bumulong, "Pwede ba ayusin mo 'yung pagkain mo? Para kasing napapabayaan mo na 'yung sarili mo.." pahayag ko habang pilit na itinutuon sa pagkain ang atensyon ko.

Bahagya namang nag-init ang magkabilang pisngi ko nang marinig ang naging tugon ni Kai, "I'm happy to hear that my wife still cares for me. Nagkaroon ako nang pagasa na may puwang parin ako sa puso nya."

Nasamid ako nang marinig 'yon. Lalo na nung mapansin ko ang pilyong ngiti sa labi ni Kai. Mas umaliwalas na ang mukha nito at mas naging magaan ang atmosphere sa paligid. Sinubukan ko ritong mag galit-galitan para maiba ang usapan. "W-Wag mo nga kong ngitian ng ganyan." Saway ko pa. Pero imbes na sumunod, mas lalo nya kong nginitian.

"Ayoko nga. Gusto kong makita mo kung gaano ko kasaya kapag nandyan ka sa tabi ko." He leans on me to look closer.

"Kung paano mo naapetuktuhan ang araw ko. At higit sa lahat, kung gaano ko kailangan ang isang tulad mo sa buhay ko." Napapitlag ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko.

Pinisil nya iyon habang patuloy sa pakikipagtitigan sa akin. Para naman akong napasailalim sa mahika nya. Hindi ko magawang putulin ang tinginan namin. Dahil siguro abala ko sa pakikinig sa puso kong sobrang bilis ang tibok. "Miss na kita wifey, pwede bang bumalik kana sa bahay na'tin? Please?"

I can't utter any single words. Nakatulala lang ako sa harap ni Kai habang pilit na pinapasok sa utak ko ang mga nangyayari.

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Tama ba ang pagkakarinig ko? H-He's asking me to go home? Nagulat ako nang biglang tumayo si Kai mula sa kinauupuan nya at magtungo sa tabi ko. Hindi parin nya binibitawan ang kamay ko kahit na nakaluhod na ito sa harap ko. "Y-Yah, a-anong ginagawa mo?" sita ko sa ginawa nyang pagluhod. Hindi naman nya pinansin 'yon at sa halip at kinuha pa pati ang isa ko pang kamay.

Panay ang paghalik nya roon habang nagsasalita. Wala naman akong masabi kundi ang titigan lang ang ginagawa nya,

"Alam kong hanggang ngayon masama parin ang loob mo sa akin. Na nagagalit ka parin dahil sa mga nangyari. But Dasuri, I'm begging you.... Please come back to me. Magsimula ulit tayo. Hirap na hirap na kong paglabanan 'yung lungkot na nararamdaman ko sa tuwing maaalala kong nag-iisa na lang ako, na wala kana sa tabi ko. Every day is like a hell, that I want to commit suicide just to stop my pain. G-Ganon kahirap ang buhay ko simula nang umalis ka sa tabi ko." I saw tears coming from Kai's eyes. Hindi ko tuloy mapigilang masaktan para sa kanya. Binawi ko ang kanang kamay ko mula rito upang punasan ang mga luhang pumapatak sa pisngi nya.

"T-tama na Kai, h'wag ka nang umiyak. N-Nasasaktan akong makita kang ganyan e." pag-amin ko rito. Hinawakan naman nya yung kamay kong nakahawak sa pisngi nya.

"I'm begging you wifey.... please.... bumalik kana sa akin. Please...."

I closed my eyes to stop my tears from falling. Naguguluhan na ko, sobra! Ano ba ang dapat kong gawin?! Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko si Kai na nagmamakaawa para lang balikan ko sya. Parang dinudurog 'non ang puso ko pero kahit ganon. Hindi parin ako sigurado kung kaya ko na nga ba syang patawarin? Arrgh. This is frustrating!

Napamulat lang ako ng aking mata nang marinig ko ang biglaang pagtunog ng cellphone sa bulsa. Natauhan ako't kinuha iyon. I saw one message coming from L. joe. Nagdalawang-isip pa ko nung una kung babasahin ko ba iyon sa harap ni Kai but in the end, I choose to read it.

I will wait for you at the stairs. Hindi ako kakain hangga't hindi kita kasabay.

Napakagat ako sa labi ko nang mabasa iyon. Lalo na nang mapansin kong nakatitig na rin si Kai sa screen ng phone ko. Sigurado kong nabasa nya 'yung message sa akin ni L.joe.

Susubukan ko pa lang sanang magsalita nang biglang lumayo sa akin si Kai. Nakaluhod parin ito pero halatang malalim ang iniisip. Nagitla naman ako sa naging tanong nya. "Do you like him?" walang kaemo-emosyon nitong pahayag.

"A-Ano ba 'yung sinasabi mo? A-Aalis na nga ko. Tutal naman t-tapos na tayong kumain." I tried to escape from our conversation pero natigilan ako sa biglaang pagsigaw ni Kai.

"I'm asking you Dasuri! Do you like L. joe? MAY GUSTO KA NA BA SA KANYA?!" I got stocked and shaken sa paraan ng tinging pinupukol sa akin ni Kai. Halata rito ang galit at sakit na nararamdaman nya.

Pinilit ko namang maging matapang. Kahit na nanginginig na ang dalawang tuhod ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Pinili kong tumayo mula sa kinauupan ko at subukang lagpasan si Kai. "P-Pasensya na p-pero.... aalis na ko."

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi ko magawang sagutin si Kai. Siguro dahil naguguluhan pa ko? Pero saan? Sa mga pangyayari?

Before I left the room, naulinigan ko pang muling magsalita si Kai, "Sige lang! Iwasan mong sagutin ang tanong ko. But you know what Dasuri? Dahil sa ginagawa mo....."

Sa dapat kong gawin?

"Mas lalo mong pinapatunayan sa akin na, hindi na lang talaga ako ang nagmamay-ari sa puso mo...."

O sa totoong nilalaman na ngayon ng puso ko?

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report