OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 60: HE’S YOUR PRINCE, I’M HIS QUEEN
DASURI
"Aigoo! Kaygandang bata naman nito. Talagang bang asawa mo sya Jong In?"
"Nakakagulat parang kahapon lang ay musmos ka pang naglalaro kasama 'yung anak ng kasambahay nyo. Tignan mo naman ngayon, may asawa kana't magkakaanak pa."
"Sobrang bilis talaga ng panahon. Nakakagulat ano?"
Ilan lamang 'yan sa mga nawika ng mga taong nilapitan namin ni Kai. Sila daw 'yung ilan sa mga tauhan nila dito. Sila din yung mga nakasaksi ng kabataan ni Kai kaya naman masaya silang makita muli ito. "Ang tagal na rin ho pala bago ko nakabalik rito. Pero parang hindi ho kayo mga nagsitanda ah. Parang katulad pa rin kayo ng dati." Biro naman ni Kai. Nagtawanan ang mga nakakatanda dahil roon. "Ikaw talagang bata ka. Di ka parin nagbabago, napakapilyo mo parin." saad ng babaeng may suot-suot na sumbrero sabay hampas sa balikat ni Kai.
"Sinabi mo pa Tiya Oring, Haha." segunda ng lalaking katabi nya. Nangingiti lang ako sa naging usapan nila.
"Dito kana ba maninirahan muli?" Tanong nung lalaking may salamin. Napasulyap naman ako kay Kai.
"Ay hindi ho. Pumasyal lang ako para ipakilala sa lola ko at sa inyo na rin ang asawa kong si Dasuri." Sinulyapan pa ko nito at hinawakan sa likod. Sa akin naman natuon ang atensyon ng lahat. Ngumiti ako't nagbigay galang, "Kamusta po kayo?" Nginitian din ako ng mga taong naroon.
"Mabuti naman kami. Masaya rin at nakilala ka namin." Hindi na ko sumagot at piniling makinig na lang sa usapan nila.
"Maiba ko, nagkita na ba kayo ng kababata mong si Sarah? Yung anak ng kasambahay nyong si Tina." Napatingin ako sa pinaka matanda sa kanilang lahat ng marinig ang sinabi nya. "Siguradong sya ang unang matutuwa pag nalaman nyang pumasyal ka rito." Dagdag pa nya.
"Buong akala ko nga'y sila ng anak ng kasambahay nila ang magkakatuluyan. Hindi kasi mapaghiwalay ang dalawang yan. Halos araw-araw na naghahabulan." Nagtawan ang lahat maliban sa'kin na nakakunot ang noo habang nakatitig kay Kai.
Ano ba 'yung sinasabi nila? Nilingon naman ako ni Kai at pasimpleng binulungan. "Don't mind them. It was a joke."
"Matagal na ho iyon. Naalala nyo parin? Mukhang matatalas parin ho talaga ang mga memorya nyo. Walang kupas. Haha."
Nagpatuloy si Kai sa pakikipagkwentuhan sa mga tauhan nila. Dahil hindi naman ako makagets sa kung ano man iyong topic na meron sila. I decided to go for a walk.
Nilibot ko ng tingin ang malawak na sakahan na meron sila. May napansin din akong mga hayop na sama-sama sa kabilang banda nang kinaroonan ko. Minabuti kong lapitan ang mga iyon at usisain. Wala pang sampung minuto ay nakarating na agad ako rito.
Bumungad sa akin ang iba't-ibang klase ng hayop na inaalagaan mula rito. Mayroong baboy, manok, isda at maski na mga kabayo. Naexcite ako at nilapitan ang mga iyon.
"Woah, ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang kabayo." Saad ko matapos lapitan ang kabayong nakatali sa bandang dulo.
Makintab ang maitim na kulay nang buhok nito. Habang nakapakalambot naman nang kanyang mahabang buhok. Hindi ko maiwasang haplusin ang bawat hibla nito. Napahinto lang ang ako nang may marinig na boses mula sa bandang likuran ko.
"Aba. Mukhang nagkakamabutihan kayo ni Dark."
Paglingon ko, nakita ko ang isang lalaking may suot na mickey mouse shirt at above the knee short with matching rubber shoes. Meron pa itong sumbrero na kagaya ng isinusuot ng mga sumasakay sa kabayo. Pinagmasdan ko lang sya habang papalapit sa'kin.
"Alam mo bang ispesyal ang kabayong ito kumpara sa lahat ng kabayong makikita mo rito?" Hinaplos nya rin ang buhok ng kabayo habang nakatingin sa akin.
"Isa itong alaala nang magandang pagtitinginan na nabuo sa murang edad. Pagmamahalang nauwi sa hindi inaasahang pangyayari." Lumungkot pa ang mukha nito bago nilingon ang kabayo.
"Mga alaalang nagpapasakit parin sa puso ko hanggang ngayon. Huhu." Nacurious ako bigla sa mga sinabi nya.
"Bakit? Ano bang nangyari?" Nilingon nya ulit ako't tinitigan.
Ngumisi pa ito at nagsalita, "Sigurado ka bang... gusto mong malaman?"
Nagtaka ako sa naging tanong nya. Wala naman sigurong masama kung malalaman ko diba?
"Bakit? Hindi ko ba pwedeng malaman?" I ask inocently. Pero imbes na sumagot, iniba nya ang usapan.
"Ako pala si Shawn, ikaw? Anong pangalan mo? Bago ka lang dito? Parang ngayon lang kita nakita e." Saad nya na para bang hindi narinig ang sinabi ko.
"Dasuri, actually, first time ko lang talaga makarating dito. Isinama ko ng asawa ko para bisitahin ang lola nya."
"Asawa? Parang ang bata mo pa para 'don?" Kumunot pa ang noo nito na ikinatawa ko naman.
"Matanda na ko, di lang halata. Haha. Sa tingin ko nga mas matanda ko sa'yo ng tatlo o apat na taon?"
"Oh?" Kitang-kita ang gulat sa reaksyon ng mukha nya.
Lumapit ako sa kanya at inabot ang ulo nito. Dahil hanggang balikat nya lang ako kinailangan ko pang tumingkayad para guluhin ang buhok nya.
"Kaya next time na magkita tayo, you should call me noona," saad ko rito. Pinigilan nya ang kamay kong nakahawak sa buhok nya.
"Mas maganda ka pala sa malapitan. Ang sarap mong titigan," he looks at me with full of amusement on his face. Bigla naman akong natawa.
"Pfft. Nagpapacute ka ba sa akin?" may halong biro kong tanong. He leans on me closer. Hindi ko naman ininda 'yon. Sinalubong ko pa ang mga tingin nya.
"Kung sasabihin kong oo, tatablan ka ba ng charms ko?" Napangiti na naman ako. I scan his full body. Base sa nakikita kong porma nya. Mukhang saksakan ng kapilyuhan ang batang ito.
"Let see..." tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya at akmang babatukan na ito nang biglang may tumawag ng pangalan ko. Sabay naming nilingon ang taong 'yon. "Dasuri, umuwi na tayo." I saw Kai looking at me with a bored look. Oh, tapos na pala sya makipagdaldalan?
Nginisihan ko naman 'yung batang nasa harapan ko, "Paano ba 'yan bata? Sinusundo na ko ng asawa ko. Umuwi ka na rin sa inyo. Doon ka na lang maghanap ng kalaro mo." pangaasar ko pa. Lumapit ako asawa ko at dali-daling umangkla sa braso nito. "Bakit bigla kang nawala sa tabi ko? Hindi ka na naman nagpaalam?" paninita nito. Nginitian ko lang sya. "Nabored kasi ako sa usapan nyo. Di ako makarelate kaya namasyal muna ko saglit." Pagpapaliwanag ko.
"Next time magpaalam ka. Hindi 'yung bigla-bigla ka na lang mawawala," hindi naman sya mukhang galit pero may otoridad sa boses nito. Tumango ako bilang sagot.
Maglalakad na sana kami pabalik nang marinig kong magsalita muli 'yung bata sa likuran namin.
"Noona crush," tawag nito. Tumaas naman ang kilay ko nang lingunin sya. Papalapit na ito sa amin habang tinatanggal 'yung sumbrero nya.
Pagkarating nya sa tapat ko. Nagulat ako nang isuot nya sa'kin 'yung sumbrero. Nakatitig lang sa amin si Kai.
"Gusto kong magkita pa tayo sa mga susunod na araw kaya bibigyan kita ng dahilan para lapitan ako. 'Yung tanong mo sa akin kanina?" Nilingon nya pa si Kai sabay ngisi dito, "Sasagutin ko 'yon, pag pumayag kang makipag date sa akin sa susunod"
"Ha?" Hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi ng batang ito. At sa harap pa mismo ng asawa ko!
"Sige, alis na ko." Tumalikod ito sa amin at saka naglakad palayo.
"Masyado nang mainit para maglakad pabalik sa bahay nyo. Kaya sa iyo na 'yang sumbrero ko, para di mabawasan ang ganda mo."
Kahit alam kong katabi ko si Kai ngayon, hindi ko parin napigilang matawa sa sinabi ni Shawn,
"Baliw, Haha."
"Kinilig ka naman?" Hindi ko maintindihan 'yung reaskyon ng mukha ni Kai habang sinasabi 'yan. Naiinis ba sya o wala lang sa kanya.
"Tara na, mainit na nga rito. Baka mabawasan pa 'yang ganda mo." Dagdag pa nya.
"Nagseselos ka ba?" tanong ko habang naglalakad na kami. Nakapoker face kasi sya e.
"Bakit naman ako magseselos sa isang bata? I'm not like you," depensa nito.
"Siguro nga mas matanda tayo sa kanya. Pero kung tutuusin, nasa ganong edad din tayo noong unang beses tayong magpakasal sa isa't-isa, diba?" I grin at him. Inismidan naman ako ng lolo nyo. "Whatever Dasuri, basta hindi ako nate-threaten sa kanya. End of conversation," saad nya. Nagkibit-balikat lang ako habang medyo natatawa.
"Okay, sabi mo e."
ΚΑΙ
"Sa kwarto lang ako," pahayag ko pagkapasok namin sa loob ng bahay.
Simula nang makita namin 'yung batang mahilig sa mickey mouse, hindi ko na inimik si Dasuri. Hindi naman sa naiinis ako sa kanya. Mas lalong hindi totoong nagseselos ako sa batang 'yon. Argh. Basta. Wala lang ako sa mood.
Pagakyat ko nang hagdan. Nagdiretsyo lang ako papunta sa kwarto namin. Binuksan ko iyon at kaswal na pumasok sa loob.
"What are you doing here?!" Nagulat naman 'yung babaeng kalalabas pa lang ng banyo. Nakatapis lang ito ng puting tuwalya at basang-basa ang buhok. Mukhang kagagaling nya lang sa pagligo. "K-Kamjjong?!" Mautal-utal nitong pahayag na halatang naistatwa na sa harap ko.
Iniiwas ko ang tingin sa kanya at nagtungo sa kabinet ko. Naghanap ako roon ng robe ni Dasuri at kinuha iyon.
Without giving her a glance, inabot ko iyon sa kanya. "Wear this," pahayag ko.
"Uh, S-salamat." Kinuha naman nya agad iyon at isinuot sa sarili.
"P-pasensya na kung naabutan mo pa ko rito. A-akala ko kasi matagal pa kayong makakauwi mula sa pamamasyal. Inaayos kasi 'yung ibang mga cr kaya nakigamit muna ko dito sa kwarto nyo. N-Nahihiya naman po ako kay Madam Kim, kung sa kwarto nya pa ko makikiligo. Pasensya na po talaga," panay ang pagyuko nito bilang pag hingi ng pasensya.
"Nah, it's okay. You may go now." Saad ko naman bago mahiga sa kama. Tumango naman ito bago dahan-dahang lumabas ng kwarto.
Binuksan ko 'yung tv sa tapat ng kama ko at saka naghanap ng pu-pwedeng panoorin.
"Um, Kamjjong," napalingon ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Nandito pa pala sya?
"N-Naalala mo pa ba ko? Ako 'to si Sarah," saad nya habang nakatitig sa akin. Bakas sa mukha nya ang kaba sa isasagot ko.
Sinubukan ko naman syang tignan mula ulo hanggang paa.
"Who are you?"
Nanigas ang buo nyang pangangatawan. Halatang nawindang sya sa sinabi ko. Pero hindi rin nagtagal ngumiti ako rito.
"I didn't expect na lalaki ka pa lang maganda, Bi?" I used to call her Bi, not for baby but biik. Mataba kasi sya 'noong bata kaya lagi ko syang inaasar.
Namilog naman ang mga mata nito at sumilay ang napakatamis na ngiti. "Bi? Ang tagal narin mula nang may huling tumawag sa'kin ng ganyan. Nakakamiss pala."
"Really? Baka naman ako ang namiss mo?" I tease her. Namula naman ang magkabilang pisngi nito. Kasabay nang paghawak sya sa magkabilang pisngi nya ay ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Iniluwa nito ang asawa kong may dala-dalang sangkatutak na pagkain.
"Oops, sorry." saad pa nya nang mabunggo si Sarah. Nalaglag pa ang mangilan-ngilang chocolates na dala nya.
Tumayo naman ako at tinulungan sya. "Saan mo naman nakuha ang mga 'to?" Taas kilay kong pahayag.
"Nagpunta kasi ako sa kusina tapos binuksan ko 'yung refrigerator. Ang daming lamang mga chocolates kaya kumuha ko ng kaunti." Tuwang-tuwa nyang kwento.
"Are you sure kaunti lang 'to? Mukhang kinuha mo na 'yung lahat nang nandoon." Komento ko pa habang inilalagay sa kama 'yung mga chocolates na dala nya.
"Hindi ah! Kahit check mo pa," napansin naman nito si Sarah na nakatayo sa gilid nya. Nagpasalit-salit pa 'yung tingin nya sa aming dalawa.
"Bakit ka nandito? Bakit ka nasa kwarto ng asawa ko?" Napaiwas ng tingin si Sarah nang tanungin ni Dasuri. Mukhang nahihiya syang sagutin ito kaya ako na ang nagsalita. "Nakigamit sya ng banyo. Sira kasi 'yung banyo sa baba. Nagkataon lang na naabutan ko sya dito." singit ko usapan nila habang nakahiga na kong muli sa kama. "Ahh, ganon ba?" Mukha namang hindi 'yon minasama ni Dasuri. Nginitian pa nga nya si Sarah bago nagtungo sa tabi ko.
"S-sige po, aalis na ko. Salamat po ulit," mahinang paalam ni Sarah.
"Sige," wika ni Dasuri habang busy na sa pagkain ng mga chocolates nya.
Sinulyapan ko naman si Sarah hanggang makalabas ng kwarto. "Ang bilis talaga ng panahon. Sinong magaakalang dalaga na pala sya pagbalik ko?" I unconciously said to myself. Nagulat naman ako nang sumapalpalin ako ni Dasuri ng chocolate sa bibig. "Sige lang, di pa ko nagseselos e. Hindi pa," ang sama na nang tingin nito sa'kin.
Kinagat ko 'yung chocolate at tinanggal 'yung mga natira sa bibig ko. "What?" Di ko kasi gets 'yung sinasabi nya.
"Wag mo kong wina-what-what dyan. Baka gusto mong sa sahig ka matulog mamaya?" Idinuduro pa nya sa'kin 'yung chocolate na hawak-hawak nya. Napapailing na lang ako habang tumatawa. "Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Masama ang tingin nito sa'kin.
Tinitigan ko naman sya sabay hawak sa chin nito. Iniangat ko pa ang mukha nya para magkatitigan kami.
"Ang ganda talaga ng asawa ko," bulong ko pero sapat lang para marinig nya. Namula naman agad ang magkabilang pisngi ito.
"Bolero," sabay iwas nito ng tingin sa'kin.
Ibinaba ko naman ang aking mukha patungo sa kanyang tiyan. Hinawakan ko ito bago ko 'yon hinalikan. Kahit hindi ko nakita alam kong napangiti si Dasuri dahil sa ginawa ko.
"Baby, binubungangaan na naman ako ng mommy mo. Paglabas mo ipagtanggol mo ko ha?"
"Palaki ka agad dyan sa loob para makalabas kana. Tapos tuturuan ka ni Daddy kung paano sumayaw. Madali lang magpainlove ng babae kapag magaling kang sumayaw. Tuturuan ka ni daddy ng mga teknik----aray!" Napabalikwas ako nang hampasin ako ni Dasuri sa likod.
"What the hell is that?" Hinimas-himas ko pa 'yung likod kong hinampas nya.
"Sino nagsabi sa'yong lalaki 'yung baby natin?" Nakataas pa ang kilay nya habang sinasabi 'yon.
"Ako?" Inosente kong sagot. Lalo namang nagsalubong ang mga kilay nito.
"Pwes, ako na ang nagsasabi sa'yo. Babae sya!"
"Paano ka nakakasiguro?"
"Nasa loob sya nang tyan ko e. Nararamdaman ko. She's a girl, period!" Nagcross-armed pa ito habang sinasabi 'yon.
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Okay, okay, ikaw na ang panalo. Pero pagbalik natin sa Seoul, sasamahan kitang magpacheck-up. Itanong na rin natin kung maaari na bang malaman 'yung gender ni baby para hindi tayo nagtatalo. Halika nga rito," humiga ko nang maayos at sinenyasan syang tumabi sa'kin. Hinawi naman nya 'yung mga chocolate sa paligid at sinunod 'yung gusto ko.
"Okay, pero babae sya, sure ako 'don." Talagang matigas ang ulo ng asawa ko. Hindi parin talaga sya nagpapatalo hanggang ngayon.
"Oo na po, Mrs. Kim." saad ko para matapos na argumento naming dalawa. Inoffer ko kay Dasuri ang balikat ko upang maging unan nya. Magiliw naman nyang tinanggap 'yon.
"Namiss ko 'to," narinig kong pahayag nya matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Parehas kasi kaming nanahimik at inenjoy ang pagkakalapit muli nang aming mga katawan. Ewan ko ba, pero kahit na napakasimpleng bagay lang ang gawin namin. Kahit hindi sya magsalita, basta maramdaman ko lang ang presensya nya sa paligid ko, I feel so complete.
"Mas namiss kita," I said and I meant it.
Napasulyap naman sa'kin ang asawa ko, "Seryoso kaba? Hindi kana ba talaga galit sa'kin? O baka naman sinasabi mo lang 'yan kasi nasa tyan ko 'yung anak natin?"
I look at Dasuri's face. Kahit kailan, napakainosente talaga ng mukha nya. Kahit na marami talaga syang kalokohang alam.
"Ganon ba 'yon sa tingin mo?" Hindi ko sya binigyan nang saktong sagot.
"Hmm, medyo. 'Yon kasi 'yung sinabi mo sa'kin nung time na tinanong kita bakit mo ko pinigilan papuntang amerika diba? Pero kung makaasta ka naman ngayon kala mo...." sinulyapan ako ni Dasuri para bang pinagiisipan kung dapat ba nyang ituloy 'yung sinasabi nya o hindi.
"Kala ko ano? Tell me," panghahamon ko. Ngumuso naman sya sa harap ko.
"Wala..."
Napangiti na lang ako. Kinuha ko 'yung kaliwa nyang kamay at ipinatong sa bewang ko. Iginawi ko rin ang katawan nya papalapit sa akin then hug her tightly. I inhaled that sweet strawberry scent of her hair.
"Hays, Dasuri, bakit ang slow mo?"
DASURI
Naalimpungatan ako matapos ang mahimbing na pagkakatulog. Kinapa ko 'yung katabi ko pero wala kong makapa. Pagmulat nang aking mata, tanging ang bukas na bintana lang ang napansin ko. Wala na 'yung lalaking katabi ko. "Umaga na ba?" Medyo sumasakit 'yung ulo ko. Sinubukan kong silipin kung anong oras na ba gamit ang aking cellphone. Nagulat pa ko nang malamang alas-tres pa lang pala ng hapon.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at bumaba sa sala. Sinubukan kong hanapin si Kai pero wala sya kahit sa'ang parte ng bahay.
"Ugh, Magandang hapon po," bati ko nang makasalubong ko ang lola ni Kai. Pababa na ito nang hagdan samantalang kalalabas ko lang galing ng kusina.
"Mukhang may hinahanap ka?" Kahit na hindi na ko sinusungitan ng lola ni Kai. Natatakot parin ako sa kanya. Huhu.
"Ahmm, S-si Kai po," saad ko without looking at her.
"Lumabas ulit sya, meron daw kasi syang gustong puntahan." kaswal naman nitong sagot.
"Ganon po ba?" Bahagya akong bumulong sa gilid ko.
"Ba't di nya ko ginising? Aish," nagulat ako nang bigla na namang magsalita ang lola ni Kai.
"Gusto nya kasing pumunta doon ng mag-isa, intindihin mo na lang ang asawa mo." Seryoso? Narinig pa nya 'yon? Akala ko ba matanda na sya? Bakit ang talas parin ng pandinig nya? Nakakaloka ha. "Mukha namang wala kang gagawin ngayong hapon. Okay lang ba kung may ipakisuyo ako sa'yong gawain?" Bumalik ako sa realidad matapos marinig ang pakiusap ng lola sa harap ko.
Nung una'y inisip ko pa kung pwede kaya kong humindi? Kaya lang narealize ko wala nga rin pa la kong choice. Tsk.
"Ahm, sige po. Ano po ba 'yon?"
Nagningning ang mga mata ng lola ni Kai nang marinig ang sinabi ko. Mukhang kanina pa nya plinano ang ipapagawa sa'kin. Sheda! Wag naman sanang paakyatin ako sa puno. Di kaya ko marunog 'non. "Sumunod ka sa akin," dahan-dahan itong umakyat ng hagdan. Kahit labag sa loob ko nagawa ko paring sumunod sa kanya.
Pagkarating namin sa tapat ng kanyang kwarto. Bigla kong kinabahan. Pakiramdam ko kasi 'yung loob ng kwarto ni lola e kagaya ng mga kwarto ng taong mahihilig sa creepy things. Mga bungo, scary dolls at kung anu-ano pa. Geee. Kinikilabutan ako.
"Paano ba ulit kayo nagkakilala ng apo ko?" Sinulyapan ko si lola na ngayo'y nakatingin sa akin habang hawak-hawak ang baston nya.
"Um, isa po ko sa mga fans nya. Pero arranged marriage po kasi 'yung nauna naming kasal so technically, dahil sa parents namin kaya kami nagkakilala." Pagpapaliwanag ko.
"Para pa lang drama 'yang love story nyo? Mahilig ka rin bang manood ng mga drama?"
"Po?" Nawindang ako sa tinutungo ng usapan namin.
"Wala. Pumasok na tayo," hindi na nya ko inimik at nagtuloy sa loob.
'Yung totoo? Parang puro weirdo kamag-anak ni Kai. Di kaya psycho sya? I shook my head for disapproval.
Kung anu-ano na naman pumapasok na kalokohan sa utak ko. Kainis.
Pagbukas ng pinto, isang madilim na kwarto ang tumambad sa amin. Nagliwanag lang iyon nang buksan ni Lola ang ilaw. Nauna itong pumasok kaysa sa akin. Okay, mali ang inisip ko.
Simple lang 'yung kwarto ni Lola. Halos kalaki lang 'nung kwarto ni Kai. Ang pinagkaiba lang mas malaki ang flat screen tv na naririto. Mayroon ding maliit na sofa sa tapat nito. Naglakad ako patungo 'don. "Woah, may ganitong set up sa room nyo? Astig." Hindi ko mapigilang mamangha.
"Itigil muna ang pagmangha sa maliliit na bagay. Mabuti pa'y tulungan mo na lang ako dito sa problema ko." Napalingon ako kay Lola na busy sa paghalukat sa box na nasa lap nya. Saan nya nakuha 'yon? "Ano po 'yan?" Usisa ko pa rito.
"Namalengke si Tina nung isang araw. Binili na rin nya ko ng mga ito. Kaso ang pinoproblema ko ay ano ang uunahin. Halika nga rito't tulungan mo kong mamili."
Muntik na kong matawa nang makita ang nilalaman 'nung box. Akala ko pa naman kung ano iyong mahalaga. Makikita mo kasi sa mukha ni Lola na seryoso sya sa pagbusisi non. 'Yon pala'y mga cds lang. "Ano sa tingin mo? Ano ba ang dapat kong unahin? Itong Goblin o Descendant of the Sun? Eto kayang Legend of the Blue Sea? Baka naman 'tong Hwarang?"
Pfft. Kung di lang talaga ako natatakot na batukan ni lola. Baka hinampas ko na sya habang tumatawa ng malakas. Pati ba naman lola ni Kai kinain na ng sistema? Matinde! HAHAHA.
"Pfft. Sandali lang po Lola Kim. Paanong.. Pfft. Paanong nanonood kayo nyan?" Hindi ko kinekeri 'to bes. Haha.
"Bakit? May sinabi bang bawal mabaliw ang matandang kagaya ko sa mga lalaking kinahuhumalingan ng mga kabataan ngayon?" Hindi ako nakasagot agad. Pero may point naman si Lola Kim. Porket matanda wala nang karapatang kiligin? Wag kami oy! "Eto na lang Lola Kim," sabay abot ko sa kanya ng descendant of the sun tape.
"Nabanggit kasi sa akin ni Kai na retired soldier 'yung lolo nya. So baka makarelate po kayo sa story nito. Try nyo na lang din po," Kinuha naman iyon ni Lola at pinagmasdan, "Aba, ang Soo Joong Ki baby ko pala ito. Hala, sige isalang mo na iha."
Hindi naman excited si Lola nyan? Pumunta ko sa tapat ng dvd at inayos iyon. Gusto nya lang pa lang manood, bakit kailangang isama pa nya ko? Tiga operate ng remote? Tss. Nung mag play na 'yung tape, umupo ako sa tabi nya. Tutok na tutok naman sya sa tv.
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Aigoo, naaala ko tuloy ang namayapa kong asawa. Kasing kisig din nya si Captain Yoon noong kabataan nya. Kaya nga sangkatutak na kababaihan ang nahumaling roon. Subalit ako ang kanyang natipuhan, ang bilis talaga ng panahon. Naaalala ko pa ang kabataan ko na parang kahapon lang."
"Paano po ba kayo nagkakilala ni Lolo Kim?"
Iginala ko ang tingin ko sa paligid at nakita ang larawan ng isang lalaking may suot-suot na soldier uniform. Mukhang hindi nagsisinugaling si Lola. Gwapo nga ang asawa nya.
Sabagay, saan pa ba magmamana si Kai? Ahehe.
"Nakilala ko sya noong panahong nadistino ang grupo nila dito sa aming lugar." Nilingon ako ni Lola habang may kung anong ningning sa kanyang mga mata.
"Aaminin ko, suplada talaga ko ng kabataan ko. Wala ni isa man lang sa mga kalalakihan sa nayon ang nakakalapit sa akin. Nakukuntento na sila sa pagtitig sa aking kagandahan sa tuwing dadaan ako. Bilang nagiisang anak ng gobernador ng lugar na ito. Madali kong nakukuha ang lahat. At kung ano man ang sabihin ko ay sinusunod ng lahat. Maliban sa isang tao."
"Sya lang ang bukod tanging sumalungat sa akin. Nagawa pa nga nya akong pagkatuwaan. Sinubukan kong magsumbong sa aking ama sa ginagawang pamamahiya ng lalaking 'yon. Pero laking gulat ko nang ang isagot sa akin ng aking ama ay hayaan na lamang sya. Sya ang kapitan ng mga sundalong tumutulong sa bayan namin. Kaya hindi ko daw sya dapat gawan ng anumang kasamaan. Sobra ang galit ko ng mga panahong ito. Halos isumpa ko na ang lalaking iyon. Ngunit gaya nga ng kasabihan, the more you hate. The more you love. Hindi ko inaasahang mahuhulog ako sa lalaking kinamumuhian ko."
"Isang araw matapos ang kasal, doon ko nalaman na ipinagkasundo na pala talaga ko sa kanya ng aking ama. At kaya nya ko laging ginagalit ay upang makuha ang aking atensyon at mabago ang pangit kong paguugali. Simula noon ay namuhay kami ng maligaya. May pagsubok mang dumating pero hanggang sa huli, pinanindigan ako ng lolo ni Kai. Pinaramdam nya sa akin na hindi mali na pinakasalan ko sya," kitang-kita ko kung gaano kasaya si Lola Kim habang ikinukwento 'yon.
Bigla kong naiingit, kami rin kaya ni Kai? Magawa kaya naming mahalin at alagaan ang isa't-isa hanggang dulo? Magawa ko rin kayang ikwento sa mga apo ko ang lovestory namin na walang kahit kaunting pagsisisi? Sana. "Kamusta naman ang apo ko bilang asawa?" Nagising muli ang diwa ko. Hindi ako nakahanda sa naging tanong ni Lola kaya hindi ko sya nasagot agad.
"Kamusta po si Kai bilang asawa?" Ulit kong tanong. Tumango-tango naman si Lola.
"Ahm, ang totoo nyan hindi ko pa po masasabi sa ngayon. Nagsisimula pa lang po kami at nakakahiya mang sabihin pero napapadalas 'yung paglalayas ko sa bahay. Pero kung ibabase ko po sa ilang taon na magkasama kami, masasabi kong mahal nya ko. At mahal na mahal ko rin po sya," nilingon ko si Lola na may ngiti sa aking mga labi.
"Siguro nga marami pa po kaming dapat malaman sa ugali ng isa't-isa. Marami pa kaming madidiskubre sa pagdating ng panahon. Pero kahit ano pa iyon, tatanggapin ko sya ng buong-buo. Mula nang mapangasawa ko sya, nabigyan ako ng pagkakataon na makilala kung sino ba talaga sya sa likod ng camera. Kung sino sya bilang si Jong In at hindi si Kai na iniidolo ko."
"Doon ko narealize na malaki nga ang pagkakaiba, si Kai kasi na nakikita ko sa tv. Si Kai na astig sa ibabaw ng stage. Nag-iiba pag namatay na 'yung camera, nawawala na 'yung sobrang confidence nya pagbaba ng stage. Pero dahil sa mga flaws na 'yon. Mas lalo ko syang minahal. Mas lalo ko syang ginustong alagaan."
"Kaya hindi man ako sigurado sa pwedeng kahantungan ng pagsasama namin ito. Gaya ng pangako ko sa simbahan, mananatili ako sa tabi nya kahit saan pa kami dalhin ng aming tadhana," hinawakan ni Lola Kim ang dalawang kamay ko. "Dahil sa mga sinabi mo, hindi na ko mag-aalala kung dumating man 'yung araw na kakailanganin kong iwan ang apo ko. Dahil alam kong may isang taong handang ialay ang buhay nya makasama lang sya."
"Nung una ko pa lang kayong makitang magkasama? Alam ko na agad na tama ang naging pagpili sa iyo ng apo ko. Mahal na mahal ka nya at alam kong ganon ka rin sa kanya. Ang hiling ko lang ay wag kayong padadaig sa anumang pagsubok na kakaharapin nyo. Lagi nyong iisipin kung bakit kayo kumapit ng matagal. At kung bakit nyo pinili ang isa't-isa. Sa huli ang tangi nyo lang makakapitan ay pagmamahal na nararamdaman nyo para sa isa't-isa." Hindi ko naiwasang maiyak nang marinig ang mga payo ni Lola. Hindi man nya sabihin ng diretsyo alam kong mahal na mahal nya ang apo nya. Sya 'yung klase ng lola na hindi showy pero oras na makitang umiiyak ka sya ang unang sasapak sa taong gumawa sa iyo 'non.
Lalo pa kong naiyak nung ikwento ni Lola kung paano lumaki si Kai na mag-isa. Hindi ito nagoopen sa kanya pagdating sa mga magulang nito pero everynight naririnig nya ang pag iyak nito. Iyak ng batang nangungulila sa kanyang mga
magulang.
Bumaba ako nang kusina para uminom nang malamig na tubig. Halos mamaga na ang mga mata ko kakaiyak dahil sa mga ikinuwento ni Lola.
"Sana pala noon ko pa nakilala si Kai, edi sana napasaya ko na sya kahit noong bata pa kami,"
Tinungga ko 'yung tubig na nasa loob ng basong hawak-hawak ko. Inubos ko 'yon lahat at ibinalik sa loob ng refrigerator 'yung pitsel na may lamang tubig.
Balak ko na sanang bumalik sa kwarto ni Lola nang may marinig akong sumisit-sit sa paligid.
"Psst! Psst!"
Luminga-linga ako, ako lang naman tao ngayon dito diba? Nasa taas si Lola, nasa labas sina aling Tina at Sarah. Pati si Kai, so ibig sabihin, MAY MULTO DITO??
Hindi, kalma lang Dasuri. Imposible 'yon no. Hindi pa naman gabi para maglabasan 'yung mga mumu. I shook my head at saka nagsimulang maglakad palabas ng kusina. Nakakailang hakbang palang ako ay biglang may tumawag sa pangalan
ko.
"DASURI! NOONA CRUSH!!!!"
Paglingon ko bintana ng kusina nakita ko 'yung batang mahilig sa mickey mouse. Anong ginagawa nya dito? Lumapit ako doon at kinausap sya.
"Hoy, bata! Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.
"Grabe sya o. Ayaw mo na kong makita? Ang sakit mo naman magsalita noona crush. Nageffort pa naman akong dalhin 'tong si Dark," napatingin ako sa kabayong daladala nya. Nagningning 'yung mga mata ko.
"Waah! Bakit mo sya daladala, saan kayo pupunta?"
"Mamamasyal, gusto mong sumama?"
Teka, pwede ba? Baka hanapin ako ni Lola Kim? Pero busy naman sya sa panonood e. Di na nya siguro mahahalata 'yon. Sayang opportunity. Minsan lang 'to.
"Sige, sandali. Lalabas lang ako," kinuha ko 'yung sumbrerong binigay nya sa'kin atsaka sya pinuntahan. Pagkalapit ko rito. Nakasakay na sya sa kabayo.
"Woah! Sinuot mo pa talaga 'yung sumbrerong ibinigay ko? Kinikilig tuloy ako. Pag lagi kang ganyan, sige ka baka totoo nang mainlove ako sayo," parang tangang pahayag nito.
"Tigil-tigilan mo nga ko. Alam ko namang di mo talaga ko crush. Wala naman na sa paligid 'yung asawa ko kaya tumigil kana sa pagarte," alam ko namang ginagawa nya lang 'yon para asarin ang asawa ko. Halata kaya! "Okay, madali naman akong kausap. Hehe." Tss.
"Pasakayin mo na ko dali! Excited na ko e." Inabot ko sa kanya 'yung kamay ko para tulungan nya ko sa pagakyat sa kabayo. Sinunod naman nya agad ang sinabi ko.
Pagkaupo sa likuran nya, kinuha nito ang kamay ko at inilagay sa bewang nysls. "Humawak kang mabuti. Pwede kang malaglag pag di ka umayos," babala pa nya.
Sa kalagitnaan ng pamamasyal namin. Naalala ko 'yung hanging question ko sa kanya.
Tumango-tango naman ako. "Okay,"
"Hoy bata!" Tawag ko rito.
"O, bakit matanda?"
"Wow, makatanda wagas. Apat na taon lang naman tanda ko sa'yo," loko to ah.
"Ikaw na naman nagsabi diba? Matanda kana. Tapos ngayong tinatawag na matanda nagagalit. Psh," Aba. Biglang nagbago ang ugali? Bipolar. Tss.
"Ewan ko sa'yo. Sagutin mo na nga lang 'yung tanong ko sa'yo kanina para makababa na ko."
"Alin?" Makakalimutin lang ang peg?
"Yung tungkol sa lovestory na nabuo dahil kay Dark," nagtitimpi na lang ako. Babatukan ko na 'yung batang 'to.
"Ah, 'yon ba? Kung talagang curious ka. Bakit di mo tinanong sa asawa mo?" Hindi ko kita ang reaksyon ng mukha nya dahil nakatalikod ito. Hindi ko tuloy alam kung nagaasar lang ba sya o ano.
"Malay ko bang alam nya?" Narinig ko ang mahinang pagismid nito.
"Sige na sasabihin ko na, tutal sumama ka naman sa akin e. Noong unang panahon may isang malungkot na prinsesa sa isang kaharian. Nagiisa lang itong anak at laging busy ang mga magulang nya sa pamamalakad ng kaharian. Wala na itong oras para sa kanya. Wala naman magawa ang prinsipe kundi ang magmukmok lang sa kanyang kwarto. Hanggang isang araw, dinala ng kanilang katulong ang nagiisa nitong anak na babae. Mas bata ito sa prinsipe ng apat na taon. Una silang nagkita noong lumabas ng palasyo ang prinsipe para mangabayo. Ang pinakaborito nya sa lahat ay ang kasisilang pa lang din na si Dark," so, doon pala pumasok sa istorya si Dark? "Habang namamsyal, namataan ng prinsipe ang nagkakagulong mga bata. Nakapalibot ito sa isang bata at pinagkakaisahan, lumapit sya roon at nakiusisa. Nakita nya ang isang batang babae na pinagtutulungan. Inawat nya ang mga bata at niligtas 'yung babae. Habang humahagulgol tinignan sya nung batang babae at tinanong kung prinsipe daw ba sya. Sumagot naman sya ng oo. Inaya ng prinsipe na mamasyal 'yung bata kasama nya gamit ang kabayong si Dark. Pumayag naman smyung bata. Nang papauwi na sila, sinalubong sila ng ina nang bata na nagkataong yung kasambahay pala nila. Mula noon, lagi nang nakikitang magkasama ang dalawa. Sa murang edad tila pinana na nang palaso ni kupido ang puso ng batang babae. Bumibilis ang tibok ng puso nito sa tuwing makikita ang prinsipe. Ang prinsipe naman ay aliw na aliw sa batang babae." "Hindi nagtagal kinailangan ng prinsipe na lumuwas sa ibang bayan upang tuparin ang pangarap nya. Hindi 'yon agad natanggap ng batang babae. Hindi na nya kasi kayang matapos ang araw na wala ang prinsipe sa tabi nya. Ngunit nais parin talaga ng prinsipe na tahakin ang landas patungo sa mga pangarap nya. Kaya gumawa ito ng pangako, 'Babalik ako. Babalikan kita pangako 'yan!' Ngunit hindi naniwala yung batang babae at kanyang sinabi, 'sinungaling! Sabi ni ina maraming magagandang babae sa bayan na iyon. Siguradong magugustuhan mo sila at iiwan ako' humahagulgol nitong pahayag. Dahil nahahabag ang prinsipe sa kanyang nakikita. Tinanong nya ang bata, 'ano ba ang gusto mong gawin ko upang tumahan ka at hayaan ako sa aking pagalis?' Sinulyapan sya nang bata at lumuluhang nagwika, 'Ipangako mong babalik ka. Ipangako mong babalikan mo at papakasalan'. Nagulat man ang prinsipe sa tinuran ng batang babae. Pumayag na rin sya rito. 'Pangako' saad pa nya. At umalis na nga ang prinsipe at nagpakalayo-layo."
"Naghintay yung batang babae. Taon ang binilang hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon. Nagsalubong muli ang landas nila. Tinupad naman ng prinsipe ang pangako nyang pagbabalik, yun nga lang may ibang prinsesa na syang kasama. Nalungkot man at nasaktan walang magawa ang batang babae na iyon kundi tanggapin ang mga pangyayari."
"'Yung prinsipe at batang babae, si Kai ba 'yon at si... Sarah?" Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Marami na kasi akong naririnig tungkol sa nakaraan nila pero ngayon lang talaga ko nalinawan sa mga nangyayari.
Kaya ba ganon na lang kung makatingin sa akin si Sarah? Kaya ba sa tuwing tititigan nya si Kai, para syang nasasaktan?
Pinahinto ni Shawn ang paglalakad ng kabayo. Nilingon nya ko at nagsalita, "Kung sabihin kong oo, may gagawin ka ba para mawala ka sa kwento?"
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report