OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 63: SHAWN KIM
DASURI
Tahimik sa paligid at ang tanging maririnig mo lang ay ang mahinang pagaspas ng mga dahon sa paligid. Tanging ang sinag ng buwan ang nagiging tanglaw sa aming nilalakaran. Wala pa kahit isang salita ang lumabas sa bibig ni Kai mula nang iwanan namin sila Sarah. Tahimik lang syang naglalakad habang nakapasan ako sa likod nya.
Galit kaya sya?
"Um, Kai?" basag ko sa katahimikan.
"Yes?" sagot naman nya.
"Galit ka ba?"
Hindi kasi ito 'yung ineexpect kong reaksyon nya. Sinuway ko sya, sumama parin ako kay Shawn kahit pinagbawalan na nya ko. And the worst, muntik pang mapahamak ang baby namin. Dapat nga binubungangaan na nya ko ngayon. Tanggap ko 'yon. "No," I gasped for air.
"Wala namang mababago kung magagalit pa ko. Magkakasamaan lang tayo ng loob pero hindi mareresolba 'yung problema. Sapat na sa akin na ligtas kayo ni baby," napangiti ako nang marinig ang sinabi nya. "Pero wag mo na ulit gagawin 'yon. You scared me to death."
Mukhang malaki na ang pinagbago ni Kai mula nang unang beses kaming nagsama. Mas naging sensitive na sya sa mga nararamdaman ko.
Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya then whisper, "Arraso,"
Malayo-layo na rin 'yung nilakad ni Kai mula sa pinanggalingan namin pero hindi ko parin natatanaw ang dulo nito. Kailangan ko na bang magpanic? Hindi naman siguro kami naliligaw? Umihip ang malakas na hangin dahilan para mas mapakapit ako kay Kai.
"Okay ka lang? Hindi ka ba giniginaw?" tanong nito.
Umiling-iling naman 'ako. "Binigay mo sa akin 'yung jacket mo kaya paano ko giginawin? Baka ikaw nga 'yung giniginaw?" Manipis na t-shirt na lang kasi ang suot-suot nya ngayon. I'm pretty sure na hindi 'yon nakakatulong para harangin 'yung lamig.
"Paano naman ako giginawin, e yakap-yakap ako ng asawa ko?" Bahagya akong napangiti. Gosh. Pwede ba kong kiligin sa mga oras na 'to? Haha.
Namutawi na namang muli ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pero hindi 'yon nakakailang para sa akin. It quite comfortable. Ngunit hindi rin naman nagtagal muli akong nagsalita. I want to ask something.
"Uhh' Kai, pwede ba kong magtanong?" Agad rin naman syang sumagot, "Sure, go ahead."
"Ahmn, bukod sa pagiging anak ng mayordoma nyo. Ano pa ba 'yung relasyon mo kay Sarah?"
Siguro nga this is not the right time for me to ask this, pero kung hindi ngayon, kailan? "Why are you asking?" Kai utters.
Agad-agad ko naman syang sinagot nang isa pang tanong, "Hindi ko ba pwedeng tanungin?"
He sighed, "I know where it'll goes. Stop thinking nonsense things, Dasuri. Pinapraning mo lang ang sarili mo." Hindi ako satisfied sa naging sagot nya.
"No! I want an answer. Hindi ako mapapakali hanggat hindi ka sumasagot."
"Seriously?" paninigurado pa nito.
"Seriously. Hindi ako makakatulog nang maayos kapag hindi ka sumagot. Kawawa naman si baby." I pout. Mas lumalim ang buntong hininga nito. Inayos pa nito ang pagkakapasan sa akin. "Fine, What's your question again?" I smiled widely nang muli syang magsalita.
"Well... si Sarah, ex mo ba sya? Sya ba 'yung first love mo?"
Ilang segundo pa ang lumipas bago magsalita si Kai. Mukhang pinagiisipan nyang mabuti ang mga sasabihin. Para wala kong makitang butas?
"No, she was just my childhood friend." simple at direstyo nitong pahayag. Not bad pero di pa ko satisfied.
"Pero nagustuhan mo sya?" I heard him groaned.
"C'mon Dasuri, Importante pa ba 'yon? You're my wife, the mother of my child. Hindi pa ba sapat 'yon?"
"That's a different thing Kai. Just answer my question. Yes, or no? Mahirap ba 'yon?" For the third time. I heard him sighed then answer.
"Why so kulit? Oo na. I used to like her. Happy now? Matulog ka na nga lang muna. Kung anu-ano tinatanong mo e,"
I'm shook. I didn't expect na 'yon 'yung magiging sagot nya. So, totoo nga? He likes her. Psh.
ΚΑΙ
"Diyos ko! Anong nangyari sa inyo? Hala! Tulungan nyo ang apo ko!" Bakas sa mukha ni lola ang pagaalala nang makita nya kami ni Dasuri sa tapat ng bahay. Inabot rin ng 30 minutes bago kami makalabas ng kakahuyan. Dali-dali naman kaming nilapitan ng tatay ni Sarah at sinubukang tulungan ako sa pagbubuhat sa aking asawa.
"Hindi na 'ho. Kaya ko na po 'to." Pahayag ko bago bahagyang lingunin si Dasuri. Mukhang nakatulog na ito sa likod ko.
"Sa'an ba kayo naglulusot mga bata kayo. Tignan nyo nga iyang ayos nyo. Puro kayo galos sa katawan." halos mawindang si lola nang makalapit sa amin.
Sinubukan pa nyang punasan 'yung mga sugat ni Dasuri. "Saka na 'ho ako magpapaliwanag la. Iaakyat ko muna po sa kwarto si Dasuri,"
Napansin naman nya ang sitwasyon namin. "Mabuti pa nga," sumunod sya sa amin papasok at inalalayan ang asawa ko.
"La, si Shawn----" hindi ko pa man natatapos 'yung sasabihin ko. Nagsalita na agad ito.
"Ako na bahala sa batang iyon. Kakausapin ko sya ng maigi pagbalik nya rito. Si Dasuri na lang muna ang asikasuhin mo," tumango ako't sinunod ang sinabi nya. "Sige ho,"
SHAWN KIM --- anak sya ng isa sa malayong kamag-anak ni Lola. Namatay ang both parents nya 'nung walong taong gulang pa lamang ito. Wala ni isa sa mga malalapit nyang kamag-anak ang may kakayahang kumupkop sa kanya. Marahil sa kadahilanang ma'y kanya-kanya na itong pamilya at sapat lang ang kanilang kinikita para suportahan ang kanilang mga anak. Kaya matapos mailibing ang kanyang mga magulang. Dinala sya nang kanyang tiyahin dito sa bahay nila lola. Isang araw matapos kong magpasyang umalis sa bayang ito at pumunta sa Seoul. Lola adapted Shawn and treated him as a real grandson. Wala namang tumutol sa side namin since makakabuti rin iyon para may makasama sya sa bahay. Though, I never saw him in person. This is actually the first time.
Maingat kong inihiga si Dasuri sa kama. Napansin ko agad ang mga galos nya sa katawan. Hindi ko naiwasang mapailing.
"Ang tigas talaga ng ulo ng asawa ko. Hindi marunong sumunod kaya madalas napapahamak, tsk."
Umalis ako sa kama at pumasok sa banyo. Nagpalit muna ko nang damit bago nagtungo sa baba para kumuho nang mga gamit para gamutin ang sugat nya. Nagsalubong ang mga mata namin nila Shawn at Sarah nang magkita-kita kami sa sala. Nakabalik na rin pala sila mula sa kakahuyan.
"Kamjjong..." napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Sarah. Nakatingin ito sa akin habang inaalalayan si Shawn na maupo sa sofa. Nakayuko lang naman si Shawn at mistulang iniiwasan ang mga titig ko.
Nasa pintuan si lola kasama ang mga magulang ni Sarah. Nagpapasalamat sila sa mga tanod na tumulong sa paghahanap samin. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Ilalapat ko pa lamang sa unang baitang ng hagdan ang paa ko nang magsalita si Shawn. Mahina iyon pero sapat lang para marinig ko sya nang maayos.
"Sorry..." he whisper.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng first aid kid na aking daladala. Sa totoo lang gustong-gusto kong saktan ang lokong batang 'to. Lalo na 'nung mga oras na muntik nang mahulog ang mag-ina ko sa bangin. Pero hindi, hindi ko ginawa dahil alam kong magagalit sa akin si Dasuri.
"Bakit sa akin ka nagso-sorry? Ako ba ang ginawan mo ng masama?" I look at them without any expression on my face. Nagitla naman ang mga ito.
"H-hindi ko naman kasi alam na buntis sya. W-Wala rin akong balak na saktan sya. Basta bigla na lang nang nangyari ang lahat. Masyadong mabilis...... h-hindi ko sinasadya." I smirked nang makita ang takot sa mga mata nya. Nangi-nginig ito habang nagsasalita.
"M-masyado kasi akong nagpadalus-dalos. Nakalimutan kong isa parin pala kong batang masyadong nagpapadala sa bugso ng damdamin nya." Pero imbes na maawa, lalo lang akong nainis.
"Sa tingin mo dahil hindi mo sinasadya, matatanggap agad ng iba ang sorry mo? Naisip mo ba kung gaano kalaking gulo ang ginawa mo? Paano na lang kung nahuli ako nang dating. Paano kung tuluyang nahulog ang mag-ina ko sa bangin. Sa tingin mo ba mapapatawad agad kita dahil hindi mo sinasadya?" Namutla ang kulay ng mukha nito. I smirked.
"Tch. Wala kong pakialam kung masyado ka pang bata kaya marami ka pang maling desisyon sa buhay. Kung tunay kang lalaki, haharapin mo 'yung resulta ng ginawa mong kalokohan. Wag kang tumakbo at idahilan sa lahat na bata ka pa." Pansin ko ang namumuong luha sa mga mata nito. Halatang nasaktan sya sa mga sinabi ko.
Pero dapat lang sa kanya 'yon. Hindi sya matututo kung walang magsasabi sa kanya ng tama sa mali.
Bumalik ako sa kwarto namin sa taas. Pagpasok ko sa loob nakita ko si Dasuri na nakaupo na sa kama habang nakasandal sa mga unan. Nilingon naman nya ko nang mapansin ang presensya ko.
"Anong ginagawa mo? Mahiga ka nga ulit," utos ko rito pero hindi nya ko pinansin. Dumiretsyo lang ito nang tingin at umaktong parang walang narinig.
Nagsalubong ang kilay ko habang lumalapit sa kanya.
"Yah! Hindi mo ba ko narinig? Sabi ko umayos ka nang higa."
Nakapwesto na ko sa tabi nya at nailapag ko na rin sa kama 'yung first-aid-kit pero hindi parin nya ko nililingon. Nakacrossed-arm pa ito habang patuloy lang sa pagtitig sa pader.
"Dinededma mo na naman ako?" Sinubukan kong hilahin 'yung manggas ng damit nya pero wala parin itong imik. Bahagya kong natawa sa pagiging isip bata na naman nya.
"Bahala ka, kung ayaw mo kong kausapin fine! Basta hayaan mo kong gamutin 'yung mga sugat mo." Hinawakan ko 'yung kaliwang braso nya at maingat itong inilapit sa akin. Puno iyon nang gasgas lalo na sa may siko. Nagasgasan siguro sya sa mga bato.
"Ah!" bulalas nya nang lagyan ko nang alcohol 'yung sugat nya. Mukhang gusto pa nyang magsalita pero pinipigilan lang nya para hindi nya ko kausapin.
Ipinagpatuloy ko ang paggagamot sa kanya. Sinusulyapan ko pa ang reaksyon ng mukha nito pero hindi man lang ako nito nililingon.
"Is it about Sarah?" tanong ko habang nilalagyan ng band-aid ang mga sugat nya. Inirapan nya lang ako.
"I guess so?" Niligpit ko na 'yung mga ginamit ko atsaka isinara 'yung first-aid-kit box bago sya muling nilingon.
"Bakit ba selos na selos ka sa kanya?"
I can't really understand kung bakit nagseselos sya kay Sarah. Dahan-dahan naman ako nitong nilingon habang nakanguso.
"Sabi mo gusto mo sya diba? Kaya ka siguro umuwi dito para magkita ulit kayo at tuparin mo yung pangako mo. Bakit mo pa kasi ako dinala dito kung may babalikan ka naman palang iba. Nakakaasar ka.."
Hindi mawala ang ngiti sa aking labi nakatitig sa nagta-tantrums na mukha ng aking asawa. Lalo naman nyang kinainis 'yon. Tinalikuran ako nito habang nakakunot ang noo. Tinapak-tapik ko naman ang balikat nya para paharapin sa'kin but she shrugged my hand away. Napailing na lang ako habang inaalis yung box sa harap ko at mas lumapit pa sa kanya.
"You are dumb to think that way." She glared at me. Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.
"Oo, sinabi ko gusto ko sya but as little sister not a woman. Only child lang ako at sya lang ang lagi kong nakakasamang bata dito sa bahay. Natural magustuhan ko sya." I tried to depend myself but she doesn't buy it. "Pero sabi nya pinangakuan mo sya nang kasal? Ano 'yon, pakakasalan mo 'yung kapatid mo? Tss. Liessss Kai, Lies."
Ayoko na sanang pagusapan pa ang tungkol dito. Alam ko naman kasing kahit anong sabihin ko mapapraning parin sya kahit walang sapat na dahilan. Hayyst.
Lumapit pa ko rito at niyakap sya mula sa likod. I put my hand around her waist and touch her tummy. Napatingin lang sya roon pero hindi nagpumiglas. I smelled her natural scent and bury my face on her shoulder.
"Fine, I'll tell you everything. Oo na, nangako nga ko. Pero it was just an empty promise. Sinabi ko lang naman 'yon para tumahan sya 'non sa pagiyak nung araw na luluwas na ko patungo ng Seoul. Di ko akalain na totohanin nya pala." naramdaman ko naman ang bahagyang paghawak nito sa kamay ko.
"Hubby, paano mo nalaman na pupunta na kong Amerika? Wala naman akong pinagsabihan tungkol sa pagalis ko maliban kay....." napahinto ito sa pagsasalita nang marealized ang nangyari.
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Si... L. joe?"
Bumalik sa alaala ko ang pagpunta ni L. joe sa bahay namin ni Dasuri. Sinutok muna ko nang loko bago sabihin ang tungkol sa planong pagalis ni Dasuri. Pero nagpapasalamat na rin akong ginawa nya 'yon dahil naalala kong muli kung gaano ko kamahal ang asawa ko.
"Pero bakit?" Lumingon sa akin si Dasuri at hinarap ako. Halata na gulong-gulo sya sa mga nangyayari.
"Bakit nya sinabi sa'yo? Akala ko ba gusto nyang sya na ang tumayong ama ng anak ko? At bakit mo naman ako pinuntahan? Bakit mo ko pinigilan?" Inabot ko mukha nito at mas inilapit sa akin, muli pa kong nagsalita bago hinalikan ang kanyang noo
"We have the same reason... it's because we're so in love with you."
DASURI
"Wifey, are sure wala ka nang naiwan na gamit? Check mo ulit," napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sobrang kulit ni Kai. Pangatlong beses na nyang tinanong sa akin 'yan. Di naman ako ganon kaeng-eng para may maiwan na gamit 'no. Tss. "Oo nga! Kung ayaw mong maniwala, ikaw na magcheck!" medyo naiinis ko nang pahayag.
Last day na kasi namin dito sa bahay ng lola nya. At maya-maya lang ay babalik na kami ng Seoul. Ang bilis naman. Akalain mong nakaisang linggo na pala kaming mamamalagi rito. Haaaast. Humiga ako sa kama sabay libot ng tingin sa apat na sulok ng kwarto nya. Nasanay na rin kasi ako sa araw-araw na pamumuhay nila rito. "Mamimiss ko 'to." Bulong ko.
Simple lang pero naenjoy ko ang bawat minuto na magkasama kami ni Kai. Malayo sa mapagmasid na mga mata ng fans nya. Malayo sa maintrigang mundo. Although, tanggap na naman ng karamihan ang tungkol sa relasyon namin... minsan hindi parin maiwasan 'yung mga nakikisawsaw.
Dito malaya kami. Dito feel na feel ko na akin lang ang asawa ko. Haha.
"Very good. Mukha ngang okay na 'yung gamit mo. Sige, 'yung sa akin naman 'yung aayusin ko." Napalingon ako kay Kai na abala parin sa pagaasikaso ng mga gamit namin.
Pinagmasdan ko lang sya habang ginagawa 'yon. Nakasuot sya ng simpleng puting polo sa pang itaas habang maong na pantalon naman ang pang-ibaba. Bagay na bagay talaga sa kanya ang kulay nya. Ang lakas makamanly. Hoho. "Hubby, bakit ang gwapo mo?" Out of nowhere kong pahayag. Napahinto naman si Kai sa kanyang ginagawa at gulat na gulat na lumingon sa akin.
"What?" Nakakunot noo nitong tanong.
Nagulat ba sya dahil tinawag ko syang gwapo? HAHAHA. Tumagilid ako at humarap sa kanya.
"Ay binge! Sabi ko po, bakit ang gwapo mo? Para tuloy gusto kitang kagatin. Hehe." Ngumiti ako rito nang nakakaloko with matching pikit-pikit pa ng mata na lalong nagpasalubong sa mga kilay nya. Nakipagtitigan pa 'to sa'kin bago nagsalita.
"Stop smiling like that. You remind me of tiffany (chucky's gf)." Otomatikong hinablot ng kamay ko 'yung unan sa gilid ko. Binato ko 'yon sa kanya pero agad din naman nya itong nasangga.
"Nice try," mayabang nitong pahayag. Inirapan ko nga sya.
"Mabuti pa maglibot-libot na lang muna ko sa labas. Mukhang may namumuong bagyo dahil sa sobrang hangin ng isa dito." Umalis ako sa kama at lumapit sa pintuan. Alam mo 'yung aware naman syang asar-talo ka. Ang hilig paring mambuska. Nanadya lang? Grrrr.
"Oh, sa'an ka pupunta?" wika nya nang buksan ko na 'yung pinto.
"Doon sa lugar kung saan di ako tatangayin ng hangin mo," pahayag ko bago tuluyang umalis sa harap nya.
"Wag ka nang lumayo. Aalis na tayo mamaya-maya," rinig kong pahabol nito.
"Oo na po," sigaw ko naman.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagtungo sa hagdan. Bababa na sana ko nang makasalubong ko si Shawn na bababa rin ng hagdan. Gulat na gulat sya nang makita ko. Napayuko pa ito para iwasan ang tingin ko.
Eto 'yung unang beses na makita ko sya sa loob ng bahay ni Lola Kim. Hindi ko alam kung paano nangyari pero narinig kong sinabi ni Kai na apo rin sya ni Lola. Ibig bang sabihin magpinsan sila ni Kai? Pero paano? Di 'ba solong anak lang si Papa Kim? Magkapatid? Di rin. Solong anak lang din si hubby e.
"Um, hi?" I tried to approach him pero bigla itong naglakad na pababa. Nalungkot tuloy ako bigla. Di na ba talaga nya ko kakausapin? Akala ko ba friends kami? Tss.
Bumaba na lang din ako nang hagdan at nagtungo sa labas ng bahay. Umupo ako doon sa bakal na duyan sa gilid. Ang daming magagandang bulalak ang nakatanim sa paligid ng bahay. May mga mesa at upuan na pwedeng pwestuhan kung gusto mong magpahinga at magmuni-muni paminsan-minsan.
Napakaganda ng view mula sa kinaroroonan ko. Medyo malamig-lamig din ang simoy ng hangin na lalong nakadagdag para marelax ka.
"Dito kaya madalas maglaro si Kai at Sarah?" Humawak ako nang maayos sa dalawang gilid. Tinulak ko patalikod yung duyan bago ko umupo at iniangat aking dalawang paa para gumana 'yon. "Woah! Ang saya naman nito!"
"Wooooh! Hahaha." Masyado akong nag-enjoy sa pag ugoy sa duyan. Hindi ko namalayan na pataas na ito nang pataas.
"Hala sya... ang taas na.." kumapit ako nang mahigpit sa duyan. Wag naman sana akong tumambalelong dito.
"Aigoo. Aigoo." nataranta ko nang mapansing dumudulas 'yung pwetan ko sa pagkakaupo. Naku! Mukhang babagsak pa ko sa sahig. Huhu.
Napapikit na lang ako sa takot nang bigla itong huminto sa paggalaw. Para bang may pumigil roon para huminto.
"Wala ka talagang ingat."
Napalingon ako sa likod nang may marinig na boses mula roon. Nakita ko ang isang lalaki na nakahawak sa duyan na kinauupuan ko. Sya siguro 'yung dahilan bakit bigla iyong huminto.
Umalis sya mula sa aking likuran at naupo rin sa kabilang duyan nasa tabi ko. Nakasuot parin sya ng mickey mouse t-shirt kagaya nang unang beses ko syang makita.
"Shawn?"
Hindi ko akalain na susundan nya ko rito. Mula kasi nang mangyari 'yung aksidente sa kakahuyan. Lagi na nya kong iniiwasan.
"Wag kang masyadong tumitig. Baka mainlab ka pa." saad nya pagkaupo sa duyan. Kusa namang umasim ang mukha ko nang marinig 'yon. Mukhang dumadaloy sa dugo ng mga Kim ang kayabangan. Psh.
"Halatang meron ka ngang pinagmanahan." Ngumisi ako rito na ikinatawa naman nya.
"Well, it runs with the blood." Nakangiti nitong pahayag. Hindi ko man alam ang dahilan pero masaya kong kinakausap na nya ulit ako.
"So, kamusta na? Hindi ko akalain na kamag-anak pala kita?"
Ang totoo nagulat talaga ko nang malamang apo sya ni lola Kim. Ni minsan hindi 'yon sumagi sa isip ko.
"Well, parang ganon na nga. Anak ako ng pamangkin ni lola. But my parents both died when I was young," nakita ko ang lungkot sa mata nya habang sinasabi 'yon.
"Sorry..." wika ko. Umiling-iling naman si Shawn.
"Okay lang, ako nga ang dapat na magsorry sa'yo." He looks at me and lock his eyes to mine. Halata sa expression ng kanyang mukha na medyo nahihiya ito at kinakabahan. Nagets ko 'yon kaya hinampas ko sya sa balikat. "Ano ka ba! Wala na sa akin 'yon 'no!" Sinubukan ko pang tumawa para pagaangin 'yung atmosphere sa paligid. Pero napahinto ako nang mapansing nakatitig sya sa kamay kong may band aid. Agad-agad ko naman iyong tinago. "Ah, kung nagaalala ka sa asawa ko. Wag mong intindihin 'yon di ka sasaktan 'non. Lagot sya sa'kin pag sinaktan ka." bigla naman syang natawa.
"Ayieee... tumatawa na sya. Haha." Tinusok-tusok ko pa 'yung tagiliran nya.
"Ewan ko sa'yo noona! Minsan talaga baliw ka rin e." I shrugged my shoulders.
"Pero seryoso, sana matawad mo ko sa nagawa ko. Masyado kasi akong nagpadala sa nararamdaman ko. Hindi ko namalayan na mali na pala 'yung mga ginagawa ko. Huli na bago ko narealized na nakakasakit na pala ko." "Mabuti nga't dumating 'yung asawa mo. Dahil kung nagakataon, hindi-hindi ko mapapatawad 'yung sarili ko." Dahan-dahan kong inabot kanyang kamay.
"Alam mo... hindi naman ako nagalit sa'yo e. Alam mo kung bakit? Kasi naranasan ko ring mainlove ng sobra-sobra. 'Yung tipong nakalimutan ko na ang sarili ko dahil sa sobrang pagmamahal na nararamdam ko para sa isang tao. Pero sa huli natutunan ko, kahit kalimutan mo ang sarili para sa iba, kahit magpasira ka para sa kanya. Hindi 'yon sapat para mahalin ka nya."
"Dahil simula pa lang noon, ang gusto nyang gawin mo para sa kanya ay ang magpakatotoo ka. Dahil mas mapapamahal sya sayo kung ipapakita mo kung sino ka talaga. Always remember, no one better than your original self.." inabot ko 'yung buhok nya at ginulo-gulo 'to. Sabay naman naming nginitian ang isa't-isa.
"Salamat noona," saad nya.
"Wala 'yon," Kukurutin ko pa sana 'yung cheeks ni Shawn nang may magsalita kung saan.
"Ayoko sanang sumingit sa moment nyong dalawa kaso kailangan ko na talagang kunin 'yung asawa ko." lumapit pa ito samin at nilapitan ako. Bahagya namang napaiwas ng tingin si Shawn.
"We need to go. Meron kasi akong schedule na kailangang maabutan bago mag-gabi. Sorry," sinulyapan ko muna si Shawn na nakayuko na ngayon. Halatang hindi sya komportable sa presensya nang asawa ko.
"Tinawagan ka ba ni unnie?" pagbabalik ko ng atensyon kay Kai. Umiling-iling naman ito.
"Napagusapan na namin ito bago pa man ta'yo magtungo rito." simple nitong tugon.
"I see, hmm... Shawn?" muli kong binalingan si Shawn. Nagdadalawang-isip naman ako nitong nilingon.
"Hmm?"
I smiled widely, "Mukhang kailangan na talaga naming umalis. Sayang gusto ko pa naman sanang makipag kwentuhan pa sa'yo." Marami pa kong gustong itanong sa kanya e.
"Ah, alam ko na! Bisitahin mo na lang ako sa Seoul. Sama mo na rin si Sarah at lola Kim, para makita nyo 'yung bahay namin ni Kai. Mas maliit nga lang 'yon kaysa dito pero promise maganda 'yon." I gave him a big smile para hindi na rin sya mailang sa harap ni Kai.
"Huh? Eh..." gulat nitong reaksyon.
Pasimple pa nyang sinulyapan si Kai na mukhang hinihintay lang ang pagtutol nito. Napansin ko naman 'yon at hinila ang laylayan ni hubby. "Payag ka naman sa gusto kong mangyari di 'ba? Okay lang sa'yo na bumisita sa'tin sila Shawn?" Agad naman itong sumagot. "Sure, basta wag lang nilang kakalimutang magdala ng pasalubong." Ngumiti si Kai na nagpaaliwalas naman sa mukha ni Shawn.
I know naman kasing hindi galit si Kai kay Shawn. Gaya nga ng sabi nya masaya na syang ligtas at kasama na nya kami ng anak namin. "S-sige ba," may ngiti na sa labing saad ng batang nasa tabi ko.
Tinanguan lang sya ni Kai. "Lagi mo sanang babatayan si Lola. Nakakahiya mang sabihin pero wala ako sa tabi nya para gawin 'yon."
"O-oo naman. Kahit hindi mo pa sabihin. Si lola ang tumayong ama't ina ko mula pa noon kaya mas doble 'yung pagmamahal ko para sa kanya. Hindi ko man masabi na dumadaloy sa kawatan ko ang dugong Kim. Pinapahalagahan ko parin sya higit pa sa totoo kong mga kamag-anak."
"Thats good then," ginulo pa ni Kai ang buhok ni Shawn na mas lalong nagpangiti sa akin.
Siguro kung nagkaroon ng nakakabatang kapatid si hubby, spoiled 'yon sa kanya. Hehe. "Paano? We really need to go. See you again, in Seoul."
Nagpaalam na kami kay Shawn at nagtungo sa van na itim. Van 'yon ni lola Kim ipapahiram nya sa amin para may masakyan kami pabalik ng airport. Naasikaso na ni Kai lahat ng kakailanganin namin pabalik sa Seoul. Mukhang wala na ngang atrasan 'to. Nagkaiyakan pa kami nila Lola Kim bago kami umalis ng bahay. Nandoon si Sarah at ang mga magulang nya. Si Shawn na nakangiti na sa amin. Pati na 'yung mga tauhan ng Family Kim.
Nakakatuwa kasi sa mga nangyayari mas lalo kong nararamdaman na mas nagiging malapit ako kay Kai. Mas nakikita ko na ng buo 'yung totoong mundong kinalalagyan nya. Hindi 'yung kung sino lang sya sa ibabaw ng stage at harap ng
camera.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report