PATRICIA'S POV (Dream House)

"So stressful!"

Ibinagsak ni Jess sa tabi ko ang mga results ng exams namin. Mababa ang score niya sa isang subject.

"Med school is indeed stressful, Jess" sang-ayon ko dahil kahit ako ay nahihirapan na rin.

Our lectures and lessons for hours per subject is not a joke. This week is I could say a bit rough for us. Marami kaming ginawa. Mag aral ng mga upcoming lessons at para sa exams. Thank god I passed all of those.

"Mamaya may mga laboratories pa tayo! Bakit ba kasi naisipan ko pa mag doktor!"

I laughed at her. She's right. We still have laboratories to do for other subject.

"Tara, kain muna tayo" aya ni Jess dahil break time na. "Your baby might be hungry!"

I shook my head and stood up.

Simula talaga nang mag buntis ako ay naging doble ang alaga niya sa akin. Palagi siya'ng may dalang pagkain para sa akin at pinaalalahanan ako ng mga bagay na dapat ginagawa ng buntis. Si Tyrone naman ay ganoon din, pinadadalhan ako ng mga prutas sa bahay.

Si Kelvin naman ay tuwang tuwa ng malaman na buntis ako. Nasa France na siya kaya sa video call na lang kami madalas nag-uusap.

"Bawal na sayo ang softdrinks. Water na lang muna!"

Si Jess ang nag order ng kakain ko. Masyado siya'ng strict tulad ni Callum. Habang kumakain ay nag-uusisa si Jess tungkol sa naging family dinner namin noong nakaraan. Ang dami niya'ng tanong.

"So... tatapusin mo lang ang first year dito sa med school? Paano ako?!" maktol niya at natigil sa pagkain. "I don't have any friends here! Sino na ang tatakbuhan ko kapag may hindi ako maintindihan na lectures?"

Sadness became visible on her face. Hindi naman kasi biro ang pagkakaibigan namin. She was my bestfriend since elementary. Palagi kami magkasama kaya mahirap nga naman sa kanya na mahiwalay sa'kin. "Syempre manganganak ako, Jess. I would take care of my child. Babalik din naman ulit ako sa pag-aaral"

Suminghap siya bago muling bumaling sa pagkain, nakasimangot parin.

"Jess naman... matagal pa ako manganganak at bibisitahin mo naman ako sa bahay di 'ba?"

"Alright!" she rolled her eyes. "Wala rin naman ako magagawa,"

Bumalik kami sa class hanggang sa pinaka ayaw na part ni Jess. Ang mga laboratories na gagawin namin. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na siya napagalitan pero bumawi naman siya sa mga operations na ginawa namin. Pagkatapos ng tatlong subjects ay pumunta muna ako sa comfort room dahil nakaramdam ako ng pagsusuka.

Ngayon ko lang ulit ito naramdaman siguro dahil naparami ang kainain ko kanina?

"Ano, ayos ka lang? Nagsuka ka ulit kanina?" bungad ni Jess nang nag dismissal na.

Hinintay niya ako sa labas ng room.

"Okay na ako, siguro naparami ang kain ko kanina"

Habang naglalakad papunta sa parking ay nabasa ko ang message ni Callum na susunduin niya raw ako. Hindi na ako nagulat dahil namataan ko agad siya'ng papalapit sa amin. Hindi niya na lang kami hinintay sa parking.

"Wow, so happily married na talaga ang peg mo ngayon? Mukhang strict ang asawa mo, ah!" pang-aasar ni Jess ng makita si Callum.

Pansin ko ang ilang babae na habol ang tingin kay Callum. Who wouldn't? He can really caught your attention by just walking arrogantly and looks so handsome effortlessly!

"Hi,"

Callum took the books I'm holding and quickly kiss me on the lips while there's students around!

Nanlaki ang mata ko sa gulat bago tumingin sa paligid. Gosh, I think I'm blushing! Narinig ko pa ang pekeng ubo ni Jess kaya mas nahiya ako.

Callum acted like he didn't do anything and even hold my hand.

"Are you blushing?" he whispered.

Inirapan ko siya at hinila papunta sa parking. Si Jess ay nag paalam na at nauna.

"Don't do that again!" singhal ko sa kanya ng makarating kami sa sasakyan.

"Why? Are you shy?" he asked, laughing.

"No," usal ko at humalukipkip nang mag simula siya mag drive.

As usual, he held my other hand while he's driving. May nadaanan kaming fast food at nag drive thru na lang siya. He ordered me some fries, burger and drinks.

Habang kumakain ako ay pansin ko ang patingin-tingin niya. Kinuha ko ang isang burger at inilapit sa bibig niya pero umiling siya.

"You seems hungry," puna niya at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"I vomit two times earlier. Siguro dahil marami ang nakain ko kaninang lunch"

Mabilis nag-alala ang mukha niya. "Are you okay? How are you feeling?"

Tumawa ako. "Our baby is okay, don't worry!"

"I'm asking about you, Patricia. Because you're the one carrying our baby and I'm also worried about you-"

"Hey," I tap his arm. "We're okay. What I'm feeling is just normal for a pregnant woman"

Muli ako'ng kumagat sa burger at tumingin sa labas ng bintana. Kumunot ang noo ko dahil hindi na pamilyar ang dinaraanan namin. Hindi ito ang daan papunta sa village. Binalingan ko siya. "Uh, I think this is a wrong way-"

"Yeah" tumingin siya sa akin. "We are going somewhere,"

"Saan naman?"

"You will see,"

I don't like his smile but I waited though.

Nakatingin lang ako sa labas at hinihintay kung saan kami titigil. Pupunta ba kami sa restaurant o may date kami? But I'm still wearing my uniform!

Pumasok ang sasakyan sa isang village. Ngayon lang ako nakarating dito. I noticed the big houses around.

Are we visiting some of his friend here?

Bumagal ang andar ng sasakyan at huminto sa isang malaking bahay. Napamaang ako sa ganda ng interior nito sa labas pa lang. Dalawang palapag ito at bagay ang kulay puti sa kabuuan nito. Bumaba si Callum ng sasakyan at pinanood ko siya'ng umikot para pag buksan ako ng pinto. Hinawakan niya ang kamay ko bago kami nag lakad palapit sa bahay. May mataas at malaking kulay itim na gate sa unahan, may nakita rin ako'ng doorbell sa itaas.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

I was expecting that he will touch the doorbell but instead, he took out a key from his pocket. I look at him with wide eyes. Binuksan niya ang gate at pumasok kami. Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat. Bakit siya may susi ng bahay na ito?

Tahimik at walang tao pag pasok namin. Binuksan niya rin ang main door gamit ang isa pang susi.

"Hey," I got his attention. "We're already trespassing!"

"We're not,"

Hawak niya parin ako papasok. Hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng bahay. The interior design is really humiliating! May malaking chandelier sa itaas. Puti at itim naman ang theme color dito sa loob kumpara sa labas na plain white. Malawak ang bahay na ito kumpara sa tinutuluyan namin ni Callum. Tingin ko'y kasya ang tatlong pamilya rito.

"How can you say so, Callum? Nag paalam ka ba sa may ari nito? Does one of your friends owns this?" tanong ko habang nililibot ng mata ang paligid.

This house is indeed beautiful but too empty. Walang appliances o decorations. Isang sofa lang ang namataan ko sa may living room kaya lumapit ako doon, rinig ko ang pag sunod ni Callum.

"Why are you not answering?" muli kong tanong dahil hindi siya sumagot. "Or maybe your friend asked you to check here-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa nakita. Sa tabi ng sofa ay may isang maliit na table at may nakapatong doon na isang picture frame. It was me! It was my graduation picture wearing my toga!

I turned to Callum in confusion but I found him smiling!

"W-What is this?" I asked. "Why do I have a picture here?"

Nanlalaki ng mata ko bago bumaling ulit sa picture frame. Kinuha ko ito at tinitigan. Ako talaga ito! Bakit 'to nandito? Dinala ni Callum?

"You still didn't get it my love..."

Halos mahulog ang picture frame sa kamay ko ng maramdaman ang braso ni Callum sa baywang ko. Nakagat ko ang labi nang ipahinga niya ang baba sa balikat ko at mas humigpit ang yakap. Damn!

"C-Callum... what are you doing?" I tried removing his arm but I can't!

"Don't bother about your picture. I brought that here"

Nilingon ko siya. "What? Kanino ba itong bahay?"

"It's my house... our house rather," he chuckled on my neck.

I bit my lower lip. How can he affect me like this!

Lumuwag ang braso niya kaya pumihit ako paharap sa kanya. Halos manlambot ako sa guwapo ng mukha niya lalo na at nakangiti siya ngayon pero hindi ko 'yon ininda.

"What did you say? You owned this house?!" eksahadera kong tanong. "You're kidding me!"

Humalakhak siya bago ako muling niyakap. "It's our house, Patricia. I bought it two years ago-"

Sinapak ko siya braso. "Ginagago mo ba ako? We already had a house and what do you mean by this is our house?"

Tumawa ulit siya at pinigilan ang kamay ko.

"How I can be considered as a owner of this house if you bought it two years ago and we still don't know each other that time?! How can you explain that, Callum?"

Inagaw ko sa kanya ang kamay ko at humalukipkip, hinihintay ang paliwanag niya. If he bought this house two years ago, it means he already had a plan to build a family here? To whom? To Zara?! Ngayong hindi natuloy ang kasal nila ni Zara, sa akin niya itutuloy ang plano niya. What the hell is my purpose? Second option?

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Tinignan ko siya ng masama bago tinalikuran. Natanaw ko ang isang pinto na nakabukas kaya dumiretso ako roon papunta sa likod ng bahay.

"Hey, I will explain!" rinig kong habol ni Callum.

Hindi ko siya pinansin dahil natulala na lang ako sa ganda ng garden dito sa likod. It almost had resemblance to our house. May garden din kami roon at may pool pero ang pool dito ay sobrang laki at lawak. Maraming bulaklak dito na ang sarap tignan!

There's a small arch that surrounded by flowers, it considered as the entrance to a beautiful garden.

Pumasok ako roon. Halos kumislap ang mata ko sa dami ng bulaklak! May dalawang swing din katulad ng sa bahay namin. It seems a paradise for me!

"You liked it? Beautiful isn't it?"

Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Callum.

"Ang ganda naman dito," mangha kong sabi at umupo sa swing.

"Just like you," he whispered. "I know that you love flowers"

Nakita ko siya'ng umupo sa katabi kong swing. I looked at him unbelievable.

"Why you need to do this?"

"I bought this two years ago. I don't have a plan to live here to be honest," his eyes spark when he turned to me. "Not until you came. The moment I knew that you are pregnat, I immediately called someone to revovate this house. This is really my dream house and I want to leave here with my dream family"

Natulala ako sa kanya.

Tila may humaplos sa puso ko sa mga narinig. He want us to leave here instead?

"Hindi ba masyadong madali? May bahay pa naman tayo-"

"I want to rush things especially if you're involved," tumayo siya pumunta sa likuran ko. "I badly want to see your beauty blending with a beauty of this house,"

Tumingala ako sa kanya at naramdaman ko na lang ang pag halik niya sa akin. Nanlaki ang mata ko pero napapikit din kalaunan nang hawakan niya ang mukha ko.

We spend more minutes in that garden when he decided to tour me in the second floor of the house.

There's five rooms totally. We entered the master's bedroom and it was really wide!

Humiga ako sa malambot na kama habang nakangiti si Callum na nakatingin sa akin.

"You really loves surprising me" I uttered and smiled at him.

Nasa bulsa ang pareho niya'ng kamay bago umupo sa kama, sa tabi ko.

Umayos din ako ng upo at niyakap siya patagilid. I wasn't really expecting him go pull out a very huge surprise like this. He's too much.

Kumalas ako sa yakap at humarap siya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Hindi ko alam pero may nag udyok sa akin at mas lumapit pa at idampi ang labi ko sa kanya. His lips is really so soft. I closed my eyes when I felt his tongue entering my mouth.

Tumaas ang balahibo ko at kinilabutan sa sensasyon na naramdaman. Hinawakan niya ang batok ko at mas pinalalim ang halik namin.

"We will spend our night here..."

He whispered between our kisses before our body completely fell on the bed.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report