45 Days With You
Chapter 15 (I’ll live my life longer…)

One moment in my life is just hilarious to me. Ang pagkakaalam ko ay nawala ako sa sarili ko, pero iyong nangyari sa pamilya ni Taymer ay hindi ko alam kung kaya ko pa bang isipin.

After that day, he didn't go there to meet me. Naiintindihan ko iyong dahilan niya dahil hindi madali ang mawalan ng mahal sa buhay, for no reason inisip ko iyong mga binitawan kong pangako sa kanila.

Kaya buong puso kong nirerespeto ang desisyon ni Taymer. Nagdaan ng isa, dalawa at tatlong araw na hindi siya nagparamdam sa akin. I wanted to confront him, to comport him. He needs that; he badly needs that. Hindi man ako kundi sa mga taong pinagkatitiwaan niya.

"He's having a hard time right now," sabi ni Daddy sa akin habang nakatulala sa isang tabi.

Watching outside is just forever. I wanted to watch all I can kasi baka sa isang sandali ay 'di ko na makita pa itong muli.

Nakauwi na sila dahil sa masamang nangyari. Hindi rin ako pinansin ni Mommy, siguro nalaman niya iyong sitwasyon ko ilang araw na ang nakakaraan.

"Naaawa na ako sa batang 'yon. Wala pa ngang 40 days iyong pagkawala ng kapatid niya sumunod na ulit iyong Nanay niya," sambit ni Mommy.

Walang imik akong nakikinig sa pinaguusapan nila. Kahit ako ay naaawa ako kay Taymer, walang madali kapag nawala iyong iniingatang mong pamilya, at minahal mong pamilya. Kaya nga ako natatakot sa mga nangyayari sa akin. Ngayon lang din pumasok sa isip ko na mahalaga ang bawat sandali na kasama ko sila. Paano kung ako iyong nasa sitwasyon niya. O 'di kaya ay ako iyong mawala?

Makakaya kaya nila na maging masaya?

Iniisip ko palang ay nasasaktan na iyong damdamin ko. Masakit mawalan at nakakatakot mawala.

"We should pay a visit to him and my friend," sagot ni Daddy kay Mommy.

"Kailangan nga," sagot ni Mommy.

Tumingin ako sa kanilang dalawa. Wala akong ganang lumabas o pumunta. I just wanted to be here.

Gusto ko lang dito magisa.

Kasi kung nandoon ako mas makakadagdag pa ako sa pasanin na iniisip niya.

Gaya ng mga sinabi nila. Ayaw kong masaktan si Taymer ng dahil sa akin. Kasi wala rin namang mangyayari, kung papairalin ko iyong kumpyansa sa sarili ko. May tanin na iyong buhay ko. May limitasyon na akong hinintay. Iyong sinasaad na time lapse ay nakasaad nang maubos.

I feel that...

Buong araw ay kung saan saan umubot iyong isip ko. I overthink to hard hanggang sa point na hindi na namalayan na may panibagong umaga na ulit ang sumalubong sa akin.

When I woke up, I saw my parents hugging each other again. I love seeing them in love, and that love was created by me, but their love for each other is so strong because I'm weak, and I'm not sure if I can spend my holidays with them. Gusto ko pa silang makasama magpasko, gusto ko pang salubungin ang bagong taon na nandoon sila. Kung may huling hiling ako, sana ay iyon nalang. Masyado na akong maraming hiniling pero hindi pa tiyak kung mangyayari pa lahat ng mga hiniling ko. Kung may pagkakataon mas maganda, kung wala ay tatanggapin ko gaya ng pagtanggap ko sa hanggang at may limitasyon nalang ang natitira sa akin.

Nabubuhay ako ng natatakot, gumigising ako ng may pinaglalaban at natutulog akong mabigat sa kalooban. Ganito ko inahahalintulad ang araw, gabi at umaga ko.

I hate this feeling.

Once again, I pictured them in my mind. Then, after that, I looked at the wall and saw the clock there. It's 5 o'clock in the morning. May kakaunting liwanag na dulot ng magkakaibang kulay na lulan ng himpapawid.

The sun Is up to rise kaya naglakad na ako papalabas sa munting kwarto ko. Dala dala ang dextrose na nakakabit ay matipid ko itong kinaladkad upang hindi magising sila.

Matapos akong makalabas mula sa kwarto ay dahan dahan ko rin isinara iyon pabalik at bumaling sa hallway na may iilang tao ang dumadaan.

'Di ko sana mapansin pero hugis palang ng pagkatao, namamayat na katawan at matamlay na itsura ay nakilala ko siya. Nakaupo siya sa gilid ng haligi kung saan katapat ang kwarto ko.

"T-Taymer," mahina kong usal.

Puno nang lungkot siyang tumingin sa akin. Bakas din sa hitsura niya ang pagod. Tumingin siya gayon sa akin pero wala akong nakikitang emosyon, tanging matamlay lang ang nakikita ko sa kanya.

Tumango siya sa akin. Gusto kung lapitan siya ngunit ayaw nang mga paa ko na humakbang. Gusto kong yakapin siya ngunit hindi ko maigalaw iyong sarili ko.

He's wasted and I don't know how to act. Kasi hindi siya ganito, the Taymer I know is strong, joyful and happy person.

"L-Laspiranza," saad niya ngunit bumiak iyong boses niya. Doon lang ako nagkaroon ng tyansa na lapitan siya.

Namumuong luha sa mata niya, napapagod na nakatingin sa akin at higit sa lahat ay masasakit na luha ang dala ng bawat tubig na umaagos sa mga mata niya.

I wanted to cry after seeing him like this, he's tired. Pagod na rin siya siguro?

"G-Give me a... hug, p-please..." he pleased.

'Di ako alam kung tama ba iyong ginawa ko, 'di ko alam kung bakit mas ako iyong nasasaktan sa nangyari sa kanya pero, all I can do to him is to comport him. Hindi man ako iyong comport zone niya at least I'm here for him.

Not for my feelings but for being part of everything he'd done to me. I have to encourage him, just as he motivates me to live my life longer than I am right now. He inspired me to learn a lot, and I don't need to give it back to him because he really needs it right now; moreover, I did.

"Does it hurt?" tanong ko.

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Kaya nga pinagsisihan ko rin kaagad kung bakit ko iyon na itanong sa kanya.

Kahit wala siyang sagot, I know that he's feeling hurt. He's not okay with that. Siya nga napagod, paano pa kaya ako na siya iyong inspiration ko? He inspired me in a lot of ways, and seeing him like this is like a hurricane for me. Parang bagyong winasak iyong damdamin ko

...

After that scene ay nandito na kami sa rooftop. Iyon lang din ay bumalik iyong dating siya. Pero much more lungkot for him.

"Y-You energized me," mahinang saad niya habang sabay kaming tumingin sa umuusbong liwanag dala ng araw.

"Sure, but are you okay now?" tanong ko pero nasa sun rise parin ang tingin ko.

Lumiwanag ang mata ko nang magtapat iyong paningin namin.

"Mabigat pa rin," sagot niya at nagiwas ng tingin. Isa sa mga napapasin ko sa kanya na nagsasabi siya ng totoo ay iyong umiiwas siya ng tingin. I mean never pa siyang nagsinungaling sa akin. Tumahimik kaming dalawa at dinama iyong kakaunting init na dumadampi sa mga katawan namin.

"Me," nasabi ko bigla.

Naantig ko iyong atensyon niya at pansin ko ang tingin niya sa akin.

"P-Paano kung... ako?"

Namumuo ang luha sa mata ko.

Wala pa rin siyang sinabi sa akin ngunit ramdam ko ang matatalim niyang tingin.

"Totoong may tanin na iyong buhay ko, Taymer," sabi ko sa kanya. "Ayaw kong masaktan ka ulit dahil sa akin."

Nanginginig ang kamay kong nilalaro iyon. I'm not comfortable telling my life limit.

Napahinto ako sa ginagawa ko nang abutin niya iyong kamay ko.

"I just reminding you again, Taymer?" sabi ko nang hindi maawat iyong matinding pagsusumangi sa puso ko. Lumakas din iyon ng lumakas hanggang sa nahihirapan na akong huminga.

Naalerto siya sa naging nangyari. Buti nalang at may baon siyang tubig at pinainom iyon sa akin. Nag-palpitate na naman ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko ngayon. Nawala lang iyon nag huminto ako sa pagiisip ng kung anu-ano. "Don't say that okay, you live your life freely I promise that," sabi niya at niyakap ako. Hinaplos haplos niya pa ang likod ko.

Nawala ng panandalian iyong agam agam sa isip ko. I might love hugging him. But his embracing me, parang sakop na rin niya iyong kaluluha ko.

"Ayaw kong masaktan ka, Taymer. You don't deserve this, kung ang paglayo ko sa'yo ang paraan para hindi ka masaktan ay gagawin ko," sabi ko sa kanya.

"Wag lang magsalita ng tapos, Laspiranza. 'Nung pumasok ako sa buhay mo alam ko na iyong consequences," sagot niya. "Walang pero at bakit, Laspiranza,” dagdag niya nang sasagot pa sana ako.

"Iyang mga nararamdaman mo ay ang dahilan kung bakit lumalala iyong sakit mo. You overthink so well hanggang sa humantong sa ganito. Gagaling ka naman pero masyado mo lang dinaramdam iyong mga nangyayari sa paligid mo kaya ka nawalan ng pagasa, kaya ayaw mong magpatuloy. Pero, nandito na ako diba? I'm here for you 'cause I love you," hinaing niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita.

"Mali bang mahalin ka?" tanong niya.

Ayaw kong makipagtalo sa kanya kaya dinamdam ko nalang iyong mga naririnig ko. Tama iyon lahat dahil mas lalong paliit ng paliit iyong tyansa na mabuhay ako dahil sa iniisip ko na wala nang pag-asa.

"I believe in miracle. Malay mo may himala ang mangyari sa'yo,” dagdag niya.

"S-Sorry..." tanging nasabi ko sa kanya.

Ni hindi na nga ako makatingin pa sa kanya. Matapos ang pangyayaring iyon ay pinabalik na niya ako sa kwarto ko. I'm so childish, hindi pa masyadong mature iyong mga desisyon ko sa buhay.

Nang higitin ko iyong pinto sa kwarto ko dito sa hospital ay nakita ko ang mga magulang ko na magkayakap. Napansin ko rin iyong kakaibang awra sa mga mata nila ng makita nila ako. "Laspiranza," nakangiting saad ni Daddy sa akin. Kaya mas lalo akong nagulat sa mga nangyayari sa ngayon.

Pahigit nila akong niyakap gayong hindi ko alam kung ano iyong nangyayari. Kung ano iyong ginagawa nila sa akin.

They look happy, and seeing them like this is heart-filling with joy and happiness for me.

"Here is the result of your session last week," Daddy said.

Nakakaumay ding nakatingin si Mommy sa akin na umiiyak habang nakangiti.

Wala akong naging tugon sa kanila. Wala din pumapasok sa utak ko kung ano ang mga nangyayari sa paligid ko.

"Open it honey and you'll see the good news," sabi ni Daddy at nakangiting hinalikan ako sa pisngi. Ganun lang din ang ginawa ni Mommy sa akin.

Daddy handed me the piece of paper, and when I opened it, nanlaki ang mata ko at hindi ko mapigilan mapaiyak.

"You're now good, Honey. May improvement na iyong sakit mo," sabi ni Daddy.

"You did the good job, Baby. Give mommy a hug," sabi ni Mommy at iyon lang din ang ginawa ko.

I hugged both of them, masaya ako para sa sarili ko, at tama iyong sinabi ni Taymer sa akin.

I'll live my life longer.

Pero iyon lang din sa tingin nila...

I know the reason I controlled it. Hindi ito ang tamang panahon para magsaya dahil ang totoo ay hindi pa tiyak na gagaling ako o mas liliit ang tiyansya sa ibinigay sa akin para ipagpatuloy ang tinatawag nilang buhay.

**

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report