Kung siya iyon, anong pagkatao ang kanyang ginamit para tulungan siyang bayaran ang kanyang utang? Nagpresenta ba siya bilang kanyang asawa?

Subalit, nadurog kaagad ang kanyang ekspektasyon. Nagsabi sila ng isang pangalan---Daniel.

Kaagad na tinawagan ni Madeline si Daniel. Pagkatapos ng ilang sandali ay dumating siya.

Nang sinabi ni Madeline sa kanya ang tungkol dito, nakahinga siya ng maluwag. "Akala ko may masamang nangyari sa'yo, Maddie. Ito lang pala. Wala lang 'yon. Hindi mo na 'to kailangang dibdibin pa." "Wala lang 'yon." Seryosong tinitigan ni Madeline si Daniel. "Dan, hindi ko alam kung kailan kita mababayaran. Maraming salamat."

"Hindi mo kailangang magmadali. Hindi ko kailangan yung pera kaagad-agad."

"Alam ko 'yun pero---"

"Kung gusto mo talaga akong pasalamatan Maddie, eh di pwede mo kong ilibre ng pagkain. Dumating ako dito nang di pa kumakain." Pinutol ni Daniel si Madeline. Mariin siya nitong tinitigan nang may marahang titig. "Masaya ako na natutulungan kitang buhatin ang mga pasanin mo."

Nararamdaman ni Madeline ang purong klase ng pag-ibig sa pagitan ng lalaki at babae sa mga mata ni Daniel.

Kaagad niyang nilihis ang kanyang tingin at tumango. "Okay."

Kalalabas lang ni Madeline mula sa kulungan at wala siyang masyadong pera. Natatakot siya na baka hindi niya ito magawang ilibre ng pagkain.

Subalit, naisip na ito kaagad ni Dan at nagsabing gusto niyang kumain ng taco na may hot sauce.

Siya ang young master ng isang mayaman at maimpluwensyang pamilya pero kumakain siya ng taco na may hot sauce sa gilid ng kalsada. Gustong nagpaumanhin ni Madeline pero nakahanap si Daniel ng lugar kung saan siya pwedeng umupo. "Hindi mo alam no, Maddie? Gustong gusto ko ang taco with hot sauce, kaya lagi akong umoorder nito noong nasa university pa ako."

Maliban sa paliwanag ni Daniel, alam rin ni Madeline na ang dahilan kung bakit niya ginawa ito ay para hindi siya maubusan ng pera.

Nang maisip ito ni Madeline, naramdaman niyang uminit ang kanyang puso.

Alam niya ba mas magandang magkautang kay Daniel kesa sa nightclub. Subalit, magkakaroon siya ng utang na loob kay Daniel.

Pinanood ni Madeline si Daniel na matapos kumain. Hindi siya makakain ng taco with hot sauce dahil sa kanyang kondisyon. Hindi siya maaaring kumain ng kahit na ano na pwedeng magpalala ng kanyang sakit.

Habang naglalakad sa daan na punong-puno ng ilaw ay mahinang bumuntong hininga si Daniel. "Al mo ba, Maddie? Noong nasa university ako, lagi akong nangangarap na balang araw makakalakad rin ako sa tabi mo sa daan. Hindi ko inaasahan na matutupad pala ang pangarap kong iyon. Pero, halos magtetreinta na tayo."

Napansin ni Madeline ang bakas ng kalungkutan sa kanyang tono. Subalit, mukha rin siyang masaya.

Marahang ngumiti si Madeline. "Dan, masaya ako na nagkita tayo ngayon pero---"

"Papayag ka ba na maging akin, Maddie?" Binuksan niya ang kanyang bibig at pinutol ang sinasabi ni Madeline habang huminto siya sa paglalakad.

Napahinto si Madeline. Nagsimulang tumibok ng napakabilis ang kanyang puso.

"Nag-divorce na kayo ni Jeremy, hindi ba? Mukhang ikakasal na siya kay Meredith."

Akala niya ay nawala na ang kanyang pag-ibig at pag-asa sa taong iyon, pero nang marinig niya ang balita tungkol sa magiging kasal nila ni Meredith, ang matinding sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang puso ay nagpapaalala na mayroon pa rin siyang pakialam sa lalaking iyon.

Subalit, mayroon lang siyang pakialam. Tapos na ang lahat sa kanila ngayon.

"Maddie, maghihintay ako sa'yo." Hindi pinilit ni Daniel si Maddie at bahagyang ngumiti. Nang susubukan niyang hawakan ang mga kamay ni Madeline, dalawang sinag ng ilaw ang tumama sa kanila. Isang kotse ang huminto sa kanilang harapan at isang napakapamilyar na anyo ang lumabas mula rito.

lyon ay si Jeremy.

Mukha siyang matikas at malamig. Nang makita niya si Madeline na nakatayo sa tabi ni Daniel ay suminghal siya.

"Madeline, napakacheap mo. Kalalabas mo lang ng kulungan at nakikipaglandian ka na sa ibang lalaki sa likod ng asawa mo? Kung gusto mong sumama sa lalaking ito, bakit mo ginawa ang lahat para umakyat sa kama ko? O gusto mo yung excitement ng patagong kumikilos?"

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report