Hindi inasahan ng lahat sa kwarto na magtatanong nang ganito ang old master, maging si Madeline.

Ang maayos na tibok ng puso ni Madeline ay muling tumaas sa isang iglap. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong.

Nakita ni Old Master Whitman ang namumulang mukha ni Madeline at naunawaan niya.

Mahinahon siyang ngumiti at itinaas ang kanyang ulo para tumingin kay Jeremy. Pagkatapos, mahinahon siyang tumingin kay Meredith at sa nanay ni Jeremy na mga mukhang naiilang. "Walang may karapatang sumira ng kasal na ito hangga't nandito pa ako!" Seryosong ipinahayag ng old master.

Nakita ni Madeline na ang mukha ni Meredith ay kasindilim ng uling at napakalagim. Naisip niya na siguro minumura na nito ang old master gamit ng lahat ng murang maisip nito.

"Miss Montgomery."

Ganito ang tawag ng old master kay Meredith dahil siya na ang dalaga ng Montgomery ngayon.

Pinilit ni Meredith na ngumiti. "Opo, Old Master Whitman."

"Naniniwala ako na di dinakip ng aking grandaughter-in-law ang iyong anak. Kung pinipilit mo na siya ang may gawa nito, edi dapat makiusap ka sa isang tao na kausapin ang aking mga abogado."

п

." nanigas ang ngiti ni Meredith sa isang iglap.

Di niya inasahan na dedepensahan nang ganuto ng old master si Madeline!

Sobra na ito!

Paulit-ulit niyang tinatawag si Madeline na kanyang granddaughter-in-law, kaya nagseselos si Meredith na nagulo na nang sobra ang mukha nito.

Nagulantang din ang nanay ni Jeremy. "Dad, nalilito ka ba? Andaming kasamaan na ang ginawa ni Madeline. Paano mong-"

"Matanda na ako, pero di ako naguguluhan!" Sumagot nang malakas si Old Master Whitman. Hindi na naglakas-loob na magsalita pa ang nanay ni Jeremy. Samantala, nanggigigil si Meredith ngunit di na siya nagsalita.

"Gabi na. Jeremy, iuwi mo na ang asawa mo ngayon na."

Pahayag ito ng old master, at talagang masunuring naglakad si Jeremy papunta sa tabi ni Madeline bago kunin ang kanyang kamay. "Umuwi na tayo."

Nang magdikit ang kanilang kamay, kusang lumundag ang puso ni Madeline.

Medyo malamig ang palad nito, ngunit nang dumikit ito sa palad ni Madeline, parang itong nagbabagang bakal sa pakiramdam. Naiilang siya dito.

Nang makita ni Madeline ang nanlalaking mga mata ni Meredith, itinaas niya ang kanyang ulo at ngumiti kay Jeremy. "Okay." Nagpanggap siyang tumango nang masunurin.

Pagkatapos nilang magpaalam sa old master, tahimik na sumunod si Madeline kay Jeremy.

Nang papunta sila sa kotse, nakaramdam si Madeline ng isang bola ng apoy na sumusunod sa kanya. Lumingon siya para tignan ito at nakitang namimilipit sa galit ang mukha ni Meredith. Natuwa si Madeline. Subalit biglang ihinawi ang kanyang kamay.

Inapakan ni Jeremy ang akselerador at galit na sinabi, "Madeline, minaliit kita. Anong pinainom mo kay Lolo kaya ganyan ka niya depensahan?"

Tumingin si Madeline kay Jeremy. Gwapo pa rin ito tignan mula sa gilid, ngunit ang pagkahinahon ay hindi makita.

Nagsimula na namang umulan.

Ihinawi palikod ni Madeline ang mga ligaw na hibla ng kanyang buhok at matamis na ngumiti sa kanya.

"Anong kalokohan ang sinasabi mo honey? Kung may ganon akong gamot, sa iyo ko yun unang gagamitin." Pagkatapos niyang sabihin iyon, inapakan ni Jeremy ang preno.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report