Can I be Him? -
CHAPTER 10.2
MABILIS na lumipad ang mga mata niya sa hindi kalayuan ng court, hinahanap ang nagma-may ari ng boses na pumukaw ng atensyon nilang lahat. Noong mahanap na, roon niya napagtantong palapit na rin pala si Alexander sa direksyon niya, ito ang dati nilang kapitan sa basketball noong high school-iyong captain nila bago naipasa ang posisyon kay Zachariel.
Habang pinanonood itong lumapit, hindi nakatakas sa mga mata ni Lyle ang isa pang pigura na nakasunod sa likuran ni Alexander ngunit hindi siya nag-abalang pinagtuunan ng pansin. May kung ano kasi siyang nararamdaman na masamang balita na nakadikit sa taong iyon bagamat hindi niya kinikilala.
"Kanina ka pa dumating?" Tanong ng dati nilang kapitan bago tumigil sa harap niya at pinunasan ang pawis na nasa noo nito.
Pagak na tumawa si Lyle bago umiling. "Di naman. Halos kararating ko lang din."
"Ah, buti naman. Pasensya na, nagsimula na kami. Pampainit ba."
Ayos lamang sa kanya. Huli naman na rin siyang dumating at hindi niya masisi ang mga ito kung nabagot silang hintayin siya.
Hindi sinasadya ni Lyle na maipilig ang ulo noong matahimik sila ni Alexander. Nanibago siya dahil matagal-tagal na rin mula noong may makasalamuha siyang kakilala noong high school. Oo nga, kilala niya si Ridge mula noon, nakikita niya rin paminsan-minsan sa trabaho, pero iba ang dating noong talagang nakasama niya talaga noon ang makakausap ngayon. Dati, halos barkada rin ang turing niya kay Alexander, e.
"Oo nga pala Lyle, tumangkad ka, a!" Anito kalaunan.
Nabigla siya nang akbayan siya ng kapitan nila. Hindi siya nakapalag at kaagad na nakakilos. Hindi siya kumportable. Gusto niyang alisin ang pagkakaakbay nito sa kanya! "Ah, pasensya ka na, cap."
Marahan niyang inalis ang pagkakaakbay ni Alexander at natuwa noong hindi ito pumalag. Noong gawin niya ito, sandaling natigilan ang binata ngunit noong matanto kung bakit ito ginawa ni Lyle, awtomatiko nitong pinalagatik ang mga daliri. Mukha itong may naalala na kung ano.
"Oo nga pala, sorry. Naalala kong 'di ka pa kumportable ulit at ang laki ng kasalanan ko sa 'yo no'ng high school tayo," anito.
Nabigla siya nang dalhin nito ang usapan doon. Katunayan, napasinghap siya at namilog pa ang mga mata. Kahit kailan, hindi niya inaasahang sasaluhin nito ang mga kasalanan noon!
"High school pa 'yon," wala sa sarili niyang sabi.
Umismid ito. "Kahit pa na high school pa 'yon, malaki pa rin kasalanan ko sa 'yo!"
"Ayos lang sa 'kin. Wala na 'yon."
Mahinang tumawa ang binata bago nito inabot ang ulo niya para guluhin ang buhok niya. Namula ang mga pisngi ni Lyle at awtomatikong hinanap ng mga mata niya ang pigura ni Ridge, ngunit nang mapagtantong abala ito sa pakikipag- usap kay Zamiel, lihim na bumagsak ang mga balikat niya.
"Oo nga pala, kumusta na? Balita namin e designer ka!"
Kahit paano, na-distract si Lyle noong ibaling ni Alexander ang usapan sa career nila.
"Ah, oo. 'Di 'ko na itinulak 'yong basketball, mas masaya ako sa pagde-design." Awit nga dahil nag-shift pa siya ng kurso para lang makasama si Ridge. "Ikaw, cap? Huli kong balita sa 'yo, nag-Abu Dhabi ka pala no'ng grumaduate ka ng senior high?"
Humimig ito. "Buwan lang din itinagal ko ron. Paano ba naman kasi, nakabuntis din ako kaya kinailangan kong umuwi."
Iyan din ang nabalitaan niya.
Napansin ni Lyle na nagpapahinga silang mga manlalaro dahil nakikipag-usap sa kanya ngayon si Alexander. Wala pa ring nag-aaya ng panibagong round sa kampo nina Zachariel at nag-uusap lang din ang mga ito. Anyway, Lyle's eyes roamed around the place to search for Gian. He barely saw him earlier but he is still amazed of how that man could play. Isa pa, gusto niyang ito naman ang makausap niya dahil, dito siya pinakakumportable.
Iyon nga lang, sa ibang pigura lumanding ang mga mata niya.
Tila estatwang naitulos si Lyle mula rito sa kinatatayuan niya noong rumehistro sa kanyang kasama pala nila si Henry-ang dati niyang kaibigan na nagtakwil din sa kanya noong mag-out of the closet siya. Iyong nambintang na baka lihim na niya itong pinagnanasaan? Iyon.
Masama ang tingin nito sa kanya. Tila ba kahit sa paglipas ng mahabang panahon, hindi nagbago ang tingin nito sa kanya.
Ito pala ang binatang nasa likuran ni Alexander.
"Anong tinitingin-tingin mo? 'Wag mong sabihing na interesado ka pa rin pala sa 'kin?" May bahid ng pangungutya sa boses nito.
Napakurap-kurap siya. Hindi niya alam kung gusto niyang matawa na nang-aakusa na naman ito o ano, e. Hanggang ngayon, baon pa rin nito ang kasinungalingang iyan?
"Kahit kailan, 'di ako naging interesado sa 'yo," paglilinaw niya.
Inismiran siya nito. "O talaga? Iyan ba ang 'di interesado samantalang dikit ka ng dikit sa 'kin noon?"
"Because we were friends and you're the person I rely onto the most."
Mukhang lahat yata ng kasama nila rito sa court, napansin ang tensyong bumabalot sa pagitan nila ni Henry. Paano ba naman kasi e natahimik ang kapaligiran at tila ba walang may alam kung anong nangyayari. Basta, bigla na lamang silang nagtatalo ngayon nitong kasama.
"Pre, tama na 'yan," awat sa kanila nitong si Alexander bago ito pumagitna, "sinabi na ni Lyle na 'di siya interesado sa 'yo."
Sumagitsit ito. "Neknek niyang maniniwala ako sa ganyan. Ang lagkit ng titig niya sa 'kin kanina. Kung gusto mo pa 'ko, isa lang ang masasabi ko: mag-move on ka na!"
Napaismid si Lyle habang pinakikinggan ang walang kwenta nitong pahayag. Pagak siyang tumawa bago napailing. Hindi pa rin ito mag-move on sa mga isyung wala namang pruweba. Ibang lalaki ang gusto niya at si Ridge iyon simula't sapul. Marahil dahil sa pagkadismaya, hindi na rin napigil ni Alexander ang sapuin ang ulo at mapailing. Pasimple siya nitong pinasadahan ng tingin ngunit bumuntong hininga lang siya. "Henry, walang kwenta na sinasabi mo. Awat na. Nakakahiyang pakinggan 'yang sinasabi mo, e."
"Ako pa ang walang saysay? E 'di ba nga't pumunta 'yan dito para makita ako?"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Hindi clown si Henry, siya na mismo ang circus.
Napipikong napahilamos ng mukha itong si Alexander. "Sige nga, anong pruweba mo na ikaw ang pinuntahan?"
Natahimik si Henry noong manghingi na ng pruweba si Alexander. Base sa itsura ng binata, mukhang marami itong nais na sabihin, ngunit wala ni isa ang kumawala sa bibig nito. Iyang pananahimik niya ang dahilan ng pagbuntong hininga ng dati nilang kapitan.
"Si Gian ang naghanap kay Lyle kaya siya nandito," paliwanag ni Alexander, dahilan iyan para magulat si Lyle.
Si Gian ang naghanap sa kanya?! Bigla na lamang siyang pinamulahan ng mga pisngi dala ng hiya at ng tuwang naiisip siya nito kahit hindi sila nagkikitang dalawa!
Napapiksi si Lyle noong lingunin siya ni Alexander. "Ly, pasensya ka na. 'Tong si Henry, hanggang ngayon 'di maka-move on sa mga isyu. Siya yata talaga ang may gusto sa 'yo."
"Pakyu!" Sabad naman ng binata.
"Ayos lang. Sanay na 'ko na ganyan siya."
Nag-aalala itong tumitig sa kanya. "Awit, 'di magandang masanay. Hayaan mo, ako na bahala riyan mamaya. Mag-uusap kami."
Mataman silang nagkatitigan hanggang sa mayroong pagtikhim na bumasag dito sa namumutawing katahimikan sa pagitan nila. Sabay-sabay silang bumaling sa gawi noon hanggang sa magulat silang malapit na pala si Gian sa kanya. Katunayan, halos nasa likuran ito ni Henry.
Hindi niya maiwasang mamangha noong nakasimangot ang binata. Matalim ang mga tinging ibinabato kay Henry at tila ba nanunukat pa. Pero anong ginagawa niya riyan?
"Gian?"
Sa kabila ng pagtawag niya kay Gian, nanatili ang mga mata nito kay Henry. It also took time but he cleared his throat, and in a deep voice, he said:
"Kuya Lex, okay lang ba kung mag-switch tayo ng players? 'Di pwedeng magka-team kayo ni Lyle," anito."
'Huh?' Napakurap-kurap siya.
Si Henry ang sumagot kay Gian. "Di talaga pwede at magiging pabigat lang si Lyle. Bakla 'yan, e. Anong kaya niyang gawin?"
"Henry!" Suway ni Alexander dito.
"Ah, 'kala ko ikaw 'yong pabigat," walang anu-ano'y balik ni Gian kay Henry, "bukod sa kung umasta ka e parang ang galing mo maglaro, ikaw pa 'tong iniintindi ni Lyle at kuya Alex samantalang 'di naman dapat."
Napasinghap siya, hindi inaasahang kaya pa lang magsalita ni Gian ng ganyan. Isa yata ito sa mga personalidad ni Gian na sinwerte siyang masaksihan? Dahil ba wala itong salamin kaya malakas ang loob nitong magalit ngayon?
Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Natigilan siya nang marinig ang pagsipol ng mga kasama ni Gian. Nang tignan kung sino ang mga iyon, nakita niya sina Leon at Zachariel. Naglalakad ang mga ito tungo sa kanila pero mukhang walang balak pigilan si Gian sa pakikipagtalo. Umismid si Henry. "Hanep ka, a. Madalas e para kang santo pero nilait ko lang 'tong si Lyle, biglang lumakas ang loob mo?"
"Dahil alam kong tama 'tong ipaglalaban ko. Ako nga ang nagtataka e. Sa'n mo ba nahugot lakas ng loob mo kahit alam mo sa sarili mong ikaw ang mali?"
Hindi niya alam kung anong sasabihin. Ang hirap makisabad nang sa ganoon e mapigilan niya si Gian. Iba kasi ang tindi ng tensyon sa pagitan nila ni Henry. Hindi pa nga nakatulong na ginatungan pa ni Zachariel ang pakikipag-away nito. "Lakas ng loob ng bunso namin, 'no? Tago 'yan, kaya pumayag ka na, Henry. Wala ka rin namang choice. Sige ka, ibalibag ka ni Gian. Mainit pa naman ulo niyan." Alam niya dahil halos umusok pa nga ang mga ilong nito sa inis.
"Di mainit ulo ko," dipensa ni Gian.
Humagalpak ng tawa si Zachariel. "Nyay! Ulol! Neknek mo! Lokohin mo lelang mo! Galit na galit ka kaya noong iniinsulto si Villariza. Kung sa bagay ako rin naman, pati na rin si Zamiel pero 'wag na 'yan, hirap pa 'yang lumabas na may gusto kay-"
Bago pa man nito matapos ang sinasabi, nabigla silang lahat nang may tumamang bote ng mineral water sa mukha ni Zachariel. Ang nakakatakot, hindi pa iyon nabawasan! Ang hirap isipin kung gaano kalakas ang impact noon! Tapos natawa pa si Zachariel, ayos lang ba ito? Hindi ba ito nasaktan? Baka napango na ang matangos nitong ilong! Sabay-sabay nilang nilingon si Zamiel na noon ay mas nadaig na ang kainitan ng ulo ni Gian. Habang si Ridge, aliw lang na pinanonood ang kasintahan.
Parang nakikita na rin niya ang imahe ng kamatayan sa likuran nito. Parang balak talaga silang bawian ng buhay.
"Putang ina niyo, dinadamay niyo 'ko sa kakitiran ng utak niyang kasama niyo, e kung himay-himayin ko 'yang mga utak niyo pagka nabiyak ko?!"
Ang sabi ni Zachariel, upang patahimikin at pakalmahin si Zamiel ay magpalit na sila ng players. Kung kaya naman napagdesisyunang i-switch si Gian at Lyle. Siya ang maglalaro sa team nina Zachariel samantalang ito naman ang sa team nina Alexander.
Hindi niya malaman kung ano ang dapat na sabihin samantalang pupwede namang huwag nang mag-switch. Kaya niyang tiisin ang presensya ni Henry, hindi lang talaga niya inaasahang ito pala ang isa sa mga naimbitahang manlalaro. Iyon lang, ayaw niyang masayang ang effort ni Gian. Presko pa sa isip niya ang imahe nitong nanggagalaiti kani-kanina lang.
"Nag-aalala ka kay Gian? Chill, 'di naman 'yan makikipagsuntukan 'pag mainit ang ulo."
Natigilan siya sa pag-iisip nang marinig ang boses ni Zachariel. Hinanap niya kung saan galing ang boses nito, hanggang sa mapagtantong nasa likuran niya pala ang binata at nagpupunas ng pawis sa mukha. Nang magtama ang mga mata nila, awtomatikong napangisi ang binata.
"Gulat ka bang tumapang bigla si Gian? Ganyan 'yan kasi crush ka niya," dagdag pa nito.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report