Can I be Him? -
Chapter 22.1
Naputol ang iniisip ni Lyle nang marinig ang pagkatok sa labas ng opisina niya. Hindi nagtagal, iniluwa ng pinto ang ulo ni Kaleb. Mukhang tinitignan kung abala siya dahil hindi siya sumagot. Nang masigurong hindi, saka ito tuluyang pumasok ng opisina niya.
"Bakit, Kaleb? May problema ba?" Bungad niya rito.
Umiling naman ang binata bago iniangat ang mga kamay upang marahan na iwagayway ang mga iyon.
"Wala naman, boss. Gusto ko lang talaga sabihin na may naghahanap sa 'yo."
Kumunot ang noo niya bago inilipat ang mga mata sa wall clock. Alas kwatro na ng hapon noon at malapit na rin na matapos ang working hours nila. Hindi niya akalain na may bibisita dahil wala naman siyang natanggap na mensahe mula sa mga kliyente?
But then, an unexpected meeting does not sound so bad. Mayroon pa rin naman silang dalawang oras noon sa trabaho kaya tatapusin nalang niya kaagad ito. "Sige, papasukin mo na, Kaleb," aniya.
Tumango naman ito bago lumabas ng opisina. Mukhang tinawag din ang bumisita sa kanya. Habang naghihintay, inabala ni Lyle ang sarili na tapusin ang natitirang gawain. Pero tumigil siya sandali para mag-angat ng tingin nang magbukas ulit ang pinto ng opisina niya.
Noong una, hindi niya nakilala kung sino iyon. Ang una rin kasing bumungad sa kanya ay ang itim nitong sapatos at slacks. Hanggang sa malawak na buksan ni Kaleb ang pinto. Halos lumuwa ang mga mata ni Lyle. Muntik na rin na mahulog ang panga niya nang makita niya si Gian.
Apparently, it seemed that the other male just got back from the "wedding" that he attended to. Nakasuot pa rin kasi ito ng tux. His hair was also fixed and slicked back, which even more accentuated his handsome face. It's not even helping that he was not wearing his glasses! Napapadalas yata. And, ps, Gian looked great wearing a black and white tux.
Huli na nang mapansin ni Lyle na may dala pala itong mga maliit na shopping bag. Nahimasmasan lang din kasi siya nang nasa harap na niya si Gian at naisara na ni Kaleb ang pinto ng opisina niya.
"U-um..." Nahihiya nitong panimula bago mahinang tumawa. "Sorry for barging in so late, Ly."
Muli siyang namangha nang kausapin siya nito.
"Pasensya na rin kung naka-tux pa rin ako. Galing ako sa kasal, 'di nga lang ako nagtagal dahil... um, mag-iinuman nalang naman sila."
Lyle almost choked in his own spit. But in the end, he managed to clear his throat. Lumipat din ang mga mata niya sa mga dala nito.
"Ah! Ano 'yan, bumili ako ng desserts sa starbucks kani-kanina lang. Rival café pero..." Mahina itong tumawa bago kinamot ang pisngi. "Ayaw ko naman na biglang bumisita rito na walang dala para sa 'yo." Marahan siyang tumango. "But you needn't to?"
"Alam ko pero nakakahiya." Lumipat ang mga mata ni Gian sa upuang nasa harap ng table niya. Saka naman nahimasmasan si Lyle at minuwestrahan itong pupwede itong umupo kahit saan nito gusto. Sumunod naman si Gian bago isa-isang nilabas ang mga pinamili.
What the fuck, he did not expect this. Akala niya, hindi niya makikita si Gian hanggang Lunes pero nasa harap niya ito kanina.
"Mabuti... 'di ka umuwi para magbihis?"
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report