Can I be Him?
CHAPTER 2.2

NATIGILAN si Lyle at mabilis na nag-angat ng tingin kay Ridge. Hindi inaasahan ang tanong na maririnig mula sa mga labi nito. Iyon nga lang ay hindi ito nakatingin sa, marahil dala ng hiya. Sa halip, abala itong tapusing isuot ang susunod na damit na irarampa.

Meanwhile, Lyle was at a loss of words. Anong sasabihin niya? Anong gustong marinig ni Ridge mula sa kanya? Hindi naman itatanggi ni Lyle na hindi lamang si Ridge ang lalaki sa buhay niya. Pero sa lahat ng ex niya, kahit hindi naging sila ng binata, ito talaga ang hinahanap hanap ng puso niya.

"I mean, in an actual relationship, by the way," dagdag ni Ridge na ikinagulo lalo ng isip niya.

"Ah, eh..." Hindi niya alam kung ano ba ang tamang sabihin, wala naman siyang maitatanggi? "oo naman. Ba't mo naitanong?"

"Talaga? Anong pakiramdam?"

Pinagpag ni Ridge ang suot bago nito ipinilig ang ulo paharap sa kanya. Nagtama ang mga mata nila at napatayo ng tuwid si Lyle. Naiyukom niya ang mga kamay at naramdaman ang pananawis ng noo niya, ngunit pasimple niyang pinunasan iyon gamit ang sleeve ng suot niyang damit.

"Okay naman. Ikaw a, ba't ka nagtatanong? 'Di ba may boyfriend ka naman?" Bagamat pinilit niyang magtunog pilyo, halos mautal pa rin si Lyle habang nagsasalita.

Hindi niya maiwasan ang magtaka nang tila magulat si Ridge sa tanong niya. Nanlaki ang mga mata nito at nag-isang linya ang mga labi. Kung hindi rin siya namamalikmata lang, parang napaatras pa ito.

"May nangyari ba sa inyo ni Zamiel? Baka LQ lang kayo, pakiramdam mo kaagad, single ka na?"

"Kami? May lover's quarrel? Tsk, palagi naman." Mabilis pa sa ala singko nitong sagot, "ah. Bale nagkajowa ka na pala."

Ah, hindi siya kumportable sa usapan! "Ano bang 'kala mo sa 'kin? No boyfriend since birth?"

"Kind of. I actually pegged you as the type to drown yourself on your work and won't spare some time to date." Nagkibit balikat si Ridge. "Pero 'di ba iba-iba ang takbo ng bawat relasyon? Curious lang ako kung pa'no 'yong sa iba." Pekeng napaubo si Lyle. "Depende sa love language ng tao 'yon. Pa'no ba ang inyo?"

"I don't really know." Mahinang humalakhak ang binata. "Acts of service? Lots of sex? Anyway, I was just curious."

Napalunok siya nang marinig iyong pangalawang sinabi ni Ridge tungkol sa love language nila. Nag-iwas siya ng tingin. Ayan na naman, nilulukob na naman ng kalungkutan ang dibdib niya. Hindi pa rin talaga nadadala si Lyle samantalang ilang minuto lang din ang lumipas mula kanina, si Zamiel ang bukambibig nito.

Minsan, ang disrespectful ni Ridge. Hindi man lang ito makahalatang may gusto siya rito. Kaya lang, hindi niya rin masisi ang binata dahil wala naman itong alam sa nararamdaman niya. Kahit kailan naman ay hindi siya umamin. "Pa'no kaya kung iba naman 'yong naging jowa ko, ano?"

Napasinghap si Lyle. "Huh? Makikipag-break ka kay Zamiel?"

Tila nilukob ng kasiyahan ang puso niya sa ideyang maghihiwalay si Ridge at Zamiel. Ang unfair niya. Ang sama ng ugali niya dahil iniisip posibleng magkaroon siya ng oportunidad na makasama si Ridge. Then again, he does not want to drown in these hopes. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangan niyang maging rasyonal. Baka mamaya, madismaya na naman siya.

"Hm? Ba't parang ang saya mo pa?" Pilyong tanong ng binata sa kanya, "crush mo 'ko, 'no?"

Napalunok si Lyle at pekeng umubo. "H-hindi ako masaya. Nagtatanong lang naman ako!"

"Alam ko naman." Humalakhak ang binata. "Wala akong balak makipag-break. Siya ang mag-a-adjust sa 'kin. Kung habang buhay kaming magpepestehan, then so be it."

Pasimpleng bumuntong hininga si Lyle. Sabi na nga ba niya, e. "E, ba't mo pala naisipang magtanong tungkol sa love life ko?"

"Curiosity, and probably just to learn a thing or two about you since I remembered that we haven't caught up yet."

Nilingon siya ni Ridge bago nito tinapik ang ulo niya. Bahagya rin nitong ginulo ang buhok niya kung kaya sinubukan niyang hulihin ang kamay nito.

Nang maramdaman ang palad nito sa mga kamay niya, natigilan siya ang lambot ng kamay ni Ridge.

"Also, probably to get some tips from you."

Kaagad na nawala ang pokus niya sa init ng palad ni Ridge sa mga kamay niya, at ang pakiramdam na parang ginawa ang kanya para rito nang sagutin nito ang tanong niya. Hindi nagtagal, binawi ni Ridge ang sariling kamay mula sa kanya bago siya nginitian.

"Mauuna na 'ko. Malapit na kaming bumalik do'n sa runway," paalam nito.

At tulad kanina, pinanood na naman niya na mawala ito sa paningin niya at lukubin ng liwanag ang pigura nito. Mahal na mahal talaga ni Ridge si Zamiel. Hindi niya na lamang niya maiwasang mainggit.

Natapos ang event na Primivère ang may pinaka maraming na-accumulate na sales. Idagdag pa na maraming tumangkilik ng mga damit na dinisenyo niya kung kaya maging sa botohan, ang brand ni Lyle ang nanalo. It was a long, exhausting, but rewarding night.

Ngunit sa kabila ng pagtatagumpay, hindi niya makuhang matuwa. Ang bigat ng pakiramdam niya. Hindi iyon nagbago nang puriin at i-congratulate siya ni Ridge dahil sa pagsisikap nitong marating ang destinasyon. "Damayan sana kita kaso medyo tanga ka e. Ako naman, maayos pa ang pag-iisip." Sumimsim ng in-order na macha latte si Keegan bago naghalumbaba.

Tipid ang ngiting naghalumbaba siya at pinanood ang kaibigang kumain ng mocha cake. Nang mabagot, inilibot niya ang mga mata sa buong café, nagbabaka sakaling may maobserbahang kainte-interesante.

Tulad ng nakaugalian, naririto na naman si Lyle sa café na pagma-may ari ni Gian. Ito na talaga ang nagsisilbing lugar para makapag-relax siya at maging inspired. Ito na rin ang naging paboritong lugar niya kung saan ipinapatawag ang kaibigang si Keegan sa tuwing kailangan niya ng makakausap.

Matagal na silang magkaibigang dalawa. Isa ito sa mga unang taong tumanggap sa kanya sa kabila ng pagiging straight nito. Kolehiyo siya nang makilala niya ito at bagamat magkaiba sila ng kurso at club dahil banda ang inaasikaso nito noon, nagkasundo pa rin sila matapos magkausap sa isang school event.

At bilang magkasama sila noong kolehiyo, malamang ay kilala rin nito si Ridge! Nagkataon ding ito ang gym instructor ng binata ngayon! Ang pagkakataon nga naman!

Moreover, it really seems as though there is no one who does not know Ridge back in high school and college. Lalo na, bukod sa kagwapuhan, matalino rin ito. It must be a thing for handsome men?

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Pero oy, kailan pala bumalik jowa no'n? 'Kala ko sa England na 'yon?"

Muli itong sumubo ng in-order na pagkain bago ipinukol sa kanya ang paningin. Hinanap din naman ng mga mata niya ang kay Keegan, kaya nagkatitigan sila ng ilang sandali bago umiwas si Lyle ng tingin upang simsimin ang sariling kape. "King ina. 'Kala ko rin, joke lang na may boyfriend si Ridge. Seryoso pala kayong lahat,” dagdag nito.

Napangiwi si Lyle at ipinatong ang tasa ng kape sa table mat. "Kulit mo rin, 'no? Sinabi ko naman sa 'yong matagal na sila. High school pa."

Humimig si Keegan. "Akala ko kasi biro lang talaga! Alam mo naman ugali ni Ridge. Pilosopo, amputa. 'Kala mo laging joke lumalabas sa bibig, e."

"Ewan ko ba, Kee. Madalas naman, utu-uto ka pero 'pag tungkol sa usapang may jowa si Ridge, 'di mo talaga matanggap, 'no?"

"Ukinam. E sa mas bagay kayong dalawa!"

Awtomatikong sumilay sa mga labi ni Lyle ang ngiti nang marinig ang sinabi ni Keegan. Tignan mo ang isang ito, inuuto pa siya samantalang kasasabi lang na tanga nga siya. Minsan, hindi niya gets kung saan siya lulugar! "Pero Ly, wala ka pa bang balak mag-move on?"

Kumunot ang noo ni Lyle at naningkit ang mga mata sa kabila ng ngiti sa mga labi. "Meron. 'Pag kaya ko nang tanggapin na 'di ako ang end game ni Ridge."

"Sus. Take your time. Wala namang nagmamadali sa 'yo." Nagkibit balikat si Keegan bago naghalumbaba rin. "Ayun nga lang syempre, baka may ibang mas worth it kay Ridge."

"Oo nga, e. Baka kapit ako ng kapit dito pero sa hinaharap, jackpot pala ang ma-hit ko, 'no?"

Humagalpak ng tawa ang kaibigan. "Hilingin mo! Magmu-move on ka na lang kay Gonzales, mamimili ka pa ng pangit? 'Di kita pinalaking bumababa ang standards 'pag na-basted!" "Hindi naman ako na-basted, e."

Bumaba ang tingin niya sa lamesa at sa mga pagkaing halos makalimutan na nila.

"Pero mahirap pa rin talaga. Siya dahilan kung ba't ako nagkaroon ng pag-asa't pangarap. Kung ba't 'di ako sumuko. Gusto kong maging parte ng buhay niya. Kahit hindi na maging kami, basta maging importante rin ako sa kanya. 'Di iyong parang extra lang."

Napangiwi si Keegan sa sinagot niya. Tila nabura ang emosyon sa natural nitong masiglang mga mata kahit na ang totoo, itinatago lang nito ang pagkadismaya.

"Awit sa 'yo. Wala kang maloloko rito. Gusto mo na maging kayo. Kasasabi mo lang kanina na 'di mo matanggap na 'di siya iyong end game mo, e. ako pa lolokohin mo."

Napahawak si Lyle sa batok at tumawa. "E, maliit lang naman posibilidad na ro'n e. Mahal na mahal kaya niya si Zamiel. Kahit wala siyang sabihin, mararamdaman mo."

"Ang gulo mo. Ano ba talaga gusto mong gawin sa buhay? Pick a struggle nang alam mo anong daan tatahakin mo!"

"Iyong una, pero kung mangyayari iyong pangalawa, edi salamat sa Diyos. Worth it siyang hintayin."

Doon namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Marahil ipinoproseso pa ni Keegan ang sagot niya sa isipan nito o hindi kaya ayaw na niyang magkomento pa. Sa halip, ipinagpatuloy nalang nila ang pagkain. Pero sandali lang din ang katahimikan nang mag-usisa si Keegan.

"lyle, nakita mo na ba 'yong boyfriend ni Ridge?"

Natigilan siya sandali at ibinalik ang tingin sa kaibigan. Ang random nito magtanong, samantalang hindi pa siya nakakahinga mula sa pinag-uusapan nila kanina.

"Ilang beses na. Ba't mo naitanong?"

"Wala. Curious lang ako anong itsura. Malay mo, mukhang shokoy. Nang matawanan ko naman si Ridge dahil mas pinili niya 'yon sa 'yo!"

Lyle snorted. "Nah. Kung itatabi mo 'ko kay Zamiel, kulang pa 'ko ng isang libong paligo!"

Inalala niya ang itsura ni Zamiel. Hindi niya gusto ang pagkudlit ng sakit sa puso niya nang lumabas nga ang imahe ng binata sa isip niya. Ayaw din sana niyang puriin ang binata dahil mapait sa pakiramdam ngunit wala naman siyang dahilan upang itago. "Mukhang anghel."

Hindi siya nagsisinungaling nang simulan niyang i-describe ang itsura ni Zamiel. Designer din kasi siya, suntok sa pride kung magsisinungaling siya tapos kapag nakita ni Keegan iyong isa, sabihing binuhat lamang niya ang sariling bangko. "Contrasting sila ng imahe ni Ridge. Alam mo naman na si Ridge, parang iyong mga bidang lalaking may misteryosong awra sa mga palabas."

Tumigil siya sandali at halos lunurin ang sarili sa imahe ni Ridge na pumapasok sa isipan niya. Kaya lang, isa-isa iyong pumutok na parang bula nang bumalik si Zamiel. Biglang lumitaw upang sirain ang tahimik niyang pangangarap. And do not get him wrong. He does not hate Zamiel. In fact, he only feels awkward and inferior around him because of his relationship with Ridge. Kaya siguro ayaw niyang iniisip ang imahe nito.

"Samantalang si Zamiel, parang mga bidang lalaki sa palabas na akala mo, langit pa ang pinanggalingan. Mas matangkad siya kay Ridge at mas malaki hulma ng katawan. Medyo kulot ang buhok, iyong wavy ba? Tapos mas maputi rin kay Ridge. Foreigner kasi. 'Pag una mo siyang nakita, para siyang kumikinang palagi. Agaw pansin ang itsura."

Ang hindi niya alam, nakapukol sa kanya ang mga mata ni Keegan habang abala siyang inilalarawan ang itsura ni Zamiel. Nakita nito kung ilang beses kumudlit ang mga mata nito sa sakit at kung paanong ang tapat nitong mga ngiti, unti- unting naging mapait.

Pero syempre, mas pipiliin nitong asarin siya nang gumaan ang atmospera. "Parang mas in love ka kay Zamiel kaysa kay Ridge e, 'no?"

"Hoy, gago! Si Ridge lang malakas!"

"O, talaga? Parang mas trip mo 'yong boyfriend ni Ridge, e!" Humagalpak ito ng tawa at halos hampasin pa ang lamesa.

"Hindi sa gano'n. Sinasabi ko lang na bagay silang dalawa ni Ridge."

Mapait na ngumiti si Lyle bago kinuha ang tasa ng kape niya. Lumamig na ito sapagkat hindi pa rin niya iyon nauubos bagamat kanina pa siya sumisimsim dito. Sana all talaga si Zamiel Chastain, sana all may Ridge Gonzales.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report