Can I be Him? -
CHAPTER 25.2
"Oo nga pala. Um, nabanggit ni Ridge sa 'kin na pupunta siya sa Primivère next week..." mahinang sabi ni Gian.
Umangat ang isang kilay ni Lyle bago bumaling sa senaryo na nasa labas. Now that Gian mentioned Ridge, Lyle also remembered that they will be collaborating for JWI. Nakalimutan niya na pupunta ito sa susunod na linggo para tignan ang mga isusuot nito na damit at nang makuha niya rin ang measurements nito.
He is probably too stuck up on Gian. Damn it.
Tipid siyang tumango nang mapansing ang tagal na niyang tahimik at kanina pa hinihintay ni Gian ang sagot niya.
"Kukunin ko lang naman 'yong mga measurements niya. Kung 'di niya kasya iyong mga damit na idinisenyo ko, ia-adjust namin iyong size," paliwanag ni Lyle.
Gian lowered down his head. "Nabanggit niya rin na sa susunod pa namang buwan ang photoshoot? M-mabuti pala maaga mong kukunin. K-kung sa bagay, itatahi niyo pa ulit kung sakaling 'di pala fit sa kanya, 'no..."
Lyle blew out a loud breath through his nose. Siya lang ba ang nakapansin o bumaba ang enerhiya nito noong malaman na pupunta si Ridge sa Primivère? Baka siya lang. Nagkamali lang siguro siya ngayon ng pakiramdam. Ipagsasakibit balikat nalang niya.
"By the way, hanggang anong oras ka rito, Lyle?" Tanong ulit ni Gian.
Pinasadahan niya ng mabilis na tingin ang cellphone bago iyon kinuha. Binuksan din nang makita ang oras. Noong malaman na mag-1:13 palang ng hapon, naisip niya na mahaba pa ang oras na pupwede siyang manatili rito. "Hanggang 1:45 pa naman ng hapon, bakit?"
Tumango si Gian
inilahad ang isang kamay, dahilan para kumunot ang noo niya. Pero bago pa man siya makapagtanong - or so, manudyo dahil tila ba nais na naman nitong makipaghawak kamay sa kanya, biglang binanggit ni Gian ang mismong bagay na tumatakbo sa isipan niya.
"Can we... like... hold hands until you leave?"
Not only did Lyle dropped his jaw when he heard Gian's request. Pakiramdam niya, iniwanan din siya ng puso niya at bumagsak na ito sa kung saan nang marinig ang nais nitong gawin!
*
"PARANG nababalisa ka yata ngayon, boss. May nangyari ba sa café ni sir Gian?"
Awtomatikong nag-init ang mga pisngi ni Lyle nang marinig ang pangalan ni Gian. Maging ang pagpuna ni Kaleb sa pagkabalisa niya, dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya. Hindi siya kaagad nakasagot dahil pilit siyang nagpapakalma. Pero hindi rin naman ipinahalata. Pasimple niya ring hinila ang kwelyo ng suot na t-shirt, pinapaypayan ang sarili.
"W-wala! Nag-usap lang naman kami at kumain ng sabay. Tulad lang ng nakasanayan," sagot niya.
Hindi niya sasabihin na magkahawak kamay sila hanggang sa ihatid siya nito palabas ng café. Hindi, hindi, hindi.
Napakurap-kurap si Kaleb. "Sigurado ka ba, boss? Medyo namumula ka, e."
"A-ah, sa init lang siguro 'yan! Masyadong mainit sa labas, Kaleb. Pero ayos lang ako. Wala talagang nangyari sa café ni Gian."
Kababalik niya lang mula sa café! Tapos napansin kaagad na wala siya sa huwisyo. Hindi niya alam kung malinaw lang ba talaga ang mata ni Kaleb o halata lang talaga siya!
And he chose Ridge over Gian when he already sunk this low?
Nakakatawang isipin na tanga na naman siya! Kung magsasabi siguro siya kay Keegan, baka mapahagalpak na naman ito ng tawa. Iaalay na naman niya ang sarili niya bilang laughing stock nito sa loob ng kalahating taon!
But he already realized his mistake, though! Alam niya iyon matagal na pero nito lang talaga siya nalinawan kung ano ang dapat niyang gawin! Hindi mag-move on o kalimutan ang nararamdaman kay Gian. Wala siyang laban doon! Lalo lang siyang malulunod at lalo niya lang itutulak ang sarili rito habang nagi-guilty at mabigat ang loob na hindi naman siya ang gusto ni Gian.
Pero... ang dapat niyang asikasuhin, e iyong kung paano niya ililibing ng nararamdaman niya para kay Ridge!
Nang mapansin na nanatili ang mga mata ni Kaleb sa kanya, napaatras si Lyle. Kalaunan, tumikhim siya para i-dismiss na ang usapan. Babalik na siya sa trabaho at ayaw niyang marinig ang anumang komento nito tungkol sa mga napansin sa kanya.
"S-sige na, Kaleb. Babalik muna ako sa opisina ko. Titignan ko kung may e-mail na mula sa JWI. Pakiasikuhin nalang iyong mga tela na binili ko nitong nakaraan..."
Napalunok siya habang binabanggit iyon dahil pumasok sa isip niya ang ideyang magkasama nilang binili ni Gian ang mga telang sinasabi niya.
"... p-pakilagay nalang din sa mesa ko iyong mga tela na nakasulat sa notes na iniwan ko kaninang umaga. Tapos mamaya magra-rounds ako para tignan iyong mga damit. Kung may rejected ba o kailangang i-repair." Tipid na tumango ang binata. "Sige, boss."
And with that, Kaleb finally left him alone which made Lyle heave a deep sigh. Peace, at last.
*
THE week passed by in a blink of an eye. And so far, even after the weirdest interaction Gian and Lyle had, everything seemed normal.
Wala nang nangyaring ganoon. Hindi na naulit ang paghawak ni Gian sa kamay niya. Pero napansin niya na halos magtago ang binata sa tuwing nasa tabi siya. And it took Lyle back down to memory lane. Noong mga panahong ganito rin ang iniaasta nito dala ng kahinaan ng loob na makipagkaibigan sa kanya.
Sabado. Walang trabaho si Gian at si Lyle. Pinaunlakan niya rin ang pag-iimbita nito na mag-basketball ulit sila. Ilang linggo na rin kasi siyang hindi nakakapunta sa laro dala ng: trabaho, si Gian, at iyong dati niyang kaibigan na hindi nakakapagkumportable sa kanya.
Pero ngayong araw na ito, hindi pa siya ulit sinita o hindi kaya ay ininsulto ni Henry-which is really surprising! Nawindang ba ito noong halos magkagulo sila ni Gian?
Because seriously, he's been avoiding Lyle since the last time they have seen each other. Sinubukan niyang magtanong kay Alex pero mas pinili ni Lyle na huwag na itong pakialamanan. Baka may nangyari lang talaga sa binata. Baka may problema o baka naman sa wakas e natuktukan na.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 5s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Also, he noticed that Zamiel will be playing but he has not seen Ridge around? It is a rare sight. They are always together since high school. Para silang naka-glue sa tabi ng isa't isa, e. But Lyle decided to shrug these minor things off. They don't matter, really.
Baka mayroong schedule sa trabaho si Ridge kaya hindi sila magkasama. And it's not only Ridge because Leon's also missing. Baka abala rin kaya wala? Nakakapanibago.
"Ang tagal mong 'di sumipot, a!" Ganoon ang unang nasabi sa kanya ni Alex noong nagkaroon sila ng pagkakataon na makapagpahinga. May hawak itong gatorade at mayroon ding nakasabit na tuwalya sa leeg ng bimata. "Mukhang abala sa negosyo. Kumusta na, Lyle?"
Nginitian niya ang dating captain habang pinupunasan ang leeg. Nanlalagkit kasi siya sa pawis na namuo na roon.
"Ayos lang. Medyo maraming ops ngayon kaya 'di ako madalas na makapunta," he lies through his almost gritting teeth.
Opportunities, he say. Though, it is somewhat true, it still felt like a lie. Samantalang noong nakaraang linggo, ang dahilan lang talaga ng hindi niya pagpunta ay si Gian!
"Lalo na noong minsan na pumunta ako sa LA dahil may event na inimbitahan kaming sumali," dagdag pa niya.
"Ah, mukhang gumagawa ka na ng legacy hanggang sa ibang bansa, a. Ano nga kasing pangalan ng brand mo?"
"Primivère," mabilis niyang sagot.
Matapos na magtanong ni Alex tungkol sa trabaho, hindi nito napigilan na tudyuhin siya. Hindi lang tungkol sa mga nangyayari sa buhay niya kung hindi maging ang love life niya, pinagdiskitahan!
"Ano nga pala, kailan mo pala balak na mag-settle down?" Tanong nito, at hindi lang siya ang nagulat dahil maging si Henry na galit na galit sa kanya, napalingon sa gawi nila. He also did not miss how that man hissed. "Alam mo na, Ly, 'di naman tayo pabata. Wala ka pa bang balak na mag-asawa? Successful ka naman na, a!"
"Di pa. Nagsisimula palang ako," nahihiya niyang sagot bago alanganing tumawa, "ah... but about settling down..."
Nag-iwas siya ng tingin kay Alex at inilibot ang mga mata sa kabuuan ng court. Mula sa kisame hanggang sa parke na nasa tabi ng kinaroroonan nila, patungo sa main entrance ng court. Muntik masamid si Lyle nang natagpuan ng mga mata niya ang pigura ni Gian. Papasok pa lang ito sa court at may dala-dalang plastic ng mineral water at mga miryenda. Saka niya narinig ang pagse-celebrate ni Zachariel dahil may pagkain na raw sila sa wakas.
Nakalimutan niyang umalis nga pala ito dahil tinutudyo ng mga kasama nila na ito na ang taya sa makakain.
Dala rin siguro ng mataman niyang pagtitig sa bulto ni Gian, na-attract niya rin yata ito dahil nang mag-angat ng tingin ang binata, kaagad na nagtama ang mga mata nila. Mabilis lang siyang nag-iwas ng tingin at itinuon muli ang atensyon kay Alex.
He also attempted to sit on the mini stage behind them. Medyo natapilok pa siya noong nabitin ang pag-atras niya. Anyway, he immediately regained composure so as to avoid further embarrassment.
"Wala pa naman akong balak na mag-asawa," sagot niya noong maipon at makapa na ang mga salitang dapat ay kanina pa niya sinabi, "b-but that does not mean that I don't like anyone right now."
Hindi alam ni Lyle kung may napansin ba si Alex sa kanya dahil sigurado siyang pinasadahan nito ng tingin ang palapit na si Gian. Pero ibinalik din naman ang mga mata sa kanya.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Ah, ganoon ba. E, meron ka naman palang nagugustuhan, ba't 'di pa kayo? 'Di ka pa makaamin?" Pang-uusig nito.
Bahagyang namilog ang mga mata ni Lyle bago napalunok. Natulala nalang din siya sa mga mata ni Alex bago naibuka ang bibig para sumagot.
"May... iba siyang gusto," mahinang sagot niya kalaunan. Ngayon, mas alam niya sa sarili na hindi na si Ridge ang tinutukoy niya ngayon kung hindi si Gian.
Sandaling namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Alex. Ngunit bago pa man nito iparating ang pakikiramay, bigla nalang lumitaw si Zachariel sa kung saan! He was holding some snacks and he just shoved them in his arms! Nagulat siya sa ginawa nito at nag-aalangang nagbaba ng tingin sa mga ibinigay na chichirya.
"Galing kay Gian! Magpakabusog ka raw!" Pilyong anito na may bahid ng panunudyo.
Hindi lang siya ang nagulat sa bigla nitong sinabi. At bago pa man niya makuha ang magpasalamat, bigla nalang din dumating si Gian sa likuran ni Zachariel saka pabirong sinakal ang kaibigan.
"Ako na naman! Pinagti-trip-an mo na naman ako!" Gian cried in a joking manner.
Napangiwi naman siya habang pinanonood ang dalawa na magtalo. Ngunit hindi roon natapos ang lahat dahil dumating din si Zamiel sa tabi niya at may iniaabot na inumin.
He was hesitant to accept the drink until Zamiel said, "Gian specifically picked this iced tea, the only flavored tea out of all those drinks he bought... for you."
"Huh..." Namamangha niyang sabi bago nag-aatubiling inabot ang inumin mula sa mga kamay nito.
Nang marinig naman ni Gian ang sinabi ni Zamiel, ito na naman ang sinigawan niya. Nahihiya ito at halos ibaon na ang sarili sa lupa. And watching Gian act like that amuses him a lot! It's just that... it's weird that the twins had to give him these. "Wow, sana all special!" Kalauna'y pakikisali pa ni Alex sa pag-aasaran ng mga ito, "Gian! Ano iyong amin? Mga tigpi-pisong chichirya lang ba? Henry, o! May favoritism 'tong si Abellardo!" "Pakialam ko sa kanila?"
Dahil ngayon lang narinig ni Lyle na kumibo si Henry, hindi naiwasang mapatitig siya rito. Kung hindi lang biglang mayroong humarang na dalawang kamay sa harap niya. Nang tignan niya kung sino ang mga iyon, nawindang siya lalo nang mapagtantong iyong kambal ang gumawa nito. Habang si Gian, nasa isang tabi na at nagmumukmok.
Kumibot ang isang kilay niya. Noong huli, halos magsuntukan si Zachariel at Zamiel pero ngayon... tila ba hindi mo mapaghiwalay.
But is that what's really running inside Lyle's head? No. Mas concerned siya sa iniaakto ng mga ito dahil hindi pa niya naranasang asarin ng ganito kay Gian. He's already feeling conflicted and Gian does not help because he is already wailing in a corner, asking why he has such dumb friends!
Ano bang nangyayari?
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report