Can I be Him? -
CHAPTER 27.1
"COME to think of it, bukas na 'yong reunion ng batch niyo noong senior high," ani Lyle habang nilalaro ang toy poodle ni Gian.
Kinakarga niya gamit ang dalawang paa iyong aso tapos pasasayawin sa mga hita niya. Pinasadahan niya rin ng mabilis na tingin ang kaibigan at natagpuang nakamasid ang binata sa kanila ni Whitney.
Nang mahimasmasan, awtomatikong tumuwid sa pagkakaupo ni Gian. Matapos kasi nitong bumalik mula sa kusina, ang ina nito ang nag-take over para magluto. Hindi rin naman binawi ng binata lahat ng album na naglalaman ng baby photos niya kaya tinapos niya iyong tignan.
But he is embarrassed for sure.
He was amused of how Gian almost hid himself behind the couch while he busied himself looking over his photos. And to save some face for his friend, he decided to finish scouring through his baby photos quickly.
Kaya nga sa ngayon, nilalaro na niya ang alaga nitong aso. Her name is Whitney because Gian thought that Whitey is too common to name a white dog. Ang cute talaga niyang mag-isip. Anyway, Gian took a glimpse over him. "Di kita narinig, sorry. Anong tanong mo?"
"Wala pa talaga akong tanong," panimula niya dahil pinaalala lang naman talaga niya ang lakad nito sa darating na linggo, "binanggit ko lang na bukas na 'yong reunion niyo. But now that you mentioned it, pupunta ka ba?" Habang nagtatanong siya, sinubukan niyang itago ang totong emosyon sa likod ng mga salita niya. Ayaw niya kasing ipahalata ang pag-aalala at kalungkutan sa boses lalo na at ilang beses siyang inaasar ng isipan. Lumilitaw kasi sa isip niya si Princess. Nakakahiya lang, though. Kung umarte siya na ganito, parang may karapatan talaga siya.
Ah, but it bothers him. Ang unang imahe na pumapasok sa isip ni Lyle e iyong nahuli niya ang dalawa na magkasama, masayang nag-uusap, at ang paghalik ng dalaga sa pisngi ni Gian. He can also remember how happy Gian was with that woman. Kaya nga kumbinsido siyang iyon talaga ang taong gusto nito na madalas nitong tukuyin.
It's just so weird that Gian's mother mentioned that his son likes another man, too. Misinformation kaya? Ang hina pala ni Zachariel sa tsismis kung ganoon.
Hindi nagtagal, tumango si Gian. "Pu-pupunta sana ako pero kung a-ayaw mo... p-pwede rin namang hindi na."
Huh? Lyle turned his head to the taller male's direction rather quickly. He was frowning then, confused as to how it just seems like Gian's decisions depend on him. It is not like Lyle is someone substantial to this man. He is just no one - his friend who wants to be Gian's lover but that should be saved for another story.
Lyle then let out a sharp breath. "Nagtatanong lang naman ako. Sayang din ang oportunidad. Makikita mo ulit 'yong mga dati mong kaklase."
A short hum escaped from Gian's mouth. It actually appeared like a smirk? A snort? Hindi maipaliwanag ni Lyle pero mayroong hindi tama sa naging reaksyon nito. Anyway, what is important was that they maintained eye contact. "Parang ayoko pumunta," kalauna'y sabi ni Gian na siyang nakapagpaangat sa mga kilay ni Lyle.
"What? 'Di ka na pupunta?"
Hindi naman sa ayaw din ni Lyle na magkita si Gian at iyong Princess na sinasabi nito pero... mukhang ganoon na nga, ayaw niya talagang magkrus ang mga landas nila dahil baka isang araw, matulala na lang si Lyle kapag narinig ang balitang nagkabalikan ang dalawa.
"Baka payabangan lang din noon kung gaano kalayo ang narating namin, e." Bumuntong hininga si Gian bago ipinuwesto ang mga kamay sa magkabilang gilid. "Noong nagka-reunion din kami ng batch ko ng junior high, bukod sa kumustahan, nagkumparahan ng trabaho, sahod, at achievements. A-ayoko ng gano'n."
"Bakit naman? May kotse ka naman. Ang ganda nga ng kotse mo. May negosyo ka rin and it's booming. Kung ako ang tatanungin, package ka na! Baka nga daig mo pa 'yang mga kaklase mo," Lyle reasoned out.
But Gian just let out a shy chuckle. "Salamat? Pero ayoko kasing nakikipagkumparahan sa iba. Meron nga ako at meron din sila pero a-ano... meron pa rin kasing insecurity na nagki-creep in?"
"Insecurity? Dahil ba single ka pa rin at sila, kasal na?"
Namilog ang mga mata ng binata sa tanong niya. "What? Hi-hindi sa gano'n!"
Umangat ang mga kilay ni Lyle habang nakikinig dito na magpaliwanag. Talagang nagpa-panic, e. Pero hindi rin nagtagal, bigla itong matigilan nang may maalala.
"O-oo nga pala, pumunta ka ba noong reunion natin ng Junior high? 'Di ko... um. 'Di ko maalala na nakita kita sa reunion."
Tipid siyang ngumiti bago umiling. "Masyadong madilim 'yong nakaraan ko no'ng junior high. Maraming nangyari sa 'kin non kaya 'di na 'ko nag-abalang mag-leave sa trabaho."
"Pero nasa Pilipinas ka na ba noon?"
"Wala rin. Nasa France pa. Under pa 'ko ni Miss Eutalia noon," kwento niya bago kinontrol ang mga paa ni Whitney sa paraang tila kumakaway kay Gian. Hindi naman nagprotesta ang aso. Mukha ngang gustung-gusto ang atensyon na ibinubuhos niya rito, "kung pupunta man din ako, mao-op lang ako dahil wala akong gaano kakilala."
"A-ah." Marahang tumango si Gian bago nagbaba ng tingin. "Pasensya ka na kung naitanong ko."
"Ayos lang. Kung magkakareunion ulit within five years, pupunta na 'ko kung kasama ka."
When Lyle settled for that reply, he could see how Gian's face lit up. It was as though rays of sunshine suddenly visited their house to act as his background and all Lyle can do then was to chuckle.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Gian does look like a puppy.
It was then when the other male responded, "o-oo naman! Pupunta ako. M-masaya rin ako na nakabawi ka noong kolehiyo? O senior high school?" "Nakabawi?" Hindi siya sigurado kung anong tinutukoy ni Gian kaya kumunot ulit ang noo niya.
"Um, uh. How do I say this?" Nag-iwas ng tingin si Gian mula sa kanya para hawakan ang likuran ng ulo. "Um, i-iyong ano, nagkaro'n ka na ng kaibigan at mas masaya ka na?"
Oh! Gian is asking about the time when he has finally moved on from all the bullying he experienced during junior high. Akala naman niya, kung ano!
"Kolehiyo." Mahinang tumawa si Lyle. Halos tawirin din niya ang distansya sa pagitan nila nang sa ganoon e matapik niya ang ulo nito. "Si Keegan ang una kong kaibigan non. Pareho kasi kaming athlete. Nakilala ko siya noong sports week." Marami pa silang pinagkwentuhan ni Gian tulad na lang ng eksaktong pagkakakilala nila ni Keegan noong college pa sila, pero hindi niya ba alam kung bakit at bigla nalang bumalik ang usapan sa reunion na dadaluhan nito kinabukasan. Ang malala, nabanggit niya pa si Princess. Halatang halata siya masyado na nagseselos. Pero sana, walang clue si Gian na ganon nga ang nararamdaman niya!
"Di ko na gusto si Princess, wala rin namang dahilan para balikan ko siya kasi nga... iba iyong gusto ko," paliwanag ni Gian at habang tumatagal, humihina ang boses nito.
E bakit hindi siya kumbinsido? Sa paghina kasi ng boses ni Gian, iba ang ipinapahiwatig sa kanya. But... alright! Aakto na lang siyang naiintindihan niya ito sa kabila ng pagkalitong nadarama.
"Ah, alam ko naman. Pasensya na. Nabanggit ko na naman." Kinagat niya ang pang-ibabang labi at minura ang sarili. "Kung anu-ano iniisip ko nitong nakaraan. Pati sinasabi ko, 'di ka ba nababahala?"
Umiling si Gian saka napalunok. "Di, a! 'Tsaka, seryoso rin ako na kung 'di mo gustong pumunta ako bukas Lyle, 'di ako pupunta. Sabihin mo lang... kung ayaw mo talaga."
Tila ba natameme siya noong ipahiwatig na naman ni Gian na sa kanya nakasalalay ang pagpunta nito bukas sa reunion nila. Ilang beses siyang napakurap-kurap hanggang sa rumehistro sa kanya ang lahat.
Ayaw niyang pumunta si Gian bukas, pero sino naman siya para pagbawalan ito? Minsan lang naman ang mga reunion! Saka... ano naman kung magkikita sila ni Princess? Kung gusto nga ni Gian ang dalaga, kahit na magkabalikan sila, dapat tanggapin ni Lyle.
He is never the one to stand on Gian's way. Although, he feels a lot... like a lot more possessive towards him than he used to be with Ridge.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Ibubuka na sana ni Lyle ang bibig para sumagot nang dumating ang ina ni Gian at magsabing handa na ang pagkain. With that, hindi na ulit nila pinag-usapan pa ang bagay na iyon.
Na-distract din si Lyle dahil kinausap na naman siya ng ginang sa hapag. Marami itong tanong tungkol sa anak. Lalo na sa relasyon nilang dalawa. Kung magkaibigan lang ba o baka gusto nilang i-upgrade. Baka raw kasi si Lyle pala ang matagal nang tinutukoy ni Zachariel na gusto ni Gian-which, of course, Gian refuted and debunked!
Hindi talaga siya. Ang sakit.
Although, Lyle knew that Zachariel had been teasing Gian with him, he still was not sure nor he was convinced that it could be him. Therefore, both of them denied the accusation. Hindi naman kasi ganoon talaga ang relasyon nila ni Gian. Walang romansa na kasali. Tanging pagkakaibigan lang.
Moreover, he stayed over the Abellardo's house until around 8:30 in the evening. At sa ngayon, inihahatid siya ni Gian sa may gate. Hinihintay na makasakay sa motor at makaalis. Nakasandal din ang binata sa gate nila habang tahimik na pinanonood siyang mag-ayos. It did not last him five minutes to finish his get up. At noong pasakay na siya sa motor, nagpaalam na rin siya kay Gian.
"Magti-text ako bukas," anito. Not that response that he wanted and it made him pause for a moment, "pag... nakarating na 'ko sa reunion namin bukas. Magti-text ako sa 'yo."
Natuwa si Lyle noong maalala na nakatakip na ng helmet ang mukha niya. Kahit na may ilaw sa poste sa tabi ng bahay nina Gian, hindi nito makikita ang pamumula ng pisngi niya. Maging ang pag-awang ng bibig at pamimilog ng mga mata sa pagkagulat. Ang hinihiling lang ni Lyle, e hindi nito napansin ang pagdiin ng hawak niya sa manubela.
"Ayos lang kahit hindi na," sagot naman niya, "ba't mo naman ako iti-text?"
"P-para 'di ka mag-alala kay Princess?"
Shit. Iniisip pa rin niya iyon?! Kinabahan tuloy si Lyle. Baka isipin ni Gian na ang handful niya at nagseselos siya sa ex nito samantalang wala naman siyang karapatan! Ayaw din niyang i-take advantage ang kabaitan ni Gian. "Huh? 'Di naman na 'ko nag-aalala! Saka wala lang talaga 'yong kanina, Gian. Enjoy-in mo nalang 'yong event bukas."
"Pero..." There is a tinge of hesitation in Gian's voice which only made Lyle bring a peace sign at him.
"Ayos lang talaga," aniya bago tumango saka sinimulan na ang makina ng behikulo, "sige. Sa Lunes nalang ulit, Gian. Ingat ka sa lakad mo bukas."
"I-ikaw din, Lyle." Mabilis na tumayo ng maayos si Gian. "Mag-iingat ka. I-text mo 'ko kung may problema o kung... nakauwi ka na. Pakikumusta nalang din ako sa pamilya mo." "Sige, salamat!"
Matapos magpaalam sa isa't isa, gumayak na si Lyle at nagmaneho na pauwi. But his mind was filled with thoughts. Magti-text nga kaya bukas si Gian? At ano kaya ang mangyayari rito bukas samantalang nandoon ang ex girlfriend nito? He wants to know these things... but he is afraid that he might be crossing the line.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report