Can I be Him?
CHAPTER 29.1

NEVER did Lyle ever thought that Gian would agree to his request almost immediately.

Matapos nilang mag-usap ni Ridge, dumiretso siya sa café ni Gian sa kagustuhang makita ito. Anyway, it's exhausting to confess your old feelings towards the person you used to like. It drains a lot of energy and courage. And as lame as it may sound, kay Gian siya humuhugot ng "enerhiya" nitong nakaraan. The male's presence would automatically fill him with energy. Gaganahan na siya magtrabaho. Bonus nalang na ito rin ang personal na naghahanda ng mga in-order niya.

Noong dumating siya, hindi niya naiwasan na magtaka nang makita itong namumutla. Nababalisa na nakatayo sa harap ng entrance ng café. Hindi naglalakad pero halatang nag-aalala at malalim ang iniisip. Mukhang kaunti nalang, malulunod na sa anxiety.

And Lyle can still remember how relieved Gian was when he saw him. It stunned him for a moment. But he soon ended up puzzled. "Pumunta ka," Gian said almost breathlessly. A small smile crept in his lips before his shoulders finally relaxed.

Nagtataka man, tumango si Lyle. "Gusto kitang makita. 'Tsaka mag-oorder ako ng coffee latte. Namumutla ka, ayos ka lang ba?"

Tatawirin na sana ni Lyle ang distansya sa pagitan nila para tignan kung may sakit si Gian nang mapaatras ang binata. Naiwan tuloy na nakaangat ang kamay niya sa ere. Both of them looked surprised. "A-ayos lang ako," kalauna'y sagot ni Gian bago lumunok, "kulang siguro ako sa tubig. Iinom ako mamaya, Lyle."

Tumango siya at ngumiti. Bagamat ganoon ang pisikal na itsura, lihim siyang napanguso dahil umiwas si Gian sa hawak niya. Ibinaba ni Lyle ang isang kamay at ipinausdos iyon papasok sa bulsa ng pantalon. "Dapat bantayan mo sarili mo, Gi. Palagi kang uminom ng tubig."

"N-nakalimutan ko lang naman kanina dahil medyo na-anxious ako..."

"Na-aanxious naman tungkol saan?"

Sinapo ng binata ang likod ng ulo bago ipinilig ang ulo. Tumitig ito sa kawalan bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Tungkol sa... pagkikita ninyo ni Ridge. Nag-aalala ako kung ano bang pinag-usapan niyo," sagot nito sa maliit na boses.

"Nag-aalala ka ba para sa 'kin?" Natatawa niyang tanong. Napatulala naman si Gian sa kanya bago umiling.

"Para sa 'kin, Lyle. Nag-aalala ako para sa 'kin," seryoso nitong sagot habang matiim na pinagmamasdan ang mga mata niya.

Napalunok si Lyle bago mabilis na nag-iwas ng tingin. Para sa sarili niya? Bakit ito mag-aalala para sa sarili niya samantalang sila ni Ridge ang nag-usap sa personal?

Hindi niya nagawang magkwento kay Gian tungkol sa pag-uusap nila ni Ridge. Sa tuwing sinusubukan niya rin kasi, pasimpleng iniiba ng binata ang usapan. Noong una, akala niya e aksidente lang. Pero habang tumatagal, napansin niyang umiilag talaga si Gian sa tuwing mababanggit ni Lyle ang pinag-usapan nila ni Ridge.

Hence, he never had a chance to tell him that he's over with his friend.

Nang makuha ang coffee latte, nagpaalam siya kay Gian na aalis na. Nagboluntaryo naman itong ihatid siya kung kaya naman awtomatikong kumurba ang isang matamis na ngiti sa mga labi niya. Palaging ganito si Gian. Ihahatid siya kahit hindi kailangan. Mukhang palaging gumagawa ng paraan para mas humaba ang oras nilang dalawa sa isa't isa.

"Ah, oo nga pala." Muntik na niyang makalimutan ang tungkol sa banta ni Ridge. "Pwede ka ba sa Sabado?"

Nagtatakang ipinukol ni Gian ang mga mata sa kanya. "Sa Sabado?"

Oo, sa Sabado. Balak niyang iuwi ang LA collection sa bahay nila at doon ipasukat kay Gian ang lahat. Magiging abala kasi siya kinabukasan hanggang sa Biyernes. Kaya kahit gustuhin niyang bukas o sa Biyernes sila magkita, hindi pupwede. "Anong meron sa Sabado?" Nawiwindang nitong tanong.

"Pwede ka bang pumunta sa bahay kahit na sandali lang? Bukod kasi sa nami-miss ka nila mama, mayroon din sana akong hihingin na pabor."

Nanatiling nakaawang ang bibig ni Gian habang pinagmamasdan siya. Mukhang pinag-iisa isa nito lahat ng "puzzle pieces" na sinabi niya.

"L-lilipat ka ba ng bahay?"

The question took him aback, but Lyle ended up chuckling. "Di pa. Ano, tungkol lang doon sa LA collection ko, Gian. Um, nakakahiyang itanong pero... pwede ka bang pumunta sa bahay at isuot ang mga 'yon para sa 'kin?" Now, Gian looks more dumbfounded. Dapat ba, hindi na muna niya sinabi ang pakay?

"Isuot... iyong mga damit na idinisenyo mo na ako ang inspirasyon... sa harap mo?"

Napaubo si Lyle dahil iba ang naisip niya. "Di naman kailangang sa harap ko na magbihis ka! May banyo ako sa sarili kong kwarto, Gian."

Napalakas yata ang boses niya pero rito lang naman sa banda nila. Nakakahiya kung marinig sila ng publiko!

"Oh... okay." Tipid na tumango si Gian. "S-sige, pupunta ako. Magdadala nalang din ulit ako ng miryenda nang may makain tayo."

Ilang beses siyang napakurap nang marinig ang sagot ng binata. Ito ang oras para siya naman ang mawindang.

"Pupunta ka?"

Muling tumango si Gian. "Pupunta ako kasi ano, um... nakakahiya pero gusto ko ring isuot ang mga 'yon. S-saka... nami-miss ko na rin sina tita at tito."

"Isusuot mo 'yong LA collection ko nang 'di ka nagrereklamo?"

Nahihiyang nagbaba ng tingin ang binata. Ngunit kalauna'y tumikhim nang mabawi ang tindig.

"K-ung gusto mo..."

Hindi niya ito kailangang pilitin? Talagang pupunta ito ng kusa? Inaasahan niya kasing magpapaka-inferior na naman si Gian kay Ridge. Ilang beses niyang in-imagine kanina ang sasabihin nito. Nag-practice pa nga siya sa isipan kung paano ba ang tamang pag-retort kung sakaling ibaba ni Gian ang sarili.

"O... okay," nawiwindang pa rin niyang sabi, "aasahan ko 'yan, a. 'Wag mo 'kong ito-talk shit, Gian Cyrus."

Namamangha siyang pinagmasdan ni Gian ngunit bago pa man ito makapalag dahil alam na niya ang second name nito, tinalikuran na niya ang binata.

*

KUNG babalikan ang nangyari noong Miyerkules, maging siya e natatawa nalang. Hindi pa rin siya maka-get over na kaagad pumayag si Gian. Ang tagal niya itong kilala. Noong huli niyang isinuhestiyon ang pagsuot sa LA collection niya, tumanggi ito e.

Pero ngayon... hindi.

And he can't help it but to wonder why.

Sabado ng hapon. Abala noon si Lyle na itupi ang damit na suot ni Gian nang pumunta rito. Hindi niya kasi gusto ang ideya na hinayaan lang iyon ni Gian sa isang tabi bago nagbihis sa banyo niya.

Isang buntong hininga ang kumawala sa mga labi niya noong matigilan sa panunupi.

He stared at the clothes for a good long moment before he covered his face with his hands.

Ang linaw pa sa isip niya ng usapan nila noong Miyerkules, pero si Gian, talagang nagtanggal ng t-shirt sa harap niya! Kinailangan niya pa itong itulak tungo sa banyo nang doon magbihis. Nagtanong pa ito kung paano nalang kung masira ang damit. Sinabi nalang niya na lumabas si Gian kung hindi niya alam paano isusuot ang mga iyon nang sa ganoon, matulungan niya.

Hindi niya alam kung bakit ganito!

Noong kay Ridge, gustung-gusto niya na nakikita ang kabuuan ng katawan ng binata. Pero kay Gian, hindi niya maiwasang magpabebe. Pakiramdam niya, hihimatayin siya kung makikita niya ang katawan nito.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

But well, he did see something. Gian's well-built abdomen muscles. Also, his biceps na ngayon lang nag-sink in sa kanya kahit naka-jersey naman ito sa tuwing naglalaro sila ng basketball!

But okay, he must stop here. Narinig niyang nag-click ang pinto ng banyo kaya dali-dali niyang tinupi ng maayos ang damit at itinabi sa dulo ng kama niya.

Nang iluwa ng pinto si Gian, kaagad na namangha si Lyle dahil tulad ng inaasahan niya, bagay nga nito ang damit na dinisenyo niya. Lihim siyang nagdiwang hanggang sa humarap sa kanya ang binata. Medyo magulo rin noon ang buhok nito at halos kasusuot pa lamang ng salamin.

Siya ang kaagad na hinanap ng mga mata nito at nang magtama rin sa wakas ang mga paningin nila, tipid at alanganing ngumiti ang binata.

"Are you, um, sure that this is okay?" Nag-aalangan nitong tanong.

Gian tucked the shirt as he walked towards him with a shy smile. Wala naman sa sariling tumango si Lyle. Kaagad siyang bumangon mula sa pagkakaupo, nilapitan ang binata para tulungan itong ayusin ang damit.

Gian stilled when Lyle held the collar of his shirt. Lalo na nang pagpagin nito ang suot niya. He had almost forgotten how to breath. Almost.

"Masikip ba?" Nag-aalalang tanong ni Lyle bago umatras nang sa ganoon, makita ang kabuuan ni Gian.

Umiling ito. "Tama lang."

Lyle nodded slowly. He just liked how flaxen and victorian pewter complements Gian's fair complexion. Tama nga ang color scheme na pinili niya para sa mga damit para kay Gian. But the LA collection is not limited with that colors. He had a variety.

While he was in the middle of feeling proud of his creation, his eyes met Gian's. Muntik siyang masamid sa sariling laway bago dali-daling nag-iwas ng tingin para hanapin ang sariling suklay.

He just cannot help it but to avoid his gaze! After all, Gian's staring with those puppy-like eyes!

Noong makuha niya ang suklay, kaagad niya iyong hinablot at ipinakita kay Gian.

"A-ayos lang ba kung aayusin ko rin ang buhok mo?"

He's not even a hairstylist but aside from killing the embarrassment, he also wants to see the best of his man. Ah, yes, he's claiming Gian already.

Ipinilig ng binata ang ulo bago tumingin sa hawak niyang suklay. "U-um... kailangan ba talaga?"

"Ah. Ayaw mo rin ba na ipinapahawak ang buhok mo?"

Dahil sa totoo lang, maiintindihan niya.

Umiling si Gian. Akala tuloy niya, ayaw nito. Itatabi na sana ni Lyle ang suklay ngunit pinigilan siya nito.

"Ayos lang sa 'kin. Um, nag-aalala lang talaga ako dahil ibig sabihin non, huhugasan ko muna ang buhok ko. Um, naka-wax ako e."

Mabilis niyang ibinalik ang mga mata sa binata. May halong gulat at pagkamangha. Kuryosidad na rin sa pagpayag nito. Ilang beses siyang napalunok. Pinasadahan niya rin ng tingin ang buhok ni Gian na noon ay sinusuklay din ng binata gamit ang sarili nitong kamay.

"T-tutulungan na kita kung ganon. Kukuha lang ako ng tuwalya," aniya.

Tulad ng napag-usapan, tinulungan nga ni Lyle si Gian na maghugas ng buhok. Medyo nagsisi silang dalawa na hindi nila ito naisip kanina. Pero so far, they managed to avoid wetting the clothes Gian was wearing. Noong matapos sila sa paghuhugas ng buhok ng binata, siya na mismo ang bahala sa pagtutuyo ng buhok nito. Suhestiyon niya kaya hinayaan siya ni Gian.

And right now, they are outside of the bathroom. Gian was slightly leaning against his working table while Lyle busied himself drying his hair.

Natutuwa siya habang tinutuyo ang buhok ni Gian na malapit sa mukha nito. Awtomatiko kasing pumipikit ang binata na parang bata. He's also scrunching his nose which prompts Lyle to giggle.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Sa sobrang tuwa, hindi niya napigilang hawakan ang magkabilang pisngi ni Gian habang hawak din ang tuwalya.

For a moment, he forgot his agenda. Gian looking like a small child amuses him. More so when the other male cracked an eye open to look back at him. Their eye contact automatically drew a wide grin on Lyle's face.

"Ang cute mo naman pala 'pag tinutuyo ang buhok," komento niya bago muling humagikhik.

"Huh? Paano mo naman nasabi...?"

"Pumipikit ka 'pag malapit sa mukha mo 'yong tuwalya. Tignan mo."

Inulit ni Lyle ang ginagawang pagpunas sa buhok na malapit sa mukha ni Gian. And yes, the taller male closed his eyes! But while they were playing, Gian accidentally took a step back and almost fell on Lyle's working table. Siya naman, nahila't napaabante kay Gian kaya napahawak siya sa dibdib nito.

Napasinghap siya nang mapagtantong napahawak din sa beywang niya ang binata. And shit, it feels right and strange. Para talagang ginawa ang parteng iyon ng katawan niya para hawakan ng ganito ni Gian.

"S-sandali lang... nahilo ako. Biglaan masyado, Ly."

Bumalik siya sa huwisyo nang marinig ang sinabi nito.

"Ah, pasensya na." Masyado yata siyang natuwa.

Marahan niyang tinanggal ang tuwalya sa ulo ni Gian at natawa nang makitang magulo ang buhok nito. His gaze was fixated on the male's hair, which is why he did not notice that Gian had been staring at him. Ilang metro lang noon ang distansya sa pagitan ng mga mukha nila. At halos hindi na alam ni Gian ang gagawin. The male's already having an internal mental panic!

Gian's even thorned about leaning closer to Lyle's face or if he has the heart to set a proper distance between them. But he choked on his thoughts when Lyle's eyes went to seek for his, and when their gazes met.

"Ah." Hindi alam ni Lyle ang sasabihin nang matanto na magkalapit ang mukha nila ni Gian. Ni hindi niya alam ang gagawin noong magtama ang mga mata nila, at biglang tumaas ang tensyon sa pagitan nila. Halos malimutan niyang huminga nang bumaba ang tingin ni Gian sa mga labi niya. Lyle instantly bit his lower lip.

Dalawa lang ang posibleng mangyari ngayon. Ang i-point out ni Gian na magkalapit sila o hindi kaya'y lumapit pa lalo sa kanya. Burahin ang distansya sa pagitan nila at halikan siya.

And Gian, the man he's been admiring since God knows when... surprisingly chose the latter.

Lyle's breathing hitched when Gian gradually erased the distance between them.

He shut his eyes close when he felt Gian's lips on his own. His mind suddenly had an erosion of thoughts, but he ignored all of it. Instead, he swung a free hand on Gian's nape as their kiss deepened. And man... how warm and fleeting this moment is.

Dala ng pagkamangha sa mga nangyayari, iminulat ni Lyle ang isang mata para tignan si Gian. Hindi niya sinasadyang makagat ang labi ng binata nang makitang nakapikit ito at nalulugod sa ginagawa nila. Humigpit tuloy ang hawak niya sa batok ni Gian nang dumaing ang binata.

The sensation sent butterflies all over his stomach. Lyle was feeling overwhelmed especially when Gian began to move his lips. Ang akala niya, matagal na pagpisil lang sa labi ng isa't isa ang mangyayari. Kaya nagitla siya sandali bago tumugon sa halik nito.

Natigil lang ang lahat noong hindi nila inaasahang may magbubukas ng pinto ng kwarto niya at iluwa ng pinto ang nakababata niyang kapatid.

"Kuya, magmiryenda raw muna kayo-"

They all stilled when they met each other's gazes. Dahil awkward ang posisyon ni Gian at Lyle ngayon at halatang naistorbo lang sa paghahalikan, halos mahulog ng kapatid ni Lyle ang tray ng pagkain.

Before both of them can react, inilapag nito ang tray ng pagkain sa sahig at yumuko.

"P-pasensya na." Tapos ay pabagsak nitong isinara ang pinto saka sumigaw ng, "mama! Papa! Si kuya Lyle at kuya Gian, nagki-kiss!"

For the first time in his life, Lyle wanted to bury himself six feet under the ground.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report