Can I be Him? -
CHAPTER 30
WALANG araw na hindi naisip ni Gian ang ginawang paghalik kay Lyle. Pero nagsisisi ba siya? Syempre, hindi. Natatakot, oo. Baka sa susunod kasing makita niya si Lyle, baka mangatog talaga ang tuhod niya't matumba siya. Hindi pa nakatulong na mabilis lumipas ang weekends. Pipikit ka lang sandali, Lunes na naman. Pupwede rin naman siyang lumiban ngayon sa trabaho pero ayaw niyang iwan ang negosyo. Ayaw niyang pa-distract kahit mahirap. Hindi naman niya makausap si Zamiel dahil may problema pa rin sila ni Ridge. Kaya ang kinausap niya, ang kakambal nito. Ang sabi naman sa kanya ni Zachariel, umamin na siya lalo na't itatanong at itatanong daw ni Lyle kung bakit niya ito hinalikan.
Bakit nga ba kasi niya hinalikan? Noong Sabado, nalunod si Gian sa tuwa na suotin ang mga damit na ginawa sa kanya ni Lyle. May kung ano rin na bumulong sa kanya na halikan ito noong magkalapit ang mga mukha nila. Nagustuhan niya. Tumugon din si Lyle. Kaya medyo umasa siyang mayroong pag-asa.
Bukod doon at sa pang-aasar ng pamilya nito sa kanila, natutuwa siyang malaman na malaki ang parte niya sa buhay ni Lyle. Kaya hindi niya napigilan ang sarili noong hapong uuwi na sana siya.
He just went off and listened to his greediness.
A kiss from Lyle would not hurt so much, he once thought. But it did change them a lot. Iyon daw ang magiging turning point ng relasyon nila, sabi ni Zachariel. Bahala na raw si Lyle noon kung tatanggapin ba siya o maba-basted.
Sa ngayon, hindi maalala ni Gian kung bakit siya nagkulong sa comfort room ng café niya. Kanina pa siya rito at hindi pa rin lumalabas. Ilang customer na ang naglabas pasok pero sa tuwing makikita siya ng mga ito, sinusubukan niyang hindi sila kibuin o tignan. "Ly-lyle..."
Tahimik na noon ang CR at siya nalang ulit ang nag-iisang umookupa ng lugar. Halos sampung minuto na itong bakante at sampung minuto na rin siyang parang tanga na kinakausap na naman ang sarili sa salamin. Part 30, ang palagay niya. Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mga mata. His breathing hitched when he instantly saw Lyle's face the moment he closed his eyes. Doon niya naalala ang totoong pakay dito sa banyo - mag-practice na umamin kay Lyle.
Wala na siyang kawala. Lalo na at maging itong puso niya, kaunti nalang e malulunod na sa kagustuhang mapukaw ang atensyon nito.
"Lyle," muling banggit niya sa pangalan ng binata, kasabay ng pagbukas ang pinto ng CR pero hindi niya iyon alintana. Hanggang sa, magsalita ang pumasok dito sa bagong 'pribadong espasyo' niya.
"Bakit, Gian?"
Napapitlag siya at naimulat ang mga mata bago mabilis na ipinihit ang katawan sa gawi ni Lyle. Halos isiksik niya ang sarili sa pinakasulok ng kinaroroonan niya nang makita niya ang binatang malapit sa pinto at nagtatakang nakatitig sa kanya.
"H-huh?!" Na-summon niya! Palibhasa, kanina pa niya binabanggit ang pangalan! "B-bakit ka nandito?!"
Hindi niya inaasahang pupunta si Lyle ngayon! Medyo umasa siya na mahihiya rin itong pumunta sa café niya! At bakit ito nasa banyo? Kinakabahan siya!
Nag-iwas ng tingin si Lyle at inilibot ang paningin sa kinaroroonan nila. Puting tiles, mga hindi ginagamit na cubicles, mayroon din namang mga urinals na naka-display malapit sa cubicles.
"Kasi magbabanyo ako," sagot nito bago itinuro ang cubicle na pinaka malapit kay Gian. Interesado ring malaman kung anong ginagawa ng binata rito.
Napalunok si Gian at kabadong tumawa. Matapos iyon, saka niya minuwestrahan si Lyle na pupwede nang tumuloy sa gagawin. Napangiti naman ang kaibigan at sinunod siya. Nagpasintabi pa ito dahil inabot ang pinto ng cubicle na ookupahin.
At kailangan ba talagang malapit sa kanya?!
Hindi bale na. Mukhang bibili nalang siya noong mga malalaking salamin saka idi-display sa opisina tapos doon niya kakausapin ang sarili.
Yumuko si Gian at saka inalis ang salamin sa mata. Itinabi iyon sa gilid ng lababo bago nagsimulang maghilamos. Para naman siyang bata. Daig pa siya ng mga high schooler ngayon na ang lalakas ng loob umamin.
Nakakainggit din na kaya nilang magdala ng kung anu-anong mamahaling regalo para lang mapansin at nang sagutin sila ng mga taong gusto nila. Sana lahat ganoon kalakas ang loob.
Not too long after, he heard some flushing sounds and the door soon clicked open, prompting Gian to wash his face with water once more. Lyle then proceeded to wash his hands on the other sink while silence engulfed their surroundings. He also had wished that Lyle would not notice the distress painted on his face hence the reason why he could not raise his head despite being done on his own business.
Kaya lang, hindi naman siya paborito ni Lord.
"Sabi sa 'kin ni Anne, kanina ka pa raw dito nagtatago? May nangyari ba?" Kalauna'y tanong ni Lyle nang hindi pa rin siya kumikilos mula sa kinatatayuan, "may nakaaway ka ba sa labas? O 'di kaya, may problema ka?" "W-wala. Kung utang ang itatanong mo, wala rin akong utang sa mga kamag-anak ko."
"Alam ko," natatawang sagot nito bago pinatay ang gripo. Winisik wisik pa nito ang mga daliri sa lababo bago bumaling sa kanya, "kanina pa sila nag-aalala dahil ayaw mo raw lumabas dito. 'Di ba masama ang pakiramdam mo?" Natatanga siyang umiling, dahilan para kumunot naman ang noo ni Lyle.
"Medyo namumutla ka. Sigurado ka ba?"
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tumango. "May iniisip lang ako kaya nandito ako."
Mahina itong tumawa bago tinalikuran ang lababo at sumandal sa tuyong bahagi noon. "Di mo naman madalas na ina-isolate sarili mo, e. Kung sakali na may problema ka, pupwede kang magsabi. Kahit sa 'kin." Umangat ang mga kilay niya. "Kahit sa 'yo?"
"Oo naman. Kahit sa 'kin."
Dala siguro ng hindi na rin siya mapakali o hindi kaya e masyadong pagtitiwala at kampante na hindi siya biglang lalayasan ni Lyle, bigla nalang niyang nasabi rito kung ano ang bumabagabag sa kanya. "E-e... paano kung ikaw 'yong problema ko?"
Tanga, sigaw ng isipan niya. Pareho tuloy silang nagulat ni Lyle. Hindi pa ito makapaniwalang napatitig sa kanya bago umawang ang mga labi nito sa sobrang pagkagulat.
"Ako?" Namamanghang paniniguro ni Lyle.
Namula ang mga pisngi ni Gian at mahina rin siyang napasigaw bago idinikit ang likod sa malamig na konkreto.
"S-sorry! 'Di mo ako naiistorbo, pramis! A-ano, iba 'yong dahilan!" Kunin na sana siya ni Lord!
"Hindi ba 'yon?"
Mabilis siyang umiling. "It's not, believe me. Nag-eenjoy akong kasama ka. K-katunayan, palagi akong natutuwa sa tuwing pumupunta ka rito. Hinihintay... ko ang pagdating mo."
"Edi anong problema sa 'kin?"
Nang ipilig ni Lyle ang ulo, pakiramdam ni Gian, nalunok niya ang dila. Ang sabi sa kanya ni Zachariel, umamin na siya. Pero ngayong nandito na si Lyle sa harap niya, nagpa-panic siya. Hindi niya maorganisa ang mga ideya. Kung paano siya aamin at ano ang sasabihin niya.
Isa pa...
Dito ba talaga dapat sa men's bathroom?!
Gian huffed when Lyle held his arm. Para siyang nakukuryente. Gusto niyang burahin ang sarili! Nakakahiya siya!
"Gian," tawag nito sa kanya.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Lyle," tawag niya rito pabalik. Hindi na siya nagulat nang humimig ito at tila ba hinihintay na dugtungan niya ang pagtawag dito.
Mahal kita... matagal na. Paano ba niya sasabihin ito kung wala siyang lakas ng loob?
Gusto niyang malaman ni Lyle na noong una niya itong makita sa resting room na para sa basketball team nila noong high school, napukaw na nito ang atensyon niya. Na simula noong magkita sila, siya mismo ang kumukuha ng tasks para interview-in ang liga dahil gusto niya itong makausap noon kahit iniignora lang siya nito.
Paano ba niya ipaparating dito na naiinggit siya kay Ridge? Noong malaman niya na ito ang gusto niya, nadismaya siya. Ang tagal niyang tinago ang nararamdaman dahil ayaw niyang padaig sa inggit. Ano ba naman kasing laban niya kay Ridge? Wala.
Pero liban sa mga iyon, gusto niya ring malaman ni Lyle na masaya siya kung ano man sila ngayon. Masaya siya na naging inspirasyon siya ng binata. At kung hindi man mutual ang nararamdaman nila, kahit manatili lang silang magkaibigan, ayos lang sa kanya. Kahit na ang totoo, masasaktan siya.
Mahal niya si Lyle... mula noon hanggang ngayon. Hindi niya lang alam kung paano tatanggapin at ipapakita.
Gian was probably so immersed in his own thoughts that he did not notice a lone tear escape from his eye. Napukaw naman noon ang atensyon ni Lyle ngunit bago pa man niya mapunasan ang luha nito, nilunok ni Gian ang nakabara sa lalamunan niya bago nagsalita.
"Pwede bang ako nalang?" Panimula niya.
Fortunately, he managed to choke out those words. Nanginginig ang labi niya noon habang si Lyle, namamangha siyang pinagmasdan.
"Mahal kita, Lyle... k-kaya... pwede bang ako nalang?"
Naiwan sa ere ang kamay ni Lyle na dapat ay pupunasan ang luha ni Gian. Mabagal ang paghinga nito at mukhang iniipon din ang sariling tindig. Habang siya, hindi nag-abalang palisin ang tuluy-tuloy na pagtulo ng luha niya. Hindi pa naman siya naba-basted pero ito siya, hindi mapigilan ang pagluha. Wala pa namang sinasabi si Lyle pero para nang pinipiga ang puso niya sa sakit. Kasi, alam niya na hindi siya. Na si Ridge pa rin.
"Gian..." Lyle uttered almost breathlessly before he finally cupped his cheek.
He immediately closed his eyes and savored the feeling of Lyle's gentle caress, holding the hand that Lyle used to hold him. Gian chewed on his bottom lip when he felt Lyle wipe his tears.
And before he knew it, Lyle pressed his lips against his that it made him crack his eyes open.
Kung mabilis ang nangyari sa kanila noong Sabado, mas ngayon. Hindi niya alam kung saan siya kakapit. Sa pader o sa beywang ni Lyle? Dahil pakiramdam niya, anumang oras ay matutumba siya. Ngunit bago pa man siya magkaroon ng desisyon, humiwalay na si Lyle sa pagkakahalik sa kanya.
He's left stunned, while Lyle just smiled at him.
"Ikaw naman na talaga, Gian."
*
MAGKAHAWAK ang kamay nilang lumabas mula sa banyo. Hindi pa dapat pero mayroong pumasok na customer. Nakakahiya dahil naabutan pa sila na hawak pa rin ni Lyle ang magkabilang pisngi niya. Kaya ang sabi ni Lyle, roon muna sila sa opisina niya at mag-usap.
Noong lumabas sila, nahiya si Gian nang makita ang ilan sa mga crew at customer na nakatingin sa kanila. Hindi naman sila narinig sa labas, hindi ba?! Baka nagulat lang ang iilan sa mga ito na magkahawak kamay sila. Hindi ka naman kasi araw-araw makakakita ng dalawang lalaki na sabay na lalabas ng banyo.
At nang nasa loob na sila ng opisina niya, nanghihinang sumandal si Gian sa likod ng pinto. Habang si Lyle, dumiretso sa isa sa mga upuan sa harap ng lamesa niya. Nakagat niya ang labi nang inililibot nito ang mga mata sa opisina niya. Hindi niya mabasa ang iniisip nito ngayon.
Moreover, he just said that it's already him, right? Na siya na ang mahal nito... tama ba? But... but what if he's just assuming things?
"Gian," tawag nito sa kanya.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Hindi ganoon kalakas pero dahil binabalot sila ng katahimikan, tila ba umalingawngaw iyon sa apat na sulok ng kwartong kinaroroonan nila. Nang humarap si Lyle sa kanya, lalong nanghina si Gian. Halos ipadulas nalang niya ang likuran sa pader at maupo sa sahig pero pinigil niya.
Isang matamis na ngiti ang kumurba sa mga labi ni Lyle, dahilan upang humugot ng malalim na hininga si Gian. That smile is really something. It throws him off.
"Dito ka," dugtong nito bago tinapik ang hita.
Sandali siyang napaisip kung pinapaupo ba siya nito roon? Dahil ayaw niya. Pero lumapit siya rito bago umupo sa sahig. Ang ginawa niya, ang ulo at mga braso niya ang ipinahinga niya sa hita ng binata.
Gian instantly relaxed when he felt Lyle play with his hair. He let out a loud breath before closing his eyes. Sandaling namutawi ang katahimikan bago nagtanong si Lyle sa kanya.
"Di ka ba nagtataka kung ba't ko nasabing ikaw na, Gian?"
Nakagat niya ang pang-ibabang labi bago umiling. "A-ayaw kong mag-isip."
"Pero 'di ka ba naku-curious kung paano at anong ibig kong sabihin?"
"M-medyo..."
"Ayaw mo bang pag-usapan? Kasi ako Gian, gusto kong malaman kung kailan pa naging ako 'yong tinutukoy mong gusto mo."
Ah, this must be something inevitable. Imbes na sumagot ay tumango lang si Gian. Mahina namang tumawa si Lyle bago inalis ang salamin niya. Mukhang naisip na baka mangawit ang sentido niya dahil sa pwesto niya ngayon.
"Noong pumunta tayo sa Sky ranch," panimula ni Lyle bago bumuntong hininga, "naaalala mo ba 'yong babae na itinuro ko noon? Iyong sinasabi ko na tinitignan ka. 'Di ko alam kung ako lang 'yon. O baka 'di ako sanay na makitang mayroong interesado sa 'yo. Pero noong ginawa niya 'kong messenger, umikot ang sikmura ko. Lalo na noong ibinigay ko sa 'yo 'yong ipinapaabot niya at hindi mo man lang itinapon agad."
Napasinghap si Gian at nag-angat ng tingin. Pero dahil malabo ang paningin niya, kinailangan pa niyang pasingkitin ang mga mata nang makita ang itsura ni Lyle.
"I-iyon ba 'yong dahilan kung ba't ang sour ng mood mo nang nasa indianapolis tayo?"
Hindi makapaniwalang umismid si Lyle. "Naaalala mo pa pala 'yon?"
"L-lahat naman... lahat ng ginagawa natin, inaalala ko kasi... baka dumating 'yong oras na 'di na maulit at 'di mo na 'ko gustong kasama."
"Huh?" Umangat ang mga kilay ng binata. "Paano mo naman nasabi na aayawan kitang kasama? You've been literally here for me when I needed someone. Ikaw 'yong dahilan kung bakit unti-unti kong natutunang tanggapin na 'di na dapat ako umasa kay Ridge. Iyong nagturo sa 'kin na 'di lang dapat ako tumingin sa kanya dahil makakakilala ako ng mas deserve ko - ikaw."
Lyle's eyes were full of love and it's making Gian feel overwhelmed. Parang sasabog ang puso niya. Ang sarap mag-self destruct sa kilig.
"Mahal kita," hindi niya napigilang ulitin, dahilan upang mapasinghap si Lyle at matigilan sandali.
It was then when a tint of pink painted Lyle's cheeks. Then, Lyle flashed him his usual boyish smile, the one that captured his heart a long, long, time ago.
"Gusto kong ibalik 'yong sinasabi mo, Gian, pero nasa magkaibang pahina pa tayo. Okay lang ba kung hihintayin mo 'ko?" Anito.
Tumango naman siya at muling ipinahinga ang baba sa hita ng binata.
"Ayos lang. Malaman ko lang na gusto mo 'ko, sapat na 'yon sa 'kin ngayon, Lyle. Maghihintay ako."
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report