Desire Love
Prologue

PROLOGUE

"Aling Choleng magandang umaga, nandito na po ulit kami" pagbati ko sa tinuring kong nanay simula ng mawala ang aking magulang

"Maupo muna kayo riyan att tatapusin ko lang ang niluluto ko" sigaw ni Aling Choleng mula sa kusina nitong simpleng bahay niya

Sa iskwater area lang kami nakatira pero masasabi ko na isa ang bahay ni Aling Choleng sa malilinis, dahil na rin kasi sa kondisyon ng anak ko kaya gusto niya laging malinis ang bahay niya. "Halika anak" aya ko sa munting kaligayahan ng buhay ko, si Ravi ang apat na taong gulang kong anak na lalaki.

Nilapag ko muna ang bag niya saka siya inupo ng maayos sa kahoy na upuan

"Itapat mo ang electric fan sakanya baka pawisan na naman iyang bata na yan" si Aling Choleng na nakalabas na pala sa kusina

"Anak dito kana muna ulit kay Nay Choleng mo okay" paalam ko na namam sa anak ko. Isa na naman ito sa malungkot na araw ng buhay ko, ang pag iwan sakanya sa pangangalaga ng ibang tao. Gustuhin ko man na buong araw siyang asikasuhin ay hindi ko magawa, dahil kailangan kong kumayod para sa pang gamot niya.

Pinanganak ko siyang kulang sa buwan, pitong buwan ng biglaan akong manganak na naging dahilan para magkaroon siya ng sakit sa baga mula sanggol palang, kaya todo ingat ako sakanya dahil ayokong atakihin na naman siya. Nadudurog ang puso ko sa tuwing hinihingal siya at hindi makahinga ng maayos, na kahit check up man lang sa isang private hospital ay hindi ko maibigay sakanya

Kung itatanong niyo nasaan ang tatay ng anak ko? Wala na iniwan ako ng langhiya!

"Mama iingat po ikaw, bait ako kay Nay Choleng po" magiliw na sabi ng anak ko sabay akap sa leeg ko

Isa na naman to sa mga araw na maglalako ako ng mga kakanin sa palengke habang nagtitinda ng iilang mga RTW na inutang ko lang din sa isang kaibigan

"Wag mag papagod anak huh, uuwi agad ang Mama.. I love you Ravi ko" sabi ko sabay halik sa noo niya

"Alis na ako Aling Choleng, kayo na pong bahala sakanya" paalam ko sa matanda sabay abot ng konting halaga para sa pag aalaga sa anak ko, pero gaya ng dati tumanggi na naman siya

"Sabi ko sayong hindi ka dapat nag aabot sa akin ng pera, gusto ko ang pag aalaga kay Ravi apo ang turing ko sa batang iyan, kaya hindi dapat ako binabayaran" inis na sabi niya, pero alam kong ganoon lang talaga magsalita si Aling Choleng para itago ang simpatyang nararamdaman para sa aming mag ina

Nasa singkwenta anyos na si Aling Choleng mag isa siya buhay, pero may isang anak na naninilbihan sa ibang bansa bilang katulong

"Puntahan mo etong address na ito, kailangan niya ng bagong katulong... Pero masyado na akong matanda para tanggapin pa ang trabaho na yan, kaya ikaw na ang tumanggap" sabi niya sabay abot sa akin ng isang flyer

"Malaki ang sasahurin mo dyan dahil ikaw lang ang magiging katulong, kaya naman sinabi ko sa kumare kong taga agency ang pangalan mo at bukas na bukas rin mag uumpisa kana" untag niya dahilan para manlaki ang mata ko, hindi dahil lang sa bukas ako mag uumpisa kundi ang malaman kung sino ang magiging amo ko

"WANTED ALL AROUND KASAMBAHAY! THE SALARY IS TWENTY-FIVE THOUSANDS PESOS EVERY MONTH. YOU WILL BE SERVING MR. CRAIGE ALDOMAR"

"CRAIGE ALDOMAR Aling Choleng?! Twenty-five thousand pesos ang laking sweldo non!" gulat kong sabi

"Kaya ikaw ang sinabi ko ng tawagan ako ng kumare ko, laking tulong non sa pagpapa gamot ni Ravi kung sakali" sabi niya sabay abot kay Ravi ng mga laruan na ngayon ay nakaupo ang anak ko sa sahig at naglalaro ng mga maliliit na kotse

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Pero Aling Choleng halimaw daw po iyan!"

"Aba Aleighn tatanggi kapa, isipin mo nga ang anak mo.. Malabo kayong magkita dahil bukos sa malaki ang bahay niya ay lagi siyang wala malamang" inporma niya habang nakataas pa ang kilay. Aba taray nitong matanda na ito "Bakit naman alam mo na ganoon ang pwedeng mangyari Aling Choleng?" tanong ko

"Dati na akong nanilbihan sakanya, at halos hindi kami nagkikitang dalawa" simpleng sagot niya

"Tama na ang tanong Leighn, gumayak kana sa pagtitinda ng makauwi ka ng maaga ng sa gayon hindi ka ma late sa pagpasok bukas.. Ayaw niya ng nahuhuli sa trabaho, yari ka" abay nanakot pa nga ang matanda "Mama, Mama kiss kiss po" habol ng anak ko bago ako tuluyang umalis

Nagpatuloy ako sa pagtitinda ngyaong araw na nahahati ang isip isiping magtatrabaho ako sa isang kilalang tao dito sa bansa bilang mayaman at magaling sa negosyo PERO masama ang ugali lalo n aoagdating sa mga katulong. Naku kung hindi lang dahil. Sa sweldo at pagsabi ni Aling Choleng na ako ang papasok bilang katulong ay hindi ako tutuloy

Pero sayang rin para, pwede akong makaipon para sa pagpapa gamot ng anak ko. Hayys bahala na

Lumipas ang maghapon at awa ng diyos naubos ang gawa kong mga kakanin at nakabenta ng ilang damit, pwede na akong umuwi dahil may kita na ako ngayong araw at nami miss ko na ang anak ko.

"Nako ayan na naman yung malanding babae, kaya iniwan ng nakabuntis malandi kasi"

"Nakakahiya single mom!"

Iilan sa mga karaniwang madalas kong marinig sa araw araw na nagdaan aa buhay ko mula ng magka anak ko, pero balewala sa akin, bakit? Dahil wala silang alam sa kwento ng buhay ko kundi puro gawa gawa lang at isa pa hindi nila dapat malaman lalot wala naman ailang dulot sa buhay ko

Oo dalagang ina ako, single mom pero hindi ibig sabihin non ay maduming babae ako, lahat ng bagay at pangyayari sa buhay ay may dahilan, kung ano man iyon walang magagawa ang mga marites na gaya nila.

Naglalakad ako pauwi dito sa may kanto papasok sa iskwater ng biglang tumunog ang di keypad kong telepono sa isang tawag galing sa hindi ko kilalang numero kaya agad kong sinagot

"Come here earlybas you can bitch, I don't want you be late.. Cause made dont have the right to be late on work mga mahihirap!" sabi mula sa kabilang linya at patay aa tawag

Maaring tawag iyon mula sa magiging amo ko simula bukas, at gaya ng pagkaka kilala sakanya ng lahat masama nga ata ang ugali

Lord guide me, para po ito sa anak ko

Ako si Aleighn Sta. Maria ang magiging katulong ng isang halimaw sa sama ng ugali na si Craige Aldomar

Mapagtiisan ko kaya ang ugali niya o tumagal man lang ako kahit ilang araw

---

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report