Desire Love
Chapter 21: Gutom

CHAPTER 21 Aleighn's POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising na medyo mabigat ang pakiramdam marahil ay dahil sa pagod at gutom na hindi man lang nawala kahit naka tulog na ako, pag bangon ko ay minabuti kong maligo na para makapag handa dahil nasisiguro kong may lakad ang amo ko ngayong araw kung saan isasama niya ako para maging alila niya.

Nag suot lang ako ng vneck longsleeve polo na kulay white, black highwaist pants saka ko lang tinerno sa kukay itim ko rin na flat shoes, saktong pagtapos kong mag ayos siyang paglabas ni Lucifer ay este ni sir Craige sa kuwarto niyang naka bihis na rin. He was wearing a white longsleeve polo na naka tupi hanggang siko, paired with dark gray pants and black shoes na talaga namang nagsusumigaw ang pagiging gwapo niya, pero masama talaga ang ugali at hindi noon mababago ang katauhan na meron siya para sa akin

"I have a meeting today sa isang resto malapit dito sa hotel, get the papers on my room at dalhin mo lahat iyon sa restaurant kung saan ang meeting ko," walang emosyon niyang sabi habang nagsu suot ng relos niya "Hindi po ba ako sasabay sainyo sir?" nagtatakha kong tanong sakanya

"No mauuna ako doon tapos sumunod ka nalang!" salubong na kilay nama niyang untag sa akin

"Pero sir hindi ko po alam kung saan yung restaurant na sinasabi mo, at isa pa wala akong alam sa lugar na ito?!" nag aalala kong tanong

"I don't care may utak ka di'ba edi gawan mo ng paraan!" naismid niyang untag sa akin pabalik

"Sir wala din akong pera kaya paano ko kayo mapupuntahan doon? Ano ho bang trip ninyo ang aga aga?!" tanong ko sa medyo kalmadong boses pero sa totoo lang gusto ko na siyang suntukin sa mga oras na ito Naiisip niya ba kung ano ang gusto niyang gawin ko, ang puntahan siya sa isang lugar na tanging direksyon lang ang alam, tapos wala pa akong pera at walang kahit anong alam sa lugar kung nasaan ako sa mga oras na ito "Gawin mo ang utos ko Ali, wag mong subukin ang pasensya ko! Sundin mo ang mga utos ko dahil kung hindi magbayad ka ng utang mo!" galit niyang untag sabay tuluyang nag martsa palabas ng kuwartong tinutuluyan namin Nanghihina man ako dahil sa gutom ngayong araw ay wala akomg magagawa, kailangan kong gawin ang mga utos ni sir Craige dahil kung hindi magbabayad ako ng utang sakanya. Agad kong kinuha ang mga papeles na sinabi niyang kailangan kong dalhin sa restaurant kung saan siya may ka meeting, bitbit ang tanging laman ng wallet ko ay umalis na ako para sundan si sir Craige kung nasaang impyerno siya sa mga oras na ito.

Sa tanang buhay ko ay ito ang pinaka matagal at pinaka mahabang gutom na tiniis ko, kahit naghihirap at kapos kami sa buhay ay hindi ko naman dinanas ang ganito noon lalo na sa mga magulang kong ang palaging nais ay kumpleto kaming nakaka kain ng tatlong beses sa isang araw. Anong klaseng mga magulang kaya ang meron ang isang Craige Aldomar at bakit mukhang kinulang siya sa tamang asal, ang sarap niyang ipagkan lulo talaga sa demonyo pwede na rin niyang palitan si satanas sa pwesto! Ang sama ng ugali ano yun habang magkasama kamo dito ay suusnod lang ako sa mga gusto niya, habang nag titiis ng gutom!

Napaka sayang nga naman

Paglabas ko ng hotel ay minabuti kong maglakad nalang ng sa ganoon ay makita ko si sir Craige ng hindi ako masyadong nahihirapan, tatlong restaurant muna ang pinasok at sinuyod ko bago ko tuluyang nakita ang amo kong prenteng nakaupo sa bandang gitna ng restaurant habang sumisimsim ng kape.

Pinunasan ko muna ang pawis king tumatagaktak bago tuluyang lumapit sa amo kong gwapo pero ubod ng sama ng ugali, agad niya naman akong nakita bago palang ako tuluyang maka lapit sakanya dahil para sumama ang ekspresyon ng mukha niya

"Hi sir eto na po yung mga papel na kailangan mo," hinihingal pero naka ngiti kong untag sakanya

"You're early than what I expect huh," naka ngisi niyang untag sabay kuha sa mga na inabot kong papel

Ilang sandali lang ay dumating na rin ang mga ka meeting niyang sa tingin ko'y mga nasa kala gitnaan ng singkwenta ang edad

Minabuti kong maupo muna nalang sa pinaka malapit na upuan kung saan nakaupo si sir Craige athindi naman siya umalma na naupo ako, at habang nag me meeting sila ay hindi ko maiwasang mapatingin sa pagkain na inihahanda sa mga customers dahilan para mas maramdaman ko ang gutom na kahapon kopang iniinda

Ilang sandali lang ang tinagal ng meeting ni sir Craige at ng mga ka meeting niyang sa pagkaka dinig ko ay may ari ng iba't ibang hotel at restaurants sa lugar na ito, kumg saan gustong kunin na supplier ang wine company ni sir Craige "May ka meeting pa ulit ako pero sa ibang lugar na, pwede ka ng bumalik sa hotel at ayusin mo ang mga files na naka save sa laptop ko," mahabang untag niya ng lumapit ako sa mesa niya

"Sir hindi man lang ba tayo kakaim ng almusal?" naka ngiti kong tanong sakanya

"I'm done eating my breakfast," walang buhay niyang untag

"Pero ako sir hindi pa kumakain," untag ko ulit

"I don't care woman, gawin mo yung utos ko aalis na ako," walang emosyon niya pa ring untag saka mabilis na tumayo at nag diretso palabas ng restaurant

Naiwan akong nakatayo habang tulala dahil bukod sa gutom ay, pinaghalong bwisit, inis, galit, at sama ng loob ang nararamdaman ko kay sir Craige, may katulad niya pala talagang walang pakialam sa mga taong kahit may utang sakanya ay napapa kinabangan niya naman

Ano siya swerte sige lang ng utos pero hindi magawang maging considerate sa taong inuutusan niya, bahala siya sa buhay niya hindi ko gagawin ang pinagagawa niya. Hindi ako babalik sa hotel ng gutom, kung ayaw niya akong pakainin pwes gagawa ako ng paraan para maka kain ako, baka mamatay ako ng wala sa oras sa lugar na ito kung siya ang kasama ko

Ang yaman yaman ang sama ng ugali

Ang yaman yaman walang kwentang tao

Sayang ang itsura niya, hindi bagay sa ugaling meron siya, sana matapilok siya o kaya ay tumama yung hinliliit na kuko niya sa paa ng lamesa

Kung sinusubok niya ako kung hanggang saan ang kaya kong tiisin pwes magsubukan kaming dalawa, hindi ata ako si Aleighn na marami ng pinagdaanan sa buhay kung susuko lang basta dahil sa sama ng ugaling meron ang isang Craige Aldomar

Mayaman lang siya madiskarte ako, higit sa lahat mayaman at guwapo lang siya pero wala naman siyang puso

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report