Desire Love -
Chapter 8: Don't Judge Me
Chapter 8
Aleighn's POV
Ilang araw akong hindi pumasok sa mansion ni sir Craige dahil naging sunod sunod ang pag alis ni Aling Choleng dahil may inaasikaso siya, bukod sa wala kasi akong mapag iwanang iba sa anak ko wala din akong ibang kalapit dito sa lugar namin kaya mas pinili kong lumiban a trabaho
Ayoko namang isama na namam si Ravi doon dahil alam kong hindi komportable doon ang anak ko, isang beses na tumawag sa akin ang amo kong si sir Craige, at sinabi ko naman sakanya ang rason ko
Alam kong tutol siya sa hindi ko pag pasok pero wala akong magagawa, kailangan ko din kasing bantayan at alagaan si Ravi gayong sinusumpong siya ng sakit niya sa dibdib
Apat na araw din akong hindi pumasok sa mansion pero sa gabi naman ay nakaka pasok pa ako sa bar para maging waitress, si Aling Choleng ang nagbabantay sa anak ko kapag gabi na. Kailangan kong kumayod ng kumayod para mapatingnan ko na sa doktor si Ravi at makabayad kay Raul ng utang ko, habang tumatagal kasi ay mas lalong tumutubo ang utang ko sakanya
"Girl ikaw nga doon sa isang VIP seat nandoon ex-jowa ko, baka mabwisit lang ako sabuyan ko ng alak yung babaeng kasama niya!" si Liza
Nandito kami ngayon sa bar counter para kumuha ng kanya kanyang orders ng mga customers
"Sige ako na doon palit tayo, sa may second floor tong mga drinks na ito sa table 5, baka mamaya umeksena ka pa" sambit ko sakanya
Mabilis kong nakapag palagayan ng loob si Liza dahil pareho kami ng sitwasyon na kinakaharap, nagtatrabaho kami para sa mga pamilya, ako para sa anak na may sakit at siya naman ay para pantustos sa mga kapatid na nag aaral "Anong umeksena Aleighn, yung hitad ang nang iinis sa akin!" inis niyang sabi
"Kaya sabi ko sayo wag kang mag jowa para sa huli wala kang problema, masama yan sa buhay Liza" seryoso kong sagot sabay kuha sa mga orders na pinag palit namin na i serve
Totoo namang nakakasira lang ng buhay ang pagkakaroon ng kasintahan, paiibigin ka sa umpisa pero kapag nakuha na ang totoong pakay iiwan ka nalang basta
Ang malupit pa sa lahat kinuha lang yung pagkababae ko, pagkatapos noon naglaho nalang na parang bula
Kaya naman pinangako ko sa sarili kong hindi na ako hahanap pa ng magiging boyfriend, dahil alam king lahat naman ng lalaki ay pare pareho lang saka isa pa, malabo na din namang may magka gusto sa tulad kong may anak na Tingin ng karamihan sa mga gaya ko ay disgrasyada dahil binuntis at inanakan lang tapos iniwan na
Buhay nga naman talaga parang life
Marami ang taong nag okupa ngayon sa VIP seat ng bar, kumpara noong mga unang pasok ko dito sa bar, naisip ko tuloy na baka nag dahilan na naman si Liza na nandito yung ex-jowa kahit anong totoo ayaw niya na dito mag serve Ayaw kasi ng babaita na iyon kapag masyadong madami ang na order sakanya ng alak, nalilimutan niya daw at naiirita siyang magpabalik balik
Nasa gitna ng bar ang VIP corner kung saan nag okupa ang mga customers na sana ay si Liza ang mag serve ng mga inumin. Pansin kong madami nga sila masyado at mga mukhang mayayamanbkung ang mga suot nila ang pagbabasehan.
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Nakangiti akong nagtungo sa gitna nila kung saan ko nilapag isa isa ang mga baso ng alak. Karamihan sakanila ay may mga kasamang babae at halos lahat ay naka lingkis sa bewang ng lalaki, akala lilipad mga jowa nila
"Hi miss ang sexy mo naman" untag ng lalaki sa may bandang gilid ko sabay hipo sa balakang ko
Agad ko iyong tinabig ng malakas
"Ano ba sir wag po kayong bastos!" inis kong sambit
Tinignan ko ang lalaki mukha sanang matinong tao kaya lang, dahil sa ngiti niyang manyakis mukha siyang gago sa kanto
"Ouch pa hard to get ka miss?" natatawa niyang tanong sabay akmang himas sana ulit sa balikat ko pero agad kong tinabig
"Nagta trabaho ako ng maayos sir, wala akong panahon sa gaya mong bastos!" untag ko sabay martsa pa alis
Gusto ko sanang ipagtanggol ang sarili ko dahil sa panghihipo na ginawa sa akin, kaya lang ay mukhang hindi papatalo ang lalaki kaya nag desisyon akong talikuran nalang sila. Hindi rin naman dapat nag aaksaya ng oras sa taong tulad ng lalaking iyon
Bumalik ako sa bar counter para maupo nalang muna dahil naiinis pa ako
"Nakakapag waitress ka dito pero hindi mo magawa ang pagiging katulong sa bahay ko!" untag ng isang lalaki sa tabi ko na pamilyar na sa akin ang boses at talagang may diin ang salitang katulong
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Good evening sir" walang emosyon kong bati
"There's no good in my evening!" untag niya sabay lagok sa alak na dala
"Pasensya na sir may sakit kasi ang anak ko at sa gabi lang may ibang mag aalaga sakanya, di bale papasok po ako bukas" sagot ko sakanya habang sa iba naka tingin
Nakakatakot siyang tumingin para sa akin, kaya madalas ay hindi ako tumitingin sakanya sa tuwing kaharap ko. Pakiramdam ko base sa mga tingin niga ay hinuhusgahan niya ako "Why poor people loved to make babies, eh mga wala naman kayong pera!" mayabang ma untag niya
"Masarap kasi ang may anak sir" maikling sagot ko
"Saka hindi pera ang basehan para magkaroon ka ng anak, oo dapat may sapat na ipon para sa pagkakaroon ng anak, pero hindi naman masasabi minsan kung kailan ka magkaka anak lalo na kung hindi naman naka plano" dugtong ko pa "So you mean to say you had s*x with you're child's father without a plan! Kaya ka siguro dalagang ina ngayo puro pasarap lang inisip mo and after claiming your virginity he walked away! Nakakahiya ka!" mahabang usap niya habang masama ang tingin sa akin
Gaya ng laging nasa isip ko, huhusgahan ka ng tao kahit hindi nalalaman ang kwento ng buhay mo
"Nakakahiya ako sir tanggap ko yun kasi nagpa buntis ako, pero hindi nakakahiya ang pagiging dalagang inako lalo na't hinayaan kong mabuhay ang anak ko kasama ko" sambit ko
"Wala kang alam sa istorya mg buhay ko, amo lang kita sa loob ng mansion mo pero hindi dito, kaya wala kang karapatan na kuwestyunin ang buhay ko!" galit kong sambit saka siya tinalikuran na
Minsan dahil sa sama ng ugali ng ibang tao hindi nila namamalayan na nakaka sakit na sila ng iba dahil sa mga binibitawan nilang salita
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report