Flaws and All
Chapter 12- Strangers

Nakikinig ako ng music habang tumatakbo sa threadmill, pilit kong inaalis ang imahe nang dalawang taong masaya at naghahalakhakan.

Kanina pa ako nafu-frustrate dahil kanina ko pa sila naiisip, sumisikip tuloy ang aking dibdib. Siguro highblood lang ako kaya nakakaranas ako ng chest pains. Yun, tama, yun nga yun. "Madox!" sa pagkabigla ay bigla nalang akong nadulas at napaupo.

"Fuck shit" rinig kong mura ng taong kanina ay tinawag akong Madox. Inalis ko ang kamay nya sa bewang ko at sinikap na tumayo.

"Are you hurt? Did I scare you?" tanong nya, sinipat ko sya ng tingin. Nakaitim sya as usual at may hawak na... bulaklak.

Umirap ako at pinagpag ang leggings ko. He squatted in front of me at hinawakan ang tuhod ko at bumaba sa ankle ko.

"I'm sorry. I didn't mean to scare you." aniya habang minamasahe ang ankle ko.

Iyon ba yung sorry na gusto ko marinig?

Teka, does he owe me an apology in the first place?

Para saan? Sa nakita ko? Ang babaw naman.

"Bakit ka nagsosorry?" tanong ko sakanya, he scooted closer to me and extended his arm on my back.

"Hinanap kita, lahat ng cctv nireview ko para mahanap ka." sabi nya. Sinara ko ang water bottle ko at nilapag iyon sa side table. "You left your date alone? That's rude" I said sarcastically, I heard him curse, his jaw clenched, his hand turned into a fist. "Madox, can you just listen first?" hinawakan nya ang nagkabilang kamay ko nang tangkain kong takpan ang tenga ko. "Paano maaayos kung ayaw mo makinig?"

"Ayaw ko nga makinig!" tabig ko sa kamay nya but he didn't even budge. "Saka bakit ka ba mageexplain? You don't have to." He cupped my face and looked straight into my eye.

"Amaryllis is just a friend" Amaryllis? Nice name. Ang unique. It suits her right.

"Tapos? We're just friends too, anong gusto mo ipunto?" Still cold-hearted, wala akong gana makipagusap sa kanya.

Nakakainis, kung kailan ramdam ko nang sincere sya sa akin ay may ganitong mangyayare. Kung kelang feel na feel ko na.

"For me we're not 'just friends'." he's back at being Serious Black again, para itong handang manakit ano mang oras.

Huminga sya ng malalim bago ako hinarap muli.

"I courted her years ago. Hindi naging kami, friends lang kami ngayon" I fake smiled at him tila tinusok ang puso ko sa narinig kaya idadaan ko na lamang ito sa ngiti. Ganon naman diba? Kapag nagseselos ka at wala kang karapatan idaan mo nalang sa ngiti.

"Hindi mo kailangan mag explain. Okay, niligawan mo sya noon at friends lang kayo ngayon. Does that have something to do with me?" napasandal sya sa upuan at pumikit, hindi ko sigurado kung saan ba tutungo itong usapan na ito. Ang alam ko lang tila may maliliit na tinik na tumutusok sa dibdib ko.

Naging curious tuloy ako sakanya, bakit hindi naging sila?

Totoo bang hanggang doon lang? Bakit sila magkasama ngayon?

Are they finally together?

"Madox, listen. Stop being so jealous and in denial. You can slap or hit me if you want, but it's not what you think. It's not that important"

"Ikaw lang, sayo lang. Ikaw ang gusto ko, sayo lang ako. I don't want to argue anymore, I accept my defeat already. I don't want this shit" yumakap sya sa akin at ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat.

Kung kanina ay sobrang layo ng distansya ko sakanya ay tila nahila nya ulit ako papalapit.

I replace my self coming back to him. Iyong kahit anong gusto kong magtampo ay mas gusto ko syang intindihin at magpalambing na lang sakanya.

Aish, this is so fucked up.

"Hay ang gwapo ni Grim Reaper! Akin ka lang please? Please!?" hinahaplos ko pa sa screen ang mukha ni Grim Reaper, ang gwapo talaga!

"Tss. Mas gwapo naman ako" siniko ko ang katabi ko at pinagpatuloy ang panunuod ng Goblin. "Ang gwapo rin ni Kim Shin. Sorry Grim Reaper, hindi ako stick to one!" nakasimangot kong sabi. Heller, crush ko pa si Deok Hwa! "Pansinin mo na ako. Madox, I didn't come here to watch you watch that shi-- "Sshhh quiet!" sita ko sakanya, napatili ako ng halikan ni Eun Tak si Kim Shin! They are so cute together!

Sinalo lahat ni Zarette ng hampas ko sakanya, lowkey hitting him not only because of kilig, but because I've seen him again with Amaryllis today. Nakakainis na ha!

Pinatay ko muna ang ipad ko at hinarap sya, napakurap ako ng nilapit nya ang mukha nya sa akin.

"Why are you with Amaryllis again? Nililigawan mo ba ulit sya? Ilan nililigawan mo? More options para more chances of winning?" sarkastiko kong sabi, napailing sya at napabuntong hinga. "She's my secretary. Wala akong nililigawang iba, Madox." nagkibit balikat lang ako at uminom ng tubig.

"And why would I court Amaryllis again? She's not my type anymore" dagdag pa nya.

"Sus, ganyan naman ang mga lalaki sa mga movies o teleserye. Ayaw daw nila, tapos mapakurap ka lang gusto na pala nya. I know I'm naive, but I know some things too. Anyways, you don't need to explain things hindi naman tayo" I faked a smile at him bago umiwas ng tingin.

May practice game sila ngayon, kaya heto ako at papunta sa court. Napatigil ako dahil meron akong narinig nang dumaan ako sa locker room ng mga athletes, nagpanting ang tenga ko at pinasya na lang na wag ng tumuloy.

Sa pagmamadali ay kung sino sino na ang nabunggo ko hanggang sa hawakan ako sa braso ng huli kong nabunggo.

"Xochitl." tawag nito sa akin, nag angat ako ng tingin at napabuntong hinga ng makitang si Daevon iyon.

"Uy! Nabunggo ba kita? Sorry." paghingi ko ng dispensa, he looked at me worriedly at hinuhuli ang tingin kong kanina pang umiiwas sa tingin nya.

"May problema ka ba? Nakayuko ka lang kasi" mabilis akong umiling.

"No, I'm perfectly fine" I lied. "Medyo hilo lang ako" palusot ko. Tumango naman sya sa akin.

"Malapit na practice game nyo, hindi ka pa bihis. Sige na, go!" I patted his back, kinurot nya lang ang pisngi ko at marahang tumakbo papunta sa locker.

"Xochitl, magtetext ako mamaya!" sigaw nya nang medyo nakalayo na sya sa akin. Tinaas ko lang ang kamay ko at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Go Amaryllis, cheer mo naman ang chairman ng buhay mo" tinulak tulak nila si Amaryllis at napapahagikgik na lang ito, napanguso ako at sinundan nalang sila ng tingin.

"Oo naman, nanunuod lang naman ako para kay Chairman" tinukso nila ito at ang isa ay hinawakan ang buhok nya.

"This time girl, wag mo na pakawalan ulit!" aniya, tumango lang ito sa kaibigan at pinagpatuloy ang paglalakad.

Ilang segundo rin ata akong nakatayo doon at pinanuod sila hanggang makapasok sa loob ng court, napahugot nalang ako ng malalim na hinga at naglakad palayo

Tama sila, she should not let him go again. Si Chairman na yung nanliligaw sakanya oh, Zarette na yun! He's a good catch afterall.

Teka bakit ba ang sakit ng dibdib ko? I should drink water more often. Tama, bibili nalang ako sa cafeteria sabay tambay na rin sa roof top!

Hindi ka man sexy Xochitl, nabiyayaan ka naman ng pag ka brilliant! Hihi.

"Uy! Di ka manunuod ng game?" si Aveline. Umiling ako.

"Antok ako." palusot ko. "Hindi mo ichi-cheer si Chairman?" tanong nya ulit.

"Hindi. Madami na nagchi-cheer sakanya, dadagdag pa ba ako?" kumuha ako ng tubig sa ref bago dumiretso ng counter, kumuha rin ako ng ilang chips saka ng lasagna.

"Ikaw? Hindi ka manunuod?" tanong ko

"May klase ako eh, bibili lang talaga ako ng soda" napa 'ahh' nalang ako sa sinabi nya. Sabay kaming naglakad dahil madadaanan ang classroom nya bago sa hagdan papuntang roof top, she waved at me goodbye habang ako ngumiti lang at umakyat na ng hagdan.

Natigil ako sa pagkain ng lasagna ng paulit ulit na tumunog ang cellphone ko, si Prim tumatawag.

Prixie Renesmee calling....

"Hello? Bakit?" tanong ko bago inabot ang tubig.

"Hindi sumipot si Kuya sa practice game. Hinahanap ka nya" napatayo ako at napaupo ulit. Aish!

"Bakit daw? Andito lang ako sa school, baliw sya! Tawagan mo" nataranta kong sabi.

"Galit si coach, last practice na kasi ito bago mag prom. Next week na ang laro nila!" napapikit nalang ako at napasandal sa upuan ko.

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Zarette, what are you doing?

Pagkababa ko ng tawag ni Prim ay sya namang tawag ni Zarette.

"Madox." bungad nya sa kabilang. I can hear his sadness from his voice. "I'm worried, I can't replace you" aniya. I sighed, I grabbed all my things, saka bumaba.

"I'm just here around, balik ka na sa practice game nyo. Galit na si Coach" mahina kong sermon sakanya, he sighed from the other line.

"A-are you with D-aevon? He ditched our game too, I saw you two talking awhile back" he stuttered, nahihimigan ko parin ang lungkot sa boses nya.

"He even told you that he'll text you." dagdag nya ng nanatili akong tahimik habang bumababa.

Habang iniisip ko sya ay iniisip ko rin ang lasagna na naiwan ko sa taas, konti palang ang bawas ko doon. Sayang! Ang sarap pa naman. Balikan ko kaya? Aigoo! "Where are you? Puntahan kita" tanong ko, agad nyang sinabi na nasa office sya at hihintayin nya ako.

Sumandal muna ako sa pintuan ng office nya at huminga ng malalim, kumatok ng apat na beses bago ito binuksan.

Nakasandal sya sa swivel chair nya at nakataas ang kanyang paa sa kanyang desk, hawak nya ang kanyang labi at malamlam ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.

Uupo sana ako sa katapat na upuan ng desk nya pero sinenyasan nya akong lumapit sa tabi nya.

Hinila nya ang kamay ko kaya naman napaupo ako sa hita nya, he Immidiately wrapped me to his tight hug.

"Stop making me worry. I've checked all the cctvs, I even tracked Daevon to check if he's with you. I want you around, you can tell me where you are if you don't want to see me. Para lang mapanatag ako, Madox. Para lang okay ako" I brushed my fingers to his hair, mas lalong humigpit ang yakap nya sa akin.

"Hindi kita susundan, basta sabihin mo lang. Okay?" tumango nalang ako sakanya, but I won't let him know that I'm staying at the rooftop.

Pakiramdam ko ay yun ang lugar na pwede kong takbuhan kapag gusto kong magtago. Kapag nagseselos ako, kapag nasasaktan ako.

"Balik ka na sa court, play ka na hinahanap ka na ni Coach" sabi ko sakanya ng mamayani ang katahimikan.

"Can you watch me play?" kagat ko ang pangibabang labi ko at nagisip, tumakbo na naman sa isip ko ang narinig ko kanina sa locker room.

"Nagdidate ulit kayo ni Amaryllis? Lakas mo talaga, Chairman. Cheerleader ang babe" rinig kong sabi ng di ko kilalang boses, hindi iyon galing kay Ely, Ryan o Kiko.

"Ako pa ba?" sabi ng pamilyar na boses. Hindi si Ely, Ryan o Kiko... Boses ni Zarette iyon.

Napalunok ako, wala pa rin akong sagot sa tanong nya.

"Okay lang kung hindi, just tell me where you're going" malungkot nyang sabi.

Nagawa ko pang ngumiti at tumango kahit ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko dahil sa naalala ko, ngumiti sya at inalalayan akong tumayo.

"Ano ka ba Xochitl? Nakashoot si Kuya, bakit di ka nagchi-cheer?" si Prim, pumapalakpak sya at katatapos lang magtatalon. Tipid akong ngumiti at nanatili ang mata sa mga naglalaro. Panakaw akong tumitingin sa grupong tuwang tuwa sa pangaasar sa kanilang kaibigan. Kanina ay isa kanila ang sumigaw ng pangalan ni Amaryllis.

"Pasabi nalang sa kuya mo may kailangan akong ibalik na libro sa library, ngayon kasi deadline non eh. Babalik rin ako" bumeso ako sakanya at tuluyan ng tumayo.

I lied.

Nagmamadali akong umakyat sa roof top, nilinis ang lahat ng kalat na naiwan ko kanina. Mas lalo tuloy bumigat ang pakiramdam ko nang makita ang nasayang na lasagna. Uminom ako ng tubig hanggang sa naubos ang nasa isang bote, at nagmasid nalang sa paligid.

"Ano ka ba? Bakit ka ba nagiinarte? Why are you acting like a jealous girlfriend? She can cheer for him, walang nagbabawal!" sabi ko sa sarili ko.

"Okay naman na magselos ka, lahat naman ng nagkakagusto sa isang tao nagseselos sa umaaligid sa gusto nila. Pero yung magiinarte ka? Wow wow!" pagpatuloy ko. Hindi ko na namamalayan na lumuluha na pala ako, mabilis ko iyong pinunasan at pinakalma ang sarili.

Nang mahimasmasan ay bumalik na ako sa court, tapos na ang game. Si Ely, Kiko at Ryan ay naga-apiran.

Habang si Zarette ay kausap si Amaryllis, kasama ang mga barkada nitong nagpipigil kilig.

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Chairman, ikaw na talaga ang mvp!" rinig kong sabi nya, napasandal nalang ako sa pader at huminga ng malalim.

I saw how he smiled at her, yung kung paano sya ngumiti sa akin. Alam naman natin na hindi sya palangiti, and to see him smile that way is a very rare moment.

Sabagay, siguro noon ay sya ang isa sa nagpapangiti kay Zarette. He courted her wayback, of course she can and she made him smile already.

Even before he gave importance to my existence.

"Oh Xochitl, andito ka pala" si Ely. Tumingin ito sa loob at tila nagaalala na andito ako sa labas.

"Oo, napagod ako tumakbo. Bili lang ako ng tubig" saka ako tumalikod.

I know that look Ely, nakita ko na silang magkasama at magkausap. Para bang ayaw ni Ely na makita ko ang ganong eksena.

Nakita ko na. Nagselos na ako. Tapos.

Hindi man lang ako nasiyahan ng mabawasan ulit ang timbang ko. Muka sixty five ay naging sixty four na lamang.

Nag threadmill muna ako para mabawasan ang pagiisip. Bukas na ang prom, at ayaw kong pumunta. I didn't look for something to wear, dahil wala rin naman akong balak dumalo. Pwede naman iyon, hindi naman mandatory. Basta nagbayad ka ng fines ay okay na.

"Xochitl, anak. Tomorrow is your prom right? Why not let's do some shopping?" natigil ako sa pagtakbo at pinatay na ang threadmill.

"Mommy, ayoko pong pumunta" I said, while wiping off my sweat.

"But anak, its one of the best events of your school. You should not miss it. Sige na, I will do your make up and hair" nakangiti nyang sabi, napapayag nalang ako.

Its the first time that she offered to do my make up and hair, ito rin ang first time na inaya nya akong mag shopping!

Kaya naman I grabbed the opportunity to bond with her.

"Napansin ko ang laki ng ipinayat mo anak, nagkakasya pa ba ang mga damit mo?" napangiti ako, dati kasi ay ni hindi nya ako matignan.

"May mga binili po ako dati na medyo masikip sa akin, ngayon fit na po."

"Well then, tingin ka ng mga gusto mo dyan at bibilhin natin. Titingin lang rin ako dito" tumango ako, I searched some racks for fashion tops and dresses.

Sunod sunod na texts ang bumungad sa akin nang buksan ko ang cellphone ko. Tatlong araw na simula ng pinatay ko iyon.

I bit my lower lip while browsing the texts, all of them were from Zarette's.

Huminga ako ng malalim habang tinitignan ang cellphone kong nagriring dahil sa tawag nya.

"H-hello?" sabi ko, rinig ko ang paghinga nya sa kabilang linya.

"I miss you so bad, and you're acting like you don't know me at all." napalunok ako at napaupo dito sa loob ng fitting room.

"You exchanged seats with Ryan, you turned off your phone, you're not attending our work out sessions anymore. Ano bang problema? May nagawa ba ako?" he said on the other line.

I can't help but feel guilty, hindi ko alam kung bakit ba ako naguguilty? I did everything for a reason.

Ayokong umiwas, pero paano ba hindi umiwas kapag nakikita ko syang may kasamang iba?

Kapag napapangiti sya ng iba?

Hindi naman ako tanga para harapin pa sila? Nasasaktan na nga ako na makita sila sa malayo, magpapakamartyr pa ako at lalapit?

"Madox, ano? What went wrong? Anong nagawa ko?" pangungulit nya sa kabilang linya. "I know you're listening, I can hear you breathing" I sighed and closed my eyes.

"Wala. Wala kang ginawang mali. Its me, ako yung may mali. I have to give you space, so I can have mine"

"I don't need space, Madox. I want you. Can we go back to the old us?" aniya, it was agony to hear his sad voice.

"Can we go back to being strangers instead?" wala sa sarili kong sabi pagkatapos ng ilang minuto, I heard him gasped from the other line before I ended the call.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report