Flaws and All -
Chapter 18-Bittersweet
"Hi Lo! Kamusta po?" nakangiti kong bati kay Lolo sa skype. Nasa study table ko si Zarette at tinatapos ang librong binabasa nya. "Okay lang apo, I heard you are with your nobyo." namula ang pisngi ko lalo na ng narinig ko ang mahinang pagtawa ni Zarette. "Magpagaling na kayo ha lo? Bibisita ako dyan soon"
"Pakita ng nobyo mo hija" napangiwi ako sa pagsingit ni Lola, mas mabilis pa sa mabilis ang kasama ko dahil ngayon ay magkatabi na kami. Pasimple pa ang kamay nya sa bewang ko. Tinapik ko iyon at ngumiti ulit kila lolo.
"Good morning ho lola, lolo" bati nya, he slightly waved his hand and his smile reached his eyes making it twinkle.
"He's very handsome hija, you have a very good taste" kinilig ako ng slight sa sinabi ni lola, pero hindi ko pinahalata masyado sa katabi ko.
"And you have a very beautiful grand daughter po, ako parin po ang swerte sa apo ninyo" he smiled at me, it made me so much happier when his eyes twinkled in happiness. Marami pa silang pinagusapan, maging sila daddy ay nakipag biruan sa aming dalawa.
They keep on reminding us to behave. Humihigpit ang hawak ni Zarette sa bewang ko kapag nasasabihan kami ng ganon.
"I'll take good care of Xochitl, no need to worry po." rinig kong paalam niya bago pinatay ang skype.
Nakahiga na kasi ako at nakaramdam na ako ng antok. Sabagay ay sya naman ang gustong makausap nila Lola.
Pakiramdam ko tuloy ay hindi nila ako namiss at hindi ako ang kanilang apo. Hmp!
"Enjoy na enjoy ka ah, gustong gusto ka nila" nakapikit kong sabi sakanya, naluluha na ako kakahikab.
"and they know that I am your boyfriend" he grinned
"Hindi pa kita sinasagot!" inayos nya ang pagkakaunan ko sa braso nya pagkatapos ay ang aming kumot.
"Hindi ko sinasabing sagutin mo ako agad, Hal. If you'll say yes to me then make sure that you're ready to wear O'brien as your last name. Nililigawan kita para magpakasal ka sa akin" "So what are we then?" naguguluhan kong tanong, naghalo ang antok at magulo nyang sagot.
"Ano ba ako sayo, Madox?" my heart began to ask my brain for an answer but Its not functioning well.
Naghalo ang pagkalito at antok ko. Ano nga ba sya para sa akin?
He's someone that I want to be with. Yung tipong bawat sandali ng buhay ko gusto ko kasama ko sya.
He's someone I want to laugh with.
He's someone I want to cuddle with.
Sya yung taong gusto kong mahalin, dahil iyon ang turo nya sa akin. Ang mahulog at magmahal ng isang tao.
Dahil sakanya may nararamdaman akong walang katumbas na saya sa puso ko. May kaunting kirot na napapawi rin ng bawat ngiti at lambing nya.
He's someone that I don't want to share. Dahil sa laro ng pag-ibig, ang sayo ay dapat sayo lang.
"You are mine, Zarette." he rubbed the tip of his nose before granting me a soft kiss.
"I am all yours, all rights reserved." aniya.
"You can call me your boyfriend or anything since I am officially yours. Reserve your sweetest "yes" for the day that I'll ask you to marry me soon." yumakap ako ng mahigpit at pilit hinuli ang tulog. I will patiently wait for that day. Soon, but now you're already mine.
"Sya daw yung girlfriend ni Chairman?" rinig kong sabi nung isa ng dumaan kami nila Prim.
"Kaya ba nagpapayat para mapansin ni Chairman? Ang desperada!" sabay tingin sa akin ng masama.
Problema ng mga to?
Nagpapayat lang nagpapansin na? Hindi ba pwedeng para sa kalusugan ko iyon? At sinabi ko ba kay Zarette na mahalin nya ako? Hindi.
"Nagpapayat para-- "Babangasan ko kayong tatlo, mga mimosa ng taon!" sabay amba ni Aveline sakanya, kung si Prim ay makakapagtimpi, hindi si Aveline.
"High blood ka na naman, hayaan mo na" sabi ko nang umalis na yung tatlo.
Isa lang ang sigurado kong nagpaalam at nagpakalat ng tungkol sa amin ni Zarette. Wala ng ibang nakakaalam na iba maliban buong barkada at kila Amaryllis.
"Hayaan na naman? Hindi mo ako friend na hahayaan lang ang lahat okay? Arasso?" tumango ako at tahimik na nagpasalamat na meron akong kaibigan na katulad nila.
"Kapag si kuya ang nakarinig nyan hindi nila magugustuhan ang mangyayari." sangayon ako doon, kaya dapat hindi makarating ang mga ito kay Zarette.
"Clearance signing! Magkano naman kaya babayaran per department? Lagi nalang kapag magpapapirma kelangan may bayad. Kainis!" reklamo ni Aveline.
"Last year five hundred, hindi ko lang alam ngayon" sagot ko.
Exam na namin bukas, todo review kami dito sa may garden. May ilang subject na naexempted kami nila Prim lalo na sa mga minor.
Tatlong major namin ang kailangang aralin ng mabuti.
I haven't seen Zarette today, pero sa bahay siya natulog at sabay kami pumasok.
Hindi ko rin sya macontact, malamang ay busy sa office iyon. He doesn't need to review, easy na sakanya ang exam.
All of his quizzes are passed, kung hindi perfect ay dalawa o tatlo lang ang mali.
Tumunog ang cellphone ko at nakita ang text ni Zarette. Agad ko iyong binuksan at binasa.
From: My Zacchaeus Everette
Come here in my office. I need you here.
Hindi na ako nagreply pa, niligpit ko ang gamit ko at sinilid iyon sa aking bag.
"Pinapapunta ako ni Zarette sa office, iwan ko muna kayo ah?" tumango naman sila kahit ang atensyon ay nasa libro.
Masaya ako habang naglalakad patungo sa office. Hindi ko lang alam kung bakit parang may problema ang tyan ko? Nananayo rin ang balahibo ko. Hind kaya... Hindi naman ako nababanyo! Aish!
Nag ayos pa ako ng buhok at sinipat sa aking camera ang aking mukha. Dahan dahan kong pinihit ang door knob, wala gusto ko lang ng suspense. Nawala ang ngiti ko sa nakita, ilang beses akong kumurap pero iyon parin ang nakikita ko. Unti unting naginit ang mata ko.
Dahan dahan kong sinara ang pinto at tumakbo paakyat sa safe place ko.
Nakatulog ako, panaginip lang siguro ang lahat. Isipin ko nalang panaginip ang lahat. Bumaba ako ng rooftop at agad hinanap sila Prim.
I should act like nothing happened. Kasi wala namang nangyari.
Nakapamulsa akong naglakad papunta sa classroom, wala pa ang prof namin kaya safe akong napaupo sa tabi ni Zarette.
Titig na titig sya sa akin, tumingin rin ako sakanya at ngumiti.
"May problema ba... hal?" I asked, calling him 'Hal' for the first time.
"Kanina pa kita hinahanap. Pumunta ka ng office?" umiling ako.
"Papunta sana ako kaso sumama tyan ko, umuwi muna ako" I gave him a weak smile bago nag focus sa blackboard.
Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako naiyak. I was teary eyed pero hindi tumulo ang luha ko.
I feel numb, parang kahit anong hampas ko sa dibdib ko ay hindi ito sumasakit.
I let the pain take over that's why I felt nothing.
"Hal, gusto ko manuod ng heavy drama" sabi ko sakanya, yumakap pa ako at suminghot sa leeg nya.
He smelled like her perfume. Dapat nasasaktan ako ngayon diba? Pero parang wala lang.
May ilang napatigil at tumingin sa amin, maging sila Prim ay bakas ang gulat sa mukha. Ngumiti lang ako sakanila habang nakayakap sa lalaking mahal ko. Humalik sya sa ulo ko at yumakap rin sa bewang ko.
Magkahawak kamay pa kaming naglakad sa pathway, nang makita kami ni Amaryllis ay nawala ang ngisi nito.
Kung sila Aveline at Prim ay sinisinghot na kakaiyak sa She's Dating the Gangster nanatiling titig at walang emosyon si Madox.
She should be crying right now, but her mind can't process the movie and she can't feel any pain at all. Nakatalumbaba lamang sya habang nanunuod. Ilang beses na ba syang napaluha ng movie na na ito? Kahit ilang beses nya itong panuorin ay tiyak na mapapaluha sya sa mga masasakit na eksena. Siguro dahil kapag nasanay ka na sa sakit ay parang wala na lamang ito.
She felt like she had a hundred shot of lidocaine. Her heart felt numb.
Hindi na nya namalayan pang nagpaalam na ang dalawa, nakaidlip kasi sya habang nanunuod sila.
Nagising sya sa nga maliliit na halik sa pisngi nya, she smiled and immidiately wrapped her arms around him.
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
She kissed her but it tasted so bitter.
Mabilis nyang pinunasan ang takas na luha habang naghahalikan sila.
"Let's eat hal, I cooked for you" she nodded her head and tried to act alive.
"Hmm bango ah? Ikaw talaga nagluto? Baka naman si manang?"
"Di ah, di ba manang?" saka ito kumindat kay Manang. A part of her felt good.
He cooked steak, iyon ang pinakaspecialty nya and she liked it very much.
He's been observing her since this afternoon, but she built thick walls to cover up her emotions. Nahirapan syang basahin kung totoo ang pinapakita ng dalaga.
She seem so alive but her eyes are so dull.
Para siyang tumititig sa matang sobrang lungkot na pinipilit maging masaya.
He hoped that she's fine, na hindi nga ito nagpunta sa office nya. Something happened, and he felt remorseful about it big time!
"Busog na busog ako" she said while rubbing circles on her tummy, yayakap sana sya sa dalaga pero bigla itong napatigil na tila merong naalala.
She sighed and smiled after seconds, kusa rin itong lumapit at yumakap sakanya.
"Mamimiss kita..... Mali, miss pala kita" and she chuckled, she felt her heart constricted a bit, parang may tumutusok kapag bumabalik sa isipan nya ang ala-ala na ayaw nyang maalala.
Hindi nakaligtas iyon kay Zarette, nabahala ito pero nang ngumiti at mas humigpit ang yakap nito ay tila napanatag sya.
"Shower ka na hal, let's sleep early" she said with a smile "Pahiram phone, palaro" she added. Inabutan sya nito ng twalya at patulak na pinapasok sa banyo, he chuckled and grabbed her waist and granted her a sweet kiss. She was busy browsing when all of a sudden his phone vibrated. A message from Amaryllis flashed on the screen. From: Amaryllis Contreras
I enjoyed your lips. You don't need to deny that you enjoyed mine too.
She felt the pain strike her heart, tila nawala ag pagiging manhid nya. She tried hard not to cry, paniguradong hindi sya tatantanan ni Zarette sa kakatanong kung bakit sya umiyak.
Inopen nya ang internet at bumisita sa website ng sikat na airline. She badly need a break.
Nagtulog tulugan sya pagkatapos nyang ayusin ang transaksyon nya sa internet. Wala syang iniwang bakas, kahit naman alam na ni Zarette kung saan sya hahanapin sa oras na umalis sya sa bansa.
Naramdaman nya ang paghalik nito sa kanyang balikat, sa pisngi at sa gilid ng kanyang ulo.
Her eyes began to water, nahirapan rin syang kontrolin ang pamimigat ng kanyang paghinga.
She suppressed her sob, he wrapped his arms around her. Clueless that she's trying so hard not to cry.
"Good night, my Madox. I missed you too" he whispered, tears escaped her eyes, nahirapan na rin syang huminga but she stayed still.
Dalawang oras, dalawang oras syang nanatili sa ganong posisyon. Kahit anong pikit nya ay hindi sya makatulog.
Tila napagod na rin ang kanyang mata sa pag iyak.
Humarap sya sa natutulog na si Zarette. She reached for his face and gently caressed his cheek.
"Hindi ba kita deserve? Mas deserve ko bang masaktan ng paulit ulit?" sigaw ng utak nya.
"Sakin ka ba talaga? Bakit parang akin ka nga pero hindi buo?"
She smiled when he squinted his eyes, naramdaman nito ang mainit na palad ng dalaga na kanina pa humahaplos sa pisngi nya.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nya.
"Wala. Nanaginip lang ako." she lied. Humigpit ang yakap sakanya ng binata, she rested her head on his chest.
"Is it a bad dream? Tell me everything about it" he sounded so sleepy, nakapikit na ito pero handang makinig sa dalaga.
"Wala lang yun, matulog na tayo ulit hal." humalik ito sa pisngi ng binata at yumakap ng mahigpit.
"Good morning Haaal!" ilang beses kong tinusok ng mahina ang kanyang pisngi.
"Hal, maaga pa" he groaned before squinting his eyes. Sinilip nya ang orasan at binaon ang ulo ko sa kanyang dibdib.
"It's five o'clock my Madox. Why are you so excited to go to school?"
"Wala lang, malapit na bakasyon. You can still sleep, hal. Maliligo na ako" babangon na sana ako nang hapitin nya ako sa bewang.
In a swift move ay nasa taas nya na ako. Namula ako at agad na nagtangkang umalis but he won't budge, mahigpit ang yakap nito sa aking bewang.
"Stay hal, stay"
"A-ano ka ba. Oo na, basta ayos lang ako ng higa sa tabi mo" para akong nilalagnat sa init ng pisngi ko.
Nanayo ang balahibo ko nang humalik sya sa tenga ko. What the hell, O'brien!
Kahit anong galaw ko ay ayaw nyang bumitaw hanggang sa huminga nalang ako ng malalim at sinubsob ang mukha sa kanyang leeg.
His skin smells so good, parang gusto ko tuloy kagatin ang leeg nya. But I must resist, dalagang pilipina ako. Hihi.
Palinga linga ako habang naglalakad kami sa pathway, sinesway sway ko pa ang kamay naming magkahawak kahit maraming mapapatingin.
I don't care. I should not. Okay lang naman dahil malapit ng matapos ang semester, one week na lang.
One week before the semester ends and before I leave.
Plano ko namang magpaalam, pero hindi kay Zarette. Saka ko nalang ipapaalam kapag andon na ako sa US o kapag nakalimutan ko na yung nakita ko.
I know that I am being to impulsive and self centered, but I am trying to save my self.
I broke my heart several times already, ang hirap at ang sakit magmahal.
All I want is to redeem my self, kapag okay na ako ay alam kong kaya ko ng magmahal ng buo, walang pagalinlangan.
I also want Zarette to be honest with me, hindi nya pa sinabi sa akin ang nangyari. Alam ko ring wala syang balak sabihin.
I just hope I won't lose him this way, I hope that he'll stay true to his words.
He'll chase even if I run and run.
"Hal." napakurap ako at lumingon sa direksyon nya
"B-bakit? Sorry natulala lang ako bigla"
Umakbay sya at pinisil ang braso ko. He kissed the side of my head and he looked right into my eyes. "Nagalala ka ba? S-sorry. Natulala lang talaga ako" he sighed. Inakay nya na ako papasok ng classroom. "Ms. Bloom, are you with us?" napatayo ako agad ng marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan. Namayani ang halakhakan sa paligid, napabuntong hinga lang ako at nanatiling nakatayo. "May nakakatawa?" sabi ng katabi ko, humupa ang ingay at lahat ay nagsiyuko. Habang nakayuko ako ay nakikita ko kung paano laruin ni Zarette ang kanyang ballpen. Kung ganyan kamahal ang ballpen ko ay di ko na ito tatangkain pang paglaruan. Sinipat ko ang kamay nya at agad na kinuha ang ballpen nya. Ang mahal kaya nito! "Upo ka na, Hal." bulong nya. Umiling ako, hindi ko uupo hangga't di sinasabi ng prof. "Let her sit. She's just pre-occupied" sabi ni Zarette.
"She can't sit. Since when did you care about your classmates mister O'brien?" nakataas kilay na sabi ni Maam Cruz. Lumunok ako at nilakihan sya ng mata bago inilingan.
"Sit down, Madox." bored nyang sabi, nilingon ko si Maam na nagaayos ng kanyang salamin.
"No, remain standing" nagmamatigas na sabi ni Maam.
Ngumuso ako at tinuloy ang pagbabalat sa daliri ko.
"Stop peeling your fingers, that would bleed Hal" bulong nya sa akin. "Sit down" umiling ako sakanya.
"LET HER SIT THE FUCK DOWN" kalmado nyang sabi, yes kalmado.
Huminga ng malalim si Maam at sinenyasan akong umupo. Hinarap ko si Zarette at saka sinimangutan. "Serious black ka na naman" ngumisi lang sya at hinaplos ang buhok ko.
"No PDA's allowed!" sigaw ni Maam.
"Then don't watch" nangaasar na sabi ni Zarette saka nya pa ako hinalikan sa ulo. Iba talaga sya!
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report