Flaws and All -
Chapter 26-Thankful
Two years...
"Rameeen!" tili naming tatlo, kakaserve lamang ng ramen at tonkatsu sa amin. Busy naman ang katabi ko sa pag cut ng iniluluto nyang barbecue.
"Dahan dahan, hal." aniya nang mapaso ang dila ko mula sa pagsubo ng ramen, agad nyang inabot ang ice cube na mula sa bucket at agad ko namang sinubo. "Dahan dahan lang kasi, kakaluto lang nun hal." inihipan nya ang bowl ko. Tumango tango naman ako at inayos muli ang chopsticks ko.
"Hayyyyy!" sumandal ako sa upuan at hinimas ang tyan ko. Ganon rin si Aveline, Prim at Bree na busog na busog rin sa kinain naming sandamakmak na japanese foods. Ngumiti lang ako kay Zarette na umakbay sa akin, sumandal ako sa braso nya at doon pumikit saglit.
"Thank you" I whispered. Naramdaman ko nalang ang halik nya sa sentido ko.
My best birthday ever, hindi ko man kasama ang mga magulang ko kasama ko naman ang mga taong tinuturing kong mga kapatid at syempre I am with the man who I love. Bumalik na kami sa bahay nila, para lang itong bungalow na sobrang luwang.
Merong limang kwarto, dalawa dito ay kwartong kasya ang tig-apat na tao dahil may queen sized beds, ang tatlong kwarto naman ay may regular sized beds naman. Bawat kwarto ay may kanya kanyang cr, connected ang pinto na nasa sala sa isa pang kwarto which is the entertainment room. Sa kaliwa ng sala ay ang dinning room. "Regalo ni Daddy kay mommy to noong first year anniversary nila. Alam mo bang may bet kami ni Daddy tungkol sa bahay na to?"
"Hmm, ano naman yun?" umusog sya konti ng umupo ako sa gilid nya habang inaayos ang buhok ko.
"Sasabihin ko sayo kapag kinasal na tayo" ngisi nya.
"Tagal pa yun! Madaya!"
"Two years Madox, after two years." he winked. Umayos ako ng higa sa tabi nya at umunan sa braso nya.
"Do you think we're still together after two years?"
"I think, we're still together even after eighty years" napahikab ako sa pag haplos nya sa buhok ko, my heart fluttered at his answer too.
"Mahal na mahal kita, Mad. Ikaw lang noon, ikaw lang hanggang ngayon" siniil nya ako ng halik, halik na nakakalunod.
"Nakabalik na ako, namiss nyo ba ako?" she picked up leaves and threw them all away. Kumuha pa sya ng sanga at winalis ang ilan pang dahon at natuyong bulaklak na nagtatakip sa marmol na lapida na nasa harap nya. "Ako, miss na miss ko kayo" her eyes began to water again, agad nya iyong pinunasan ng dala nyang panyo. "Sorry natagalan. Gaano na ba katagal? Its been two years na pala" Kinalma nya ang sarili at muling nilinis ang lapida sa harap nya. Humalik pa sya sa isa bago umalis.
"Good morning maam, how's your flight po?" tanong sa akin ng aking sekretarya, itinaas ko ang aking sunglasses sa aking ulo at ngumiti lamang.
My eyes are bloodshot, una dahil sa mahabang flight mula vegas hanggang pilipinas, hindi na ako nakatulog sa byahe nang pitong oras nalang ang layo namin sa pinas. Pangalawa, dahil na rin sa kaka cellphone ko habang nasa traffic, hindi ko naman pwedeng patayin ang phone ko dahil sa sandamakmak na tawag mula vegas at pati dito sa pinas. Pangatlo... nevermind. I don't want to talk about it.
"It's okay naman Veron, ang inventory files nasa office na ba? And pakuha ng coffee please?"
Biglaan ang uwi ko dito sa Pilipinas, mawawala kasi ng ilang linggo ang daddy at mommy dahil sa kanilang anniversary celebration, mga feeling teenagers dahil pupunta sila sa sikat na sikat na Maldives. Gusto ko rin naman pumunta, but I have so much work to deal with. Gusto ko magpakalunod sa trabaho, kaya heto ako at chinecheck ang inventory ng restaurant.
Lumaki rin ang business ni mommy na fashion boutique, nasa labing dalawang branches na kami sa mga sikat na malls.
Minsan ay nag ssketch parin si mommy para sa ilang designs, pero nag hire na rin naman sya ng ibang fashion designer para kahalili nya.
Fashion designing is not my cup of tea though, imomodel ko nalang ang mga damit nila.
I tried modeling when I was in vegas, pero saglit lang because something happened, and isa pa mas ginusto ko ang office type of work. Yung nakaharap ka sa computer, lunod ka sa trabaho.
I sip on my cup of coffee, humikab at pinagpatuloy ang pagrereview sa files ng iba't ibang branch. Okay naman ang kita ng restaurant, malakas ang kita ng bawat branch.
Nireview ko rin ang rating ng mga guest namin sa aming facebook page, lalo na ang mga nagbigay samin ng three stars pababa, dahil para sa akin ang ilan doon honest reviews talaga. Something that can help us improve our service.
For two years, ito ang naging gawain ko aside from modelling. Doon ko na sa vegas tinapos ang natitirang sem na hindi ko natapos sa dati kong university.
Papikit na ako ng makarinig ako ng kalampag mula sa labas ng office ko. Kalampag, hindi katok. At bago pa man ako tumayo ay bumukas na ang pinto at pumasok ang tatlong maria ng buhay ko. "XOCHITL!!" Tawag nila sa akin, I rolled my eyes and sighed bago ako lumapit sakanila at para yumakap.
Pero hindi yakap ang natanggap ko sakanila. Kundi batok.
"Ikaw babae! Sabi ko, magtext ka sa isa sa amin kapag uuwi ka, halla sya kung hindi pa tumawag ang secretary mo sa amin para sabihan kami hindi pa namin malalaman na andito ka na!" nanguna na si Aveline. "Kung pwede lang kutusan ko sya sa lungs, kukutusan ko yan" Prim crossed her arms while shaking her head.
"Pwede namang ubusin natin laman ng card nya mula sa libre, okay rin naman yun. Make up!" ani Bree na addict parin sa make up.
"So yan lang talaga pinunta nyo rito? Para batukan ako at magpalibre sakin? Kaibigan ko ba talaga kayo?"
"Hindi! Unfriended!" sabay irap ni Prim.
"Friendship..." si Aveline.
"...over!" si Bree sabay sign ng letter L sa kanyang noo gamit ang kanyang kamay.
"Balak ko pa naman manglibre ngayon sa mga totoo kong kaibigan" may himig ng tampo kong sabi, dumiretso ako sa aking upuan at doon sumandal. Ahhh, it feels so relaxing.
"Joke lang naman, alam mo namang friend na friend tayo since birth. Love na love ka namin!" sabay sign nilang tatlo ng heart gamit ang daliri nila, yung uso sa mga korean drama! Mga timang talaga. "Pero ano nga? Bakit hindi mo sinabi?" umupo sila sa couch na nakaharap sa aking offuce desk, nag inat ako at sumandal ulit sa back rest ng aking upuan.
"Hindi ko lang naharap, paglapag ng plane dito sa Pilipinas inulan na ako ng tawag. Nakaligtaan ko na."
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Bar tayo mamayang gabi?" aya ni Bree.
"Pass." sabi ko agad "Marami pa akong dapat i-check for the inventory. Isa pa, maawa naman kayo sa akin, wala pa akong tulog"
Napaisip naman sila. "Okay, sleep over nalang sa bahay nyo." I groaned bago tumango sa suhestyon ni Prim. I can't say no to these girls, okay na rin yun kesa kulitin pa nila akong lumabas ngayong gabi.
Hila hila ko ang maleta ko papasok sa guest room ng bahay, nandon na rin naman ang mga pantulog ko. I don't want to check my room, hindi muna sa ngayon.
I emptied my cabinet before flying to abroad two years ago, kung may mga damit man doon malamang maluwang na para sa akin kaya hindi ko na kailangan pa.
"Oh? Dito ka matutulog?" tanong ni Prim, tumango naman ako saka pinahiga ang maleta sa sahig at binuksan.
Inabot ko sakanila ang ilang box ng pabango na binili kong pasalubong sakanilang tatlo. Hinati ko rin ang nabili kong lipstick at make up palettes, iyon ang hinabilin nilang pasalubong.
Prim is now one of the leading model in the Philippines, aside doon meron rin syang modelling agency. Si Aveline naman may sarili ng laboratory, medtech rin siya sa isang sikat na ospital. While Bree, may sarili ng make up class, youtuber make up guru na rin sya.
Habang ako, after finishing my course naging hands on na ako sa business namin, part time model na rin.
"Ako muna magsa-shower" sabi ko ng akmang papasok na si Aveline sa banyo at may nakasukbit ng twalya sa balikat nya.
"Utang na loob, Aveline" ngumuso pa ako, hawak nya ang tyan nya at ngumiwi. "Sige na nga!" Mukhang najejebs na kasi talaga sya, natatawa nalang kami sa itsura nya.
"Kuya? Ano yun?" napapikit nalang ako at kunwaring tulog na. Nakahiga na kaming lahat nang biglang tumunog ang cellphone ni Prim. Nakita ko pang sinilip nya ako bago nya ito sagutin.
"Hindi ako makakauwi kuya kasi... uhm, ano, ano kasi gagala kami nila Aveline tonight.... Nakila ano, uhm, kila Bree kami ngayon." sumilip ako bahagya at nakitang kagat kagat nya ang daliri nya. She's only like that when she's lying.
"I told Zephryne already, nasa party si Zades but he'll be home before twelve... Okay, ingat sa pagdadrive" pumikit ako nang lingunin ako ni Prim, mabuti nlang at yakap ko ang hotdog pillow ko. Sumenyas si Bree kay Prim, at si Prim kay Aveline.
"Tulog na, tulog na sya" rinig kong bulong ni Aveline at tinuro ako. I sighed and rolled over to the other side facing the wall.
Ano ba? Do they think I am not over him yet?
Am I really over him?
"Maam, may nag rereklamo po sa labas. Pinapatawag po ang manager" tumango lang ako kay Veron at sinulyapan ulit sandali ang computer bago lumabas ng office.
I cleared my throat and tap Kuya Arl's back, nililinis nya na ang nagkalat na bubog malapit sa table ng nakahalukipkip na costumer.
"What's the problem ma'am?" napataas nalang ang kilay ko nang humarap ang costumer sa akin.
"Kaya pala bad ang service nila dito, ikaw ang manager" I just smiled at her and maintain my composure.
"Ano ang problema mo sa serbisyo namin?" tanong kong ulit, having to face her after two years brought back memories from the past.
"Matagal ang serbisyo nyo! Isa pa... hindi masarap ang pagkain nyo!"
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Excuse me miss but I beg to disagree, masarap ang pagkain nila dito" singit ng costumer na nasa malapit na table lang.
"Oo nga!" sabi naman ng ibang mga costumer na nakikiusyoso sa komosyon. I flashed a silly grin on my face.
Ha! In your face!
"Ma'am sinabi naman po namin sainyo na if you are willing to wait for fifteen to twenty minutes, and you said yes" sabi ng kahera na nasa tabi ko na pala.
As usual, she rolled her eyes in defeat.
"Basta! I will give this restaurant a bad mark!" nagkalkal sya sa bag nya ng bills pero agad ko rin naman syang pinigilan.
"No need to pay for it, and who cares about you giving us a bad mark? Sa dinami rami ng good marks na nari-receive namin araw araw do you think one bad mark would change a thing? Same old childish, Amaryllis. Try this thing called maturity" I smiled at her and turned my back at her.
"Anyways, thank you our dear costumers for standing for our restaurant. You can have your meals for free." I smiled widely before walking out.
Rinig ko pa ang palakpakan at masasayang kantyaw ng mga costumers namin.
Pasalampak akong umupo sa aking swivel chair at doon nag stretching ng bahagya. Okay rin siguro ang naging move kong ilibre ang meal ng mga costumers naming nandoon kanina, mababawi naman ang kita bukas. Isa pa naenjoy ko rin naman ang annoyed na reaksyon ni Amaryllis kaninang nagpalakpakan ang mga costumers.
Ano ba yan, pangalawang araw ko palang simula ng bumalik ako pero nakita ko agad ang babaeng iyon. Sana lang, hindi ko sya makita. Sana lang hindi ko sila ulit makita.
Pero dahil mapang asar ang tadhana...
"Bye manong" sabay tapik ko kay Manong Arl at sa isa pa naming guard. Si Manong Arl ever since napatayo ang business namin andoon na sya. Bale sya ang kaliwang kamay ni Daddy.
Papunta na ako sa parking lot ng makita ang pamilyar na bulto ng katawan na nakasandal sa pader malapit sa restaurant namin.
Napalingon sa direksyon ko at agad na nagayos ng tayo.
"Madox" for two years wala ako ni isang pinayagan na tawagin ako sa ganong pangalan. Binaon ko na sa limot ang pangalang iyon, pilit ko ring kinalimutan ang taong unang tumawag sa akin sa pangalang iyon. Pero eto sya sa harap ko, pagkatapos ng dalawang taon.
Umiwas ako ng lakad, nilakihan ko na rin ang hakbang ko. Mabuti nalang at nagbaon ako ng flat shoes dahil kung nakatakong ako baka natapilok na ako sa sobrang bilis ng paglalakad ko. "Madox, please?"
Sinara nya ang pinto ng kotse ko na kabubukas ko lamang. I pushed him away at binuksan ulit ang pinto saka mabilisang pumasok sa kotse.
Muntik ko sya syang masagasaan dahil bigla syang humarang sa daan, gusto ko syang murahin ng murahin dahil sa katarantaduhang ginagawa nya ngayon.
Gusto ko syang isumpa, gusto kong magalit ulit pero masyado na akong pagod para doon.
Nakakapagod magalit. Dahil ang ending itong puso ko... Magpapatawad parin.
And I thought I am already over him, pero ang makita syang uli, ang makatitig sa mga matang iyon ang sumampal sa akin ng katotohanang hindi pa. Na meron parin. Mahal ko parin.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report