Flaws and All -
Chapter 48-Plans
"Tito, I want to ask for your daughter's hand in marriage"
I was eighteen that time when I asked for her father's blessings. Umupo ito ng maayos habang tila tinatantya kung seryoso ba ako o hindi. I kept my cool and sat comfortably on their couch. "You are too young for this Zarette"
"Tito hindi ngayon, hindi pa ho kami ng anak nyo."
"Then why ask me this?" uminom sya sa kanyang wine at tinignan ako. I've never been so intimidated, I am used to be the one to intimidate others. Pero iba ang sitwasyon.
"So you would say no to her future suitors." ngumisi ako sa naisip pero hindi ko iyon sinaboses. I don't want to give him a bad impression of me.
"Hindi ko ho nililigawan ang anak nyo para maging girlfriend lang. I am actually pursuing her because I want her as my wife. Mahal na mahal ko ho ang anak nyo" tumikhim sya at humalukipkip. Damn, I'm one terrified asshole.
"Bata pa ang anak ko para sa mga ganitong bagay. What made you think you'll end up with her, Zarette?"
"I'll do everything to have her, in every way possible tito. I have and I trust my ways."
"And what if she'll end up with another man?"
"That's why I am asking for you approval Tito. So you would say no to her future suitors. Wala din naman po akong balak pakawalan si Ma...Xochitl. Sigurado na po ako sa anak nyo" humalakhak ito at tinapik ang balikat ko. I exhaled deeply and rested my sweaty palms on my knees.
"You got me, hijo. You just have to get my daughter's approval. Just don't hurt her, I will kill you" pagbabanta nya.
"I can't promise not to hurt her, Tito. Love is not as easy as it seems to be. Love is not supposed to be easy, it is supposed to be worth it"
Binigyan ako ng karapatan ng ama nya para bantayan si Madox, para matulog sa bahay nila, para makasama nya araw araw. But he jokingly warned me to not to get her pregnant. Wala rin naman iyon sa plano ko dahil bata pa kami, but we'll get there.
I woke up with her beside me, ilang beses akong tumitig at nag isip pero isa lang ang kumpirmado ko.
I want her to be my wife.
"Zarette, I'm pregnant" my world fell apart. I grasped for words but I can't even open my mouth. Wala akong maalala nong araw na iyon, and when I have my blood and urine samples tested it resulted positive. Hindi sa katulad na date drugs na inihalo noon sa inumin ni Madox, GHB ang kay Madox noon Rohypnol ang sa akin.
"Walang nangyari sa atin, Amaryllis" determinado kong sabi kahit pa hindi ko maalala kung meron nga o wala.
Wala pa akong matinong tulog simula nung araw na nahuli kami ni Madox na magkasama sa Extension room. I can't blame her for her vile thoughts about me. Pero hindi ko rin naman pwedeng sisihin ang sarili ko. I was under the influence that time, hindi ko ginustong mapunta sa ganoong sitwasyon.
"Pero ikaw lang ang pwedeng maging ama nito. You were my first"
"No. I know I'm not responsible with that baby. Amaryllis ano pa bang gusto mo? Nasira mo na kami ni Madox, sinira mo na ang buhay ko!"
"Gusto kong magpaka-ama ka sa magiging anak natin!"
"Okay then. Sasamahan kita sa check ups, hanggang sa manganak ka. Pagkatapos 'non magpapa-DNA tayo para matapos na tong kalokohan na 'to"
Humawak sya sa braso ko at pinilit akong humarap sa kanya. I looked at her sharply but she looked at me with her teary eyes.
"Why can't you love me back, Zarette?! Bakit hindi mo ako kayang mahalin ulit? Kahit para sa anak natin"
"I will never love someone like you" marahas ako kumalas sa kapit nya at lumakad palayo sa kanya.
"Sir, meeting with Sir Bloom po ia-approve ko po ba?" Tumango lamang sya at pinagsalikop ang mga daliri. Two freaking years had passed and just hearing her surname would make him hard to breathe. Bangungot ang dalawang taon na yun. Ang tanging magandang nangyari lamang sa taon na yun ay ang pag graduate nya at ang pagiging CEO nya.
Hindi tumigil si Amaryllis sa paninira ng buhay nya. The DNA test resulted negative pero pinagpipilitan pa rin nito na anak nya ang anak nito. Nagpapasalamat nalang sya na ni minsan ay hindi nito naisipang pumunta o manggulo sa opisina nya.
"Good afternoon, Zarette. You called my office, finally opening a branch?" Nakangiting bati ng ama ni Madox. Damn, mas tumindi ang pagkamiss nya kay Madox lalo ngayon at nakatingin sya sa mata na kapareho ng sa dalaga. "Yes tito, nabili ko kasi ang katabing lupa. Its been three months tito ah, super busy ba sa Vegas?"
"Oo hijo, hindi pa kasi fully furnished ang bahay na pinapagawa doon. Don't worry my daughter will help you settle everything. Kailangan kasi naming umalis ni misis for our wedding anniversary, kaya pinapauwi namin si Xochitl. I hope you won't mind"
Natigilan sya pero tumango pa rin. Of course, he wouldn't mind. After two fucking years binibigyan na naman sya ng pag asa ng tadhana. He won't let this opportunity pass.
"Zarette, uuwi ang anak ko" pag uulit ng ama ni Madox.
"Yes tito. Don't worry po, di na po muna ako uuwi sa inyo."
"No I want you to stay there son, to check on my daughter. And I want you two to settle your problems. Hindi ako nakakalimot sa pinag usapan natin. sana ganun ka rin" sabi nito habang inaayos ang kanyang case.
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Oo naman po tito. I still want to marry your daughter. Mahal na mahal ko parin ho ang anak nyo" he stated with conviction.
Ilang beses syang nagpabalik balik sa Las Vegas para lang bisitahin ng palihim ang dalaga, she became more beautiful and mature. Isang taon din ang pinalipas nya bago nagpasyang bumisita kay Madox simula noong umalis ito. One year to settle everything. The allegations. The issues. Amaryllis.
Pero isang taon din syang hanggang tingin lang. Hanggang nood na lang habang nagtatawanan si Madox at Daevon. Hanggang pagpipigil na lang ng selos at galit.
"Mag-isa nya lang?" Tanong nya sa sarili habang pinapanuod si Madox na naglalakad at tulak tulak ang kanyang mga bagahe. He wanted to help her but he can't even go near her.
Tumawag sya sa kapatid para magtanong kung bakit hindi nila sinalubong si Madox. Imposibleng hindi alam ng mga kaibigan nya ang pag dating nya.
"Kuya bakit?" Bungad nito sa linya.
"Busy ka? Di nyo sinundo si Madox?" tanong nya. Nakabuntot sya sa sasakyan nito, buti na lamang ay bago na ang sasakyan nito at hindi na makikilala kung sakali.
"Kuya di pa naman sya uuwi. Saka paano mo naman malalaman e wala naman kayong communication"
"I don't need to communicate with her to know her whereabouts, Prim. I have my ways" he heard her sigh on the other line. "Sige na kuya. Papasa ka ng detective sa ginagawa mo. But please kuya ha, wag ka muna lumapit. Kami na bahala mamaya" "Okay, I just want you to know. Please make sure she'll have her rest. "
"Oo kuya. Thank you"
Nang makitang dumiretso ang sasakyan nila Madox sa opisina ay niliko naman nya ang kanya para umuwi bahay ng mga Bloom.
Umuuwi sya doon at natutulog kapag bored sya, kapag gusto nya, kapag namimiss nya si Madox o kapag lasing sya at gustong magpakalma sa mga unan ng dalaga. Naging routine nya iyon ng dalawang taon. Alam ng mga magulang ni Madox iyon dahil open naman ang mga ito sa kanya kahit pa may itinatago silang sikreto kay Zarette tungkol sa kanilang anak. Sinikreto din naman ng mga Bloom ang pag uwi uwi ni Zarette sa bahay nila at ang pag bisita nito sa Vegas. "Oh Zarette, maaga kang umuwi?" salubong ni Manang sa kanya. Nag mano sya muna sya dito.
"Ay opo, dadating ho kasi si Madox kailangan kong ayusin ang kwarto nya"
"Mabuti naman at uuwi na ang batang iyon, aba mahirap ang ganyang relasyon ang malayo sa isa't isa" tumango na lamang sya.
Mahirap, sobra. Lalo na sa sitwasyon nya.
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Damn, you still shine the brightest" aniya habang nakatingala sa nakabukas na bintana ng guest room sa bahay ng mga Bloom. Sabi nya sa sarili ay dadaan lamang sya pero eto sya ngayon at isang oras nang palihim na sumusulyap sa dating nobya.
"Fuck, this is insane" mura nya sa sarli nang alas dos na ay nasa harap pa rin sya ng bahay nito. Hindi na nya kailangan pang kumatok dahil nang makita ng guard ang sasakyan nya ay awtomatiko nang pinagbuksan sya ng gate. "Inumaga tayo sir ah" bati sa kanya ng guard nila. Sumaludo sya sa mga ito bago pumasok ng bahay.
"Magandang umaga ho, manang. Bakit hindi pa ho kayo natutulog?"
"Kakagising ko lang hijo, eh nakita ko itong mga pinagkainan na nakatulugan nila Xochitl."
"Ako na ho dyan, manang. Ituloy nyo nalang ho ang pahinga nyo"
"Ikaw anak kumain ka na ba?" Umiling lamang sya. Wala syang ganang kumain. Sino nga bang gaganahan kapag hanggang tingin ka lang sa taong mahal mo? Dati lamang ay nahahawakan nya ang kamay nito at nahahalikan pa sa labi. Ngayon ay hanggang tingala nalang.
"Okay lang ako manang, kumain ako sa opisina. Sige na ho magpahinga na ho kayo" saka sya tipid na ngumiti.
Alas tres na ngunit hindi nya pa nakukuha ang kanyang tulog. Kinuha nya ang litrato ng dalaga sa bed side table at niyakap.
"Hal" he heaved a heavy sigh and closed his already tired eyes. "Gagawin ko ang lahat maging tayo lang hanggang dulo."
Tumunog ang alarm nya ng alas cinco, dahil hindi alam ng dalaga na nasa kwarto sya nito ay kailangan nyang umalis bago pa nito malaman. Antok man ay agad nyang tinungo ang banyo para maligo.
"Good morning sir, ang aga nyo naman yata ngayon?" bati sa kanya ng guard na nakatokang mag night shift.
"Hindi na ho kasi ako matulog." tinapik nya ang balikat nito bago sumakay ng elevator.
Minasahe nya ang sentido habang nagbabasa ng mga proposals para sa proyekto ng kumpanya ngayong taon. Humikab din sya dala ng antok. Halos dalawang oras lamang ang tulog nya, hindi na kayang labanan ng kape ang antok nya. "Busy ah" napadilat sya nang marinig ang pamilyar na boses at ingay ng mga kaibigan nya. He rubbed his eyes and yawned. "Anong ginagawa nyo dito? Na-bored na naman kayo sa mga opisina nyo?"
"Precisely" sagot ni Kiko saka pabagsak na umupo sa swivel chair.
"Nakauwi na si Madox ah? Di mo man lang dinalaw?" Tanong ni Ryan, binuksan nito ang isang beer at uminom.
"Di ko pa alam. Wala pa akong plano"
"Who says you need a plan, Za? Just go for it" sabi ni Ely na ngayon ay may hawak na ding beer.
Tumango sya at agad agad na iniwan ang mga barkada sa kanyang opisina. Gonna chase Madox, till the end of the road.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report