FORGET ME NOT
Chapter 4 – Friendship over.

Hindi akalain ni Hope na pwede ring magselos kapag nakita mong masaya ang kaibigan mo kapag may kasama itong ibang babae. Kaya nga kaibigan eh. Dapat masaya ka kapag masaya siya, hindi ba?

"Oh, bakit ang haba ng nguso mo?" Puna ni Myca na humarang sa view nina Rain at Cindy sa 'di kalayuan.

"Huh?"

"'Wag ka kasing titingin. Saka hello, at least si Cindy, hayagang inaamin na gusto niya si Rain. Hindi katulad ng mga iba r'yan." "Anong sinasabi mo?" Maang-maangan niya.

"Gusto mo si Rain pero ayaw mong aminin," diretsong tugon naman ni Myca.

Hindi siya sumagot. Pero oo na. Gusto niya si Rain. Pero magkaibigan lang sila. Hindi kasi siya gusto ng binata. Paano niya alam? Kasi kahit minsan, hindi ito nakipag-flirt sa kanya gaya ng ginagawa nito kay Cindy. After that Michael and Kim incident, mas lalo silang naging close ni Rain. Hindi niya alam pero naging protective ito masyado sa kanya. Parang naging older brother niya. Minsan pa nga parang tatay. Pero ni minsan hindi ito naging parang isang lalaki na p'wede siyang magustuhan. Pero kay Cindy, sweet ito. Sinong hindi makakaramdam ng selos?

"He's not interested in me. Besides, hindi taga rito si Rain. Malay ba natin kung masamang tao siya na nagpapanggap lang na mabait?"

Three months since he first came in San Gabriel, Rain remained discreet about his past. Hindi ito nagkukuwento tungkol sa buhay nito bago ito napunta roon.

"That's exactly what a bitter person would say. Hoy Hope, inaano ka ba no'ng tao? Ang bait bait nga sa 'yo ni Rain at kung meron man sa atin dito ang makakapagsabi ng kabutihan niya, ikaw iyon!" "Oo na," humalukipkip siya at muling binalingan ang naghaharutang sina Rain at Cindy.

"Ay!" Biglang tinakpan ni Myca ang mga mata niya nang halikan ni Rain sa pisngi si Cindy. Akala naman nito 'di niya nakita. Hope pulled her gaze away at naglakad palayo. Strange. Ang sakit.

*****

"INIIWASAN mo ba ako?" Pinigilan siya ni Rain sa braso nang magkasalubong sila isang beses. "Hindi ah," kaila niya, nitong mga nakalipas na araw, sinusubukan niyang iwasan ang binata. "You're avoiding me, Hope. May problema ba tayo?" Inilapit nito ang mukha sa kanya.

"Amoy yosi ka," she said to desperately move her face away from him.

"I quit smoking that day we met at the bus stop." He held her chin up using his thumb and index finger, locking their gaze in the process.

Hope suddenly felt crowded at his proximity. Umatras siya and he advanced until she felt her back pressing against the wall.

"You didn't," sabi niya kahit totoo naman na 'yong unang pagkikita lang nila ang una at huling beses na nakita niya itong naninigarilyo. "I did."

He smiled. 'Yong paraan na nakakatunaw ng resolve. Pero tinigasan niya ang mukha at nakipaglaban ng titigan kay Rain. She wouldn't back down kahit malapit na siyang malunod sa lalim ng tingin ng malakaragatan sa pagka-asul na mga mata nito.

He smiled again. This time, mas smirk iyon. Medyo may kahalong kayabangan as he slowly pulled away.

"Don't try to avoid me again."

"Hindi nga kita iniiwasan." Nakahinga na siya nang maluwag although she hadn't realized that she have been holding her breath.

"Gusto mong isa-isahin ko kung paano ko nasabing iniiwasan mo ako?" Hamon nitong nagcross arms sa harapan niya.

"Whatever." She rolled her eyes at nagcross arms din. "I was just giving you space."

"Space?" Kunot noo nitong tanong.

"Oo, space!"

"Did I ask you for such?"

"No. I'm just sensitive enough to know when to give you time to be with your girlfriend!"

"Girlfriend?" Mas lumalim ang pagkakakunot nito ng noo.

Narealize naman niyang inunahan na naman ng bibig niya ang utak niya kaya akma na sana siyang tatakas nang bigla na naman nito siyang hilahin sa braso, causing her to fall back in his arms. "Girlfriend?" Ulit nitong nakangisi na habang nakayuko sa kanya while she just stared back at him with wide eyes.

"Cindy," she pulled her lips into thin line as she struggled to regain her balance.

"Cindy," parang engot na inuulit-ulit nito ang mga sinasabi niya.

"Yeah," annoyed na nakatayo rin siya sa wakas.

Tumango-tango naman muna si Rain bago mabagal na ngumiti.

"What?" Siya naman ang napakunot-noo.

"Are you jealous?" Amused na tanong nito.

"Ha-ha so funny!" Inirapan niya ito. "In your dreams!"

"Hope Ferreira, may gusto ka ba sa akin?"

"Nagpapatawa ka," sinabayan niya iyon ng pilit na tawa.

"Come on, p'wede naman tayong gumawa ng arrangement kung talagang in love ka na sa akin," patuloy nitong tuwang-tuwa sa reaksyon niya. "Ang yabang mo," angil niya. "Hindi ako pumapatol sa lalaking may girlfriend!"

"Wala akong girlfriend."

"Meron. Si Cindy."

"You're funny when you're jealous," tumatawang inakbayan siya ni Rain sabay pisil sa tungki ng ilong niya.

"I'm not jealous!"

"To clear things out-" tumigil ito sa pagtawa. "Cindy is not my girlfriend. I'm single and I have no plans of having a girlfriend anytime soon."

Hindi alam ni Hope kung matutuwa o masasaktan sa sinabi ni Rain. He wasn't in a relationship with Cindy, alright. But he has no plans of having a girlfriend either. So that will leave her to have an unrequited love for him. Which is not good. "Halika na, lilibre kita. Itigil mo na yang pag-iwas iwas mo. Hindi mo bagay."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Leave alone!"

"Halika na!" Hinila na siya nito at wala na siyang nagawa kundi magpahila.

SINCE wala namang planong magkagirlfriend si Rain, napagkasunduan nila ni Myca na maghahanap siya ng ibang mapagbabalingan ng atesyon habang maaga pa at hindi pa full bloom ang pag-ibig na nararamdaman niya para sa binata. According to Myca, mainam daw na may options siya para hindi siya masaktan nang husto kung 'di nga siya magugustuhan ni Rain.

Funny thing was, hindi naman siya umamin sa kaibigan na gusto niya si Rain. At kaya siya pumayag na sumama kay Myca sa family reunion ng mga ito ay para pagtakpan din ang hinala nito sa tunay niyang nararamdaman sa binata. Besides, Michael and Kim couldn't make it to the party dahil nasa ibang bansa ang dalawa.

"I didn't know that Yael's gonna bring a date," ani Myca patungkol sa pinsan nitong pinaplano nitong ipakilala sa kanya.

"Pabayaan mo na," natatawa niyang saad sa failed attempt ng kaibigan.

"Kaasar lang. Why do men in my family opt to go with sexy bitches?"

"Alam mo, late na. I should go," sa halip ay sagot niya.

"Wait, teka. Ihahatid na kita."

"No need. Maliit lang ang San Gabriel. Wag kang OA."

"Hope, I invited you here. Hindi kita p'wedeng pauwiin mag-isa."

"OA much, best friend. Teka, papaalam lang ako kina tito at tita. Don't worry, I'll replace my way out."

"Hope!" Protesta nito pero wala ring nagawa.

Safe sa San Gabriel kahit maglakad ka mag-isa sa gitna ng kalaliman ng gabi. Sa multo ka lang siguro matatakot kung matatakutin ka. Pero so far, wala namang kwento ng ghost sightings sa bayan nila.

It was easy to walk. Ang problema, naka-dress kasi siya at naka-high heels. So baka bago siya umabot sa sakayan, nakapaa na siya.

She was walking slowly when tiny raindrops started falling from the cloudy sky. Napayakap siya sa sarili habang lihim na nagsisisi kung bakit tinanggihan niya ang alok na paghatid sa kanya ni Myca. Pero since done na ang bagay na iyon, she had to move on with high hopes na sana hindi pa lumakas ang ulan.

Pero unti-unti nang lumalaki ang patak ng ulan at nababasa na rin siya when out of the blue, a guy in his bicycle stopped in front of her.

"Rain!" She exclaimed nang makilala ang binata.

"Bakit ka umuuwi mag-isa? 'Asaan ang date mo?" Nakasimangot na bumaba ito at ibinigay sa kanya ang suot nitong raincoat.

"Anong date? Wala ah... " sagot niyang hindi inabot ang raincoat.

"Take this. Basa ka na."

"Exactly. Basa na nga ako. Aanhin ko pa 'yan? Wear it instead."

"Basa na rin ako." Lumakas na kasi ang ulan so pareho na talaga silang basa.

"Then I don't think we need this," kinuha niya iyon at itinapon.

"Hope!" Pigil ang galit na sambit nito. "What's wrong with you?"

"Eh ikaw? What's wrong with you? Why are you here? Sinusundo mo ba ako?"

"Of course not. I just happened to see you walking alone." Umiwas ito ng tingin to look at nothing in particular behind her.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Really, huh?" Kabisado na niya si Rain, kapag hindi ito makatingin, nagsisinungaling ito. That fact made her smile.

"Bakit ka nakangiti? Halika na. Sakay ka na." Sumakay ito sa bisekleta at inalok siyang sumabay.

"How exactly?" Tikwas ang kilay na tanong niya, wala namang sakayan sa likod ang bisekleta nito.

"Here in front." Parang gusto pa siya nitong batukan.

"No way." Nag-umpisa na siyang maglakad ulit.

Hindi siya sasakay sa harapan ng bike nito where she would be too close to him.

"Why are you being so difficult?" Inis nitong tanong. "Would you rather wish na sana kotse ang dala ko at hindi bisekleta? Well, I'm sorry, I don't have a car! But I came here to fetch you with honest intention to bring you home safely!" "Sinundo mo ako?" Andami nitong sinabi pero 'yon lang ang naiwan sa utak niya and now she's smiling wide at him. She was touched. Sinasabi na nga ba niya't pumunta talaga ito roon dahil imposible namang naisipan lang nitong magbike sa kalaliman ng gabi at doon pa malapit kina Myca.

"Yes!" Hindi na nito ikinaila iyon. "I just wanted to make sure na hindi ka pagsasamantalahan ng ka-date mo."

"Wala nga akong date... Teka, Rain, may gusto ka ba sa akin?" Tukso niyang ginaya ang dialogue nito sa kanya noong nakaraan. "Are you jealous?"

"No!" Matigas nitong sabi and she almost felt the truth slapping her face.

"Okay. Mabuti na 'yong maliwanag." She shrugged para itago ang sakit na naramdaman. Why couldn't Rain like her? "Umayos ka r'yan, sasakay na ako."

"Very good kid," he remarked.

Gusto niyang umiyak sa sweetness ng itsura nila. The two of them, on a bike, in the middle of the night, under the pouring rain.

Unconsciously, isinandal niya ang ulo sa dibdib ni Rain. If only he could like her back then she would be the happiest.

LOVE-Hate-Love-Hate-Hate

Hope was already having a hard time dealing with her feelings for Rain. Paano naman kasi, pagkatapos siya nitong sunduin mula sa party, hindi na siya nito gaanong pinagkakakausap.

Nabawasan ang kakulitan nito. In fact kahit wala silang masyadong guest, lagi pa rin itong busy. And it was hurting Hope dahil 'di naman siya manhid para hindi marealize na iniiwasan siya nito.

Noong una hindi ito umaamin at inaakusahan pa siyang naghahallucinate. Until one day na napagod na yata ito sa kakulitan niya and he just blurted out his true feelings.

"I just don't want your friendship anymore, okay? I'm tired! I'm confused! I don't like it when you care too much! I don't like it that you're getting too attached to me! I just don't want to do anything with you, Hope... So back off and stay away!" Dinaig pa niya ang hiniwalayan ng boyfriend. In fact parang mas masakit pa iyon sa break up nila ni Michael noon.

Hope was too shocked for words that she wasn't able to say anything hanggang sa makaalis ang binata.

May nagawa ba siyang mali? Bakit bigla itong nagalit sa kanya? What had she done that offended Rain?

"Rain, wait!" Humabol siya at humarang sa daraanan nito. "Why are you doing this? We're friends!" "Didn't you hear what I said?"

"I don't understand--- why are you being like this? Rain, if there's a problem, let's talk. I'm your friend. I'm here to help you. You know that, right?" Tinangka niya itong hawakan sa braso pero lumayo ito. "Which part is not clear to you?" Puno ng pang-uyam na tanong ni Rain. "Because as far as I know, what I said was so simple. Hope, our friendship is over."

FO? For real? Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha niya sa harapan mismo ni Rain. Nakita niyang natigilan ito pero saglit lang. Because in the end, he decided to walk passed her.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report