Mr. CEO is my Secret Husband
CHAPTER 7 The Expectation

"Bago pa lang pero akala mo kung sino na. Akala mo kung sinong maganda nagpapapansin kay sir. Walang wala sya sa kalingkingan ni Ms Charlotte. " parinig ng isang babae na pinaglihi yata sa kawayan sa sobrang kapayatan. Papatulan sana ito Cathy ngunit mabilis kong nahawakan ang braso nito. Napatingin ito sa akin, umiling lamang ako.

"Wag mong patulan hayaan mo sila. Titigil din ang mga yan. " sabi ko dito at niyaya na itong lumabas ng canteen. Dumiretso na kami sa locker at nagpahinga sandali bago ulit magtrabaho.

Maayos namang lumipas ang maghapon, at ngayon nga ay uwian na naman. Nag aayos na sya ng gamit para umuwi, umuna na sina Cathy at Tomas at may pupuntahan pa daw. Kakaiba ang kinikilos ng dalawang yun, parang may something na. Habang naglalakad ako sa lobby ng kumpanya ay napansin ko ang isang kotseng nakaparada sa harap s labas. Kamukha ito ng sasakyan ni Shai, siguro ay may hinihintay ito. Lalagpasan na sana niya ang sasakyan ng biglang bumukas ang bintana ng kotse. Nakita nyang bahagyang dumungaw si Shai. " Get inside, sabay na tayong umuwi" sabi nito sa akin.

Nagpalinga linga pa ako bago muling humarap sa kanya " Ako?" sabay turo ko pa sa aking sarili.

"Yes, let's go " sabi nito.

"H-huwag na, magcocomute na lang ako." tanggi ko dito. " Baka may makakita pa sa atin at kung ano ang isipin " sabi ko pa.

"And So? Gusto mo bang ako pa mismo ang magsakay sa iyo dito sa loob.?" tanong nito sa akin. At bubuksan na sana nito ang pinto sa gilid nito ng bigla kong binuksan ang kabilang pinto at agad akong pumasok." setbealt" sabi nito sa akin at nagsimula na ulit paandarin ang kotse.

Naging tahimik ang aming byahe, hindi ako makapag salita at baka mautal lamang ako. Paminsan minsan ay napapansin kong lumilingon ito sa akin. Diretso lang ang tingin ko g mapansing ibang way na ang tinatahak namin. Napalingon ako sa kanya na seryoso lang sa pagmamaneho.

"Hindi ito ang daan pauwi sa mansion. " wika niya dito. Nanatili lang itong nakatingin sa unahan.

"Yeah, let's eat dinner first outside. We're going to tagaytay. May alam akong magandang lugar dun at masarap ang pagkain. " sabi nito.

"Pero- pero baka naghanda ng hapunan si yaya lourdes."

"Don't worry tinawagan ko na sya kanina pa. So, don't worry. Just relax and enjoy. " sabi pa nito. Dyos Ko, paano ba siya makakapag enjoy nito kung nakakailang itong kasama. Natatakot syang baka maulit ang nangyari sa mansion. Noon nya lang nalaman na marupok pala sya pagdating dito. Hindi niya na pigil ang mapabuntong hininga.

"Why? What's on your mind?" Tanong ni Shai at lumingon pa ito sa akin.

"Ha? Wa- wala. " tipid nyang sagot dito.

"Common, may gusto ka bang sabihin?" pilit nito sa akin.

"Akala ko kasi wala dapat makaalam na mag asawa tayo" mahina kong wika dito. Nakita kong napalingon ito sa akin. Matagal bago ito sumagot.

"Yes" tipid na sagot nito sa akin.

"bakit kailangan mong sumabay sa pagkain at sunduin pa ako ngayon? Baka kung ano pa ang isipin ng iba. " sabi ko dito.

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"What's wrong with that? Hindi naman nila maiisip na mag asawa tayo dahil lang dun."

"Umiiwas lang ako na pag usapan tayo. Baka makarating pa sa girlfriend mo " wika ko dito na hindi tumitingin.

Nakita kong umigting ang panga nito at hindi na muling nagsalita pa. Naging tahimik na muli ang aming byahe hnggang makarating na kami sa harap ng restaurant. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa tagaytay. "Let's go " sabi nito at nauna na itong pumasok sa loob at iniwan akong magisa sa labas. Napanganga na lamang ako sa ginawa nito. Anong problema nun? Ano pa bang aasahan ko dun? Sumunod na lang ako sa loob at nakita ko kaagad itong nakaupo sa bandang gilid na hindi daanan ng tao. May kausap ito sa cellphone nito at hindi napansin ang pagdating ko.

"Yeah, of course i miss you too. Take care of yourself ok. Yeah.. yeah.. ok bye. I love you" sabi nito na nakangiti pa. Umubo ako ng mahina na mabilis nitong ikinalingon. Bigla itong napatayo at napalunok. Kanina ka pa ba dyan?" Tanong nito

"No, kakarating ko pa lang. " sabi ko dito. At umupo na ako sa kaharap nito.

"What do you want to eat?" Tanong nito habang nakatingin sa menu.

"Kahit ano, hindi naman ako mapili at wala akong allergy " sabi ko dito. Tumango lamang ito at maya maya Lng ay may lumapit na sa aming waiter at umorder na ito..

"saglit lang kaming naghintay at dumating na ang mga pagkain. Tahimik kaming kumain at panaka naka itong tumitingin sa akin. Gusto ko man itong makausap tungkol sa mga ikinikilos nito ay di ko magawa, baka wala lang ito sa kanya at mapahiya lang ako. May pinirmahan kaming kontrata at yun ang masusunod. Hangga't maaari ay iiwasan ko na lang ito. Mabilis lang akong nakatapos ng pagkain, nagpaalam ako saglit dito na gagamit ng banyo.

Saglit lang ako at bumalik agad sa aming table, ng makita ako nito ay agad itong tumayo." Let's go " sabi nito sa akin at muli ay nauna na itong naglakad at lumabas ng restaurant.

Kinabukasan ay maaga ulit akong pumasok at agad na naghanda ng mga gamit na dadalhin ko sa pagliliinis ng opisina ni Shai. Sumakay ako ng elevator, mabuti na lamang at nasa lima lang kami sa loob. Habang nakayuko ay narinig ko ang isang babae na nagsalita.

"Janitress lang naman pero ang landi, grabe. Ang lakas ng loob na landiin ang CEO ng kumpanya, akala mo naman papatulan sya. " sabi ng isa na alam ko naman na sa akin pinaparinig.

"Yeah right! Nakakatawa, boba! Sabi ng isa pang babae na pinakamaliit sa kanila. Naikuyom ko ang dalawa kong mga kamay. Inhale..... exhale... hindi ko sila kailangan patulan. Biglang tumunog ang elevator tanda na may bababa sa palapag na iyon. Sabay sabay na inayos ng mga babae ang kanilang mga damit at humanda na sa paglabas. Ngunit bago lumabas ang isa sa kanila ay sinadya nitong sipain ang dala kong timba na may lamang mga panlinis. Natumba ito at nagkalat ang mga gamit.

"

Opppsss, sare, sare! Maarteng wika nito sa akin na nakapamaywang pa. Pakembot kembot pa itong naglakad palabas ng elevator. Matisod ka sana. Bulong ko sa aking sarili. Masyadong bitter sa buhay. Akala mo ay ikinaganda nila ang ganun. Napailing na lamang ako.

Mabilis akong lumabas ng huminto na ang elevator sa palapag ng opisina ni Shai. Kailangan kong bilisan bago pa dumating ang aking asawa. Kumatok ako at agad na pinihit ang seradura ng pintuan. Binuhay ko ang lahat ng ilaw at nagsimula na sa paglilinis. Pakanta kanta pa ako na sinabayan ko ng pagkembot. Feeling ko ay magiging maganda ang araw ko ngayon.

"Like a virgin... aww, touched for the very first time... like a virg- " naputol ang pagkanta at pagkembot ko ng pag ikot ko ay ang nakatawang mukha ni Shai ang nakita ko. Nakasandal ito sa pinto ng banyo at nakahalukipkip. Shit na malagkit, ano ba namang buhay ito! Napapikit ako at napayuko, ramdam na ramdam ko ang init ng mukha ko dahil sa kahihiyan. Naramdaman ko ang unti unti nitong paglapit sa akin.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report