My Old Billionaire Husband
Chapter 19 Television appearance with Zac

Alexis

After ko makalabas ng hospital. Wala na ni isa man sa kanila ang nag-usap tungkol sa mga goons.

Si Mommy ay hindi na inaway pa si Lolo at bumalik sa kanyang pagiging maamo at malumanay.

Si Lolo naman ay patuloy lang sa pagiging sweet at caring sa akin na hindi pinapansin si Mommy.

At si Daddy ang malala, bumalik sa pagiging tigre at halos 24 oras nakabantay kay Bebe. Hindi makalapit si Rond sa akin.

Zac is always Zac. Cold but friendly. Parang naging best friend ko pa si pangit. He is always there whenever I needed something or someone to talk to.

And we are back at the Mansion. Sina Mommy at Daddy ay nandito parin. Nag-uusap nalang kami ni Rond through text or chat. Minsan mag video call kami ni Bebe 'pag walang mga bodyguards na nakabantay. And today is the day na magiging trending ako bilang Alexis Jenn Buenavista Walker. May interview daw kami sa TV.

Biruin mo 'yon! Kita na mukha ko all over the Philippines and the world hehe.

Nominated daw kami as best Power Couple of the Year.

E 'di wow talaga! Power pa.

Galit si Bebe sa video call kanina.

Ayaw niya pumunta ako. Pero hindi naman pwede 'yon.

Si Zac lang mag-isa. Medyo madami na rin siyang nagawang favor sa akin.

Now it's payback time. Pero si Bebe ay sarado ang utak eh, hinayaan ko nalang.

"Are you ready?" Masayang tanong ni Zac. Ang gwapo nito kapag naka formal attire lang. Bagay talaga sa kanya ang salitang powerful.

At hindi tayo patatalo mga girls! Syempre ang awrahan natin ay bigatin din. Simple, Elegant but Classy.

And kilay palang dai! Sobrang powerful na.

Natawa si Zac sa inasta kong pa formal and sophisticated face with matching taas kilay hehe.

"I'm always ready Mr. Walker." I answered.

"Then let's go." At nakatawa niyang ini-offer ang kanyang mga braso para aking hawakan. We look like a powerful couple in love. Perfect! But wait...

Bakit nakamaskara na naman si Zac?

"Sandali, bad trip naman 'yang maskara mo Zac. Take it off!" Utos ko sa kanya pero napailing lang siya.

"Let's go baby, in times like this my mask is very useful." Yon lang ang explaination niya?

Paano naging useful? Eh, hindi kita ang gwapo niyang mukha. Pa mysterious na naman si pangit. Hayaan na natin.

"Whatever! If you're comfortable with that, then let's go!" At sabay na kaming lumabas.

And look who's here! It's Debbie...

"Besh ang ganda mo!" Tili nito.

Bingi na talaga ang teynga ko sa boses nito.

"Thanks for the compliment. Pero bakit nandito ka?"nagdududa kong tanong.

Pinamulahan ng mukha si Debbie.

"Nagyaya si Lolo mag shopping. Samahan ko lang. Bakit bawal ba ako dito?" Nagtatampong tanong ni Debbie.

At nag emote pa? Pero duda parin ako hmmm.

Later kana Debbie at busy ang beauty ko hehe.

"Okay, alis na kami. Ikaw na bahala kay Lolo ha!" Paalam ko sa kanya.

"Babosh!" Masayang sabi nito at kumaway pa..

In fairness blooming si lukaret! May kakaiba talaga hindi ko lang ma figure out kung ano.

But soon, I will know.

At the TV Station

Medyo kinakabahan ang beauty ko mga besh! Ang dami palang tao at hindi lang kami ang nominated for the powerful couple of the year!

Ang dami palang mga business tycoons katulad nila Zac at Daddy.

Pero ako ang pinakamaganda sa lahat ng wife na narito.

Kabahan kana Zac bwahaha.

Pero binibiro ko lang ang aking sarili para mawala ang aking nadaramang kaba!

At nag-umpisa na ang show. Buti nalang at hindi kami ang nauna. May time pa ako tumingin at mag observe sa bawat nominees.

Mostly sa kanila ay napaka sweet sa isa't-isa. Pero parang pilit lang naman.

Need ko pala maging extra sweet kay Zac para makamit namin ang korona.

And it's our cue! Kami na ang next! Kaya mo 'yan girl! Cheer up ko sa aking sarili. Bago ako tumayo ay ibinigay ko kay Zac ang aking mga kamay para ako ay kanyang alalayan. He looks surprise and later on understand what I like to do. Matalino talaga si Zac!

Nakangiti kami at sweet na sweet sa isa't-isa habang nakaupo. Okay lang naman ang tanong ng interviewer.

Carry lang namin ni Zac until she ask...

"How do you two maintain the love for each other? 'Yong spark ninyong dalawa ay kakaiba at kinikilig kami habang pinagmamasdan kayo hehe." Tanong niya na kinikilig pa.

Ganyan ba kami ni Zac? Parang hindi naman!

Maintain the Love daw? Eh, wala nga kami niyan!

Si Zac na ang sumagot. Pero bago siya magsalita ay hinawakan muna niya ang aking mga kamay at pinisil ng marahan.

At biglang nag-init ang aking mga pisngi!

Ano 'yon?

"If you love someone. There's no need to maintain that Love. Your body will tell you what to do, your brain will always focus for the one you love and your heart will always replace a way to be with someone that you love." Madamdaming sabi ni Zac na sa aking mga mata nakatingin. At napa blush ako dahil nag-init na naman ang aking mga pisngi. Parang totoo ang acting ni Zac ah. Huwag kang magkakamali pangit!

At hinalikan pa niya ang aking mga kamay. Jusko ang mga Marites sa paligid ay hiyawan dahil sa kilig.

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Ngumiti lang ako nang matamis kay Zac kahit hindi ko na alam. Ang gagawin.

Kiss! Kiss!

Sigawan ng mga tao sa paligid. Mga Marites talaga, ka bwesit lang!

Pero ngiti parin tayo girl baka ito ang way para makamit namin ni Zac ang korona at makuha ang titulo.

Si Zac ay dahan-dahan lumapit sa akin! Don't tell me...

That he will kiss me?

Namilog nalang ang aking mga mata when Zac kiss me gently. Smack lang naman pero nag-init parin ang aking pakiramdam.

OMG what is happening to me?

The kiss ended na ako ay tuliro at wala sa sarili while Zac is just laughing. Masaya pa ang manyakis na pangit!

Natapos ang interview and ang next na magaganap ay tanungan portion.

Kompleto na kami dito na mga nominees. 6 couples kami. Ang magtatanong ay mga tao from the audience at kasama ang mga reporters ng mga tabloids and newspapers. Smooth lang Naman at basic ang mga questions.

Kaya lang, until that one person ask a question to Zac...

"Mr. Zac Rogen Walker. Is it true that Alexis Jenn Buenavista is your second wife?" Nakangising tanong nito.

Medyo na intriga ako sa baklang ito!

Si Zac ay madilim ang mukha at halatang nagpipigil lang ng galit. Pero hindi nga! mga Marites, may asawa ba si Zac noon?

"It's not true." Maikling sagot ni Zac. Ang ibang audience ay hindi na nagtanong pa at hinayaan nalang ang baklang ito na maghasik ng lagim!

"Then who is this Jessica Monteverde claiming that she is your ex-wife?"Nakangising tanong ng baklang mahadera.

Jessica, hmmm ano kaya hitsura ni Zac kapag in Love.

"I don't know her!" Deny ni Zac. Pero parang may kakaiba sa kanyang mga mata!

OMG, gusto kong malaman kung totoo ba talaga?

Hindi na kuntento ang baklang haliparot at lumapit pa talaga ito.

Dahil nasa harapan lang naman kami mas madali siyang nakalapit.

"Can you kindly check this photo? She give it to me." At inilahad ang picture ng isang magandang babae! Ito pala ang mga tipo ni Zac pero mas maganda ata ako diyan! Ang ibang couples ay naintriga rin at nakitingin sa picture.

"I don't know her. And if you have no more questions then stop. Give chance to the others." Nakasimangot na sagot ni Zac.

At galit na siya!

"I still have one more question Mr. Walker." May pa suspense pa sa mata ang baklang ito. Ang pangit mo dai! Syempre sa isipan ko lang siya kinausap hehe.

"Go ahead." Matipid na sagot ni Zac na halatang iritado na sa baklang mahadera.

"What's the secret behind this mask?" Tanong nito at bigla nalang hinablot ang mask ni Zac at mala- demonyong tumawa.

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Naghiyawan ang mga tao ng makita ang gwapong mukha ni Zac. Mga manyak na mga babae!

At biglang nag kislapan ang paligid. Nagsilapitan na ang mga cameramen at iba pang mga Marites na chismosa.

At si Zac ay todo ilag ang ginawa.

Para bang nasisilaw siya sa liwanag ng camera?

Tinakpan niya ang kanyang mga mata pero makulit parin ang mga tao at ang cameramen na walang tigil kakakuha ng pictures. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Tsk! At isa pa itong haliparot na baklang 'to! Parang demonyo lang makatawa ah. Nasa kanya pa ang mask ni Zac.

Paglingon ko kay Zac ay hindi na ito gumagalaw? Parang na freeze nalang siya sa kanyang kinauupuan at hindi na rin niya iniiwasan ang mga tao at camera.

Ang interviewer ay halos namaos na kaka sigaw at saway pero deadma ang mga bwesit!

Ang isa ay hinipo pa talaga ang mukha ni Zac.

"Ang gwapo mo po!" Nangangarap na sabi nito. At my balak pa atang halikan si Zac?

Agad kong iwinaksi ang mga malanding kamay niya na nakapulupot sa mga braso ni Zac.

"Back off! He is mine at subukan mo lang siyang pagtangkaan halikan ulit. I swear 'yang nguso mo ay mapapalitan ng bibig ng aso!" Galit na sigaw ko. Effective naman at natakot ang bruha.

At ikaw baklang mahadera!

"Give me that, Make a scene again at epapadala kita sa pluto!" Banta ko at hinablot ang mask ni Zac.

Eww! Nabahiran na ito ng masamang budhi. Pinunasan ko ng aking panyo. At itinapon ito kay bakla.

"Aba! Akala mo ka gandahan ka? Hoy! Mas maganda pa sa'yo ang dating asawa ni Zac. Wala ka nga kahit sa pwet lang niya haha." Nakatawang sabi nito.

"I change my mind. Epapadala kita sa buwan!" Sabi ko sa kanya at bigla kong sinugod ng atake.

Para saan pa itong natutunan kung kung fu sa china kung hindi ko gagamitin di 'ba? Kinalmot ko ang pangit niyang mukha at ang pang malakasan kong flying kick ang pinakahuli. Fly to the moon baklang mahadera.

Bogsh!!! Ouch kumalabog pa ang mataba niyang katawan! Buti nga sa kanya!

Yucks, yan ang bagay sa'yo. Tingnan ko lang kung makalakad ka ng isang buwan hahaha.

Biglang dumating ang mga bodyguards ni Zac at inalalayan kami palabas. Ibinalik ko ang mask sa mukha niya. Pero ganoon parin siya. Walang kibo at wala sa sarili.

"I will sue you!!!!" Aba't buhay pa pala si Bakla!

Sumigaw ka hangga't gusto eh. Bwahaha!

Tayo pa ba magpapatalo? It's not in my vocabulary my friends.

Tsk!

Binigyan ko ng F sign si bakla at halos mamatay na ito sa sobrang galit.

And the television interview ended with a disaster!

Nang dahil sa mahaderang bakla.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report