My Old Billionaire Husband
Chapter 23 Awkward

Alexis

Bogsh!!!

Naalimpungatan ako ng may biglang kumalabog

Ano kaya yon? Paglingon ko kay Zac sa couch ay nasa baba na siya!

Sinasabi ko na nga ba.

Nilapitan ko siya at ginising.

"Zac, gising na. Lipat ka na sa kama at ako na dito."Tinapik ko ang kanyang mukha. Pero wala eh, Tulog!

Bakit kaya palaging pangit ang tawag ko sa kanya. Ang gwapo kaya ng lalaking nasa harapan ko ngayon! At tulog pa 'yan mga girls. Medyo proud din ako na naging asawa ang pangit na ito hehe. Pero ang puso ko ay si Bebe lang ang nasa loob. Fact na 'yon.

Ayaw gumising ni Zac, kinumutan ko nalang siya.

Pero bigla niya akong hinila pahiga. At ngayon ay nasa mga bisig na niya ako.

Ano ba naman 'tong pangit na ito! Pero infairness ang bango ng kili-kili ni Zac. Sarap lang amuyin eh.

Hangga't bumigat ang talukap ng aking mga mata.

Inaantok na ako! Hindi naman ako makagalaw sa higpit ng yakap ni Zac. Lumapit ako sa kili-kili niya at tuluyan ng nakatulog.

Parang ang sarap lang amuyin.

Kinabukasan nagising ako sa baritonong boses ni Zac. Parang kulog na dumagundong sa buong kwarto.

"What are you doing in here?" Galit niyang sigaw.

At dahil ako ay naalimpungatan at nagulat sa kanyang boses ay agad akong napabangon!

"Saan? At resbakan natin!" Laging handa kaya ako pagdating sa bakbakan.

"What! Are you insane?" Nakakunot noong tanong niya.

"Eh ano ba? Inaantok pa kaya ako." Sagot kong nakapikit ang isang mata.

"Then go to sleep but at your bed! Why are you here?" Galit na tanong nito.

Aba! On war na naman pala kami ni pangit. Hindi naman siya babae pero bakit parang may regla lang. Bwesit!

"Niyakap mo kaya ako kagabi, Hindi tuloy ako nakabalik sa kama no!" Sigaw kong sagot.

"Out, now!" Sigaw nito. Napasunod naman agad ang aking katawan at kumaripas ng takbo pabalik sa kama.

May lahing wolf ata itong si Zac ah! Parang alpha male kung makautos pero sinusunod naman ng aking katawan! Pangit talaga.

Bahala ka diyan matutulog pa ako. Hinayaan ko nalang siya at ipinikit ang aking mga mata. At ako ay muling nakatulog.

Dahan-dahang lumapit ang kanyang mga mukha sa akin.

Bebe! Tawag ko. At ng ako'y kanyang malapitan upang halikan. Agad akong napasigaw ng makita kung sino. Si Zac?

Ahhhhhh! Napasigaw ako ng malakas. Nilingon ko ang paligid. Wala pa si Zac! Buti naman. Ano naman klaseng panaginip 'yon! Sa lahat ng lalaki si Zac pa talaga ah. Akala ko talaga ay panaginip lang. Buti narin at hindi totoo.

Ng makababa ako sa sala tinawag ako ni Lolo.

"Little princess, pakihatid nga ito sa office ni Zac. Baka importante, naiwan niya." Sabay bigay ng isang makapal na folder sa akin.

Kapag minalas nga naman. Bawal kasi lumabas ng Mansion si Lolo. Utos ng tigre kung Daddy! Umuwi na sila ni Mommy sa sarili naming bahay pero si Lolo ay iniwanan ng sandamakmak na bodyguards. Bantay sarado!

Dinaig pa ako ni Lolo eh. Kawawa naman.

Buti nalang at pwede mag shopping at grocery.

Pero teka!

Napasigaw ako ng makaisip ng gagawing kalokohan bwahaha. Pupuntahan ko si Bebe, surprise visit hehe.

It's my time to gala. Yehey!!!

Excited akong nagbihis at tinawag si Hector. Wala si Manong Driver kasama si Zac.

Hindi ako mapakali sa sobrang excited. Ibibigay ko lang itong folder then gora na si ako. Wew!

Si Hector ay kanina pa nakatingin sa akin sa rearview mirror. Tumatawa lang kasi akong mag-isa dito. Lukaret nga! Ano pa ba hehe.

First time ko magpunta sa office ni Zac at never in my wildest dream na hindi ako papasukin ng mga balyenang guards!

"Sorry ma'am 'pag walang appointment ay bawal pumasok. Sinusunod lang po namin ang protocol." Magalang na sagot nito. Mabait naman si Manong guard pero medyo slow!

"Manong need ba ng appointment ang wife? Asawa po ako ni Zac Rogen Walker!" Pinagdiinan ko talaga ang salitang Asawa! Kumunot nag noo ni Manong at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Wala kami time mag joke dito Ma'am. Kaya pasensiya na." Nakakamot sa ulong sagot nito.

Galit na ako. Pigilan ninyo ako!

"Am I joking to you? Do you know who I'am?" Nagpipigil sa galit na tanong ko.

"Malayo po kayo sa asawa ni Sir Zac Ma'am. Kilala ko si Ma'am Jessica." Umiiling ma sagot ni Manong guard.

Nasaan ba ito noong kinasal kami ni Zac?

"Jusko naman Manong! Hindi ka ba updated na kinasal na si Zac sa iba?" Nagagalit kong tanong.

Buti nalang dumating si Hector.

"Kumusta Manong." Nakatawang bati niya.

At si Manong ang laki lang ng ngisi.

"Sir Hector! Mabuti naman po." Masayang sagot nito.

Huh! Sir Hector pa ang tawag niya sa bodyguard. Ka bwesit ka Manong!

"Pwede ba sabihin mo sa kanya na papasukin na ako." Nakasimangot kong sambit.

"Manong, siya ang legal wife ni Zac. Kaya papasukin mo na." Magalang na sabi ni Hector.

Namilog ang mga mata ni Manong guard. Pero hindi na nagsalita pa.

Oo nga pala. Kumusta na kaya ang kanilang lovelife?

Bahala na sila. Sana lang huwag masaktan si Debbie ng husto.

"Thanks Hector." Pasasalamat ko before I left them.

"Miss where are you going?" Nakakunot ang noong tanong sa akin ng babaeng nasa information.

"Up, why?" Nagtataka kong tanong.

"You cannot go up without any appointment."Malditang sigaw nito.

Ano ba 'tong company ni Zac? Nakakasira ng araw. Well, Andito na ako sa loob bawal parin pumasok? Grr...

"I don't care!" At nagpunta na ako sa elevator para sumakay.

Bigla nalang sumigaw ang babae.

"Call the guards, there's an intruder." Sigaw nito.

Agad naman umalis ang dalawa niyang alipores.

Intruder talaga? Binigyan ko siya ng f*ck sign bago tuluyang nagsara ang elevator.

Pero teka, saang floor ba si Zac? Usually ang mga CEO ay nasa top ata. Try ko lang.

Nagtanong ako pagdating sa 9th floor. At ng snob lahat ng mga tao sa akin!

What is happening in here?

Then napatingin ako sa monitor ng kanilang computer.

May nakalagay intruder alert at may screenshot pa ng picture ko!

Naiinis na talaga ako. May pumasok na janitor upang maglinis. Nilapitan ko ito baka alam niya.

"Hello Manong, Alam mo ba kung saan ang office ni Zac? Nakangiti kong tanong.

"Zac, ang CEO po ba dito?" Magalang na tanong niya.

"Oo tumpak!" Napasigaw ako dahil sa excitement.

May lakad pa kaya ako tapos halos maubos ang oras ko sa pagpasok lang dito. Huh! It's a stressful day.

"Doon po Ma'am. Lumiko ka sa kanan." Turo nito sa may pasilyo.

"Thanks Manong." At mabilis na akong kumaripas ng takbo.

Kumatok ako sa pinto pero walang nagbukas.

May tao ba sa loob?

Nang biglang may humawak sa aking mga kamay.

Mga bodyguards ni Zac?

"Ano ba! Bitiwan niyo ako or else..."Galit na ako at may halo ng pagbabanta ang aking boses.

Pinadalhan pa ako ng apat na bodyguards! Buti nalang ang dalawa ay nakapunta na sa Mansion ni Zac at kilala ako.

"I'm sorry ma'am akala namin may intruder talaga. Kaya naka red alert kaming lahat.

Bwesit na babaeng 'yon!

And speaking of the devil herself. Sinundan pa talaga ako rito.

"What are you waiting for? Hulihin niyo na ang babaeng 'yan! She's an intruder." Galit na sigaw nito.

"Kung ikaw kaya ang ipatapon ko sa impyerno!" Nakapameywang kong sigaw. Baka gusto ng babaeng ito makatikim ng aking Kung fu.

Si baklang mahadera ay na sampolan ko na.

"How dare you little girl. Kung may balak ka maglaro huwag dito. Company ito hindi isang Disco Bar. Saang bar ka ba galing at magkano ang gabi mo?" Nang iinsultong tanong nito. And that's my cue! Maliit lang ang pasensiya ko at mabilis lang ako magalit.

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

I grab her arms and give her my famous Kung fu fist at pinalipad ko na rin papuntang moon. Giving her my Kung Fu flying kick.

"Dalhin niyo 'yan sa ospital," Walang gana kong sambit.

Minsan nagtataka rin ako sa aking sarili. May side ako ng pagka demonyita lang. Pag galit ay talagang galit ako. I hate pretensions at all.

At lumabas na rin finally si Zac pangit!

"What happened in here?" Nagtatakang tanong niya sa kanyang mga bodyguards.

"You're here?" Tanong din nito sa akin.

"Malamang! I'm here as you can see." Mataray kong sagot.

At ang bwesit na babae ay agad na bumangon from the dead. From the floor pala.

"Sir Zac, Please give justice to me from that intruder!" Sigaw nito sabay turo sa akin at ang kamay nakapulupot sa mga binti ni Zac.

Now I know, may gusto ito kay Zac sa sobrang kalandian ay napaghahalataan na. Pero hindi ka uubra sa akin dai!

"Fire that flirt woman." Naiinis kong sabi kay Zac at hinablot ang kanyang mga kamay na nakalingkis sa mga binti ni Zac. Gigil ako! Eh kung baliin ko kaya?

"Ouch, tulong sir Zac!" Sinampal ko na ng tuluyan. Ang boses ay napaka O. A! Trying to be cute at sexy kahit ang pangit naman.

"Ang O. A mo! Get off your hands from my husband's leg. Can you hear me clearly? He is my husband and I'm her wife. And you are just nothing!" Tapos itinulak ko siya ng malakas. Nanlaki pa ang mga mata niya dahil sa narinig. At hinarap ko si Zac na napailing nalang.

"You should fire her Baby!" Nilakasan ko talaga ang baby na word para marinig ng kung sino mang poncia pilata diyan na may gusto sa kanya.

They don't believe it, that I'm his wife huh! Then let's show them Alexis hehe.

Agad kong nilapitan si Zac na medyo na shock sa aking ginawa. At walang pasabi na siniil ko siya ng halik!

I counted one to ten in my fingers at binitiwan siya agad. Binigay ko sa kanya ang folder at walang lingon-likod na rumampa papalabas ng office. Flipping my hair triumphantly.

Bawat madaanan ko ay shock sa mga nangyari. Tinaasan ko lang sila ng kilay! This is Alexis Jenn Buenavista Walker. Dare to challenge me, and your life will become miserable!

Pero 'yong face ko ay sobrang init! Blush to the highest level. Sorry Zac! Na bwesit lang ako at naging loka-loka. At ayaw kong isipin ang ten seconds kiss namin! But It keeps on playing in my mind. Erase! Erase!

Success ang pagka malditang lukaret ko bwahaha!

Now it's time for Bebe. Andu'n si Hector nakaabang sa akin with our car.

"Let's go at Rond's Mansion." Sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo ni Hector pero sinunod naman niya ang aking utos.

Nakarating naman ako Kina Rond safely.

Sinabihan ko si Hector na huwag na ako hintayin baka matagalan ako. Hindi siya kumibo at tahimik lang.

Pa Mysterious din itong Bf ni Debbie. Bahala siya!

Mukhang may party kina Rond?

"Manong may birthday ba?"Tanong ko sa guard.

"Wala po Ma'am. Engagement Party ni Sir Rond at Ma'am Annalise." Masayang sagot nito.

Ano daw? Parang biglang nagunaw ang mundo ko sa narinig! What is he saying again?

Rond is Engage?

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report