My Old Billionaire Husband
Chapter 28 Ambush Part 1

Alexis

Maiiyak na ako. I can feel na hindi siya si Manong! Parang Demon version niya huhu.

"Manong naman eh, Stop the car!" Sumigaw ulit ako at ngumisi lang sa akin si Manong.

Nagising si Zac. Buti naman!

"What happened?" Inaantok na tanong niya.

Huwag kanang matulog Zac!

"Si Manong, parang demonyo lang eh. At look at the road! Hindi na ito ang daan pauwi huhu." Naiiyak kong sagot.

Agad na napatingin si Zac kay Manong at sa isang iglap, ay bumunot ito ng baril!

Action movie na naman. Ano ba ang nangyayari sa buhay ko huhu. Hihimatayin na naman ako nito ng nakatulo ang laway! No, I must be strong. Nakakahiya!

Mabilis ang kamay ni Zac at naagaw ang baril mula kay Manong. At walang pasabi, ipinutok ito ni Zac at sapul ang ulo niya!

At bigla akong masusuka, pero pinigilan ko. I must be strong!

Nagpa giwang-giwang ang sinasakyan namin pero agad din naman nahawakan ni Zac ang manibela at inihinto sa tabi ang sasakyan. Itinapon niya si Manong sa labas ng bintana.

Kawawa naman!

"Kawawa naman si Manong Zac." Pero si Zac ay galit? At mukhang kinakabahan din.

"He is not Manong. Probably he is dead right now." Naka-igting ang bagang na sagot niya.

"Be ready Baby, We might die. But I will try my best to protect you." Seryosong saad ni Zac.

At bigla akong natauhan. That our situation is serious. Wala ng time mag joke pa. Mamamatay na ba kami?

Pero na touch ako sa mga sinabi ni Zac.

Biglang nagsulputan ang mga pangit na goons na mukhang gangster out of nowhere.

Saan ba galing ang mga pangit na 'to?

"Paano na 'to Zac? At sino ba ang mga 'yan? Ang pangit lang nila!" Nandidiri kong sagot kay Zac.

Pero syempre. I will die fighting too. Pero paano? Eh hindi nga ako nakakahuli ng lamok man lang huhu.

"Shhhh..." Senyas ni Zac. Kaya tinikom ko ang aking bibig. Pinindot ko ang aking cellphone pero walang signal! Nasaan na kaya kami?

Tinted ang sasakyan namin at hindi nila kami makikita. Pero lumapit parin ang mga goons na pangit! Pigil ko na ang aking hininga habang nakakapit sa braso ni Zac.

Naka ready lang ang kanyang baril. Kahit pa natatakot ako sa baril ni Zac pero mas okay na 'to kaysa sa mga pangit na goons sa labas.

Sumenyas ang leader ng mga goons at pinalibutan ang aming sasakyan! Ito na ba ang aming katapusan? Biglang nanlamig at nanginig ang aking mga kamay. Hinawakan ito ni Zac at niyakap ako. "Don't worry, the car is bullet proof but I don't know if how long it will last, before our back up arrive. We will die fighting!" Mahina niyang bulong sa akin.

Pero ang bawat kataga na binitawan ni Zac ay tumagos sa aking puso! Anong pakiramdam ito?

Ayaw ko siyang isipin muna. Baka bunga lang nang mapanganib naming sitwasyon kaya kung anu-ano ang iniisip ko.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.

"Thank you Zac. I will fight too kahit hindi ako marunong. Walang iwanan!" Napaiyak na ako ng tuluyan.

"Shhhh, lower your voice and don't move." Bulong niya.

Sinunod ko naman si Zac.

Maya-maya pa ay bumitaw siya sa akin at itinutok ang baril sa labas.

Isa-isa niyang pinaputukan ang mga nakapalibot sa labas. At bawat matamaan ng bala ay tiyak na bagsak.

Para lang kaming naglalaro ng shooting game sa Favorite Place.

Alam kong iba ang sitwasyon ngayon. Anytime ay pwede kaming mamatay.

Hindi man lang ako makapag goodbye kay Rond. Bakit ko pa talaga siya naisip!

Ang leader lang ang natirang nakatayo pero sa isang kumpas ng kamay niya ay nagsitakbuhan ang mga maraming goons buhat sa kabilang kalsada. Ang dami nila at papunta na sila sa amin! Agad na binuksan ni Zac ang pintuan ng kotse. Saan kami pupunta?

"When I say run. Tumakbo ka at huwag ng lumingon pa!" Sabi niya. Pero pwede ba 'yon? Ayaw kong iwan siya dito.

"Pero Zac-" Reklamo ko pero hindi natuloy dahil hinalikan niya ako!

Ano 'yon? Bigla akong pinamulahan ng mukha pero walang time na kiligin. Mamamatay na kami eh. At hindi ko Mahal si Zac.

Maya na kami mag-usap 'pag makaligtas kami.

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Just follow what I'am saying. It's for your own good. Are you ready?" Seryosong tanong ni Zac.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Yes, basta huwag kang mamamatay ha!" Naiiyak kong sambit.

Tumawa lang si Zac. At bakit ang gwapo niya sa paningin ko?

"I will count, then you will run without turning back okay?" Tumango lang ako dahil hindi ko alam kung makakatakbo ba talaga ako ng hindi nanginginig ang mga paa.

"Get ready baby, 1 2 3 run!" Itinulak pa ako ng bahagya ni Zac at kumaripas na ako ng takbo.

Halos mabingi ako sa putukan at medyo malayo na rin ang aking natatakbo. Pero hindi ko kayang huwag lumingon!

Pagharap ko ay si Zac nakikipagbarilan sa mga pangit na goons!

Isa, laban sa isang dosena! Kakayanin ba ni Zac?

Hindi ko kayang tumingin lang!

Tumakbo ako pabalik! Kita ko ng matamaan ang paa ni Zac ng bala.

"Zac!!!" Sumigaw ako sa takot at pangamba na bigla ko lang nadama.

"Don't go back!" Sigaw ni Zac.

Pero bahala siya. Sabay kaming mamatay. Ayokong iwan siya! Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. May biglang humatak sa akin at dumaplis ang bala ng baril papunta sa damuhan.

"Lolo?" Nabuhayan ako ng loob ng makita ko sila. Hindi pa kami mamamatay ni Zac!

"Don't go back little princess, Debbie, ikaw na bahala kay Alexis." At hinila ako ni Debbie sa gilid at kami ay nagtago.

"Besh, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya.

"Tingin mo? Syempre hindi!" Umiiyak kong sagot.

"Tahan na, ako ay nabigla rin. Grabe pala ang bakbakan dito. Si Zac ay may tama sa paa! Kinalabutan ako ng makakita ng maraming mga patay. First time in my life Besh." Nangingilabot na sagot ni Debbie. Akala ko ako lang ang takot. Syempre si Debbie rin. At ang dalawang lukaret for the first time ay naging seryoso sa buhay huhu.

"Babalikan ko si Zac!" Agad akong tumayo pero pinigilan ako ni Debbie.

"No! Magiging pang-gulo lang tayo besh." Hinawakan ako ni Debbie at hindi ako makagalaw.

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Bakit? Baka kung ano na ang mangyari sa kanila." Natatakot kong sagot.

"Kalma besh! Mas lalong may mangyayari sa ating lahat kung lalapit pa tayo. Baka ma distract at mawala sila sa focus eh. Kaya, dito lang tayo. Kita naman ang mga nangyayari." Paliwanag ni Debbie. May point nga naman siya. Pero nag-aalala parin ako. Dumudugo na ang tama ni Zac sa paa.

"Go babe! Patayin ang mga pangit na 'yan!" Sigaw ni Debbie. At nakuha pa talaga niyang mag cheer up.

"Zac! Kaya mo yan. Ang sugat mo!" Sigaw ko at akala ko ay hindi niya maririnig.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. At napatulala lang naman ako.

"Ay grabe sila! Kahit sa bingit ng kamatayan pa eh. Bakit ang sweet niyo naman tingnan, Nakakainggit. Hoy Hector, fighting Babe!" At nag flying kiss pa ang lukaret na babae! Napailing nalang si Hector.

Kinuha ni Zac ang panyo sa kanyang bulsa at tinalian ang kanyang paa.

Buti naman!

Si Lolo ay parang si James bond ang trip. Dalawa ang baril. Feeling Leader lang ng mga gang. Pero infairness bagay sa kanya.

Unti-unti ng nauubos ang mga pangit na goons. Patayin na ang lahat ng pangit!

Biglang natahimik si Debbie sa aking tabi. At paglingon ko ay may nakatutok ng baril sa aking ulo.

Si Debbie nay tahimik na umiiyak habang hawak ng mga armadong kalalakihan.

Bigla akong nanlambot, pero hindi ito ang oras para himatayin.

"Hoy Night! Surrender or I will kill your lover!" Sigaw ng pangit na matandang lalaki.

Lover talaga? Bakit ba napagkakamalan nila akong lover ni Lolo? Mga walanghiyang pangit na goons!

Itinutok niya ang baril sa aking ulo habang hinihila ako. Papunta kami kina Zac at Lolo.

Lahat ay napatigil pati ang mga goons na pangit.

"Little princess!" Sigaw ni Lolo.

Napapikit nalang ako..

Bakit biglang nagkaganito? Hindi ko alam!

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report