My Old Billionaire Husband
Chapter 44 Kidnap by Rond Part 1

Alexis

Napasarap ang tulog ko and I felt warm! Kahit ang ginaw ng aircon at ako ay naka two piece lang. Bakit ang init parin? Don't tell me... Nag-iinit parin ang pakiramdam ko?

Agad akong napamulat ng aking mga mata only to replace out that Zac is embracing my whole body underneath the blanket! Ang sweet naman!

Matulog ka ulit brain. Parang mahihimatay ako sa kilig hehe. I hug him at inamoy ang kili-kili niya. I really love this position! Ewan ko kung bakit? I just felt secured and protected kapag nasa kili-kili ako ni Zac. And in fairness ang bango kaya! At malinis pa.

Napadako ang aking paningin sa kanyang kissable lips.

Oh tukso layuan mo ako!

I'm not ready huhu. Pero hindi mo maaalis ang mga mata ko sa kanyang labi. At ang pilya kong kamay ay humaplos na talaga sa kanyang mukha!

Simula sa noo pababa sa kanyang mga mata papunta sa ilong na tila ba kinakabisado ng aking kamay ang hugis ng gwapo niyang mukha.

Huminto ito sa mapupula niyang labi. Malambot at kaysarap halikan. Bigla akong namula ng maalala ang mainit na eksena kagabi.

Ano ba brain? Sa lahat, Bakit yan pa talaga ang pinaalala mo?

Ewan ko rin sa'yo! Ikaw kaya nag-isip ng mapulang labi ni Zac.

Ay, sumagot ka pa talaga!

Nagulat nalang ako ng biglang kagatin ni Zac ng slight ang aking daliri.

Pero bigla rin napalitan ng kakaibang init nang dumampi ang kanyang mga labi dito.

"Good morning baby." Nakangiting bati niya sa akin.

May oxygen ba kayo diyan? Hindi ako makahinga sa sobrang kilig!

Bumalik lang sa pagka teenager. Umayos ka Alexis! Ano ang isasagot ko? Masaya pa naman ang mode ni pangit ngayon at walang topak. "Good morning too." Mahina kong sagot. Naging dalagang Pilipina na ang inyong Lola!

At hindi ko kinaya ng bigyan niya ako ng good morning kiss! Smack lang naman pero bakit ang sherep hehe.

Anong nangyayari sa akin? Ang O. A ko na! Para na akong si Demonyitang Annalise! Ang o. a lang.

Ganito na ba pag totoong in love ka?

Wait...

In love na ba ako?

Nang biglang may kumatok sa pintuan.

Tiningnan ko ang aking ayos. Jusko naka two piece pa ako!

Naintindihan naman ni Zac at siya na ang tumayo para buksan ang pinto.

"Hello Besh! Ay-" Naputol ang sasabihin ni Debbie ng makita niyang si Zac ang nagbukas ng pintuan.

Agad akong napatalukbong ng kumot.

Alam niyo na kung gaano ka lukaret ang babaeng ito!

"Yes, Good morning Debbie. What can I do for you?" Nakangiting tanong ni Zac.

"Wait, papasukin mo nga ako. Besh what are you doing in there? Don't tell me na tulog ka pa?" Nakangising tanong ni Debbie.

At ang expression nito ay mukhang hindi gagawa ng maganda!

Bahala siya ayokong sumagot.

"Aha! Pretending not to hear me at tulog-tulogan ang peg. I can smell something fishy!" Sigaw nito.

Ang aga para mabingi kami ni Zac.

Napatawa si Zac.

"You make me laugh Debbie. What's up?" Nakatawang tanong ni Zac.

Pero si Debbie ay tuloy lang sa kanyang pagiging detective conan.

"Kahapon lang ay magka-away kayo but now..." At bigla nitong hinablot ang aking kumot!

Exposing my beautiful and sexy body. Hindi ako nakatingin sa expression ni Debbie but to Zac's face na napalunok pa talaga ng makita ako!

Nag-init tuloy ang aking mukha at ang pula na nito dahil sa matinding blush.

Bwesit ka talaga Debbie!

"OMG!!!" Yong sigaw ni Debbie aabot sa Pilipinas. I swear!

Agad niyang itinakip muli sa akin ang kumot.

"Okay, inhale! exhale. Sinuko mo na ang Bataan Besh?" Sigaw na tanong nito.

Lukaret talaga! Andiyan lang si Zac nakikinig. Nag declined pa naman ako kagabi sa kanya.

"Ano ba Debbie! Wala kang sasabihin na iba?" Pinandilatan ko siya ng aking mga mata.

At napatingin siya kay Zac. Awkward!

"Ah, syempre meron. Kaya nga nandito ako hehe. My tour pala tayo mamaya. Pero take your time muna para makapag-ayos. Gusto ng Daddy ni Hector na epasyal kayong lahat before going home." Medyo malungkot ang boses ni Debbie sa last part na sinabi niya. Tsaka ko na siya tatanungin kung bakit.

"Sure, that's wonderful. You like it baby?" Nakangiting tanong ni Zac.

Pero lalo lang ako pinamulahan ng mukha! Nakakahiya.

"O-oo naman. First time ko dito sa Spain. I want to see it's beauty." Nauutal kong sagot.

"O siya baby. Alis na ako and continue what you are doing hahaha." At kumaripas na ito ng takbo palabas ng pinto.

Lukaret na best friend!

"Are you okay?" Tanong ni Zac.

Mukha ba akong okay? Pwede ba akong igisa kasama ng tuyo sa pula ng aking mukha! At gawing kamatis huhu.

"No! Nasaan ba kasi ang mga damit ko?" Naiinis kong tanong.

"Baby, nasa closet." Nakakunot noong sagot ni Zac.

Ay boba mo Alexis! Maligo ka kaya muna bago magbihis.

Ganu'n? Ang talino mo brain!

"I will take a bath or gusto mo mauna?" Tanong ko kay Zac.

At ngumiti ito na parang may balak!

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Ayoko sa mukhang 'yan ni Zac. Parang manyak! Pero gwapong manyak yarn...

"Why don't we take a bath together baby?"Pilyong tanong nito.

Jusko, Nag-init lalo ang mukha ko!

"Stop joking Zac. I'll better take a bath first!" At kumaripas na rin ako ng takbo papuntang banyo.

Si Zac ay walang tigil sa kakatawa. Ang saya lang niya tingnan. Ang Zac na kilala ko ay palaging nakakunot ang noo at nakabusangot ang mukha. Minsan lang ngumiti at palaging seryoso. I will miss this Zac na kasama ko ngayon.

Biglang may tumulong luha sa aking mga mata.

Luhh! Bakit ganito? Mahal ko na ba talaga si Zac? Pero nagugulahan pa ako! Hindi ko alam...

TOUR

Kumpleto na ang lahat pati si Demonyita at Rond. Kami nalang ni Zac ang hinihintay nila. Medyo nakakahiya pero bahala na. Kasama ko naman si Zac.

"At last dumating na rin ang pabida Queen!" Pahaging ni Demonyita Annalise na nakapameywang pa talaga.

"May bago atang Mayordoma sa Mansion ninyo Hector." At tiningnan ko siya ng nakakaloka mula ulo hanggang paa.

At napatingin siya sa kanyang suot at sa suot ng Head maid nila Hector.

Oh, diba! match sila bwahaha.

"Shit! I need to change my clothes." Naiinis niyang sabi.

Kung maldita ako ay mas bruha naman ang best friend ko hehe.

"What? No! Sakay na kayong lahat sa Bus. Hindi pwedeng baguhin ang nasa schedule." At itinulak na ni Debbie si Annalise papasok ng bus.

Nagpipigil lang ako na matawa baka maging issue pa.

But in my mind I'm laughing evilly. Hahhahaha.

Ang sama mo Alexis!

Shhhh, Matulog ka brain. Minsan lang tayo maging masaya.

Napansin ko si Rond na masama ang titig sa akin.

Ano na naman ang problema niya?

Sana naman maintindihan niya na hindi ko na siya gusto!

I rolled my eyes on him pero hindi man lang ito kumukurap!

Ano'ng nangyari sa kanya?

At si Annalise ay galit na galit na nakatingin sa akin.

Pa taasin pa natin ang BP ni Demonyita hahaha.

Nginitian ko siya ng ubod ng tamis. Yong parang inosente lang na hindi makabasag pinggan.

And success! Nakabusangot itong nakatingin sa akin. Pinandilatan pa ako ng mata.

Pero iba ito dai! Pa beautiful eyes lang hehe. Bakit ako maiinis? Dapat siya ang mamatay sa galit bwahaha!

Biglang isinandal ni Zac ang aking ulo sa kanyang balikat ng umandar na ang bus. At bet ko 'to! Napasiksik ako sa kanyang kili-kili. Wala na akong pakialam kung maraming tao. This is my safe haven! Mamatay ka sa inggit Annalise!

Medyo tulo laway pa ako ah. Nakatulog ako sa kili-kili ni Zac! Pero hindi pa naman tumitigil ang bus.

"Are you feeling okay now?" Tanong ni Zac.

Nagpahid pa ako ng laway bago sumagot. Nakakahiya mga besh!

"Oo pasensiya na ha, nakatulog ako." Mahina kong sagot.

"It's okay. At least nakapagpahinga ka." At pinisil niya ang aking ilong.

Nag blush na naman ako dahil sa kilig pero napawi ang ngiti sa aking labi ng napadako ang tingin ko kay Rond.

Nakasimangot ito. Matalim ang mata na nakatingin sa akin. Parang kakainin ako ng buhay! At isa pa ang asawa niyang Demonyita. Taas kilay kung makatitig!

Bahala kayo diyan. Mamatay kayo sa inggit!

Niyakap ko si Zac at nagtago sa kanyang kili-kili.

"You're still sleepy?" Tanong nito while playing my hair.

"Hindi naman. Pero mas gusto ko dito." At niyakap din ako ni Zac.

Ang sweet lang namin hehe.

At sa wakas we reach our first Destination. Mga 5 pa daw na tourist spot ang pupuntahan namin. At excited ako! Lalo na at kasama ko si Zac.

We are at Barcelona Museum. Pero bigla akong natakot. Baka may multo! Yan ang sabi-sabi nila eh. Madami daw multo sa Museum huhu.

Eh di maganda! Chance mo ng yumakap kay Zac hehe.

Tumigil ka brain!

Pero kakaiba talaga ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. Baka pagod lang ito.

In fairness, napakaganda ng Museum! Parang palasyo lang sa laki nito. At dahil nalibang ako sa paligid ay hindi ko namalayan na wala na ang grupo? Nasaan na sila?

Ako pa naman mag-isa dito!

Naku, Baka may magpakita na totoong multo!

At nakaramdam ako na parang may tao sa likuran ko!

Brain ano na? Bakit natutulog ka diyan?

"Alexis." Napalingon ako ng tawagin ang aking pangalan pero huli na ang lahat ng mapansin ko na ito ay si Rond na agad tinakpan ang aking ilong ng panyo. Bigla along nahilo at inantok!

Akala ko sa telebisyon ko lang mapapanood ang ganitong eksena.

At uso pa talaga siya ngayon.

O si Rond lang ang walang magawa sa buhay!

Hindi ko na kaya, pipikit na ang aking mga mata...

Zac! Sigaw ko sa aking isipan.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report