My Old Billionaire Husband
Chapter 65 The Twisted Game of Mafia War

Alexis

Hindi maipinta ang mukha ni bigote haha.

Buti nga sa kanya. Now, I can smell our victory! Hindi pa tayo ma deadbol mga besh.

"I'm sorry Mr. Regalado. My loyalty is always belong to my friends." Sagot ni Hector.

Buti naman! Akala ko nag traydor talaga sila eh.

"How dare you Hector. Uncle will never forgive you!" Sigaw ni Samantha.

"Tsk! My father knows the plan and since your family is a traitor, we ride on and played with your games." Sagot ni Hector na nakangisi.

Wow, gusto kong pumalakpak pero hindi ko magawa. Sino kaya ang magtatanggal ng tali sa mga kamay at paa ko! Puro sila may tinututukan ng baril. Si Adrian lang ata ang walang binabantayan!

Sakto at napatingin siya sa akin at sumenyas ako na kalagan ang mga kamay ko.

Pero iba yata ang pagkaintindi niya!

"Did you miss me that much My Lady?" Nang-aakit niyang tanong.

Eww! Kahit gwapo si Adrian ay kinikilabutan talaga ako.

Itinutok ni Zac ang 9 mm pistol na nasa kanyang kaliwa sa ulo ni Adrian! Habang ang isang kamay na may armalite ay nanatiling nakatapat sa ulo ni bigote. "Mind your words Adrian. She's my wife! Kalagan mo ang mga tali niya!" Ang seryosong sigaw ni Zac.

At ako naman ay kinilig! Walang humpay na kilig ata ito kahit nasa gyera!

"How dare you! Of all people who will betrayed me. It's you! Nagsisisi ako kung bakit pa kita binuhay Adrian!" Galit na sigaw ni Bigote.

Ano yon, Gusto niyang patayin ang sarili niyang anak? Ang sama talaga niya! Kating-kati na ako na bunutin ang bwesit na bigote na yan! Napahinto si Adrian sa paglalakad.

Walanghiya ka bigote. Gusto ko ng matanggal ang bwesit na taling ito at mag resbak kay Joanna!

"Hindi ko sinabing buhayin mo ako while you killed my Mom!" Galit na sigaw ni Adrian at nanlilisik ang mga mata nito dahil sa galit!

Naku, Adrian. Huwag ka munang mag transform. Pakawalan mo kaya muna ako dito huhu.

"I didn't kill her. She killed her own!" Ganting sigaw ni Bigote.

"Enough of that! Kalagan mo si Alexis Adrian." Utos ni Zac.

At dali-dali ng lumapit sa akin si Adrian.

"My lady. Ang ganda mo parin kahit magulo ang buhok at amoy ewan! The epic beauty!" Nakangiting sambit ni Adrian. May maganda bang amoy ewan?

Bwesit na 'to!

At biglang nagpuputok si Zac malapit sa kanyang mga paa.

Ano na Alexis, Ang cool ni baby mag selos!

Hoy brain, huwag ka munang kiligin diyan. Hindi pa tayo safe!

"I said unchained her. I didn't told you to flirt with my wife! One false move and you'll be dead." Seryosong sambit ni Zac.

At tila ba nag glow up ang gray eyes niya at nag transform na into a powerful alpha!

Ano ba itong pinag-iisip ko. Ginawa ko pang wolf si Zac!

Pero ang gwapo lang ng baby ko kapag galit hehe.

"Tsk! Napakaseloso naman ng asawa mo my Lady." Sambit ni Adrian habang kinakalagan ako.

"Shut up Adrian, Baka barilin ka na naman ni Zac." Sagot ko habang ang mga mata ay nakatingin kay Zac.

At last I'm free! Nagkagalos ang aking mga kamay at paa but I don't care!

Agad akong tumakbo papunta kay Zac at niyakap siya. Wala akong pakialam kung madaming tao. Basta na miss ko ang baby ko!

"Are you okay?" Malumanay na tanong ni Zac habang nakayakap sa aking beywang ang isa niyang kamay.

"Okay lang ako. Na miss kita ng sobra." Naiiyak kong sagot.

Pero biglang tumawa si bigote.

Panira ng moment ang pangit na ito!

"Hahaha, Do you think na natalo niyo na ako? You're all naive. Midnight Assassins labas!" Sigaw nito at nagsilabasan nga ang mga goons na naka ninja outfit in black. Mata lang ang makikita sa kanila. I'm sure pangit din ang mga 'yan!

Pa mysterious pa bwesit!

Tinutukan nila kami ng baril at mas madami sila!

Ano ba ito, tutukan ng baril lang? Walang aksiyon. Haist!

"Paano ba 'yan. I'am smarter than you Greta!" Sigaw ni bigote na nakangisi while looking at my mom sheepishly.

Hindi siya mukhang sheep. Mukhang unggoy!

"Ows, kahit kailan bobo ka talaga Juanito! Don't you think ay matatalo mo ako ng ganu'n nalang?" Ang nakatawang sagot ni Mommy.

Yong bagsakan niya ng words ay epic!

Juanito eww!

"At kahit kailan ay mayabang ka parin! Feeling mo mapapaikot mo ang lahat sa iyong mga kamay. Not now Greta, this time I will win!" Sigaw ni bigote. Nag emote pa talaga!

"At bitter ka parin, kasing paet nang ampalaya!" Tumawa si Mommy ng malakas.

"She's crazy Tito. Let's all kill them! At uunahin ko na ang kanyang bwesit na anak." Sambit ni Annalise at parang demonyo na nakatingin sa akin.

Agad siyang nag dive sa harapan ko na may hawak na kutsilyo! Buti nalang at wala na akong tali.

Come to me bitch and I will surely tear you apart!

Ngunit bago pa maka landing si Annalise sa akin ay biglang humarang si Rond at nasaksak siya sa tagiliran! At bumulusok ang dugo nito sa sahig. Nahintakutan ako sa aking nakita.

Rond doesn't deserve this!

Nag blurred ang paningin ko at wala akong ibang makita kundi kulay pula lahat.

Mabilis kong kinuha ang aking dagger na nakatago sa ilalim ng aking bra at sinunggaban ng saksak ang mga braso ni Annalise!

"Ouch, Damn bitch! Rond are you okay?" Sigaw ni Annalise.

Doon lang ako nahimasmasan na si Rond ay nakahandusay na sa sahig at...

Wala nang buhay!

Patay na si Rond?

"Kulang pa 'yan sa ginawa mo kay Rond at sa pamilya niya. Selfish bitch! I will kill you!" Galit na sigaw ko at aatake na sana ulit pero hinarang na ako ng mga midnight assassins. Hindi ako makagalaw bwesit!

"Rond!" Sigaw ko na maiiyak.

Biglang gumalaw ang kamay nito.

Buhay pa siya!

"Hoy Demonyita, dalhin mo na sa ospital si Rond. Bwesit ka! Ano pa ang hinihintay mo!" Sigaw ko.

Tumigil sa pag-iyak si Annalise at inutusan ang mga midnight assassins na bitbitin si Rond.

"We are not yet over bitch! Ipagdasal mo lang na walang mangyari kay Rond dahil babalikan talaga kita!" Humirit pa!

As if takot ako!

"Oo, nga. Just pray na walang mangyari kay Rond or else ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa'yo!" Siya lang ba marunong magbanta!

Hindi na niya ako pinansin at kumaripas na ng takbo.

Sana maging okay si Rond. Kawawa naman at dito pa napunta sa demonyitang si Annalise!

"Wow, fierce and fearless! Bilib ako sa anak mo Greta."Nakangising singit ni Bigote.

Huh, I don't need your compliment. Pangit na bigote.

"Of course, she's my daughter and I'm proud of her. Tama na ang laro and let the game begin. Manolo!" Sigaw ni Mommy at nagsilabasan ang sangkaterbang myembro ng Blue Dragon at si Daddy! Sana this time ay lamang na kami at wala ng lumabas pa na mga goons galing sa kalaban.

Lahat ay may dalang granada at armalite!

Si Bigote ay kalma parin.

Sige lang bigote, ako ang papatay sayo!

Pero bago 'yan si Joanna muna.

Ang sakit pa ng mukha ko sa sampal ng babaeng higad!

Ito ang gusto ko, may aksyon na. Bardagulan na mga besh!

"Hahaha palaban ka talaga Greta. Midnight Assassins, attack!" Sigaw ni bigote pero nauna pa itong tumakbo papalabas.

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Patawa ka talaga bigote ka!

Nagsimula na ang putukan at nagsilabasan ang lahat. Si Lolo ay kinalagan nila Mommy at Daddy.

Ayon buhay na ulit siya!

At nakipagbakbakan na sa mga kaaway.

Ang higad na si Joanna ay dahan-dahan na gumapang palabas ng walang nakakapansin.

Bakit ang laki naman ata ng mga mata ko at nakita ko pa!

Mag uncle nga ang dalawa. Puro duwag!

In fairness, Si Adrian lang ang matapang at pinagbabaril ng walang awa ang mga tauhan ng Daddy niya.

Bakit ganu'n?

He really hate bigote that much?

Siya kaya ang Butterfly prince pero andito siya naki-join forces sa Dragon!

Bahala na siya, buhay niya yan. I won't let those two escape!

Susundan ko na Sana sila bigote at Joanna pero hinila ako ni Zac.

"This way!" Sigaw niya dahil hindi kami magkarinigan sa ingay ng mga baril.

Nagliliparan pa ang mga pana ng blue dragon squad.

Maganda parin sila. Unfair talaga!

Ako ay mukhang ewan! huhu.

Hindi na ako nakalapit kina Debbie at Hector dahil binuhat na siya ni Hector papalayo.

Mabuti yan at baka kung mapaano pa si baby.

"Wait Zac, I'm going this way. Tatakas sila Bigote at Joanna." Sagot ko at huminto sa pagtakbo.

"No, they are throwing bombs!" Sigaw ni Zac at hinila ako ulit.

Takbo na naman kami while holding our hands.

Di'ba ang sweet parin hehe.

Naku, ang daming bomba na nagliliparan!

Bwesit na mga pangit kayo!

Wala man lang akong panlaban kundi itong maliit kong dagger. Is this a joke!

At least ay naka bulletproof vest at helmet ako.

Ang taray!

Pero mas mataray ang mga bomba na walang kapaguran sa pagsunod sa amin.

Punta naman kayo sa iba!

Makita ko lang kung sino ang naghahagis sa amin. Naku!

And bingo. Huli ka pangit na kulot!

May mga shurikens pa ako sa bulsa. Inihagis ko ito sa kinaroroonan ni kulot na nakangisi pa talaga. Tuwang-tuwa ka boy!

Heto'ng sayo!

Epa rebond muna natin yang kulot mong bigote at buhok!

Ouch! Bulls eye mga besh!

Nahulog ang mga granada na kanyang hawak at kumaripas ng takbo.

Labas brief pa na butas!

Ano yon? OMG!

Ang ganda ng pangalan ng squad nila pero butas ang brief!

Midnight hole ata ang bagay sa kanila hahaha. Walanghiya, sasabak sa gyera na ewan!

Hindi ko napigilan ang pagtawa at huminto ako sa pagtakbo.

Napakunot-noo si Zac at huminto na rin.

Yeah, I know na mukha na akong baliw!

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Eh, sa hindi ko mapigilan ang pagtawa.

"What's funny?" Nakakunot noong tanong ni Zac.

Ang seryoso ni Baby ah. Habang ako ay parang baliw lang dito.

Umayos ka Alexis, nasa gitna ka ng gyera. Tumatawa ka pa!

Ang tapang mo ngayon brain ha. Matulog ka muna kaya diyan!

Hinga ng malalim...

Inhale, Exhale!

Kalma Alexis and focus.

Thank you heart, buti ka pa.

Loka-loka na talaga ako. Pati puso ko ay kinakausap na!

"Nothing, may nakita lang ako. Don't bother me. Let's go!" Hinila ko na siya sa kung saan.

Pero biglang may nagpaputok sa paanan namin. Napasayaw tuloy kami ng tinikling!

Okay lang, dancing while holding our hands. Sarap sa pakiramdam kahit mamamatay na kami hehe.

Nang matigil ang pagputok ay nagtago kami ni Zac. Sumilip ako kung sino ang nagpaputok sa amin.

Si Joanna. Ang higad pala!

"Can you handle her? I will help Adrian." Sambit ni Zac.

Sinundan ko ang mga mata niya kung Sana nakatingin.

Si Adrian ay napapalibutan na ng mga midnight hole este midnight assassins!

Not just one but hundreds!

Ang dami naman yata ng tauhan ni bigote! Nasaan na kaya 'yon?

"Go, Zac baka mamatay pa si Adrian. He saved my life twice. Help him!" Sagot ko at kumaripas na siya ng takbo.

Pero tinawag ko siya ulit.

"Zac, mag-ingat ka!" Sigaw ko na hindi makatingin sa kanya ng deretso.

"I will, baby!" Sagot niya at kumindat pa.

Naku, nahulog na ang puso ko.

Jusko dai, grabe sa kilig!

Pero napukaw ang kinikilig kong damdamin ng paputukan ako ulit ni Joanna.

Ngayon, magtutuos tayo babaeng higad!

Pinatamaan ko ng aking shurikens ang kanyang damit at dumikit ito sa puno ng kahoy.

"Bitch!" Sigaw niya habang pilit na kumakawala.

Dumaan ako sa kanyang likuran at inagaw ang armalite na hawak niya.

Pinagbabaril ko muna ang lahat ng asungot sa gilid at si Joanna nalang ang natira.

Sakto at nakakita ako ng masking tape.

Nilagyan ko ng tape ang katawan ni Joanna at idinikit sa puno.

"Tada! Ayos ba ang feeling nang nakatali? Pero ang pangit na tuloy ng kahoy dahil sayo besh. Hindi bagay, tsk!" Umiiling na sambit ko.

"Damn you bitch! Pakawalan mo ako!" Sigaw niya habang pilit na kumakawala.

"Pakawalan? In your dreams!" Sagot ko at tinadtad ng sampal ang magkabila niyang pisngi.

"Ouch! I will kill you Alexis!" Galit na sigaw niya.

"Then, kill me!" Sampal to the right, sampal to the left!

Ang saya pala kung ikaw ang mananampal!

Ang pula na ng pisngi ni Joanna.

"Masakit ba? Kanina ka pa sampal ng sampal sa akin. We are even but No! Mas malala ang sa'yo hahaha para ng kamatis na ilalagay sa salad sa sobrang pula. Ito pa! Tanggapin mo higad!" Natigil ang aking pagsampal ng may baril na biglang nakatutok sa aking ulo.

"Fierce and fearless. We meet again." Bulong nito sa akin.

Dahan-dahan akong napalingon at bumungad sa akin ang pangit na mukha ni Bigote!

At hindi ako magkakamali sa boses na ito.

"Bigote na pangit!" Nakairap kong sagot.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report