My Old Billionaire Husband -
Chapter 77 The Ex-wife
Alexis
Akalain mo yon!
Nag honeymoon lang kami ni Zac at natulog pag gising namin ay nanganak na si Debbie at nabinyagan pa!
Syempre, Ninang kaming dalawa ni Lara.
Nagpakasal na rin si Lara sa kanyang Korean boyfie.
At nandito parin kami sa Italy.
Isang taon na kami dito!
And we decided to go home.
Si Debbie at Hector ay nasa Spain parin with their cute little princess Debhe Kitty. Ewan kung bakit yan ang ibinigay na pangalan ni Debbie sa kanyang princess. Siya ang nanay kaya siya ang masusunod.
Debhe rin ang name kagaya niya. Sana ay huwag lang magmana sa kaingayan ng kanyang nanay!
We are here at the airport at nagpapaalam na kina Mommy at Daddy. Si Adrian at Dad ay nakihatid din.
Sila Mom at Dad ay bumalik ng Japan. At medyo nalulungkot ako dahil hindi pa namin sila nabibigyan ng apo.
Ginawa naman namin ang lahat..
Kahit anu-anong sex position na nga ang aming sinubukan pero waley parin!
Siguro ay hindi pa namin time magkaanak.
I'm sure God will grant us kids soon.
Willing naman akong maghintay dahil bata pa ako.
"Bye Mommy. Mag-ingat kayo dito." Sabi ko at niyakap si Mommy.
"Kayo ang mag-ingat. Tawagan mo ako kapag nakauwi na kayo." Ang sagot ni Mommy. "Ingatan mo si Alexis Zac." Si Daddy.
"No problem Daddy." Sagot ni Zac.
"Goodbye Sis." Si Adrian.
Ewan ko ba. Cringe sa pandinig ang tawagin niya akong sis. Pero hinayaan ko nalang.
"I'll visit you soon my little princess." Si Lolo na niyakap ako.
"Yes Lolo. I'll wait for you and I'm gonna miss your chicken tinola." Ang sagot ko.
Si Dad ay nakapagtatakang tahimik lang!
"Dad, we're going. Ingat ka dito." Tawag ko sa kanya.
"Wahh! Huhuhu." Nagulat kaming lahat ng bigla itong umiyak.
Nagtinginan ang mga pasahero sa amin. Parang bata kasi si Dad!
"Umayos ka Juanito." Saway sa kanya ni Daddy.
"I will miss you my daughter! Ngayon lang kami nagkita Manolo! Nakasama niyo siya ng matagal." Sagot ni Dad na umiiyak parin.
Naintindihan ko naman si Dad. Ngayon lang kami nagkakilala bilang mag-ama. I'm gonna miss him too.
"You can always fly to Philippines Juanito. Stop acting like a child!" Ang naiinis na saway ni Mommy.
Tama nga naman siya. Anytime ay pwede nila akong dalawin. Kami ni Zac.
"Oh right! I will surely visit you my daughter." Tumigil na siya sa pag-iyak at masaya na.
Tinawag na ang aming flight at Goodbye Italy na.
Gusto ni Zac na sa private plane kami sumakay pero mas pinili ko dito.
PHILIPPINES
Medyo napagod ako sa biyahe at na miss ko rin ang kwarto namin ni Zac.
Uie, Bakit iba ang naiisip mo brain?
Napaka naughty mo na ngayon ha!
Sige na at binyagan natin ang kwarto namin ni Zac hehe.
Kahit wala kami ni Zac sa Mansion ay walang tigil sa kakalinis araw-araw ang mga maids dito.
Masaya akong tumakbo papasok ng gate. Nauna na ako kay Zac dahil gusto ko siyang e surprise sa aming kwarto.
Alam niyo na mga besh.
Bardagulan!
Pero ako ang nasorpresa ng makapasok na sa sala. Isang sexy na babae ang nakaupo at umiinom ng kape ang aking nabungaran!
Napatigil ako sa pag-akyat papuntang kwarto.
Pinagmasdan ko ang babae at nag-abot ang aming mga titig.
She smirk at me and I raise my eyebrow to her.
Jessica Monteverde?
Zac's ex-wife!
"Hello Dear, who are you?" Ang tanong nito.
Who am I?
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Nakakainsulto naman ata.
Papatalo ba tayo mga besh?
Syempre hindi!
"I'am Alexis Jenn Buenavista WALKER!" May diin talaga ang pagkakasabi ko ng apelyedo ni Zac.
Kunyari at nagulat ang bruha!
"Oh, I'm sorry that I didn't recognize you. Maganda kasi ang mga pictures sa newspaper and television. But you look- different! In personal." Sagot niya na tiningnan talaga ako from head to foot! I also look at her from head to foot with disgust.
Kulang nalang ay kumanta kami ng my toes, my knees!
Tila uminit ang buong paligid ng magkatitigan ulit kami ng aming mga mata.
Kahit hindi na kami mag-usap ay ramdam ko ang apoy na nagliliyab.
Kung ano man itong apoy na ito ay ewan.
Basta ang nararamdaman ko ngayon ay samut-saring emosyon!
What is she doing in here?
Of course para manggulo.
She looks like trouble!
"Pangit ako sa mga pictures but I'm much more beautiful sa personal. " Ang nakangiti kong sagot.
She laugh na para bang hindi makapaniwala.
Gandang-ganda sa sarili ang bruha. Mukha namang retokada!
Suntukin ko kaya ang ilong nito?
Naiinis kong tanong sa aking isipan.
"Oh, I'm sorry for that. By the way I'am Jessica Monteverde. Zac's EX-WIFE!" Talaga naman. Binigyan diin pa ang ex-wife! Proud pa ang bruha.
And this time ako naman ang tumawa ng malakas at napatingin siya sa akin.
Akala mo ikaw lang ang baliw. Mas lukaret ako bruha!
"Yeah, the gold digger ex-wife! Oops. Sarry." Ang nakatawa kong sagot. At kita ko ang pag-iba ng mukha niya.
Hindi siya nakasagot ng biglang dumating is Zac.
"What are you doing in here?" Ang nakakunot noong tanong ni Zac.
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Bigla akong nakaramdam ng kaba at napatingin kay Zac.
She is his first wife. Kahit na mag ex na sila ay baka may spark pa siyang maramdaman?
Bakit ang sakit!
At hindi ko hahayaan 'yon na mangyari.
Ako na ang asawa ni Zac ngayon and I will not let her ruin our marriage!
"We need to talk." Ang maikli niyang sagot.
"There's nothing to talk between the two us." Ang malamig na sagot ni Zac at umakyat na ito papuntang kwarto pero humabol pa ang bruha.
"It's very important! You need to listen to me." Ang naiinis na sagot ni Jessica.
Napatigil si Zac sa paghakbang.
"You're funny. You can go home! Let's go and rest baby." Tawag niya sa akin.
Akala ko ay nakalimutan na ako ni Zac.
Masaya akong umakyat na nakasunod sa kanyang likuran.
"We have a child!" Ang sigaw ni Jessica.
Napatigil ako sa paglalakad pati narin si Zac.
Tama ba ang narinig ko?
May anak sila ni Zac?
At bakit ngayon lang siya nagpakita ulit?
That means ay malaki na ang anak nila?
Biglang nanlambot ang aking mga tuhod.
Hindi ko pa mabigyan ng anak si Zac and here's his ex-wife telling us na may anak sila!
Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon!
"You're joking?!" Ang galit na tanong ni Zac.
"Now, you're talking to me." Nakangising sagot ni Bruha.
Bruha talaga. Sarap sampalin ng milyong beses!
"Just tell me straight." Ang malamig na sabi ni Zac.
"We have an 8 year old son. And his name is Zac Rogen Walker Jr." Ang seryosong sagot ni Jessica.
At muntik na akong mahulog habang pababa ng hagdan.
Nilagyan pa talaga niya ng Jr.!
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report