My Stranger Legal Wife -
CHAPTER 11: Two Version
Third Person's Point of View
Umalingawngaw ang malutong na tawa ni Kenneth sa buong silid. Sapu-sapo pa nito ang kanyang tiyan na sumakit dahil sa pagtawa.
"Stop laughing or else you'll see. Tatahiin ko 'yang bunganga mong 'yan." Pinalo siya sa dibdib ng babaeng kaharap.
"Sorry! I just can't help it." Pinigil nito ang sarili sa pagtawa.
"Mukhang natauhan na ang utu-utong si Alora." Nakangising itong umiling-iling.
"And it's all your fault! Kung hindi mo sinabing iharap niya sa'yo si Fuentares, hindi niya maiisipang gawin iyon! You bullshit! Sinira mo ang plano!" "Napaaga lang naman ah. Doon rin naman papunta ang plano mo." Naglakad ito patungo sa balkonahe at agad naman siyang sinundan ng kausap. "How can I be so sure that she will get hurt and be punished by Zeke Xavier? Masyado pang maaga para dito!" Agad namang siyang liningon ni Kenneth. "Nakita mo naman kung paano siya umiyak at maghabol sa'kin. Hindi pa ba siya nasaktan sa lagay na 'yon?"
"Kulang pa 'yon! Kulang na kulang pa iyon!" Hindi nito itinago ang labis na gigil. Makikita iyon sa talim ng titig at pag-igting ng kanyang panga.
"That's already too much for her to endure. Wala naman siyang kasalanan sa'yo." Bumunot ito ng sigarilyo at nagsindi.
Pinanlisikan niya ito ng tingin. Muntik pang mabilaukan si Kenneth dahil sa biglang pagpukol sa kanya ng masamang tingin nito.
Hindi ganito ang Richelle Ravina na una niyang nakilala. Kaagad niyang naisaisip na habang tumatagal ay lalong sumasama ang ugali ng babaeng kaharap.
"Akala ko ba tratrabahuin mo na 'to? Bakit nandito ka ngayon?" Pinilit niyang huwag ipahalata ang pagkagulat.
Nang malaman kasi nito ang nangyari sa huli nilang paghaharap ni Alora ay napagkasunduan nilang siya na pipigil kay Alora sa plano nitong ipagtapat ang katotohanan. "Dahil biglang dumating si Fuentares."
Nagpatuloy lamang siya sa paghithit ng sigarilyo at hinintay niya itong magpatuloy sa pagsasalita.
"Hindi naman ako pwedeng kumatok sa kwarto noong pumasok na sila. Walang akong maisip na excuse. Baka maghinala lang sila sa'kin. Argh! Wala sana akong problema kung nagawa kong lasingin si Alora." "At tingin mo, after that hindi na siya aamin."
"Shut up! Ang gawin mo, ayusin mo ang gulo dahil ikaw ang nagsimula nito! Hindi naman ako ang dapat na umaayos sa kapalpakan mo eh!"
"Alright! Alright! I'll try to send a message to her." Mabilis nitong kinuha ang kanyang cellphone at agad na gumawa ng mensahe para kay Alora.
"Sana lang magawa silang istorbohin ng katulong."
"Kung bakit ba kasi prinoproblema mo pa 'to. Eh ang plano mo naman talaga, ipahamak siya kay Zeke Fuentares." Umuusal ito habang nagtitipa ng mensahe sa kanyang cellphone. "The plan is not like this! Ang plano ay palabasing nagpanggap siyang Mrs. Fuentares para mag-take advantage! Wala pa tayong naipupuslit na pera sa kompanya! So what now?" "Magagalit pa rin sa kanya si Fuentares dahil sa panlolokong ginawa niya."
"No! Hindi pwedeng ganito lang! We have to change the plan."
"What? So, we're back to square one again?"
"I don't know, depende iyon kung malalaman na ni Fuentares. Now I need to leave your shitty place and make a move." Umirap pa ito bago naglakad patungo sa sala. Binalingan pa niya ito ng tingin bago damputin ang bag niya at diretsong naglakad patungo sa pinto.
'Shitty place daw samantalang ilang beses ko siyang ikinama dito.' Nailing na lang siya habang umuugong iyon sa kanyang isip.
Wala naman talaga sa plano ang lokohin niya si Alora subalit nangyari ang isang gabing nagkasala siya kasama si Richelle. Pareho silang lasing nang magtagpo ang landas nila sa isang bar.
"Hey, easy." Nagawa pa niyang pigilin ang palad ng dalaga sa pagdausdos nito mula sa kanyang dibdib pababa sa kanyang puson.
"You will surely love it, honey." Inilapit ng dalaga ang mukha nito sa mukha.
Isang lamang siyang nilalang na nagpatangay sa tukso. At sa sandaling nagtapo ang kanilang mga labi, naging mas mainit pa ang sumunod na pangyayari. Ang tagpong iyon ay naulit pa ng naulit hanggang sa tuluyan na ring nawala ang pag- ibig niya para sa kasintahan. Labis siyang nahumaling sa kayang ibigay sa kanya ni Richelle at may bonus pa iyong malaking halaga. Naging magkasundo siya lalo na sa paggamit ng bawal na gamot. Nagsimula lang iyon sa simpleng laro ngunit namalayan na lang niya ang sariling sumusunod sa lahat ng gusto ni Richelle. Isa na roon ay ang paikutin si Alora Leigh Andrada.
Planado ang lahat mula sa pagkakahanap ni Zeke kay Alora sa restaurant na pinagtratrabahuan nito hanggang sa pagkakatanggal nito sa trabaho. Naging madali lamang iyon sa ngalan ng pera. Bahagi ng plano ay ang pagnanakaw ng malaking halaga sa kompanya ni Fuentares at palabasing ang impostor na misis nito ang may gawa. Hindi nga lamang maintindihan ng binata kung saan nagmumula ang galit ni Richelle at gusto niyang pahirapan ng husto si Alora. Hindi umuwi si Richelle sa mansion ng mga Fuentares ng gabing iyon. Minabuti na lamang niyang magpadala ng mensahe sa kanyang boss upang magpaalam. Nagdahilan na lamang siyang may personal emergency siyang aayusin ngunit ang totoo ay abala siya sa paghahanda sa bagong plano laban sa walang kamuwang-muwang na kalaban.
Maaga siyang bumalik sa mansion sa sumunod na araw. Tahimik ang paligid katulad ng dati na para bang walang tensiyon.
"Nagawa kayang ipagtapat ni Alora ang totoo?" Ito ang katanungang unang sumagi sa kanyang isip.
Dala ng kyuryosidad ay kaagad siyang pumanhik sa taas. Mabilis niyang binagtas ang pasilyo patungo sa kwarto ng kanyang amo. Akmang kakatok na siya nang bumukas ang pinto. Bumungad sa kanyang ang napakagwapong mukha ni Zeke Xavier. Awtomatiko itong Napakunot-noo nang makita siya.
Agad gumuhit sa labi nito ang kanyang pekeng ngiti.
"Sir, good morning po."
"Good morning." Nasa mukha parin ng lalaki ang pagtataka.
"Ibibigay ko po sana kay ma'am Alora, sir." Itinaas niya ang hawak nitong plastic na may lamang mga prutas.
"Galing pang probinsiya yan, sir. Pasalubong po ng pinsan ko." Ngunit ang totoo ay binili lamang niya ito sa nadaanan niyang talipapa. Pinaghandaan niya talaga upang hindi mapaghalataan ang kanyang pakikiusyoso.
"She's still sleeping. Maybe you can give that to her later." Wala itong kangiti-ngiti subalit hindi rin naman ito mukhang bad mood.
Lalo tuloy siyang napapaisip kung ano ang nangyari matapos pumasok sa kwarto ang dalawa.
"Good morning, sir." Agad siyang napalingon sa pamilyar na boses.
"Art." Agad niyang napansin ang hawak ni Artheo na folder.
"Iyan na ba 'yon, Art?"
"Yes sir."
"Excuse us for a while Miss Ravina. I have an important matter to discuss with mister Pueblo."
"Sige po, sir." Ngumiti at tumango siya bilang tugon. Nang maglakad ang dalawa ay pinanood pa niya ang mga ito hanggang sa pumasok sila sa library room.
Kaagad naman niyang hinagilap ang kanyang telepono upang tawagan ang kanyang kakampi.
Pabalik-balik ng lakad si Richelle Ravina sa loob ng kanyang silid. Bagamat napagdesisyunan na nilang baguhin ang plano ay hindi parin siya mapakali. Kinakabahan siya sa hindi mawaring dahilan.
Napakislot at muntik na siyang tumili nang may kumatok sa pintuan ng kanyang silid. Agad rin niyang nasapo ang dibdib. Ilang sandali siyang humugot ng hininga upang kalmahin ang sarili. Nang mahanap niya ang komposyur sa sarili ay kaagad siyang lumapit sa pinto upang buksan iyon. Bumungad sa kanya ang isa sa katulong. Kulay abo ang kulay ng uniporme ng mga katulong na ang laylayan at manggas ay puti.
"Miss Richelle, nakahanda na po ang agahan."
"Okay, salamat." Nginitian niya ito ng tipid. Yumukod naman ang katulong ng bahagya bago humakbang paalis.
"Sasabay na ako sa'yo." Mabilis siyang humakbang upang masabayan ito.
"Ano na ngang pangalan mo?" Nginitian niya ito ng matamis.
"Jessa po."
"Jessa, huwag mong masamahin ah. Pakiramdam ko may something sa mga amo natin."
Saglit siyang tinapunan ng tingin ng katulong bago nagsalita.
"Meron nga po. Pero kahit ano pang mangyari, labas po kami roon. Tikom po ang bibig namin kahit ano pang masaksihan ng aming mga mata."
Nakaramdam siya ng pagkapahiya sa sinabi ni Jessa pero pinilit parin niyang ngumiti.
"Sabagay. Tama ka riyan."
Dahil sa tinuran ng katulong ay pinilit na lamang ni Richelle na magbukas ng ibang usapan. Narating na nila ang malawak na sala nang makarinig sila ng busina ng sasakyan sa labas. Kaagad napunta sa bukas na malaking pintuan ang kanilang atensiyon. At mula sa labas ay kitang-kita nila ang magarang itim na sasakyan. Pinagbuksan ng driver ang backseat at mula roon ay lumabas ang isang napaka-eleganteng babae. Nakasuot ito ng itim na off-shoulder dress na hanggang tuhod. Tinernuhan niya iyon ng itim na heels.
Buong kompiyansa itong naglakad papasok sa loob ng mansion.
Agad naman nataranta si Jessa nang makilala ang bagong dating. Kaagad itong lumapit at yumukod.
"Good morning po, ma'am."
Maamo ang magandang mukha nito na lalo pang lumutang sa kanyang make up. Nakaayos ang buhok nito na katulad ng isang Donya. Pinaganda iyon ng palamuti sa buhok na kumikinang at halatang mamahalin.
"So, you really came." Agad namang napalingon si Richelle sa nagsalita sa kanilang likuran. Walang iba kundi si Zeke Fuentares.
"I didn't came here for you. I came here for Alora." Nakaarko pa ang kilay nito habang diretso ang titig nito kay Zeke. Binigyan naman siya ng lalaki ng blankong ekspresiyon.
"Leina." Napunta ang tingin ng lahat sa nagsalita. Walang iba kundi si Alora. Nakatayo ito sa ikalawang baitang ng hagdanan. Nakalugay ang buhok itong abot hanggang siko ang haba. Nakasuot siya ng puting T-shirt at pajama na kulay blue- green.
Kaagad naman binagtas ng bagong dating na sopistikadang babae ang kanilang distansya. Agaran din niya itong binigyan ng panandaliang yakap.
"My dear, how are you? Did they hurt you." Masuyo itong humawak sa pisngi ni Alora. Umiling naman ang huli bilang tugon.
"Let's go home." Humawak ito sa kamay niya marahan siya nitong hinila.
"No! Walang aalis!" Napalunok si Richelle sa boses ni Zeke Fuentares. Nakita pa nito ang pag-exit ng katulong na si Jessa.
"And why not?" Matapang parin ang sopistikadang babae. Hindi man lang nakakitaan ng kahit anong takot.
"Leina." Pinisil ni Alora ang kamay ng babaeng kahawig upang pigilan ito. Pareho-pareho sila ng mukha pero kitang-kita ang kaibahan mula mula sa kilos at pananamit.
"He needs an explanation. Hindi tayo pwedeng umalis ng gano'n lang."
"Alright!" Nag-ikot pa ito mata bago siya bumaling kay Zeke Fuentares.
"Let's talk privately. I'll tell you everything even though I know that you already have an idea."
Kaagad namang naglakad si Zeke Fuentares paakyat ng hagdan. Nilampasan niya ang dalawa na parang hangin.
"Follow me." Wala parin siyang kaemo-emosyon. Hindi tuloy mawari kung anong nararamdaman niya sa mga nangyayari.
"Stay here, dear. After this, uuwi na tayo." Agad na lumingon sa kanila si Zeke nang marinig niya ang sinabi ng babae.
"No! The two of you will explain. She's also involved here!"
Nakita niya ang pag-alma sa mukha ni Leinarie ngunit agad naman siyang hinawakan ni Alora sa kamay.
Magkahugpong ang kamay ng dalawa nang sumunod sila kay Zeke Fuentares. At sa sandaling mawala sila sa paningin ni Richelle, doon na siya nakaramdam ng pangangatog ng tuhod. Magiging matagumpay kaya ang susunod nilang plano? Kaya nga ba nilang banggain ang isang Zeke Xavier Fuentares?
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report