My Stranger Legal Wife
CHAPTER 14: Belmonte Family

Daddyyyyy!" Umalingawngaw ang pagtawag ni Neil sa kanyang ama. Napailing na lang si Franc.

"Let's continue this tomorrow." Tinapik niya ang balikat ng kausap. Tinanungan naman siya nito. Alam na agad iyon ng lahat sa loob ng Melendrez Corp. Alam nilang handang ipagpalit ni Franc ang lahat para sa kanyang anak. "Daddy! Daddy!" Agad hinarap ni Franc ang anak.

"Daddy, let's go to the mall. I want to buy a new toys."

"But daddy is working, son."

Agad namang nalukot ang mukha ng bata. Sumimangot at saka humalukipkip ito habang direstso ang tingin ng nanlilisik niyang mata sa kanyang ama.

"Manang-manang ka talaga sa nanay mo." Naiiling na lamang na naisaisip ni Franc Belmonte.

"I want to go to the mall, now!" Pumadyak-padyak pa ito.

Alam na ni Franc na ipipilit at ipipilit na naman nito ang kanyang gusto. Bagay na nakuha niya sa kanyang ina.

Napabuntong-hininga na lamang si Franc.

"Alright! Wait for me here."

"Yeheyyyy!" Nagtalon-talon pa ito sa labis na tuwa. Para namang hinaplos ang puso ni Franc. Sa ngayon, ito lang ang tanging mahalaga sa kanya, ang makitang masaya ang anak.

Hindi naman mapalis ang ngiti sa labi ng batang karga ni Franc. Kumikislap ang mata nitong iginala sa loob ng mall.

"I want that one!" Puno ng galak niyang itinuro ang sasakyang laruan. Agad naman siyang ibinaba ni Franc. Mabilis itong lumapit sa laruang nakita. Sa likod nito ay nakasunod si Mari na yaya ng kanyang anak. Napangiti na lang si Franc habang pinapanood ang anak nitong lagay ng lagay sa cart.

"Neil?" Napatingin siya sa pinagmulan ng pagtawag.

"Leinarie," mahinang usal niya. Matamis ang ngiti nitong lumapit kay Neil.

Humakbang palapit sa kanila si Franc.

"Tita Alora, we met again."

Natigilan si Franc. Noon lang niya napansing si Alora nga talaga ang nasa harap nila. Mapapansin iyon sa suot niyang kulay moss green na women's polo shirt na tinernuhan niya ng itim na pantalon. Napailing na lamang siya. Naisip niya na mabuti pa ang bata dahil agad itong nakilala.

"Hi Alora, it's been a while." Nagawa niya itong ngitian at batiin kahit disappointed siya na ito ang nasa harap nila at hindi ang babaeng gusto niyang makita.

"Hi, Franc." Ngumiti rin ito sa kanya.

"Tita Alora, come and join us. We will eat my favorite food." Hinila siya sa kamay ni Neil kaya naman nabaling ang tingin nito sa bata.

Umupo naman si Alora para pantayan ito.

"Gusto ko man kaso may pupuntahan kasi ang tita eh."

"Saan ka po pupunta?" Gumuhit ang lungkot sa mukha nito.

"Naghahanap kasi ng work ang Tita. Hayaan mo, next time kain tayo together." Binigyan niya ng ngiti ang bata pero hindi nabura ang lungkot sa mukha nito. Bagkus ay tumingin si Neil sa amang si Franc, tingin na animo ay nagpapasaklolo. "Hiring ang Melendrez Corp ngayon, Alora. Pwede kang mag-apply roon kung gusto ko."

Nginitian lang naman siya si Alora bilang tugon.

"Pero sana pagbigyan mo na ang bata. Kahit sandali lang sana."

"Please, Tita." Pinagdaop pa nito ang dalawa niyang palad.

"Sige na nga. Ang cute mo kasi eh. Hindi kita matiis." Humawak ito sa pisngi ng bata habang nakangiti rito.

"Yehey!" Nagtatalon naman si Neil. Agad din siyang yumakap at nagpakarga kay Alora Andrada. Samantala.....

It was busy week for Zeke Xavier. Nang araw matapos ang pag-uusap nila ni Art ay inutusan niya ang katulong na magdala ng mga gamit na kakailanganin niya sa biyahe. Kaagad din silang umalis ni Richelle noong araw na iyon. Halos wala siyang pahinga pagkarating niya ng Japan. Kaliwa't-kanang business meeting ang hinarap niya roon. Personal din siyang pumunta sa machine testing na kakailanganin sa expansion ng kanyang kompanya sa food industry. Minadali niya ang lahat at walang sinayang na oras dahil kating-kati na siyang umuwi ng Pilipinas. Miss na niyang umuwi sa kanyang tahanan.

"Bahay mo lang ba talaga ang nami-miss mo?" Tudyo ng utak niya.

"Hindi ko siya nami-miss." Mahina niyang naisatinig.

Isa sa dahilan kung bakit ginawa niyang busy ang sarili sa Japan ay dahil pasulpot-sulpot sa utak niya ang nakangiting mukha ni Alora Andrada. "Ha? Ano 'yon sir?

Nakalimutan niyang kasama niya pala si Richelle habang hinihintay nila si Mang Kanor na siyang susundo sa kanila mula sa airport.

"Wala. Don't mind it." Binigyan niya ito ng pilit na ngiti. Sa kanilang limang araw na magkasama ni Richelle Ravina, wala siyang nakitang kahina-hinala sa kilos nito.

"Naku sir, pasensya na. Naipit lang sa traffic." Humahangos na lumapit sa kanila ang driver. Agad din nitong kinuha ang bagahe ng kanyang amo.

"I understand, Mang Kanor. Let's go." Nagpatiuna na rin siya sa paglalakad. Hindi na talaga makapaghintay si Zeke na makauwi sa kanyang tahanan.

Nang makarating siya sa kanyang mansion ay masayang mukha ng mga tao roon ang sumalubong sa kanya.

"Welcome home, sir." Halos sabay-sabay na bumati ang limang katulong sa kanya.

"Salamat." Iginala niya ang paningin niya. Ngunit ni anino ng taong hinahanap niya ay hindi nito makita.

"May ipag-uutos ka ba, sir?" Agad napukaw ang atensiyon niya nang magsalita si Manang Linda.

"Ipagluto niyo ako, manang. Na-miss ko po ang luto niyo." Ngumiti siya sa matandang mayordoma pero hindi nagtagal sa kanya ang atensiyon niya dahil muli na naman nitong iginala ang kanyang paningin. "Anong gusto mong kainin, sir? Ihahanda namin agad."

"Si Alora, Manang?"

"Diyos kong mahabagin!" Awtomatikong bumalik ang tingin ni Zeke kay Manang Linda. Nakahawak ang matanda sa kanyang dibdib na para bang may hindi nagustuhan sa narinig.

"Sir naman, hindi naman po pwedeng kainin si Ma'am Alora." Namumula pa ang matanda nang sabihin niya iyon. Nang igala niya ang tingin niya sa iba pang katulong na naroon ay may pigil na ngiti ang mga ito sa labi. "Aba sir, si maam Alora lang ang makakapagsabi kung gusto niyang magpakain." Sumilay naman ang pilyong ngiti sa labi ni Mang Kanor.

Para namang tangang pinaglipat-lipat ni Zeke ang tingin sa kanila.

Tumikhim naman si Richelle na nasa tabi niya.

"Ano daw ba ang gusto mong kainin, sir? Maghahanda raw po si Manang Linda." Seryoso ang mukha nito bagama't malumanay naman ang kanyang boses.

Tumingin naman siya kay manang Linda.

"Anything will do manang. Lahat naman po ng luto ninyo masarap."

"Oh siya, maghahanda na kami agad, sir." Sumenyas si Manang Linda sa iba pang katulong na iwanan na sila at bumalik na sa kanilang mga trabaho.

"Mauna na ako sa kwarto ko, sir." Tinanguan naman ni Zeke si Richelle bilang tugon.

"So my question, where is Alora?"

Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Richelle. Napalingon pa nga ito sa kanyang amo pero tinuloy lang niya ang maglakad paakyat ng hagdan upang hindi siya maghinalaan.

"Ah kaninang umaga pa siya umalis, sir." Agad namang napunta ang tingin ni Zeke sa orasan. Pasado alas-tres na rin ng hapon.

"Saan siya pumunta?"

"Hindi ko po alam, sir. Basta bihis na bihis po siya."

Sumikdo ang puso ni Zeke sa narinig pero hindi siya nagpahalata.

"Lagi ba siyang umaalis?" Pinilit niyang kalmantehin ang boses.

"Hindi naman, sir."

"Alam ba niyang uuwi ako ngayon?" Hindi na niya napigilan ang sariling mapakunot-noo.

"Oo sir, nasabi ko sa kanya kagabi."

"Then bakit wala siya rito?" Hindi na rin naitago ang pagkairita.

"Hay naku po! Eh ikaw ba, nagpaalam ka ba noong umalis ka, sir?"

Pakiramdam ni Zeke Xavier ay nasampal siya sa winikang iyon ni Manang Linda. Malumanay ang pagkakasabi ng matanda pero naging masakit ang impact ng salita sa kanya.

"Yeah right! Ano nga bang karapatan ko?" saad niya bago humakbang paakyat sa taas.

Ang bigat ng damdamin ni Zeke ay hindi nawala kahit lumipas na ang ilang oras. Kaya naman napagpasyahan niyang iligaw na lang ang damdamin sa pamamagitan ng paborito niyang alak.

Hawak-hawak nito ang basong may lamang alak. Nakapamulsa ang isang kamay nito habang nakatayo. Tanaw na tanaw niya ang bakuran ng kanyang tahanan mula sa floor to ceiling na glass wall habang hinihintay niya ang pagdating ni

Alora.

Napatigil si Zeke sa pagtungga ng alak nang may humintong kulay pulang kotse sa harap ng kanyang bahay. Napakunot-noo siya nang makitang may bumaba roon, walang iba kundi ang taong kanina pa niya hinihintay.

Nakita niyang kumaway pa si Alora pagkalabas na pagkalabas niya ng kotse. Nang akmang isasara na niya ito ay mayroon bumaba mula sa loob. Isang bata ang yumakap sa kanyang binti. Agad naman siyang kinarga ni Alora.

Lalo tuloy niyang ipinukol ang tingin niya sa kanyang kabiyak. Nakita niya na parang nag-uusap ang dalawa. Makalipas ang ilang sandali ay hinalikan siya ng bata sa pisngi. Gumanti rin ng halik si Alora ngunit sa noo ng bata. Pagkatapos ay yumukod siya at ipinasok ang loob ng kotse ang bata. Kumaway itong muli bago iyon isara. Bumaba ang bintana ng driver's seat. Mula roon ay kumaway din ang isang lalaki.

Umatras si Alora nang magsimulang umandar ang kotse. Ngunit nanatili pa siya sa gilid ng kalsada kahit noong umusad na ang sasakyan. Ilang beses pa itong kumaway bago tuluyang pumasok sa loob ng bakuran. "Sino ang mga taong 'yon?" Naisaisip niya.

Wala mang kasugutan ang kanyang tanong, labis parin siyang nakaramdam ng paninibugho. Nakaramdam siya ng sakit sa dibdib sa ideyang binalewala ni Alora ang pag-uwi para sa mga taong kasama niya kanina.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report