My Stranger Legal Wife -
CHAPTER 21: Cerie
Bumungad kay Alora ang sampung palapag na kulay kremang gusali. Sa itaas ng malaking pintuan nito sa ground floor ay makikita ang salitang CERIE na ang bawat letra nito ay nasa malalaking titik. Simple lamang ang hitsurang panlabas ng gusali ngunit napaka-presko naman sa paningin ang mga puno at halaman na nasa paligid nito. "The hotel looks new." Agad na nasaad ni Zeke nang lumapit sa kanila si Art.
"Yes, sir! Halos tatlong buwan pa lamang po mula noong magbukas ito."
"But don't worry, sir. The facilities of the hotel are good." Kaagad rin niyang turan.
Tumango-tango naman si Zeke. Maya-maya lang ay lumabas na rin mula isang mini bus na pag-aari ng kompanya ang higit sa benteng empleyado ng kompanya.
Nang lumakad papasok sa hotel sina Alora, Zeke, Art at Richelle ay sumunod na rin sa kanila ang mga empleyado. Pili lamang ang mga empleyado na kasali sa event. Bahagi lamang ito ng malaking pagdiriwang sa anibersaryo ng kompanya. "Welcome to Cerie Hotel!" Sabay-sabay ang masigla pagbati ng anim na staff. Matapos iyon ay sabay-sabay din silang yumukod. Lahat sila ay puro babae. Kulay peach din ang suot nilang blouse at skirt na hanggang tuhod ang haba. Naka- neat bun din ang buhok nila ay may laso na kulay peace din.
Maya-maya lang ay dalawa sa staff ang lumapit sa kanila. Isa-isa silang sinuotan ng tinuhog na bulaklak na ginawang animo ay isang kwintas.
"Thank you." Ngumiti ng matamis si Alora matapos isuot sa kanya iyon. Ang katabi naman nitong si Zeke ay pumulupot ang kamay sa kanyang beywang.
Isa sa staff hotel ang nabigay ng keycard ng mga hotel rooms kay Richelle Ravina. Isa-isa namang ibinigay iyon ni Richelle sa mga empleyado.
"Team, you can go to your respective rooms and after an hour of rest, we will start the seminar." Panimula ni Art.
"It will be a tiring day but I assure you, all of us will enjoy later especially tonight."
Pumalakpak naman ang mga empleyado.
"Miss Ravina will just give you a call as soon as the seminar will start." Sunod na turan ni Art.
"Okay, team! You may go now to your rooms."
Nagsiusal pa ng thank you ang mga empleyado bago sila humakbang paalis.
"Sumama ka na rin sa kanila, Miss Ravina." Turan naman ni Zeke kay Richelle na katabi lamang ng kanyang misis.
Pinilit na lamang ngumiti ni Richelle. Ramdam niya ang magiging distant sa kanya ng kanyang amo sa mga nagdaang araw. Halos wala tuloy siyang nakukuhang impormasyong maaaring makatulong sa plano. Gayunpaman, napangisi na lamang siya nang maglaro sa isip niya ang nalalapit na katuparan ng kanilang plano.
"Wife, can you wait me here for a few minutes. May sasabihin lang ako kay Art."
Tumango at ngumiti naman si Alora bago siya umupo sa sofa na nasa lobby ng hotel.
Lumayo naman sina Art at Zeke. Nang masiguro ng dalawa na hindi na nakatingin si Alora ay inabot ni Art kay Zeke ang isang maliit at kulay pulang kahita.
Kaagad namang binuksan iyon ni Zeke. Tumambad sa kanya ang isang singsing. Mayroon itong malaking diamante sa gitna at malilit sa makabilang gilid nito. Simple lamang ito ngunit hindi maitatangging mamahalin ito. "Do you think, she will accept it?"
Lumingon muna si Art kay Alora.
"Kayo po ang makakapagsabi niyan, sir. Kayo po ang lagi niyang kasama."
"I'm feeling nervous, Art."
"Tingin ko naman po, hindi tatanggi si ma'am Alora. At saka tingin ko po useless rin naman po kahit tumanggi siya kasi legally married naman po kayong dalawa, sir."
Mahina namang natawa si Zeke sa sinabi nito.
Nang lumingon sa kinaroroonan nila ni Alora ay pasimpleng ibinulsa ni Zeke ang kanyang hawak. Napatikhim naman si Art at pasimpleng inalis ang tingin sa asawa ng kanyang amo. "Tungkol nga pala sa Melendrez Corp, sir, nagawa ko na ang utos niyo."
"Good!"
"For sure, they will be back in track soon, sir. Lumaki po ang hawak ninyong share at napapalitan na rin po ang mga umalis na investor dahil po sa secret recommendation niyo, sir." "Mabuti kung gano'n, Art."
Napangiti si Zeke nang maalala niya ang mukha ni Neil. Ito ang dahilan kung bakit niya palihim na tinulungan niya si Franc Belmonte kahit hindi siya kampante rito. Pakiramdam niya kasi aagawin nito si Alora sa kanya. Lalo na at minsan na nitong binuntis at inagaw ang babaeng minsan niyang minahal.
"Just update me. Our goal for now is to help them."
"Yes, sir."
"Okay, puntahan ko na si Alora. Keep me updated."
Tinapik siya ni Zeke sa balikat bago niya ito iwan at lapitan ang kanyang misis.
Nang lumapit si Zeke sa kanyang misis ay nakangiting tumayo si Alora. Hinapit niya ito sa kanyang beywang nang maglakad na sila patungo sa kwarto nila. Samantalang ay ang isang kamay naman ito ang humila sa maleta nila. "We have one hour rest before the seminar will start. What do you want to do?"
"Dapat magpahinga ka. Late ka na natulog kagabi tapos ang aga mo ring nagising kanina. Alam kong pagod ka, three hours kang nagmaneho."
Kinintalan siya ng halik ni Zeke sa gilid ng kanyang noo.
"I'm okay. I am used to it, wife."
Napanguso na lamang si Alora.
"So, tell me what you want to do."
"Kain tayo. Parang gusto ko ng chicken lollipop. Tapos ano, tortang talong, chili crab tas ano rin pala pickles."
Napangiti si Zeke habang tinititigan itong magsalita. Hindi nga maitatanging napakaganda nito.
"Gusto ko ng pickles, papaya pickles." Nagningning pa ang mata nito.
Bahagya tuloy natawa si Zeke dahilan upang mapabaling sa kanya si Alora. Nawala rin ang ngiti nito.
"Ba't mo ako pinagtatawanan?" Nakakunot-noo ito pero malumanay naman ang boses nito.
"Please don't get mad. Ang cute mo kasi kanina kaya natawa ako ng konti."
Napasimangot si Alora. At saka siya pinanliitan ito ng mata.
Eksakto namang nakarating sila sa tapat ng room nila. Bumitaw sa kanya si Zeke at lumapit sa pinto upang buksan ang pintuan. "Aminin mo, bakit mo ako pinagtatawanan?
"Ang cute mo nga."
"Hay naku! Hindi ako naniniwala sayo." Nauna na itong pumasok sa loob ng kwarto nila. Agad din naman siyang sinundan ni Zeke.
"Okay, don't believe me. It's not true that you are cute." Tumigil ito sa pagsasalita at inilapit niya ang mukha sa kanyang misis. "Because you are beautiful."
"Bolero." Pinigilan ni Alora ang pagguhit ng ngiti sa labi niya.
Umupo siya sa kama at tumalikod sa upang pakawalan ang pinipigilan mga ngiti.
"Rest wife, I know that you're tired."
Nang madala nito ang maleta sa gilid ng kama ay sunod na niyang inilabas ang cellphone niya at nagtipa.
"Anything else that you like? How about drinks?"
"Orange juice na lang siguro."
"Okay." Nang matapos magtipa si Zeke sa kanyang cellphone ay agad siyang umupo sa tabi ng kanyang misis at niyakap ito.
"C'mon, we can lay down. I know you're tired."
"Sandali, tanggalin ko lang ang shoes ko."
"Ako na." Mabilis na tumayo si Zeke sa kama lumipat sa harap ni Alora. Tinanggal nito ang sapatos ni Alora. Hindi na siya umimik bagaman ay nanatili siyang nakatingin sa kanyang mister.
Nang matapos nitong tanggalin ang kanyang sapatos ay masuyo nitong nilagay sa kama ang paa nito.
"Ako na gagawa niyan." Mabilis na saad ni Alora nang makita niyang nagtanggal din ito ng sapatos.
"I can do this." Ngumiti ito sa kanya. "Just take a rest."
Nahiga na lamang si Alora sa kama at pinanood na lamang ang kanyang mister. Matapos nitong magtanggal ng sapatos ay itinabi nito ang kanilang mga sapatos sa kanya. May nakahanda namang dalawang pares ng indoor slipper sa gilid ng kama na pag-aari ng hotel.
Tumabi si Zeke sa kanyang misis at yumakap ito sa kanya.
"How I wish we can spend the whole day like this."
"Hindi ka ba mababagot?"
"There is no space of boredom when I'm with you." Kinintalan niya ng halik sa pisngi si Alora.
"Bolero!"
Bumaba ang kamay ni Zeke at pumasok sa ilalim ng T-shirt ni Alora.
"Gutom ka na ba?" Humaplos ang kamay nito sa tiyan nito.
"Hindi pa naman."
"You're gaining weight." Mahinang usal nito.
"Ayaw mo ba? Hindi na ba ako sexy?"
"Sabi ko naman sa'yo dati, you're still beautiful even you get fat."
"Hindi ba si Leina 'yon?"
"It's for you. Ikaw ang kaharap ko noon."
Dumausdos pataas ang kamay nito.
"Opps." Piniligilan ni Alora ang kamay nito nang isang pulgada na lang ang layo nito sa kanyang dibdib.
"Narinig mo ba 'yon?"
Muling tumunog ang doorbell.
"Tingin ko nandiyan na ang pagkain." Nakatawang turan ni Alora.
Napasimangot naman si Zeke na inilabas ang kamay nito.
"They respond so quick."
Natawa na lamang si Alora habang pinapanood ito maglakad patungo sa pinto.
"Ngumiti ka naman bago mo buksan yan."
Liningon naman siya ni Zeke.
"Ngiti na."
Lalo lang nalukot ang mukha nito.
"Okay, kahit huwag ka na ngumiti basta huwag naman ganyan.
Nagkibit-balikat na lamang si Zeke bago buksan ang pintuan.
"Good morning, sir." Matamis ang ngiti ng staff ng hotel. Tulak-tulak nito ang cart kung saan naroon ang mga pagkain. Linuwagan naman iyon ni Zeke at hinayaan siyang makapasok. Nanatili sa pintuan si Zeke. Si Alora naman ay tinulungan ang staff na ilagay sa mesa ang pagkain.
Muli siyang nginitian ng staff nang dumaan ito sa harap niya palabas ng kwarto nila.
Akmang isasara na ni Zeke ang pintuan nang bumukas din ang pinto ng katapat nilang kwarto.
Nagtama ang kanilang mga mata. Mula roon ay nakita niya ang isang pamilyar na tao.
Walang iba kundi si Kenneth Quino.
"What is he doing here?" Saad niya sa sarili.
"Tara na, kain na tayo."
Sandali siyang napalingon kay Alora nang magsalita ito. Abala parin ito sa pag-aayos ng mesa.
Muli niyang ibinalik ang tingin kay Kenneth.
Nakatingin parin nito sa kanya.
At nakaarko ang gilid ng labi nito na tila ba may nais ipakahulugan.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report