My Stranger Legal Wife -
CHAPTER 33: Finale
Makalipas ang isang taon.....
Akmang papaandarin ni Zeke ang kanyang kotse nang makita niya ang paglabas ni Alora sa kanilang mansiyon. Nakasuot ito ng maong na pantalon at kulay asul na T-shirt. Maya-maya lang ay nakita nito ang pagpasok niya backseat ng isa lang kotse. Sumunod naman na pumasok sa driver's seat ang driver na si Kanor.
Umusbong naman ang pagtataka ni Zeke. Wala siyang maalalang nagpaalam ang misis niyang may pupuntahan ito.
Nang umandar ang sinakyan nina Alora, pinaandar na rin ang kanyang sasakyan upang sundan sila.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng sementeryo. Kitang-kita niya ang pagbaba ni Alora mula doon. Nang makaalis ang sinakyan nito ay nagpasya din siyang bumaba at sundan ang kanyang misis. Pinagmasdan niya ito mula sa hindi kalayuan.
Nakita niyang huminto at umupo sa gitna ng dalawang puntod. Kitang-kita pa ni Zeke ang magkasunod paghaplos ni Alora sa lapida ng mga ito.
Ilang sandali lang ay nakita niya ang ginawang pagpahid nito sa kanyang pisngi.
Gusto mang ipaubaya ni Zeke ang sandaling iyon kay Alora ay kontra naman ang kalooban niya. Masakit sa kanyang damdamin na makita itong umiiyak.
Ngali-ngaling hinugot ni Zeke ang kanyang cellphone at nag-dial. Maya-maya lang ay sinagot naman siya nito.
"Baka naman pwede mo akong ipakilala sa kanila." Bungad niyang saad. Agad namang nagpalinga-linga ang kanyang misis.
"Sinundan mo ako?"
Hindi umimik si Zeke. Mula sa kabilang linya ay narinig nito ang kanyang pagbuntong-hininga.
"Sige na. Magpakita ka na. Huwag ka ng magtago," Malumanay ang boses niyo at mukha naman hindi galit.
Tuluyan na ngang nagpakita sa kanya si Zeke. Ibinaba naman ni Alora ang cellphone niya nang makita niya ito. Hindi rin nito inalis ang tingin niya rito hanggang sa ito ay makalapit. "I'm sorry, nag-aalala lang ako."
"Hindi ka naman dapat mag-alala. Nakakulong na sina Richelle at Kenneth. Wala ng mananakit pa sa'kin."
"Kahit na. Hindi ko parin maiwasan."
Napunta ang tingin ni Zeke sa mga lapida. Nabasa niya mula roon ang pangalang Amalia Andrada at Leondro Andrada.
"They are my parents." Usal ni Alora bago ibalik ang tingin sa puntod.
"Ma, Pa, meet Zeke." Huminto siya sa pagsasalita at bumaling kay Zeke, "my husband."
Lumapit pang lalo sa kanya si Zeke at ginawaran ito ng mahigpit na yakap.
"After natin dito, may ipapakilala din ako sa'yo."
Nangyari nga ang sinabi ni Zeke. Dinala niya si Alora sa isa sa mga properties nila. Sumakay ang dalawa sa chopper. Lumapag ito sa malawak na damuhan. Mula sa kinaroroonan nila ay tanaw nila ang hindi kalakihang two-storey building. Animo ay isa itong modern house ngunit sa malapitan ay isa itong museleo.
Napakunot-noo si Alora nang mapansin niya ang date of death. Magkapareho sila ng petsa ng pagkamatay. Pero ang nagpakunot-noo sa kanya ay pareho din ito ng petsa ng pagkamatay ng parents nito.
Bago pa maisatinig ni Alora ang kanyang nasa isip ay naramdaman niya ang paghawak ni Zeke sa kanyang kamay.
"Alora, I would like you to meet my parents too."
"Mom, Dad, This is the woman I been telling you." Bumaling si Zeke Xavier sa puntod.
"Kinukwento mo ako sa kanila?"
Binalinagan lamang siya ng tingin ni Zeke at muling ibinalik ang tingin sa mga puntod.
"Ten years ago, my parent's died because of a plane crush, a plane crush that took many lives." Nabakas ang lungkot sa mga mata nito.
Parang kinurot ang puso ni Alora. Maiintindihan na niya ngayon kung bakit pareho ng date of death ang mga magulang nila.
"At kasama roon ang mga magulang ko." Tila wala sa sariling saad ni Alora.
Bumaling sa kanya si Zeke.
"Pumunta kami sa morge para i-claim ang bangkay ng parents ko. Doon ko nakilala ang babaeng never kong makakalimutan"
Gumuhit sa alaala ni Zeke ang nagyari habang nagkukwento.
"Mama! Papa!" Napalingon si Zeke sa pinagmulan ng iyak. Nakita nito ang isang babaeng nakasuot ng school uniform. Yakap-yakap nito ang isang bangkay na natatakpan ng puting kumot. "Pa'no na ako ngayon, Ma?" Lalong lumakas ang iyak nito. Kitang-kita nito ang magandang mukha niya na basang-basa ng luha.
Sa kaibuturan niya, gusto niya itong yakapin at punasan ang luha nito. Humakbang ang kanyang paa ngunit natigil siya nang may humawak sa kamay niya.
"Halika, wala raw dito ang Mommy at Daddy mo." Wala na siyang nagawa nang hilain siya ng katulong na si Linda palabas ng morge. Ang tanging nagawa na lang niya ay lingunin ito.
Tumulo naman ang luha ni Alora matapos marinig ang kwento ni Zeke.
"Three years after the incident, I saw a woman that looks like her. I married that woman pero ni minsan hindi niya naikwentong patay na ang mga magulang niya. So naisip ko na lang na baka hindi siya ang babaeng nakita ko sa morge. After three years, she fell out of love from and choose to leave me. I searched for four years then finally, I found out that she is working on a restaurant. And today, I just confirmed that I took home the right woman, the woman I met ten years ago." Lalong napaluha si Alora.
"Noong makita kita nang araw na 'yon, pakiramdam ko gusto kitang yakapin at alagaan. Siguro dahil pareho tayo ng sitwasyon. Pareho tayong nawalan ng magulang. Alam mo bang niligawan at pinakasalan ko si Leinarie dahil akala ko ikaw siya? Becuase from the first time I saw you, I already promised to myself, if fate will bring us together I will cherish you."
Pinunas nito ang luha ni Alora gamit ang hinlalaki niya. At masuyo itong tumitig sa kanya.
"Let me fulfill the promise of loving you forever. This time I wanna make a vow together with the real Alora. Please allow me to marry you." Inilabas nito ang isang singsing. Tinuyong mabuti ni Alora ang kanyang mga luha.
"Kasal naman na tayo ah."
Nakita ni Alora ang pagbalatay ng lungkot sa mga mata ng kanyang mister.
"Pero gusto ko ring maranasang magpakasal sa asawa ko." Ngumiti si Alora.
Isinuot ni Zeke ang singsing sa daliri nito. Pagkatapos ay niyakap siya nito ng mahigpit.
Sa kaibuturan niya ay labis siyang nagpasalamat sa Paninginoon para sa ikalawang buhay.
Napatingala sa langit si Alora, habang nakatingin sa mga ulap ay bumalik sa alaala niya ang isang pangyayari.
Ikinasa ni Richelle Ravina ang baril na kanyang hawak.
"And sad to say, I have to kill again."
Nanlaki ang mata ni Leina.
"Stop what you are planning!"
"No! Pagod na ako. Pagod na pagod na ako."
Itinutok nito ang baril kay Alora. Nang kalabitin nito ang gatilyo, humakbang ang mga paa ni Leina patungo kay Alora.
Umalingawngaw ang putok ng baril. Kasabay ay ang pagbagsak ng katawan ni Leinarie sa harap ni Alora.
"Leina!"Gumaralgal ang boses ni Alora.
Iniabot ni Leinarie ang kanyang kamay. Kumilos si Alora ngunit pinigilan siya ng tali sa kanyang kamay.
Wala na siyang nagawa kundi maiyak.
"A-Alora." Tumulo ang dugo sa labi nito.
"Leina." Lalo siyang naluha.
"Galit ako sayo, Alora." Huminto ito sa pagsasalita, tila nahihirapan. "Inagaw mo ang lahat sa'kin." Mahinang saad nito. "Pero bakit hindi kita magawang saktan?" Tumulo ang luha nito. "Leina." Lalong bumuhos ang luha ni Alora. Pinilit niyang igalaw-galaw ang kanyang pulsuhan upang makakawala sa pagkakatali pero walang nangyari.
"Deep inside, I care so much about you." Pumikit ito. Bumalatay sa mukha nito ang sakit. Umagos sa bibig nito ang dugo.
"Ang dami niyong drama!" Iritado namang turan ni Richelle. Itinutok nito ang baril kay Alora.
"Finally, makakalaya na rin ako." Kinalabit ni Richelle ang gatilyo. Napapikit na lamang si Alora kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.
Nang bumalik sa kasalukuyan si Alora ay nakuha ng pansin niya ang bughaw na kalangitan na tila nagpapahayag sa kanya ng kapayapaan. Ngunit napukaw ng atensiyon niya ang hugis pusong ulap tila pinapaalala sa kanya ang aral sa kanyang pinagdaanan.
Natanto niyang makapangyarihan ang pag-ibig. Itutulak nito ang sinuman sa kanilang gagawing desisyon sa buhay. Gagawin ka nitong mahina o malakas. Itutulak ka nito sa mabuti o masama. Ngunit saan ka man dalhin nito, pairalin ang pag- ibig sa puso, ang pag-ibig na mapagpatawad, ang pag-ibig na mapagparaya at ang pag-ibig na hindi mapanakit. Dahil ito ang totoong kahulugan ng wagas na pag-ibig. ---WAKAS---
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report