OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 5: HE KNEW MY NAME

DASURI

KINABUKASAN........

Bukod sa sinag nang araw mula sa bintana nang kwarto namin ni Kai. Ang syang nagpagising sa akin ay ang naramdaman kong paghalik ni Kai sa pisngi ko. Naramdaman ko ang pagluhod nya sa tapat ko pero hindi ko minulat ang mga mata ko. Nagpanggap akong natutulog parin.

"Wifey, I will go now. Nakapagluto na ko ng almusal. Kumain ka muna bago pumasok sa klase mo." sabay haplos nito sa buhok ko.

"I hope pag uwi ko sa bahay mamaya. Hindi kana galit sa akin. I love you. I'll call you later." Then gave me a peck on my lips.

Hinintay ko munang makalabas sya ng kwarto bago ko buksan ang mga mata ko. Hinawakan ko pa 'yung labi kong hinalikan nya. Ang laki na nang pinagbago ni hubby, hindi na sya cold sa akin. Umupo ako sa kama't napatingin sa isang box sa mesa sa tabi ko. Kulay puti ito at may ribbon sa ibabaw. Kailan pa napunta dito 'yan? Parang kagabi wala naman 'yan ha? Kinuha ko 'yon at binuksan. "Woah! Kyaaaaah!!!! Ang baby gloves ko." hindi ako mapagsidlan nang tuwa nang makita 'yon.

"Hala! Binili nya rin pala 'to? Pero bakit??"

Nagmamadali akong bumaba ng kama para sana habulin si Kai. Kaso narinig ko na 'yung makina ng kotse nya kaya wala na kong nagawa kung hindi silipin na lang sya sa bintana ng kwarto namin.

Hindi naman ako nagkamali, saktong paalis na nga sya nang bahay. Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilty sa mga nasabi ko.

"Aist. Ang tigas talaga ng ulo mo Dasuri. Hindi kana natuto." I knock my own head.

"Dapat bumawi ako kay hubby mamaya. Pero teka anong oras na ba?"

Nilingon ko 'yung orasan sa tabi at biglang nagulantang, "Oh my gosh! Malalate na ko!" Dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo. Strict pa naman 'yung professor ko ngayon. SOMEONE

"Mr. Lee, can you please wait here for a while? Tatawagin na lang kita if pwede ka nang pumasok." Nakangiting pahayag ng magiging adviser ko ngayong taon. I didn't bother to answer and just nodded. Hinayaan ko syang pumasok sa classroom sa tapat ko. This is my first day as a transferee in Seoul National University. Let see kung may maganda bang mangyayari sa ginawa kong paglipat. "Mr. Lee, you can come in now."

Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

As she said that, dahan-dahan akong naglakad papasok ng room. Kagaya ng unang reaksyon ng mga taong nakakakita sa akin. Natuon agad ang atensyon nila sa akin. Makikita mo ang pagiging interesado ng mga ito sa pwede kong sabihin. But as I enter the place, nakita ko agad ang isang babaeng inaasahan kong matagpuan mula rito. Hindi kagaya kahapon, napansin nya agad ang presensya ko. Huminto ako sa tapat ng teacher's table gaya ng inaasahan.

"S'ya ang bago nyong kaklase. He's a transferee from America." Habang abala ang professor namin sa pagsabi ng mga bagay tungkol sa akin. Mataman ko namang tinititigan 'yung babaeng nakaupo sa pangatlong upuan sa gitna ng kwarto. Halatang nagulat ito nang makita ako, pero kahit ganon nagagawa nya paring makipagtitigan sa akin.

"Gosh. Ang pogi naman. Tapos from America pa?"

"Gee. Handsome guy alert."

"Please, introduce yourself to them." Saad ni ma'am. Sinulyapanan ko lang sya saglit at hinarap ang buong klase.

"Yesterday, I was roaming around Gangnam district." Paninimula ko.

"And I saw a girl, who was standing in front of a billboard. She was mesmerized by the picture of some k-pop group. To the extent, that she did not realize that I stood beside her,"

"Hala, ano 'yang mga pinagsasabi nya? Introduce yourself naging tell a story?"

"Sayang ang gwapo pa naman. Weird nga lang."

I don't care about their opinion kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. Tinitigan kong muli 'yung babae at pinagmamasdan ang reaksyon ng mukha nya.

"She was talking to herself and keep asking nonsense questions. I got curious so I followed her. We rode on a bus and I sat beside her. Up to that moment, she still hasn't recognized my presence." "So, I said to myself, I should do something to get her attention."

"Uhh, Mr. Lee? Naintindihan mo ba ang sinabi ko sa'yo?" singit ni ma'am. Nilingon ko lang sya at binigyan ng blank stare bago nagpatuloy.

"Luckily, we had a short conversation. She asked for my name but I didn't answer her. And instead, I told her, 'I will answer your question. Next time that we'll met."

Kumilos ako at nagsimulang maglakad patungo sa kinaroroonan nya. Kitang-kita ko kung paano mamilog ang mga mata nya sa gulat. Maski ang mga tao sa paligid namin ay nagtataka sa kinikilos ko.

Hindi nya malaman kung saan igagawi ang mga mata para iwasan ang mga titig ko. Nang makarating ako sa harap nya, huminto ako and lean on her. I put my two arms on her desk para magkaharap kami nang husto. Napalunok naman sya dahil sa ginawa ko.

"Y-Yah! Anong ginagawa mo?" sita pa nito sa akin.

Hindi ako sumagot. Sa halip ay inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Halata rito ang sobrang pagkailang. Ngumiti naman ako't buong kumpyansang sumagot. "My name is L. joe. Nice to see you again, Dasuri."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report