OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 56: THE TRUTH
ΚΑΙ
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na bang sinilip ang relo sa kaliwang braso ko. Almost one-hour na rin akong naghihintay sa tapat ng bahay ng mga magulang ni Dasuri.
Nagulat ako nang malamang hindi nya pinasukan ang last subject nya ngayong araw. Sinubukan ko syang tawagan pero naka-off ang phone. Nag-aalala ko kaya nagtungo ako rito para makita sya.
"Past 9:00 o'clock na, bakit hindi parin umuuwi ang babaeng 'yon? Uwi ba 'to nang babaeng may asawa na?"
Napaayos ako nang tayo mula sa pagkakasandal sa aking kotse nang may mamataan akong isang lalaki at babae sa di kalayuan. Base on their physical appearance, nakakasiguro kong ang asawa ko ang isa 'don. Hindi ko nga lang mamukaan 'yung lalaking kasama nya. Medyo madilim kasi sa kinalalagyan ko.
"Kailangan ko ang tulong mo. Mukhang hindi ko kakayaning sabihin ng mag-isa kay Kai ang tungkol dito." Naulingan kong pahayag ni Dasuri.
"Bakit ba lagi mo kong dinadamay sa alanganing sitwasyon?" Sagot naman ni Sehun. Nakilala ko na sya nang unti-unti na silang lumalapit sa pwesto ko.
"Tutulong ka lang naman, para narin makabawi ka sa kasalanan mo sa'kin."
"Ehemp, pati ba naman ikaw Sehun? Dapat ko na talagang mapauwi sa bahay ang asawa ko. Maraming gustong makiagaw e." Singit ko sa usapan nila. Sabay silang napatingin sa'kin. "Kai?!" They said in unison. Nagsmirk lang ako saka naglakad papalapit sa kanila.
Kinuha ko 'yung kamay ni Dasuri at hinila sya papunta sa gilid ko. "Sehun, Dasuri is mine. Baka nakakalimutan mo." Sita ko rito.
Inirapan naman ako nang loko, "Bakit may sinasabi ba ko?"
"Maganda na yung malinaw. Right Wifey?" Nilingon ko si Dasuri sabay kindat. Nasamid naman ito sabay iwas ng tingin sakin.
"Eww. Kadiri. Makalayas na nga. Nakakasuka talaga kayong tignan." Singit na naman ni Sehun. Tumalikod pa ito saka nagsimulang maglakad.
"Alis na ko. Matutulog na lang ako. Mukhang 'don mas may mapapala pa ko." Kumaway pa ito habang nagkatalikod. Mukhang totohanin na nya 'yung pag uwi na sinasabi nya. "Loko talaga," bulong ko.
Hindi naman matanggal ang kurba ng labi ko habang nililingon si Dasuri. Naabutan ko pa syang nakatitig sa'kin pero agad rin umiwas nang magtagpo ang aming mga mata.
"Uhh.. yung kamay ko." naulinigan kong pahayag ni nya matapos ang saglit na katahimikan.
Nilingon ko naman sya sabay pakita nang kamay naming magkahawak. "Eto hawak-hawak ko." Bigla syang namula nang marinig 'yon. Mukhang mapapangiti pa nga sya kaso pinigilan nya iyon.
Iniiwas pa nya ang tingin sa akin. "Tigilan mo nga ko."
Napangiti naman ako dahil 'don. Bahagya ko rin syang hinila na palakad patungo sa bahay ng mga magulang nya, "Are you sure with that? Baka mamaya, pag tinigilan kita. Mamiss mo ko bigla?" I glance at her and grin.
Buong akala ko'y hahampasin ako ni Dasuri at sasabihan ng 'kapal' gaya nang madalas nyang gawin sa tuwing yayabangan ko sya. Kaya nagulat ako nang mapansing bigla syang natigilan. Huminto ito sa paglalakad at tumingin sa'kin ng seryoso.
"May problema ba?" Pagaalala ko.
She lowers her eyes and looks down. Umiling-iling pa ito bilang sagot. Hindi naman ako naniwala.
"C'mon wifey, I know you. Alam kong may bumabagabag sa'yo. Tell me, may problema ba?" pagpapaamin ko rito.
I know her, base sa kinikilos nya. Imposibleng wala syang dinadalang problema. Kahit naman hindi parin kami ganong kaayos. I'm still her husband and I'm here to help her on everything.
Dahan-dahan nitong iniangat ang kanyang mukha para harapin ako. Tinitigan nya muna ko saglit bago nito binawi ang kamay sa akin. Nalilito man ako sa kinikilos nya ay pinili kong hintayin ang sasabihin nya. "Kai...."
Nagbago ang ekspresyon nang kanyang mukha. Kinagat pa nito ang kanyang pang-ibabang labi para pigilan ang namumuong luha sa mga mata nito. Nakaramdam ako ng pagkirot sa aking dibdib. Nasasaktan akong makita si Dasuri sa ganyang kalagayan.
"Wifey, a-are you okay? May masakit ba sa'yo?"
Sinubukan kong hawakan sya pero naunahan nya ko sa pagyakap sa'kin. Nagulat pa ko nung una pero hinayaan na lang din sya sa huli.
"It's okay wifey, di ko man alam kung ano 'yung bumabagabag sa'yo but always remeber that i'm here. Hindi ako aalis sa tabi mo."
Binalik ko ang yakap nya. Mas hinigpitan naman nya iyon.
"Kai, Hubby...." ang sarap talaga sa pakiramdam sa tuwing tinatawag nya ang pangalan ko. Muli kong naulinigan ang boses ni Dasuri kaya minabuti kong pakinggan iyon.
"May gusto kong sabihin sa'yo kaso natatakot ako e. Natatakot akong baka hindi ka na naman maniwala. Or worst, tuluyan ka nang mawala sa akin."
Kumunot ang noo ko nang marinig 'yon. "What do you mean? Wala kong maintindihan sa mga sinasabi mo."
Naramdaman ko ang paghinga ni Dasuri ng malalim bago 'to humiwalay sa pagkakayakap namin. Bakas sa mukha nya ang sobrang kalituhan.
"Bakit ba kasi pinaabot ko pa sa ganito? B-Bakit ko ginawa 'to?! Ako tuloy ang nahihirapan." Bulalas nito na parang kinakausap ang sarili. She closed her eyes for a second then looks at me intensely. Hinintay ko namang ibuka nya ang kanyang bibig at magsalita.
"Wala na kong magagawa. Eto na eh, nandito na. Kung magagalit ka man sa'kin. Sige, Tatanggapin ko. Pero hubby..." hinawakan nya ang kamay ko at bahagyang pinisil 'yon.
"Pwede bang wag na tayong mag-away? Ayoko na. Pagod na ko. Gusto ko na lang maging masaya tayo... gaya ng dati."
Hindi ako makapaniwala nang marinig ang mga sinabi nya. Ilang segundo pa kong nakatitig sa mukha nya bago nagsink-in sa utak ko ang mga nangyayari. D-Did I heard it right?! T-Talaga bang pinapatawad na nya ko?!
Hindi ko na napigilan, hinatak ko sya't muling niyakap nang mahigpit. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, finally we can be together again. Akala ko nga'y hindi na mangyayari pa. Pero eto ako ngayon, yakap-yakap ang babaeng pinakamamahal ko.
DASURI
Bakit ganon? Ramdam ko na sobra ang saya ni Kai ngayon. Pansin ko 'yon sa kilos at yakap nya. Halata sa mukha nya ang sobrang saya pero bakit ang bigat-bigat parin ng dibdib ko? Bakit hindi parin ako masaya?
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Ofcourse wifey, we will be happy again." Bahagyang humiwalay ito sa pagkakayakap namin at ginamit ang kanyang kamay para hawakan ang magkabilang pisngi ko.
Hindi matanggal ang ngiti sa mga labi nito habang ipinagdidikit ang tungki ng aming ilong.
"You don't have an idea how happy I am right now Dasuri. Salamat sa Diyos at dininig na rin nya ang mga panalangin ko. Every night before I sleep and every time I woke up, wala kong hiniling kundi ang makasama ka Dasuri. Gusto kong bumawi sa'yo. Sa lahat ng mga kasalanan ko." He kisses the tip of my nose then goes up on my forehead.
"I love you Dasuri, I really do."
Nagiwan sya roon nang isang halik bago ipinagdikit ang aming mga labi. Ramdam ko sa bawat galaw nito ang sobrang pananabik nito sa'kin. Hindi ko mapigilang maguilty.
I tried to stop myself from responding on his kiss. Sinubukan kong pigilan ang tunay kong nararamdaman. Ngunit hindi ko rin maitanggi ang pananabik ko sa aking asawa. Kaya wala kong nagawa kundi ang magpaubaya sa huli. Kasabay nang matamis na paghahalikan namin ay ang dahan-dahang pagbagsak ng luha sa aking mga mata. Kasabay non ay ang takot kong baka bigla syang mawala sa'kin. Natigilan naman si Kai nang mapansin iyon. Marahan nyang pinaghiwalay ang aming mga labi. Hinawi nya ang mga luha sa aking mga mata habang hindi pinuputol ang tingin sa'kin,
"Bakit ka umiiyak?" nag-aalala nitong pahayag.
Hindi ko naman na napigilan. Lalong dumami ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. Ramdam ko na ang unti-unting paglabo ng aking paningin. Naramdaman ko rin ang magilan-ngilang patak ng ulan sa aking balat. Pero kahit ganon nilakasan ko na 'yung loob ko. It's now or never. Ayoko nang maglihim pa kay Kai. Ayoko na syang lokohin.
Hinawakan ko 'yung magkabilang laylayan nang damit nya. Kailangan kong makahanap ng bagay na makakapitan. Pakiramdam ko kasi anumang oras, yung mga tuhod ko, bigla na lang bibigay. I breathe deeply and wait for the right timing. "Kai... B-Buntis parin ako."
Gaya ng inaasahan, nawala ang ngiti sa mga labi ng asawa ko. Napalitan iyon ng lubos na pagtataka. Kumunot pa ang noo nito na nagpapakitang wala syang maintindihan sa mga nangyayari. Kasabay nito ang unti-unting paglakas ng pagbagsak ng ulan sa paligid.
"T-Teka, naguguluhan ako." Binitawan nito ang mukha ko at bahagyang dumistansya sa akin.
"Tama ba ang pagkakarinig ko? B-Buntis ka?" Kitang-kita ko sa mata ni Kai ang kalituhan. Para bang gusto nyang matuwa at magalit dahil sa narinig. Tumango-tango ako bilang sagot. Bahagyan naman syang napailing, "This is frustrating."
Sinubukan ko syang hawakang muli pero hindi ko nagawa dahil pinigilan nya ko.
"Seryoso ka ba? baka ginu-good time mo lang ako? Niloloko mo lang ako diba? Pinagtitripan mo lang ako. Hindi naman ako magagalit kung sasabihin mong it was just a joke." Alam kong pilit nyang pinipigalan ang sariling magalit. Pero mas lalo lang itong nakakadagdag sa takot ko.
"Please, itigil muna 'to Dasuri. Hindi nakakatuwa."
Ayoko na syang saktan pero wala na kong magawa. Gusto ko nang palayain yung sarili ko sa mga kasinungalingang binuo ko.
Just a heads up: Narugi.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "I'm sorry Kai. I'm sorry..." Kumirot ang puso ko nang may makitang luha na tumulo sa mata ni Kai.
Napabuga sya nang hangin sa ere habang tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata nito. Tumingala pa ito at napahilamos sa mukha.
"ARRGH!!! TANG-INA!!"
Nagulat ako sa ginawa nitong pagsigaw. Sinubukan ko syang hawakan para pakalmahin.
"Tama na Kai. Sorry... h-hindi ko naman sinasadya." Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa kaba. Wala kang maririnig na ingay sa paligid maliban sa mga patak ng ulan.
"Alam ko, w-walang kapatawaran yung ginawa kong pagsisinungaling pero please naman... k-kalimutan na natin ang tungkol 'don. Alang-ala na lang sa magiging anak natin oh. Please..." i tried to beg on him.
Sinubukan kong pakiusapan syang magsimula na lang ulit kami. Pero isang matalim na tingin ang pinukol nya sa'kin.
"Ano? Ganon-ganon lang 'yon? Ha." Kahit unti-unti nang lumalakas ang ulan sa paligid. Nagawa ko paring makita ang pag ngiti ni Kai na puno nang paghihinagpis.
"Alam mo ba yung pakiramdam na hindi ka makatulog sa gabi kasi sinisisi mo yung sarili mo? Yung hindi ka makakain ng maayos kasi hindi mo matanggap na ikaw pa mismo yung naging dahilan kung bakit nawala ang anak mo. At kung bakit kinamumuhian ka ng asawa mo."
Kai is crying so hard. Humalo na iyon sa patak ng ulan sa mukha nya.
"Ang sakit, ang sakit - sakit. Yung tipong nasasaktan ka pero walang dumadamay sayo? Yung ikaw yung sinisisi ng lahat kahit di mo naman ginusto yung nangyari?! I tried to end my own life for many times. I tried to kill myself just to escape from this pain. Tapos ngayon gusto mo patawarin kita? Bakit? Nagawa mo ba kong patawarin nung lumuhod ako sa harap mo?!" Tinamaan ako sa mga sinabi ni Kai. Wala kong nasabi at napatitig lang sa kanya.
Pinahid nya ang luha sa kanyang mga mata at puno nang galit na tumitig sa akin,
"Pagod na rin ako Dasuri,"
Hinawakan nya yung mga kamay ko at unti-unting tinanggal sa pagkakahawak sa kanya,
"Pagod na kong makipaggaguhan sa'yo."
Kasabay nang matinding pagbagsak ng ulan ay ang tuluyang pagalis ni Kai sa harap ko. Wala na kong nagawa kundi ang mapaupo sa kalsada at sarilinin ang sakit na nararamdaman ko.
Tama naman sya. Nakakapagod talagang mahalin ang katulad ko.
"Dasuri! Iha! Diyos ko! Anong ginagawa mo dyan sa labas?" Humahangos na nilapitan ako ni mama habang may dala-dalang payong. "Ang lakas ng ulan, baka magkasakit ka. Pumasok na tayo sa loob." Sinubukan nya kong itayo pero wala kong lakas para gawin 'yon. Basang-basa na ko ng ulan pero wala kong pakialam. Nilingon ko si mama habang walang tigil sa pagpatak ang luha sa mga mata ko. "Ma, i-iniwan na ko ni Kai. I-iniwan na nya kami ng baby ko..."
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report