Our Own Kind of Story
Chapter 11:

Umaasa pa rin akong tuluyan nang magbabati si Mar at Ken dahil ako ang nahihirapan kung paano ko hahatiin ang panig ko sa tuwing nagkakainitan sila. Mga binata na pero mukhang isip bata pa rin kung umasta. Ngumiti ako nang makita ko si Ken mula sa conference room ng school, bahagya pa siyang nagulat ng makita ako.

"J-jan, ang aga mo atang pumasok," salubong niya sa akin, tila nababahala.

Kumunot ang noo ko. "Huh? Eh, maagap naman ako pumapasok noon pa man, eh," nagtataka kong tanong.

"I mean, look there's no one here except you and me. Masyado kang maaga," paliwanag niya.

Lumingon ako sa paligid at tama siya kami pa lang ang naroon. Maaga ba ako masyado, hindi ko alam.

"Eh, ikaw bakit ang agap mo rin pumasok?" balik ko.

"Trip ko lang, bawal ba?" Sabay ngumiti siya.

"Ewan sa 'yo, Ken."

"Hindi mo ba kasabay si Mar?" tanong niya habang naglalakad kami sa hallway patungo sa classroom namin.

"Naku, hindi mo maaasahan ang lalaking 'yon na pumasok ng maaga." Inis kong sabi.

"Ganoon, eh, 'di mayroon pala akong time para masolo ka," pagbibiro niya.

Taas ang kilay na humarap ako sa kaniya. "Bakit kailangan mo akong masolo?"

"W-wala," sabi na lang niya, saka umiwas sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin. Nauna siyang pumasok sa classroom at nang pumihit ako papasok, nahagip ng magat ko si Jame mula sa conference room. Nagtaka ako dahil doon din nanggaling si Ken nang makita ko siya kanina. "Ken, 'di ba galing conference room?" agad kong tanong sa kaniya nang makapasok ako sa classroom, ako at siya pala ang naroon.

Bigla tila lumisya ang mga mata niya sa akin at hindi agad nakasagot.

"Nakita ko kasi si Jame galing din doon, did you guys saw each other?"

"A-ah, yes we did." Alangan siyang ngumiti. "Saktong pagpasok ko kasi roon nandoon siya kasama 'yong mga kaibigan niya," paliwanag niya.

Tumango-tango na lang ako at hindi nagtanong pa. Ngumuso pa ako bago umupo sa aking upuan.

Saktong upo ko naman nang lumapit si Ken sa akin, hila-hila niya ang sariling bangko para sa tabi ko umupo.

"Jan, date-I mean labas tayo this weekend," aya niya habang nakangiti sa akin na tila ba nang-aakit na pumayag ako sa gusto niya.

"Labas tayo?" Tinuro ko pa siya at ako. Tumango siya bilang sagot. "Bakit bigla ka atang nag-aya?"

"Bawal ka bang ayain? Treat ko naman, eh and besides I want to spend more time with you, Jan," aniya.

Hindi ko alam pero bakit tila may ibang ibig sabihin ang mga tinuran niyang iyon.

"We did spent time here in school, Ken," sabi ko. "Pero pag-iisipan ko 'yang alok mo."

"No need to think, Jan we'll go."

Ganoon na lang ang gulat ko ng marinig ang boses ni Mar. Kapwa kami napalingon ni Ken sa kaniya.

"Kanina ka pa riyan?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Yes, inaaya ka nga nitong si Ken sa date, eh, 'di ba, Ken?" Binalingan pa niya si Ken sa makahulugang mga mata.

"He was just asking me to go out this weekend, it is not a date, Mar," depensa ko agad. Siguradong mag-aaway na naman kami ni Mar sakaling 'di niya maintindihan ang sinabi ni Ken.

"Yeah, it is not a date. Gusto ko lang siyang ilabas to enjoy." Ewan pero tila walang ganang ang boses ni Ken.

"Ako, 'di mo ba ako tatanungin kung sasama ako? O ayaw mong istorbuhin ko kayong dalawa," balik ni Mar na halata ang selos doon.

Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa inasta ni Mar. Pasimple ko siyang siniko. Nakakainis kasi, napakakitid ng utak.

"If you want to, then go," pagpayag ni Ken pero parang 'di naman seryoso.

"Kayo na lang kayang dalawa ang lumabas, tutal mukhang mas kailangan niyong mag-enjoy," inis kong sabi sa kanila. "Doon na kayo sa upuan niyo," pagtataboy ko pa sa kanila. Nagdadaratingan na rin kasi ang mga kaklase namin. Akala ko pa nama'y mapagbabati ko na ang dalawang ito pero mukhang malabo pa iyong mangyari dahil tila nagpapaligsahan at may kailangang manalo.

-

Nang matapos ang klase, diretso agad kami sa plaza para sa practice na gaganapin para sa Valentine's ball. Hindi ako mahilig sa sayaw kaya sa cotillion lang ako sumali at hindi na sumali sa iba pa.

Kahit gustuhin ko mang makapareha si Mar, hindi naman maaari dahil hindi pa 'yon tinatanggap ng school namin. Ang kinaiinis ko pa si Jame pa ang kapareha ni Mar. Naiinis ako dahil halos pumulupot na ito sa kaniya na parang ahas. "You look stress."

Walang emosyong humarap ako kay Mar. "It's you who stressing me, Mar," inis kong balik.

Kumunot ang noo niya. "Huh? Ako? Anong ginawa ko, Jan?"

"It's you and your partner. Nakakainis!" Nagdabog pa ako bago siya iwan at puntahan si Dy ang partner ko.

Sinundan naman ako ni Mar at pinigilan ako. "Are you jealous?" natutuwang aniya.

"Jealous mong mukha mo, bakit ako magseselos?" matigas kong sabi.

"Because your boyfriend dancing with someone? Sus!" Ginulo niya ang buhok ko. "Para ka namang bata, Jan. She's just my partner para lang sa sayaw but you're my partner in life," seryoso aniya.

Nakakakinis talaga si Mar. 'Yong kahit naiinis ako sa simpleng banat lang niya nawawala 'yong bigla. Yumuko ako para itago ang nakangiti kong mukha dulot ng ligayang naging hatid ng mga salitang binitawan niya. "Paano kasi kung makapulupot sa 'yo ang babaeng 'yon dinaig pa ang sawa. Halos ayaw ka nang bitawan, eh," pagtatapat ko.

"There's nothing you need to be jealous of, Jan. Kahit pa pumulupot siya sa katawan ko hindi ka niya mapapalitan dito." Tinuro pa niya ang sariling dibdib.

"Talaga?"

Tumango siya at muling ginulo ang buhok ko. "Don't stress yourself, papangit ka niyan," aniya pa.

Ngumuso ako sa kaniya at bahagyang kumurap. "I'm okay now," sabi ko, saka ngumiti.

"Shit, Jan. Huwag ka ngang magpa-cute sa harap ko baka hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan ka."

Bigla akong yumuko. "Hindi ako nagpapa-cute, sadya lang akong cute," pagyayabang ko. "Don't you dare to kiss me, sisipain kita," banta ko pa.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Sus! Para namang 'di mo ako hinalikan," pang-aalaska niya.

"Did I kissed you? Hindi ko ata maalalang hinalikan kita," maang-maangan kong sabi.

"Don't act-"

"Mar kanina pa kitang hinahanap, nandito ka lang pala."

Naglaho bigla ang saya at kilig sa mukha ko ng sumulpot si Jame sa tabi ni Mar at agad pinulupot ang braso sa braso niya. Lumihis ang tingin ko sa kanila.

"Hindi pa nagsisimula ang practice, Jame so please kahit ngayon lang hiwatan ko muna ako," inis na balik ni Mar. Inalis niya ang braso nitong nakapulupot sa kaniya.

"Ano ka ba naman, Mar we're partner remember? Ako dapat lagi mong kasama hindi 'yong partner ng iba," himutok naman ni Jame. Bumaling siya sa akin. "Hindi ba, Jan?" Tumango na lang ako kahit labag sa sa akin. "Sige, mauna na ako," paalam ko at mabilis na tumalikod sa kanila.

Naiinis man ako pero naniniwala naman ako kay Mar na hindi ako mapapalitan ng Jame na 'yon.

-

Dumating ang araw ng weekend at nagpasiya akong ituloy ang plano ni Ken. Maaga pa lang nagising na ako at nagbihis. White t-shirt, pants, at snickers lang ang suot ko. "Ma, alis na po ako," paalam ko sa mama ko na si Maddie.

"Sige, 'nak mag-iingat ka. Kanina ka pang hinihintay nang mga kaibigan mo riyan sa labas," sabi pa niya.

Nagtaka ako. Nagbeso muna ako kay mama bago lumabas ng bahay at ganoon na lang ang pagtataka ko ng makita si Ken at Mar, nakasandal sa kani-kanilang mga kotse. Napangiwi ako dahil mukhang riot na naman ang kakalabasan nito. "Good morning, Jan," halos sabay na pagbati ng dalawa.

Hindi ako sumagot. Sinuri ko ang dalawa na kapwa nakahalukipkip. Wala naman akong masabi sa mga outfit nila dahil walang itapon kabigin sa kanilang dalawa dahil napaka-gwapo nila sa kanilang mga kasuotan.

"Sa akin ka na sumakay."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ng dalawa na halos sabay pa. Nagsisimula na agad akong mahgas umpisa pa lang ng araw, paano pa kaya mamaya? Baka mabaliw ako sa iringan ng mga ito.

"Wait, wait, wait," pigil ko sa kanila.

"Ano ba 'tong ginagawa niyong dalawa, huh?" kompronta ko.

"I want you to be in my car, Jan," sabi ni Mar.

"Mas okay kung sa kotse ko ikaw sasakay, Jan. I have my student license, you're safe with me," ani naman ni Ken.

Nakita kong bumaling si Mar kay Ken. "At sa tingin mo ako wala? Gusto mo ipakita ko pa sa 'yo ang student license ko?" Humarap siya sa akin. "Sa akin ka sasakay, Jan," maawtoridad na sabi niya.

"Tumigil na nga kayong dalawa! Sumaskit ang ulo ko sa inyo." Sinapo ko pa ang ulo ko at bahagyang pumikit. Bumuntong-hininga ako. "Ganito na lang, isang kotse na lang ang gamitin natin para walang gulo, okay?" pahayag ko. "Huh? Eh, kanino?" si Ken.

"Kotse ni Mar," anunsiyo ko. "Kung may tututol man sa inyo, kayo na lang dalawa ang lumabas," pananakot ko.

Mabuti naman at walang naging reklamo ang dalawa at sumunod na lang.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Ikaw Ken ang mag-drive-"

"Bakit-" pagputol ni Mar sa sasabihin ko pero hindi ko rin siya pinatapos.

"Ikaw Mar diyan ka sa front seat."

Gulat siyang humarap sa akin. "Ako sa front seat, tapos siya ang driver? Jan naman, gusto ko ikaw katabi ko," reklamo ni Mar na tila bata.

"Kung ayaw mo, 'di hindi na ako sasama," pananakot ko.

"S-sige na, payag na," wika niya habang simangot ang mukha. Napailing na lang si Ken.

Sumakay naman ako sa backseat at napangiti dahil sa tahimik na si Mar at Ken. Kung hindi sila magbabati, ako na lang ang gagawa ng paraan para magkalapit sila at magkabati.

Ilang minutong byahe, nakarating kami sa mall. Bumaba kami sa kotse at pumasok doon. Maraming tao sa loob dahil nga weekend.

Nauna kaming pumunta sa mga clothing store para mamili ng mga damit doon. Palagi akong nasa gitna ng dalawa na tila laging may tensyon hanggang sa pamimili ng damit na bibilhin ko. "Hindi sayo bagay," puna ni Ken.

"It's nice," sabi naman ni Mar.

Laylay ang balikat kong bumalik sa fitting room. Kanina pa kasi ang dalawa 'yon, palaging magkasalungat ang opinyon. Nang-aasar ba sila. Nawalan na tuloy ako ng ganang magsukat. "Let's go," aya ko ng makalabas ako ng fitting room.

"Huh? We're not done yet here, Jan wala ka pang napipili," pigil ni Mar na tumayo mula sa pagkakaupo.

Ngumuso ako at napakamot sa noo. "Do you think I could choose what the best kung palagi na lang magkaiba ang opinyon niyo?" inis kong sabi. "Tara na." Nauna na akong naglakad palabas ng store. "Sorry na, Jan ito kasing si Ke-"

Hinarap ko si Mar. "Stop it, Mar kung ganiyan lang din naman kayo its better to go home."

"Sorry, Jan," ani Ken. "Hindi ko intensyon na ganoon ang mangyari. It was my opinion. I promise, hindi na 'yon mauulit,” dagdag pa niya.

"Siguraduhin niyo lang kung hindi, pag-uuntugin ko kayong dalawa," banta ko.

Sunod kaming pumunta sa shoe store kung saan hindi na ako humingi ng opinyon sa kanilang dalawa para hindi na ako malito. "Kumain muna tayo," aya ni Ken nang makalabas kami ng shoe store.

Sumang-ayon naman ako dahil nararamdaman kong kumakalam na ang sikmura ko dahil sa gutom.

Naghanap kami ng makakainan sa mall at agad naman kaming nakapili ng restaurant. Napapaluha ka na lang sa presyo ng mga pagkain pero hindi ko maunawaan kung bakit napakarami ng in-order ng dalawang ito. "Hindi ba mukhang marami 'to?" tanong ko.

"Just eat, Jan," pigil ni Mar at agad na nilagyan ng pagkain ang plato ko. Nagulat pa ako ng gawin din 'yon ni Ken.

Tiningnan ko silang dalawa na seryoso ang mga mukha. Si Mar naman ay inis na lumingon kay Ken dahil sa ginawa nito.

Tila nagpapaligsahan si Ken at si Mar sa hapag. Nakakailang na sila dahil sa tuwing maglalagay ng pagkain ang isa sa plato ko, gagayahin naman 'yon ng isa. Maloloka ako sa dalawang 'to. Halos hindi ko tuloy na-enjoy ang pagkain. Matapos kaming kumain, nilibot pa namin ang mall bago nagpasiyang mag-arcade.

Napangiti ako dahil lalong lumabas ang pagkabata ni Ken at Mar. Nagpaligsahan pa sa basketball ang dalawa habang ako ay nanonood lang. Utay-utay kong nakikita ang kaunting samahang nabubuo sa kanila at sana'y magtuloy-tuloy iyon hanggang maging magkaibigan din silang dalawa.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report