Our Own Kind of Story -
Chapter 15:
Hindi ako pakali habang naghihintay sa emergency room ng hospital kung saan nandoon si Malia. Nanginginig ang mga kamay ko habang palakad-lakad sa harap ng silid. "Jan please calm yourself, Malia will be okay," pagpapagaan ni Mar sa loob ko. Habang si Ken kanina pang tahimik.
Lumapit sa akin si Mar at hinawakan ang magkabila kong balikat. "You need to calm down, Jan."
Hinarap ko siya. "I don't know how to calm down right now, Mar. Nag-aalala ako kay Malia. Baka-"
"Shhh! Hindi mapapahamak si Malia, she'll be okay," putol ni Mar sa sasabihin ko.
"I'm so sorry Jan, kasalanan ko."
Napalingon ako kay Ken na nagsalita. Bahagya itong nakayuko at halata pa rin dito ang guilt. Sinisisi kasi nito ang sarili dahil sa nangyari.
"I'm supposed to be in that room, Jan. Ako dapat 'yong nandoon at ginagamot ng mga Doctor," patuloy nito.
Nasapo ko ang aking noo. Lumapit ako kay Ken at hinawakan ang balikat nito. "Hindi mo kasalanan, Ken. Walang may gustong mangyari 'to," pagpapagaan ko sa loob niya.
Walang dapat na sisihin kung 'di ang lalaking pumalo ng bote kay Malia na para sana kay Ken. Masyadong mabilis ang nangyari kanina kaya nagulat kaming lahat.
"Damn!" napamura na lang si Ken dahil sa inis at galit.
Mayamaya pa'y bumukas na ang emergency room at iniluwa mula roon ang doctor na nag-asikaso kay Malia. Sabay-sabay namin itong sinalubong.
"Kamusta po ang pinsan ko?" agad kong tanong habang nasa tabi ko sila Ken at Mar.
Ngumiti ang lalaking doctor. "He's fine now. Mabuti na lang at hindi masyadong naapektuhan ang ulo niya. He's still unconscious but he's fine now. Nagtamo lang siya ng sugat sa ulo," paliwanag nito. Napangiti ako at nakahinga ng maluwag sa sinabi ng doctor.
"Thank you, Doc," sabi naman ni Ken.
"Sige, mauna na ako," paalam ng doctor, saka umalis na palayo.
Lahat kami nakahinga na ng maluwag dahil sa sinabi ng doctor. Nabawasan na ang kaba at takot ko, ang natitira na lang ay takot at kaba sa magulang namin ni Malia, paniguradong papagalitan kami ng mga 'yon.
Dahil sa tuwa at relief na nadama ko, niyakap ko si Mar ng mahigpit. Nang bumitaw naman ako sa kaniya, humarap ako kay Ken. "She's fine now, Ken kaya huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Alam ko kung gising si Malia, hindi ka no'n sinisisi. Ginawa niya 'yon dahil gusto niya hindi para sisihin mo ang sarili mo." Ngumiti ako sa kaniya. "Thank you," aniya ko pa.
Kinaumagahan, maaga akong pumasok sa school kahit halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa amin sa bar nang nagdaang gabi.
Tama siguro sila na every first time is unforgettable. Hindi ko inaasahan na ganoon ang mangyayari na dapat mag-e-enjoy lang kami. Napahamak pa si Malia at nadamay pa ang mga magulang namin.
Naging panatag na ang loob ko ng magising si Malia kagabi at mabuti na ang kalagayan niya. Pinagpasalamat ko na hindi siya nalagay sa critical na kondisyon. Naayos na rin ng mga magulang namin ang nangyari gulo. Nagka-aregluhan na ang dalawang panig.
Humikab ako nang makaupo ako sa bakanteng upuan at isinubsob ang ulo sa ibabaw ng arm chair ng bangko. Hindi ko na hinanap si Mar dahil alam kong late na naman 'yon, lalo na't puyat iyon pero mukhang mali ako. "Are you still sleepy?"
Mabilis akong umayos ng upo at humarap sa kaniya, nagtataka. Tiningnan ko ang wrist watch ko. "You're not late, huh," 'di makapaniwalang sabi.
Ngumiti si Mar at kumibit-balikat pa. "I'm just excited to go to school because I know you're here," banat niya.
"Aysus! Totoo ba 'yan?" Pinipigilan ko ang mapangiti.
"Oo naman, totoo 'to," aniya. Nagbago ang expression ng mukha niya. "Siyanga pala, are you going to the hospital after class?" tanong niya. Tumango ako. "Oo, bakit sasama ka?"
"I'll give you a ride kaya syempre sasama ako," nakangiting sabi niya.
"You sure?"
Tumango siya. "Of course."
-
Mayamaya pa'y dumating na ang teacher namin para sa unang klase at hindi ko pa rin napapansin si Ken sa loob ng classroom. Hanggang ngayon may kakaiba pa rin ang mga kinikilos nito lalo na nang gabi nasa bar kami. Hindi ko ito lubos na maunawaan kung bakit bigla na lang itong naging malamig sa akin.
Nang matapos ang klase para sa araw na 'yon, nagpaalam kami sa naka-assign na guro sa araw na 'yon na hindi kami makaka-attend ng practice dahil kailangan naming dalawin si Malia sa hospital. Agad naman kaming pinayagan. Nang makarating kami sa hospital gamit ang kotse ni Mar, mabilis kaming pumasok sa gusali at tinungo ang room kung nasaan si Malia.
Lumingon ako kay Mar bago ko buksan ang pinto ng silid na okupado ni Malia.
Mabilis akong pumasok kasunod si Mar at nadatnan ko roon ang nag-iisang si Malia habang abala sa pagtipa sa cellphone nito.
"We here," anunsiyo ko para maagaw ko ang atensyon niya na nagawa ko naman.
"Mar, Jan?" masaya nitong banggit sa pangalan namin.
Sinalubong ko si Malia ng mahigpit na yakap habang masayang nakangiti dahil alam kong okay na ito.
"Kumusta ka na, Malia," tanong naman ni Mar na nasa likod ko.
Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Malia, nandoon pa rin ang ngiti.
"I'm doing good," masayang sagot ni Malia. "I'll be discharge by tomorrow," balita pa nito.
Masayang nagkatinginan kami ni Mar, saka bumaling ako kay Malia. "I'm happy to hear that, Malia. Isa pa, you really look okay at hindi ko makita na napalo ka sa ulo," natatawa kong sabi.
Napatawa si Malia. "Kilala mo ako, matigas ulo ko."
Umupo ako sa kama, sa tabi niya at prenteng ngumiti. "Lumambot na nga ata, eh tinalaban na kasi ng bote," balik ko. "Pahipo nga." Inamba ko pa ang kamay ko na kunyaring hahawakan ang may sugat nitong ulo pero mabilis itong umiwas.. "Don't you dare-"
"Nandito na-"
Naagaw ng bagong pasok ang atensyon naming lahat at ganoon na lang ang gulat ko ng makita si Ken na may dalang supot na naglalaman ng pagkain. Natigilan din ito nang makita kami.
"N-nandito pala kayo," gulat nitong tanong.
"Nandito ka rin," ani naman ni Mar.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Malia at Ken na kapwa hindi makatingin sa akin, mababakasan ng pagkahiya.
"Kailan ka pa rito?" baling ko kay Ken.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"I've told him to go home kanina pa, pero sabi niya hihintayin niya na lang daw kayo." Si Malia na ang sumagot sa tanong.
"So, you two are in a good condition now?" curious na sambit ni Mar dahil alam namin ang nangyaring hindi maganda sa pagitan nilang dalawa.
Mabilis na gumalaw si Ken at tinungo ang side table at inayos doon ang pagkaing dala.
"He still blaming himself for what happened that's why he still here to take care of me. Sinabi ko naman na hindi niya 'yon kailangang gawin dahil hindi naman niya kasalanan but he insisted," paliwanag ni Malia.
"Kaya pala hindi ka pumasok kanina dahil nandito ka para alagaan itong si Malia," balik ko kay Ken.
Humarap sa akin si Ken. "I still have my responsibility for what happened to your cousin, Jan kaya gusto kong bantayan siya dahil sa pagsalo niya sa bote na para sa akin," seryosong anito.
Ngumuso ako at tumango-tango. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at lumipat sa couch, sumunod naman sa akin si Ken.
"Oo nga pala, Malia why did you do that?" nanliliit ang matang tanong ko rito.
Kumunot ang noo nito. "Ang alin?"
"Bakit mo sinalo 'yong bote, eh 'di ba nga galit na galit ka kay Ken nang gabing 'yon," curious kong tanong na kagabi ko pang iniisip kung bakit nga ba 'yon ginawa ng pinsan ko.
Hindi agad nakaimik si Malia at umiwas nang tingin sa akin. "Ahmm! I-I don't know, siguro it was my adrenaline rush or it was just an initial reaction ng utak ko ang saluhin ang bote dahil kung hindi, si Ken ang matatamaan," pahayag nito. "You're such a kind person, huh. Galit ka kay Ken but you still saved him," si Mar naman na tila may kahulugan sa mga sinabi, samahan pa ng mapagduda niyang ngiti.
Tahimik lang si Ken na nakikinig habang nakatayo sa gilid ng kama ni Malia.
“At saka, tinulungan niya rin kasi kami ni Jan para paalisin ang mga bastos na 'yon." Hindi pa rin naitago ang galit ni Malia sa mga lalaking 'yon.
"Kung sa bagay," pagsang-ayon ko kahit may kakaiba pa rin sa mga mata ko
"Ano ba kayo? There's nothing feelings involved for what I've did," putol ni Malia sa malikot naming isip ni Mar at makahulugan naming mga tingin. "Okay, sabi mo, eh," kibit-balikat na sabi naman ni Mar.
Nakita kong napabaling naman si Ken sa bintana at halata ang hiya at pagkailang sa kaniya.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report