"congratulations batch 2020!"

Kasunod ng pagbating 'yon ang palakpakan at sigawan naming mga estudyante dahil sa aabante na kami sa bagong yugto ng buhay namin. This is the time we can say, we are paid for what we do. Hindi pa man ito ang huling yugto, masaya kami na nakaabante at nagbunga ang effort naming makapagtapos ng Senior High School sa kabila ng pressure at stress ng pag-aaral.

Walang mapagsidlan ang sayang bumabalot sa puso ko. Ang daming nangyari pero nandito pa rin ako at nakapagtapos na.

Hindi na magkamayaw ang mga estudyante na lumapit sa kanilang mga mahal sa buhay at magpasalamat sa pamamagitan ng kanilang mga yakap at halik. "Congratulations, baby."

Ngumuso ako matapos guluhin ni Mar ang buhok ko. "Eh, hindi mo ba alam na ang tagal ko inayos 'tong buhok ko?" kunyaring nagtatampo kong sabi.

Ngumiti si Mar. Kinuha niya ang hawak kong toga at isinuot iyon sa akin. "Ayan, okay na," aniya. Inakbayan niya ako habang nakatingin sa mga mata ko. "You did a great job, Jan. Congratulations!"

Ngumiti ako. Niyakap ko siya at bahagyang tumingala. "You're a part of it, Mar. Dahilan ka kung bakit nandito ako. Thank you and congratulations. You did a very good job," balik ko.

Saglit siyang napatingala at napapikit. "Jan, stop acting cute in front of me, please baka 'di ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan kita," aniya na halatang nagpipigil.

Natawa ako at napayuko ng saglit. "I'm just indeed cute, Mar," mayabang kong sabi.

"PDA?"

Sabay kaming napalingon at nakita namin si Malia at sa tabi nito si Ken na kapwa malalawak ang ngiti.

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko kay Mar at hinarap ang dalawa. "We're in a relationship, Malia," dahilan ko at natawa.

Umakbay naman sa akin si Mar. "Yeah! Na-miss lang namin ang isa't isa," aniya.

"Uh-uh! Sige na, sige na, kayo na ang sweet," natatawang pagsuko ni Malia. "Kayo na ang in a relationship,” dagdag pa niya.

"Gusto mo mag-status din tayo ng in a relationship?" bigla sabat ni Ken na ikinagulat naming tatlo dahil ba tila seryoso ito sa sinabi.

Nagkatinginan kami ni Mar at napangiti. "Oy, simula na ba 'to ng bagong relationship?" simula ko sa kanila.

"Baliw ka ba, Ken? Basta-basta ka na lang nagsasalita riyan, eh," nahihiyang sabi ni Malia kay Ken na tila ba may lihim na namamagitan sa kanila.

"Speak it out if you feel something for her," sabi naman ni Mar kay Ken.

Tila nahiya naman si Ken at napakamot pa sa noo. "Do I need to speak it out?" tila 'di siguradong aniya.

"Of course you need bago ka pa maunahan ng iba," natatawang sagot ni Mar.

"Ken, stop," saway ni Malia. Napangiti ako nang mapansin ang namumula na niya pisngi na malamang dahil sa hiya.

Hindi na umimik si Ken maging si Mar. Tila kasi naiinis na si Malia sa takbo ng usapan.

"Let's talk, Ken," ani pa Malia bago hilahin palayo sa amin si Ken.

Nakangiting nagkatinginan kami ni Mar. "Do you think Malia and Ken will be together?" seryoso kong tanong.

Kumibit-balikat si Mar. "Maybe yes, maybe no. Tayo nga nagkatuluyan, 'di ba? Hindi rin posible na baka sila magkatuluyan din," sagot niya.

Niyakap ko siya habang nasa gilid niya ako. "Eh, tayo? Do you think we'll last forever?"

Ngumuso siya at tila nag-isip. "I don't really know pero...I will do everything para manatili tayo habang-buhay." Pagkasabi niyon, hinalikan niya ako sa noon na nagpalakas ng kabog ng dibdib ko at nagdala ng samu't saring ligaya't saya.

-

"Are you ready?" tanong ni Mar habang nakatakip ang mga mata ko ng isang tela at hindi alam kung saan ako naroon.

It's our 1st anniversary at masaya ako na kahit magkaibang mundo ang gusto naming tahakin, hindi pa rin nagbago ang lahat sa amin. He's taking business management habang ako kumukuha ng kursong nakalinya sa designing.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Ano ba 'to, Mar?"

"Malapit na tayo, konti na lang."

Nagdiretso kami sa paglalakad habang alalay niya ako. Kumunot ang noo ko nang huminto si Mar at pinihit ako patungo sa 'di ko alam na direksyon.

"We're here," anunsiyo niya na puno ng excitement at saya.

Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang pag-alis ng telang nakatakip sa mga mata ko.

"Open your eyes, please."

Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa pananabik sa makikita ko. Napuno rin ng saya ang damdamin ko dahil una pa lang 'di ko na 'to inasahan.

Mabilis na kumurba ang matamis na ngiti sa mga labi ko nang makita ang isang malaking puso sa harap ko. Dahan-dahan akong lumapit doon at nakita ko ang mga larawang nabuo namin sa mahabang panahon na magkasama kami. Nandito kami ngayon sa isang restaurant at walang ni isang nandito kung 'di kami lang. Sa tapat ng malaking puso, nandoon ang table na may candle sa gitna na naglalabas ng mabangong aroma. May Christmas light sa paligid na nagbigay ng kakaibang atmosphere sa silid. Patay ang ilaw at tanging iyon lamang ang tanglaw.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko habang pinagmamasdan ko ang mga memories na nakapinta sa mga larawan. Time had passed at maraming nangyari hanggang sa punto ayaw ko na pero dahil hindi si sumuko si Mar, nagtapos kami sa ganitong eksena.

"Happy anniversary, Jan. I don't know how to describe this happiness inside me right now. Time had passed at ang daming nangyari sa relasyon natin. Pero look? We are still together and spending 1 year in each other." Natawa siya. "I'm very much happy and thankful for having you in my life as my boyfriend, Jan."

Naramdaman ko ang mga bisig niya na yumakap sa katawan ko. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, luha na dulot ng labis na saya.

Dumampi ang palad ko sa braso niya na nasa baywang ko, marahan ko 'yong hinaplos. "Alam mo kung paano ako natakot noon na tanggapin ang inaalok mo relasyon. Sabi mo pa noon, bakit 'di natin subukan? Nagalit ako kasi para sa 'yo gusto mo lang subukan at kapag 'di nag-work, maiiwan akong basag, durog. Hanggang sa na-realize ko na, love is really like a game and you need to take the risk if you wanted to be happy. Natakot din ako na kapag 'di ko sinubukan at 'di ako sumugal, mawala ka at matalo ako ng tuluyan. Hanggang sa pumayag akong maging nobyo ka and it was totally taking a risk, 'di ba? Marami pang nangyari sa atib pero nagtapos tayo sa ganitong eksena. Tunay nga na love is worth fighting for." Ngumiti ako ng matamis sa mga alaalang masakit man, pero naging parte ng magandang pagtatapos.

Naramdaman ko ang paghigpit pa ng yakap ni Mar. "You are Worth fighting for, Jan," masuyo niyang pahayag.

Hinarap ko si Mar. Isinakbit ko ang mga braso ko sa leeg niya habang nasa baywang ko ang mga kamay niya.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"I love you, Mar. Happy anniversary," nakangiti at masuyo kong sambit.

"I love you, Jan."

Matamis na gumuhit ang ngiti sa mga labi namin habang magkahinang ang titig ng aming mga mata na tila nag-uusap at nagpapahayag ng damdamin sa bawat isa.

Kapagkuwa'y namalayan ko na lang na magkahinang na ang aming mga noo.

"We will be together for another years, decade, and even century. I promise."

Amoy ko ang mabango niyang hininga at ang perfume na gamit niya, lalaking-lalaki ang amoy niyon.

Napangiti ako. "Just stay with me until my last breath is enough. I promise, no matter what happen I always be strong para sa ating dalawa."

"I love you," pabulong niyang pahayag.

"I love you more, Mar."

Namalayan ko na lang na ang mga labi ko ay tumutugon na sa halik na iginawad ni Mar. Masuyo, puno ng pagmamahal at romantiko ang bawat halik na iyon. Aminin ko man o hindi, para pa rin 'yong unang halik para magwala ng husto ang puso ko at kiligin ako ng sobra.

We celebrate our first Anniversary together at napakasaya nang araw na 'to. Maraming nangyari sa amin pero dahil naging matatag kami, nanatili kami sa isa't isa.

Naduwag ako. Natakot. Hindi alam ang gagawin sa mga sitwasyon kinasadlakan ko noon. Pero dahil sa mga tao sa paligid ko, nalagpasan ko 'yon at mas naging matatag ako.

Natutunan ko na hindi kailangnag matakot na harapin ang mundo na kasama ang taong mahal mo kahit pa sino siya. Kahit pa kapwa mo lalaki o kapwa mo babae. Mali sa paningin ng iba pero mas mahalaga pa rin ang pagmamahal mo para sa taong 'yon. Walang magagawa ang takot pero may magagawa ang pagmamahal.

The End...

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report