[Chapter 18]

0000000, 00000000 1789

00000 abalang araw ang bumungad sa umaga ng lahat, ilang oras na lamang ay magsisimula na ang pagdiriwang bilang pagkilala sa bagong itinalagang heneral na si Vicente Felisidario. Ang lahat ay imbitado sa kasiyahang ito kung kaya't iginayak ng mga pobre ang kanilang pinakamagandang kasuotan samantalang nagsibilihan naman ng magagarang damit, sapatos, at palamuti na isusuot ang mga mararangyang pamilya.

Hindi kailanman nagalak sa imbitasyong yaon upang magtanghal si Carina, ni hindi rin siya pinilit ng kaniyang Ama't Ina upang dumalo rito.

Bago magsimula ang pagdiriwang ay nagpahatid siya kay Mang Estong sa isang parke kung saan ay magkikita sila ni Lorenzo. Nakasuot siya ng isang simpleng baro't saya lamang, hindi mahahalata kung anong antas ng pamumuhay ang mayroon siya, kaniya itong sinadya upang walang makapansin sapagkat ang alam ng lahat ay aawit siya sa gaganaping selebrasyon.

Pagdating nila sa parke ay naroon na si Lorenzo, nakatayo ito mula sa malayo kaya't agad na kumaway si Carina rito. Nagpaalam na rin si Mang Estong dahil ihahatid niya rin si Catrina patungo sa gaganaping pagdiriwang sa bahay ng Alcalde Mayor.

"Buong akala ko'y maririnig kitang umawit ngayong araw..." Wika ni Lorenzo na may halong pagkadismaya.

Nakatayo lamang sila malapit sa isang malaking puno ng narra, "Aalokin mo lamang pala akong tumakas sa pagdiriwang." Natawa si Carina sa sinabi ng binata.

"Maaari naman kitang awitan, hindi ba?" Tila kapwa sila namula sa sinabing iyon ni Carina. Aawitan niya ang binata nang sila lamang at pakikinggan siya nito, tila nais niya na lamang na magpalamon sa mga imahinasyong umiikot sa kaniyang isipan.

Napatikhim si Lorenzo, "Ah, mas mabuti nga iyon. Tayo lamang ang magsasalo sa buong oras habang sila'y sama-samang nagsasaya ngunit bakit kailangan mo pang magpadala ng isang liham?" Walang pakundangang saad nito, tila ba hindi niya naisip ang mismong kahulugan ng kaniyang sinabi, na mas nanaisin niya pang makasama ang dalaga ng sila lamang kaysa tumungo sa selebrasyon kung wala rin naman ang kaniyang binibining iniibig doon. Wala pang relasyon sa pagitan ng dalawa ngunit lubhang kapansin-pansin na ang tila ba kuryenteng dumadaloy sa tuwing magkasama ang mga ito. Humahanap lamang ng tiyempo si Lorenzo na magtapat dito, alam niyang nagkagusto ito sa kaibigang si Carlos kung kaya't hangga't maaari ay ipinaparamdam niya na lamang muna rito ang pag-ibig sa pamamagitan ng pagiging kanlungan sa gitna ng masalimoot na kawalan at pagiging isang mabuting kaibigan.

"Liham? Ah, oo hindi ko nais na lumabas noong araw na iyon sapagkat abala ako sa pagtulong kay Ina na magluto para sa aming mga manggagawa kaya ibinilin ko na lamang kay Ursula na sumadya sainyong tahanan bago siya tumungo sa bayan upang bumili ng mga kulang sa aming putahe." Espesyal na araw iyon para sa mga magulang ni Carina sapagkat no'ng araw na iyon ang anibersaryo ng kanilang kasal at nakasanayan na rin nilang imbes na mga mararangyang tao ang imbitahan ay naghahanda na lamang sila para sa kanilang mga manggagawa at katulong.

Matapos ang masinsinang pag-uusap ay napagpasyahan ng dalawa na manood na lamang ng teatro sa bayan, naglakad-lakad sila sa mga kalye, at nagpahinga sa isang tabing ilog kung saan abot-tanaw nila ang pagkulay kahel ng araw bago ito tuluyang lumubog.

☐☐☐☐☐☐☐ si Vicente sa mga binibining umawit nang hindi niya makita rito si Carina. Itutuloy niya pa rin sana ang kaniyang plano na ipakilala si Carina bilang kasintahan kahit na ilang beses na siya nitong tinanggihan, napahilamos siya sa kaniyang mukha dahil sa sobrang galit.

Masaganang nagsasalo ang bawat pamilyang naroon, magkakasama naman sa isang hapag sina Josefa, Carlos, Juliana at iba pang mga binibini't ginoo na kasing-edad lamang nila. Samantala, magkakaharap naman sa isang malaking mesa ang pamilya Alonso at Estrella, habang si Catrina ay naroon kasama ang kaniyang matagal nang hindi nakikitang pinakamalapit na kaibigang si Tanya ang nakababatang kapatid ni Vicente Felisidario.

Mahinahong lumapit si Don Sulpicio sa mesa kung saan naroroon ang pamilya Estrella at Alonso, bumati siya sa lahat at pagkatapos no'n ay may ibinulong kay Don Idelfonso. Naglakad na paalis ang Don at siya namang pagpaalam ni Don Idelfonso sa mga kasamahan, sinundan niya si Don Sulpicio at tumungo sila sa Azotea upang makapag-usap.

Bumuga ng usok si Don Sulpicio, "Anong nangyari sa ating kasunduan, Idelfonso." Tila hindi patanong kun'di isang sarkastikong pananalita ang bungad ni Don Sulpicio kay Don Idelfonso.

Nakapamulsang humarap si Don Idelfonso rito, "Kasunduan? Paumanhin ngunit wala akong naaalalang kasunduang naganap mula sa atin, Sulpicio." Wika nito kahit alam niya namang ang tinutukoy nito ay ang kaniyang anak na dalagang si

Carina.

"Hindi ko kailanman itatali ang aking anak sa isang kasunduang tulad nito, kahit pa mawala ang lahat ng kayamanan at karangyaan ko'y hindi, hindi pa rin ang aking sagot." Tumalikod na si Don Idelfonso at akmang aalis na nang marinig ang pagtawa ni Don Sulpicio.

Napatigil siya sa kaniyang paghakbang nang muli itong magsalita, "Mawala ang kayamanan at karangyaan..." Panimula nito.

"Kahit pa kapalit nito ay magdurusa sa hirap ang iyong mga supling," muli siyang humalakhak na tila ba isang biruan ang mayroon sa pagitan nila.

Napatikom ang kamao ni Don Idelfonso, mabilis nitong nilisan ang lugar at bumalik sa selebrasyon. Naisin niya mang umuwi na lamang ngunit isang kapangahasan ito lalo pa't malapit ang kanilang pamilya sa alcalde mayor ng kanilang bayan. "Tatandaan ko ang gabing ito..." Tila nahawi ang halakhak ni Don Sulpicio at bumahid ang isang seryosong wangis. Hindi niya akalaing lubhang matigas ang ulo ni Idelfonso at nagawa siya nitong tanggihan ng paulit-ulit. 0000000 araw matapos ang pagdiriwang, nagtungo ang isang binibini sa tanggapan ng Heneral.

Sa susunod na taon inatasang maglingkod si Vicente sa ibang bayan upang mas mahasa sa pagsasanay kung kaya ay marami pa siyang oras na nalalabi para magliwaliw at magpahinga. Habang naghihintay ng utos na tumungo sa ibang bayan ay sa kaniyang tanggapan madalas mamalagi ang binata upang tugunan ang anumang reklamong ihahain ng madla.

May isang mahalagang pag-uusap ang naganap sa pagitan ng heneral at ng binibini. Nagkaroon din ng kasunduan na sila lamang ang may alam, buong akala ng mga bantay ay reklamo ang natanggap ng heneral ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay isang plano ang nabuo sa pag-uusap na ito.

"Ako'y iyong maaasahan." Nagkamay ang dalawa bago lisanin ng dalaga ang tanggapan.

Tumayo si Vicente mula sa kan'yang kinauupuan, lumapad ang isang ngiti sa kaniyang labi-maisasakatuparan niya na ang kaniyang hangarin.

0000000 ang balitang bago manilbihan sa ibang bayan bilang isang heneral ay ipakikilala na ni Heneral Vicente ang kaniyang binibining nais pakasalan. Kasabay nito ay ang kagimbal-gimbal na pagkawala ng isa sa maimpluwensyang pangalan sa buong batangas.

Mag-iisang araw nang nawawala ito kung kaya't ipinahahanap na ito ng kaniyang buong pamilya, lingid sa kaalaman nila'y isang trahedya ang kahahantungan ng binata.

Marahang pinapakalma nina Juliana at Carina si Josefa, kahit sila'y hindi pa rin makapaniwala sa kung saan man pumunta si Carlos. Alam ni Josefa na nagpapaalam ito sa kanila lalo na sa kaniyang pamilya kung saan man ito magtutungo upang walang mag-aalala lalo pa't isa itong inhenyero ng mga lupain kaya't madalas itong pumunta sa iba't ibang lugar.

"Diyos ko, sana'y wala namang nangyaring masama sa kaniya." usal ni Juliana, labis siyang nag-aalala sa kaibigan.

"Ano ba ang inyong huling pag-uusap ni Carlos? Sa iyong palagay, saan nagtungo ang iyong kasintahan Josefa?" hindi na maramdaman ni Josefa ang halo-halong emosyon na kaniyang nararamdaman.

"N-Nagkita lamang kami kagabi, pagkatapos n'on ay umuwi lang din siya sapakat mayroon pa raw siyang mga kailangang tapusin." Nanginginig na saad nito. Buong akala ng mga magulang ni Carlos ay inabot na ng umaga ang anak sa tahanan ng pamilya Fernandez ngunit nang umaga ring iyo'y kanilang napagtanto na buong gabi ay wala ni anino nito ang dumating o nakituloy sa pamilya ng kasintahan nito.

Isang kabayo ang dumating sa bahay ng pamilya Fernandez, sakay nito si Lorenzo na tumulong sa paghahanap kay Carlos.

"Anong balita?" Agad siyang sinalubong ng tatlong dalaga.

"Paumanhin ngunit hanggang ngayo'y hindi pa rin namin siya natatagpuan." Binalot sila ng katahimikan dahil sa sinabi ni Lorenzo.

"Ngunit nakatagpo kami ng isang pilak na kwintas 'di kalayuan sa inyong tagpuan." Ipinakita niya sa lahat ang isang pilak na kwintas na may disenyong hugis krus.

Inabot ito ni Carina sa kaibigan, hindi pa man nahahawakan ay alam niyang ito ang kwintas na kaniyang ibinigay sa kasintahan. Isa itong mahalagang bagay sa kaniya kung kaya't ibinigay niya rin ito sa pinakamahalagang tao sa kaniyang buhay, hindi niya inakalang muli itong maibabalik sa kaniya sa gitna pa ng isang matinding suliranin.

Napayakap na lamang ito sa katabing si Juliana nang makumpirma ang hawak na kwintas, agad na bumuhos ang luhang kanina niya pa pinipigilan, "Hindi. Alam kong iniingatan niya ang bagay na ito, hindi niya ito basta-basta na maiwawala lamang!" nilalamon na siya ng matinding galit, alam niyang hindi nagkataon lamang na nawawala ang nobyo dahil noong mga nakaraang linggo pa lang ay bukambibig na nito ang mga misteryosong taong umaaligid sa kaniya sa tuwing siya ay mag-isa sa daan.

Sinabi ni Josefa ang bagay na iyon sa mga kaibigan, mas lalong binalot ng mga katanungan ang lahat dahil alam nilang wala namang kaaway ang binata, ni wala rin itong utang sa kahit kaninong opisyal o marangyang pamilya. 0000000 na sapak ang bumungad kay Vicente mula sa kaniyang ama, galit na galit siya nitong sinalubong nang malaman ang paggawa nito ng mga palihim na hakbang, hindi niya nais na masangkot ang kanilang pangalan sa anumang gulo, higit' maaari ay ayaw niyang pagpiyestahan sila ng taumbayan ng dahil sa isang anomalya.

"Huwag na huwag mong idadamay ang ating pangalan sa iyong mga pinaggaga-gawa!" Mula sa kaniyang malalim na pagtingin sa anak ay ang katotohanang nais niyang pangalagaan ang lahat ng mayroon sila, ayaw niyang maging padalos- dalos ang anak sa pagsasagawa ng mga hakbang, hakbang na maaaring magdala sa kanila sa kapahamakan.

Hawak ang kaniyang pisngi ay sarkastikong tumawa si Vicente, "Ama, wala ba kayong tiwala sa anak ninyo?" Lumapit siya sa kaniyang ama at ipinakita ang kaniyang uniporme at mga nakasabit ditong medalya dulot ng samo't saring tagumpay.

"Baka inyo nang nakaliligtaan, hindi niyo ako pinalaking hunghang. Malinis kong gagawin ang aking mga plano, hindi ba't nais niyong angkinin ang lahat ng karangyaan sa ating bayan?" Kunot-noong napatingin ang Don sa kaniyang anak, pinagdudahan niya ang kakayahan ng anak ngunit tila ba hinatak siya ng lahat ng natatanging parangal at angking galing nito. Hindi rin nito kinakalimutan ang kaniyang mga layunin. "Aking ihahain sa inyong mga kamay," dagdag pa nito na lalong nagpabilib sa kaniya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Matapos magsalita si Vicente ay nagbigay galang na ito sa kaniyang ama sa pamamagitan ng pagbaba ng kaniyang sombrero sa dibdib. Agad niyang tinahak ang isang tagong kwarto sa kanilang tahanan, naroon ang binatang kaniyang ipinadampot sa kaniyang mga tauhan.

Mababakas ang kaawaawang kalagayan ng binatilyo na tila ba nagtamo ng iba't ibang uri ng parusa, isang buong magdamag pa lamang ang nakalilipas ngunit halos maligo na ito sa sariling dugo dahil sa mga malalang sugat na natamo. Kasama niya ang dalawang tauhan nang pumasok sa silid habang nakabantay naman ang dalawa pa sa labas nito. Mula sa madilim na sulok ng maalikabok na silid ay nilapitan niya ang hinang-hina nang nakataling binata. Tinapik niya ito ng marahan sa pisngi, "Handa ka na ba para bukas? Ihahain na natin ang isang napakalaking palabas na gigimbal sa lahat." Matalim na tumingin ang binata rito.

"Carlos Quizon." Tumango-tango si Vicente habang binabanggit ang pangalan nito.

"Lantaran mo akong ipinahiya sa binibining nais kong maging ina ng aming mga supling..." Inabot nito ang mahabang uri ng baril mula sa kaniyang tauhan at muling lumapit kay Carlos.

Iniangat niya ang mukha nito gamit ang dulo ng baril, "At ngayon, nasaan na ang iyong tapang?" Wala pa ring imik at nakatingin lamang si Carlos sa heneral. Hindi niya lubos maisip na gano'n kasama ang ugaling dala nito. Tinadyakan niya ito sa tiyan dahilan upang mapasigaw ito, "Sa susunod, kung papalarin ka pang mabuhay muli!" Hinawakan niya ito ng mahigpit sa mukha.

"Mag-isip ka kung sino ang iyong kakalabanin." Sarkastikong saad nito dahilan upang mapadura si Carlos at bitiwan niya ito.

Muling dumura ng may halong dugo si Carlos bago nagsimulang magsalita, "Wala kang kasing sama, Vicente. Huwag mong papangarapin si Carina dahil alam mo, hinding hindi siya iibig sa isang masama ang budhing tulad mo!" Kahit nanghihina ay nagawa niya pa rin itong isigaw sa harap ni Vicente. Alam niya na ang kaniyang kahihinatnan, nalulugmok man 'pagkat napakarami niya pang maiiwan lalo na ang pinakaespesyal na nobya ay wala siyang ibang magagawa kung hindi ang manalangin na lamang na wala nang iba pang inosenteng tao ang mahuhulog sa mga patibong ng gahamang heneral.

Sumenyas si Vicente sa kaniyang mga tauhan na agad namang tinanggal sa pagkakatali si Carlos, muli niya itong dinambahan ng mga suntok at tadyak dahilan upang mas lalo itong manghina at sumuka ng dugo. Nang halos mawalan na ito ng malay ay ipinahatak niya na ito sa kaniyang mga tauhan, hindi na magawang magpumiglas ng binata dulot ng matinding panghihina, nandidilim na rin ang kaniyang paningin senyales na ilang minuto na lamang ay babagsak na ng tuluyan ang kaniyang buong katawan.

"☐☐☐☐☐ ko po!" Napasigaw ang isang estranghero sa kaniyang natagpuan. Upang masigurado ang nakita ay kinuha nito ang isang maliit na sanga ng kahoy upang alisin ang sakong nakaharang sa ulo ng isang bangkay na sa tingin niya ay karumaldumal na pinaslang.

Halos maduwal siya sa kalagayang tinamo nito, nagsisi-sigaw siyang tumungo sa mataong parte ng lugar na iyon. "Tulong! May patay rito!"

rieteratura

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report