[Chapter 20]

☐☐☐☐☐☐ ipiniit si Lorenzo sa likod ng malalamig na rehas matapos ang paglilitis. Ilang oras bago ganapin ang parusang kamatayan ay pinilit ni Carina na makapasok kung saan nakapiit ang binata ngunit lubhang madami ang mga guardia civil na nakapalibot sa buong lugar kung saan naroroon ang binata.

Umugong ang nakabibinging usap-usapan patungkol sa pagpaslang ni Lorenzo sa kaniyang malapit na kaibigan. Ang iba'y hindi mawari kung ano ba ang totoong pakay niya dahilan upang patayin ng ganoon ang kaibigan, ang iba nama'y nagdadalamhati't nahahabag dahil sa tingin nila'y mayroong pinapanigan ang batas. Halos lahat ay nakaabang na upang matunghayan ang parusang kamatayan kay Lorenzo, na kung saan siya ay babarilin ng tatlong beses sa parke sa harap ng madla.

Padabog na nakapasok si Carina sa tanggapan ng heneral kung saan ay naroon nagpapahinga si Vicente. Agad na tumayo si Vicente upang ito'y harapin ngunit isang malakas na sampal ang kaniyang nakuha mula sa dalaga, muli sana siyang sasampalin ni Carina ngunit sa pagkakataong ito'y nahawakan niya't nasangga ang kamay ng dalaga.

"Bitawan mo ang aking kamay." Matapang na wika ni Carina na mabilis namang sinunod ni Vicente.

Napakuyom ang kamay ni Carina dahil sa tila ngising aso na ipinapakita ni Vicente, "Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?!" Muli niyang tanong sa heneral.

Bumalik si Vicente sa kaniyang mesa at pabagsak na inilapag ang kaniyang kamay dahilan upang mapabalikwas si Carina, "Bakit nga ba?" Sarkastikong sagot naman ng heneral.

"Sabihin na lamang nating, upang ilayo ka sa kinababaliwan ng iyong puso, Carina." Naipadyak na lamang ni Carina ang kaniyang mga paa dahil sa hindi matiis na galit. Napawi ang ngiti mula sa mukha ni Vicente at napalitan ng isang seryosong wangis.

Lumapit siya sa posisyon kung nasaan ang heneral, "Walang hiya ka, Vicente! Buong akala ko pa nama'y maiintindihan mo ang aking desisyon dahil isa kang matalinong heneral subalit hindi, mangmang ka sapagkat mas pinaiiral mo ang paninibugho kaysa ang pagrespeto!" Lumalim ang tingin ni Vicente dahil sa mga sinasabi ni Carina.

Lingid sa kanilang kaalaman ay naririnig sila ni Lorenzo mula sa kulungan nito, halos isang pader lamang ang pagitan ngunit hindi ito matagpuan ni Carina. Nalulugmok ang binata dahil wala siyang magawa sa kaniyang kinalalagyan, alam niyang gumagawa ng hakbang ang mga kaibigan at pamilya ngunit sa paglaban sa batas ay alam niyang hinding-hindi sila papanigan.

Napatayo si Vicente at mahigpit na hinawakan ang dalaga sa mukha, "Wala ka nang magagawa sapagkat ang iyong Lorenzo ay mamamatay na mamaya." Halos hindi na makahinga't naiipit na rin si Carina sa ginagawa ni Vicente. Kahit tila nahaharangan ang kaniyang paghinga'y nagawa niya pa rin itong sagutin, "Ikinasusuklam kong ikaw ang heneral ng ating bayan at ipinagpapasalamat ko ring si Lorenzo ang aking inibig, hindi ikaw!" Pinilit niyang tanggalin ang kamay ng binata sa kaniyang mukha at saka nilisan ang silid-tanggapan.

Agad naman na tinungo ni Vicente ang lugar kung saan ay kanilang ipiniit si Lorenzo. Isang matalim na tingin ang bumungad sa kaniya mula sa binata, isang tingin na aakalain ng sinumang makatutunghay na ito ay mayroong patalim na nagpupumiglas na pumuslit upang tamaan ang heneral.

"Handa ka na bang muling makita ang iyong kaibigan na si Carlos?" Binuksan nito ang kulungan at tahasang lumapit sa hinang-hina na si Lorenzo.

Hinawakan niya ito sa kwelyo upang itayo, doon ay sinalubong siya nito ng galit na galit na paningin.

"Isa kang hangal, Vicente." Mahinang tugon nito kay Vicente na lalong nagpalawak ng mapanlinlang na ngiti ng heneral.

"Huwag kang mag-aalala, lilisan ka sa sansinukob bilang isang martir. Aking siguraduhin 'yan..." Umihip ang nagpupuyos na hangin na lalong mas nagpalamig sa seldang yaon.

Tinapik-tapik niya si Lorenzo sa pisngi bago tuluyang bitiwan na tila ba isa itong laruan lamang na maaaring ibagsak kahit kailanman naisin, dahil sa dami ng galos at pasa ni Lorenzo ay ganoon na lamang siya mawala sa balanse, sanhi upang siya'y tuluyang bumagsak sa malamig na sahig ng piitan.

Lumabas na si Vicente sa selda ngunit gumapang si Lorenzo at pinilit ang sariling makatayo sa tulong ng pagkapit sa malalamig na rehas. "Huwag kang maging suwail sa ating kasunduan, Vicente! Kapag nagawa mo na akong paslangin ay wala ka nang iba pang idadamay na inosenteng tao!" Tinignan laman siya nito na tila ba walang narinig mula sa kaniya.

Matapos ang paglilitis ay pinangakuan siya ni Vicente na hindi na ito muling gagawa ng ikapapahamak ng ibang walang kamalay-malay at inosenteng tao upang siya'y kalmadong sumama rito at hindi na kuwestiyonin pa ang hatol ng hukuman. Lingid sa kaniyang nalalaman ay maraming nakahaing hakbang sa hapag ng gahamang heneral.

Halos mawala na sa sariling tumungo pauwi si Carina, ganoon na lamang ang paghingi niya ng tawad sa buong pamilya lalo na sa ina't kapatid ni Lorenzo dahil wala na siyang iba pang magagawa upang iurong ang parusa. 00000 minuto na lamang bago gawin ang parusang kamatayan kay Lorenzo, nagpupumiglas ang kaniyang kapatid at ina upang mahagkan man lamang siya kahit sa huling pagkakataon subalit ni ilang segundo'y hindi sila pinagbigyan ng mga guardia civil. Kasado na ang lahat, nakapalibot na rin ang iba pang bantay upang pigilan ang sino mang manggugulo sa gagawing pagparusa.

Inilakad na ng dalawa pang guardia civil si Lorenzo patungo sa gitna, mahahalata sa tindig ng binata ang mga parusang natamo nito mula sa loob ng kulungan. Pilay rin ang isa nitong paa dahilan upang hindi ito makapaglakad ng maayos. Poot ang dumaloy sa puso ni Carina at ng sino mang malapit sa binata, labis silang nagpupumilit na makalapit ngunit pinipigilan sila ng mga armadong grupo ng guardia civil.

Halos mawala na sa kaniyang sarili si Donya Lucia samantalang nilalakasan naman ni Helia ang kaniyang loob para sa kaniyang ina't ama. Hindi siya lubos makapaniwala sa kahahantungan ng kaniyang nakatatandang kapatid, kuya na palaging naroon upang pasiglahin ang kaniyang araw, upang turuan siya sa mga hindi niya pa nasusubukang gawin at ang isang dakilang kapatid na labis niyang hinahangaan sa angkin nitong kabutihan.

Habang inihaharap ang mukha ni Lorenzo sa madla ay mababakas ang mga galos at parusang kailanman ay hindi niya dapat maranasan mula sa mapang-aping kabaluktutan ng batas.

Tumingin siya sa kaniyang ina't kapatid kahit pa lubhang mahirap sa kaniyang harapin ang mga ito ngunit bilang tanda ng kaniyang taos-pusong pamamaalam ay nais niyang bitbitin kahit saan man siya dalhin ng kapalaran ang alaala mula sa kanilang mga hitsura, ang mga pangarap na tutuldokan na at ang buhay na puno ng pagmamahal na ibinigay sa kaniya. Pumatak ang isang mainit na likido mula sa kaniyang kaliwang mata habang pinagmamasdan ang pagdadalamhati ng kaniyang pamilya. Mas lalo siyang nadurog nang maalala ang ama na wala pang ideya sa kaniyang dinaranas ngayon.

Sa huling pagkakataon, sa gitna ng madilim at malungkot na gabi ay nagtama ang mga mata nina Lorenzo at Carina. Sa dahan-dahang pagsayaw ng hangin sa mahabang buhok ng dalaga at ang pagdampi nito sa kani-kanilang balat na tila ba hindi matatawaran ang lamig ay ang katotohanang hindi pa man nila nasisimulan ang pinakamasayang pagsasama bilang magkasintahan, pinagkaitan na kaagad sila ng mapaglarong kapalaran.

"Lorenzo..." Sa puntong iyon ay hindi na nag-alinlangan pa ang binata na ilihis ang kaniyang paningin mula sa pagkakatuod kay Carina.

Habang nakatali ang mga kamay sa gitna ng maraming sulo at lamparang hawak ng iba't ibang manonood, tumingala si Lorenzo sa kalat-kalat na bituin ng kawalan. Mas lalong lumamig ang simoy ng hangin, para bang nais siya nitong liparin at igiya saan niya man naisin tumungo. Kasabay ng pagbasbas ni Padre Domingo Alcaraz sa kaniyang kaluluwa at ang mas lalong paglawak ng mga panaghoy ay ang kaniyang pagsariwa sa maikling buhay na ibinigay para sa kaniya.

Dumating na siya sa dulo ng kaniyang paglalakbay, unti-unting lumayo ang pari at pumwesto ang mga guardia civil. Isa, dalawa, tatlong bala ang sunod-sunod na ipinutok na kapwa tumama sa kaniyang dibdib. Napaluhod si Lorenzo na sinundan ng mabilis na pag-agos ng dugo mula sa kaniyang mga sugat. Muli niyang tinignan ang kan'yang ina at kapatid na wari'y nagpapaalam na, hindi pa rin makalapit ang mga ito dahil sa puwersa ng mga guardia civil na nakapaligid. Maingat na bumulong ang isang guardia civil sa isa niya pang kasamahan, matapos iyon ay agad itong nagtungo para damputin ang siyang pinaka-puno't dulo ng pagpaslang. Ito ay naging hudyat upang tahasang makapuslit si Carina at makalapit sa nag-aagaw buhay na si Lorenzo.

"Carina, anak!" Sigaw ng kaniyang ama nang makitang tumakbo ito palapit sa kinaroroonan ng naghihingalong si Lorenzo.

"Lorenzo! Gumising ka! Dadaldhin kita sa pinakamalapit na pagamutan. Pakiusap, gumising ka!" Tuloy-tuloy na bumagsak ang mga luha ni Carina na kanina pa hindi mapigil sa pagkawala habang tinatanggal sa pagkakatali ang mga kamay ni Lorenzo.

Nakapikit na lamang si Lorenzo ngunit marahan pa itong humahangos na tila ba nilalabanan ang kaniyang kamatayan. Nang marinig ang tinig mula sa binibining lumapit at umakay upang buhatin siya sa may ulo, ay umagos ang luha ng paghihinagpis mula sa kaniyang hinang-hina nang mga mata. Pinilit niyang imulat ang mga mata upang sa huling pagkakatao'y mahagkan man lamang si Carina, iniangat niya ang kaniyang kamay at inabot ang pisngi ng dalaga na punong- puno na ng luha.

"Carina..." Hinawi niya ang mga luha nito gamit ang sariling daliri, para bang ipinapahiwatig nitong hindi siya handang lumisan ngunit tila ito ang kaniyang kapalaran.

Pag-iling ang naging tugon ni Carina sa tawag na iyon, "Kahit saang buhay man ako dalhin, ikaw at ikaw pa rin ang aking hihintayin. Hihintayin kita Carina hanggang sa tuluyan nang isulat ng tadhana ang ating dalisay na pag-iibigan..." Kumawala ang maraming dugo mula sa kaniyang bibig, lumapit ang mga tauhan ni Vicente at tahasang iniaalis si Carina sa lugar na iyon.

Isang putok ng baril ang narinig mula sa 'di kalayuan, si Ursula ay humahangos na lumapit kay Carina, "Binibini." Nakayakap pa rin si Carina kay Lorenzo, namumugto na ang mga mata nito ng ibaling sa hapong-hapo na si Ursula ang paningin. Marahang bumulong si Ursula sa dalaga dahilan upang mas lalo itong mapabagsak sa kaniyang kinauupuan.

"M-Mahal kita, Carina." Dagdag pa ni Lorenzo, sa pagsipol ng hangin sa paligid, malungkot na pagkislap ng mga tala sa kalawakan, at ang mas lalong pagbalot ng mga panaghoy ay tila ba tumigil ang paligid.

Sa dulo ng mga nagkukumpolang guardia civil ay maaaninag ang heneral na masayang binabati ng kaniyang mga tauhan, dalit ng pagkaimbi ang siyang tumahan sa puso ni Carina. "Wala kang kasing-sama, Vicente!" Sinundan ito ng ilan pang pagputok ng baril na mas lalong nagpa-alarma sa madla.

Doon ay nasaksihan ng lahat si Don Idelfonso habang hawak-hawak ang isang baril na kaniyang naagaw mula sa isang guardia civil. "Sumuko ka na lamang, Don Idelfonso." Wika ng isang guardia civil. Nagtatawanan pa ito na para bang hindi man lamang natatakot sa pagtutok ng baril mula kay Don Idelfonso.

Isinalaysay ni Ursula kay Carina ang tahasang paghalughog sa kanilang tahanan upang maghanap ng mga katibayan. Sa isang katamtamang laking kahon ay natagpuan nila ang isang sulat kamay na naglalaman ng kasunduan upang paslangin si Carlos Quizon.

"Ni hindi man lamang nila ipinausisa ang mga sulat-kamay na 'yon kung kanino galing, puro pambibintang ang ginagawa nila at dahil hawak nila sa leeg ang batas ay pinapanigan sila!"

Tuluyan nang nawalan ng buhay ang binata, nakaladkad na rin ng mga guardia civil si Carina. Paulit-ulit niyang ibinubulong sa sarili ang pangako na kung totoo man ang pangalawang buhay' hinihingi niya sa mga bituin na magtagpo silang muli kahit pa ang kapalit nito'y hindi kasiguraduhan.

Sa puntong iyon ay natanaw ni Carina mula sa pagkaka-kaladkad sa kaniya ang ama na nakikipagbuno sa mga guardia civil. Isang estranghero mula sa isang mataas na puno ang tila ba tumutulong rito gamit ang isang uri ng palaso. Isa-isang pinana nito ang mga guardia ngunit tila naubusan ito ng palaso, dahilan upang tumakas ito at nagpalipat-lipat mula sa mga puno at bubong ng mga bahay. Maaaninag lamang ang itim na salakot nito, nakapagpatumba ito ng ilang guardia civil ngunit hindi 'yon naging dahilan upang bumaba ang puwersa ng mga armadong tauhan ni Vicente.

Dahil sa naturang pangyayari ay inatasan ni Vicente na agaran ng gawin ang parusa kay Don Idelfonso na kaniyang inakusahang pinuno sa pagpatay kay Carlos.

"Ama!" Sabay na napasigaw ang kambal na Carina at Catrina. Sakay ng isang kalesa ay bumaba si Catrina na lubhang nahabag sa masalimoot na sinapit ng kanilang ama.

Mas lalong tumangis ang puso ni Carina dahil isa na namang malapit sa kaniya ang pinaslang at ang kaniyang ama pa. Sa puntong 'yon ay direktang tumama sa noo ni Don Idelfonso ang isang bala ng baril, nabitiwan niya ang kaniyang hawak na armas at mabilis na bumagsak sa lupa.

Habang patuloy na hinihila ng mga guardia civil ay galit na galit na tumingin si Carina kay Vicente, sa gitna ng malalim na gabi at nagpupuyos na hangin ay pinakawalan niya ang isang sumpang hindi nanaisin ng kahit na sino mang taong makaririnig.

"Pagsisisihan mo ito, Vicente! Isinusumpa kong kahit maabot mo man ang lahat ng karangyaan sa sansinukob ay hinding-hindi ka mabubuhay ng maligaya, lahat ng pasakit na ito'y babalik saiyo, wala kang kasing sama! Kung gaano mo kami ngayon pinahirapan ay gano'n din ang dapat na kalagyan mo, isa kang hayop! Kayo ng iyong ama!" Halos mapatid na ang mga ugat sa lalamunan ni Carina dahil sa mga sigaw na kaniyang binitawan.

Lingid sa kaalaman ng marami'y matapos niyang banggitin ang mga katagang 'yon ay tila isang bituin ang nahulog mula sa kalawakan. Isang liwanag ang nahulog mula sa himpapawid na tila ba isang bato na nag-aalab. Mabilis itong dumaan na nagbigay ng isang kagila-gilalas na natatanging liwanag. Walang nakapansin, walang nakakita, subalit kasunod ng pagbagsak nito sa isang mabuhanging lupain ay ang katotohanang anumang isinulat na sa kapalara'y maaari pa ring muling maisulat at baguhin ang wakas.

Ito ay isang bulalakaw na pinaniniwalaang anumang hiling ay binibigyang katarungan.

Iniwanan si Carina ng dalawang guardia civil sa isang puno, doon ay nilapitan siya ng kaniyang kakambal. Inakay ni Catrina ang kapatid at inalalayan itong makatayo, lubha itong nagdadalamhati at hindi niya alam kung pa'no ito papatahanin. Samantala, makikita mula sa isang tabi ang isang Don na tila ba nasisiyahan sa kaniyang mga nakikita, isinuot na nito ang kaniyang sombrero at magarang sumakay sa kaniyang mamahaling karwahe, humahalakhak itong lumisan sa parke na para bang isang pagdiriwang ang kaniyang dinaluhan.

"0000, nandito na ako." Tumatangis na lumuhod sa harap ng puntod ni Lorenzo si Don Santiago. Huli na nang mabalitaan niya ang nangyaring pagdakip sa anak kung kaya't inabutan niya na lamang itong wala nang buhay at nailibing na. "Kung sana..."

"Kung sana'y narito ako!" Sinisisi ni Don Santiago ang sarili sa nangyaring pagpaslang sa kaniyang anak at malapit na kaibigan na si Don Idelfonso. Napayakap na lamang si Helia sa kaniyang ama, sinamahan niya itong tumungo sa puntod ng kapatid kahit pa kararating lamang nito mula sa isang malayong nayon. Si Donya Lucia naman ay nakaratay dahil sa sakit, nilagnat ito ng lubhang mataas dahil sa nangyari at mga nasaksihan.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Patuloy ang pagdaloy ng mga luha ni Don Santiago, buo na ang kaniyang pasiya. Puputulin niya ang lahat ng negosasyon sa pamilya Felisidario na wala man lamang ginawa upang tulungan ang kaniyang pamilya sa mga paratang na naganap. 00000 sa pag-akusa kay Don Idelfonso bilang nag-atas kay Lorenzo na pumaslang kay Carlos ay kinuha ng gobyerno ang lahat ng ari-arian ng pamilya Estrella.

Wala nang ibang nagawa pa si Donya Catalina kun'di ang isa-isang paalisin na lamang ang lahat ng kanilang kasambahay at katulong sa hacienda.

"Catalina..." Awa ang tumahan sa puso ni Donya Rosing, hindi niya lubos maisip kung bakit dinanas ito ng pamilya Estrella na walang ibang ginawa kun'di ang tumulong at magbigay ng trabaho sa mga kapos palad na kababayan. "Ako'y mananatili, para ko na kayong pamilya. Hindi mo ako kailangang bigyan ng anumang uri ng sahod, narito ako upang taos-pusong samahan kayo ng mga bata." Alam niyang wala nang ibang itinira ang gobyerno kundi ang kanilang tahanan, halos lahat din ng mamahaling gamit ay kanilang kinamkam.

Napayakap na lamang si Donya Catalina sa mayordomang halos nagsilbi na rin bilang kaniyang pangalawang ina, nalulugod siyang malamang kahit sa kasiyahan o kahirapan ma'y handa itong samahan sila. "Donya Catalina, mas lalo yatang tumaas ang lagnat ni Binibining Carina. Nagsasalita na rin siya habang natutulog." Nag-aalalang saad ni Ursula, nais niya mang tumungo upang maghanap ng mapagkikitaan sapagkat siya na rin ang tumatayong nanay at tatay sa dalawa pang kapatid ay hindi niya maiwan-iwan ang binibining itinuring siyang kapatid sa kabila ng kaniyang pagiging hamak na tagapagsilbi lamang.

Mabilis nilang tinungo ang silid ng dalaga, nagpatawag na rin ng manggagamot si Manang Rosing. Doon ay napag-alaman nilang mayroong isang malubhang sakit na maaaring ikamatay ni Carina kung hindi agad maaagapan. Mas lalong binalot ng kalungkutan ang buong tahanan, parang nawalan na ng buhay ang lahat ng uri ng halaman at dilim ang siyang bumalot sa bawat sulok ng bahay ng pamilya Estrella. Ang dating masiglang si Carina'y mas lalong naging sakitin, ni hindi na rin nito masilayan pa ang mga tala na siyang pinapantasya simula noong siyang isang maliit na paslit pa lamang, lahat ay apektado ngunit mas marami ang natamong mentalidad na pinsala ng dalaga. "Ama!" Tila ba binabangungot ito sa pagsambit ng bawat katagang yaon. Isa-isa niya ring tinatawag sina Carlos, Lorenzo, at ang pinakamamahal na ama.

Namumugto ang mga mata ni Catrina nang pumasok sa kwarto ni Carina, "Ina, paumanhin ngunit maaari ba kitang makausap?" Wika nito, tumango si Donya Catalina kina Manang Rosing at Ursula hudyat na lumabas muna ang mga ito. Dahan-dahang lumuhod si Catrina sa harap ng kaniyang ina na ikinagulat naman nito, "Patawad po, Ina." Nagugulumihanan ang Donya sa sinabi ng anak.

"Para saan, anak? Wal-" hindi niya na naituloy pa ang sasabihin nang muling magsalita ang anak.

"Patawad po dahil kung hindi lamang sana ako nakipagkasundo kay Vicente ay hindi mangyayari ang lahat ng ito..." Hindi pa rin mawari ni Donya Catalina ang nais iparating ng kaniyang anak. "A-Ano ang iyong ibig sabihin, Catrina?" Napahawak na lamang si Catrina sa kaniyang mukha, sunod na umagos ang kaniyang mga luha.

"Nabulag po ako ng pag-ibig, lubha akong naninibugho sa tuwing nakikita kong malapit na malapit sa isa't isa sina Carina at Lorenzo kung kaya't naisipan kong lumapit kay Vicente dahil alam kong mayroon siyang pagtingin sa aking kapatid." Wika nito, ikinakahiya niya ang kaniyang sarili. Hindi niya na mababawi pa ang lahat ng nangyari ngunit sa huling pagkakatao'y nais niyang humingi ng tawad sa idinulot ng kaniyang pagkakasala.

"W-Wala sa aming kasunduan ang pumaslang ng kahit na sino man, ang nais ko lamang ay takutin niya si Lorenzo upang lubayan si Carina..." Unti-unti itong tumayo at hinagkan ang ina ngunit isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang mukha.

"Patawad, Ina! Kung alam ko lamang na mangyayari ang lahat ng ito, sana'y h-hindi, hindi na ako lumapit pa sa kaniya!" Pagmamakaawa ni Catrina. Naalala niya rin ang pagbawi niya sa kasunduang iyon ngunit hindi na siya pinakinggan pa ni Vicente.

"☐☐☐☐☐☐ ☐☐, 0000000!" 00000 0000 000000 00000000 000000000000 00 0000000. 00000000 000000 00000000 00 0000000, 0000☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐ 00000000 00000.00 0000000 0000 00 0000☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐ 000.

Hindi makapaniwala si Donya Catalina sa ginawa ng anak, napansin niya rin ang pagtulo ng luha mula sa kaliwang mata ni Carina, nakikinig ang anak. Hindi ito maimulat ang mata ngunit alam niyang nakikinig ito, mas lalong dinurog ang wasak-wasak na nilang mga puso dahil sa naulinigan.

"Patawad po," humihikbi si Catrina na lumapit sa nakaratay na si Carina, marahan niya itong pinisil sa kamay at inayos ang bituing puyod sa buhok.

"Patawad, Carina."

Muli niyang tinignan ang ina na nalugmok na sa isang sulok ng silid, sa huling pagkakataon ay humingi siya ng tawad dito at tuluyan nang nilisan ang tahanan.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Ilang araw ang makalipas ay natagpuan ang isang bangkay ng isang dalaga na inaanod sa ilog, nangangamoy na rin ito na parang ilang araw nang patay at tumahan sa ilog.

Samantala, matapos lisanin ang kanilang tahanan ay patuloy pa ring pinaghahanap si Catrina, sa hindi inaasahang pagkakataon ay matatagpuan pala itong isa nang malamig na bangkay. Nagpatiwakal ang dalaga dahil sa labis na pagsisisi sa nagawa, nang araw ding iyon ay nagising na ang may sakit na si Carina. Hindi niya inaasahang isang masamang balita ang muling sasalubong sa kaniyang paggising.

00000 buwan na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin ang sugat ng kahapong yaon. Bumisita sina Josefa at Juliana sa kaibigang si Carina na nakaratay pa rin sa katre nito.

Alam nilang walang kasalanan si Don Idelfonso maging si Lorenzo sa nangyaring pagpaslang kay Carlos, nalaman din nila ang ginawang pagtataksil ni Catrina na nagdulot nang napakaraming suliranin sa kanila, pinag-uusapan nila ang mga nangyari ng kumatok si Helia sa silid ni Carina, agad naman siya nitong pinapasok.

"N-Narito po ako upang magpaalam." Usal nito na ikinagulat naman nina Josefa at Juliana. Lubhang naapektohan ang kanilang pamilya sa nangyari kung kaya't mas ninais na nilang lisanin ang lugar kung saan ay pinaslang ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Lorenzo.

Nalungkot si Carina dahil sa narinig, inabot ni Helia ang isang sobre na naglalaman ng liham. "Nag-aayos po ako ng aming mga kagamitan nang matagpuan ko ang liham na ito, paumanhin po kung nabasa ko ito. Para saiyo po ang liham na iyan na ginawa ng aking kuya," saad pa ni Helia, kinuha naman iyon ni Carina.

"Nagbalak kaming sumama sa kanilang pinlano ni Carlos..." Panimula naman ni Josefa.

Tumango si Juliana at marahang hinawakan ang kamay ni Carina, "Kung hindi lamang nawala at pinaslang si Carlos ay tutungo sana kami rito, sa tapat ng iyong silid upang ika'y haranahin. Magtatapat sana si Lorenzo ngunit hindi natuloy ang lahat ng iyon dahil sa nakasusuklam na si Vincente." Dagdag naman ni Juliana.

Nasa ibang bayan na si Vicente upang gawin ang kaniyang mga tungkulin, matapos ang pagdakip kina Lorenzo at Don Idelfonso ay binigyan siya ng parangal ng kanilang gobernadorcillo, hindi na rin pinatagal pa ang paglisan niya ng kanilang bayan upang gampanan ang tungkulin sa ibang bayan. Tulad ng dati, sa kabila ng mga maling pagpaparatang at maruming pamamahala sa kaniyang tungkulin, ay nabubuhay pa rin siya sa karangyaan, karangyaang hindi naman dapat nararapat sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

"Anong nangyari? May nararamdaman ka ba, Carina?" Muling nakaramdam ng panghihina si Carina, umubo siya at umagos ang dugo mula sa kaniyang ilong.

"Oh, Diyos ko. Inaatake na naman ang batang ito." Nag-aalalang wika ni Donya Catalina nang pumasok upang maghatid sana ng meryenda sa mga kaibigan ni Carina.

"H-Huwag kang mag-aalala ina, mabuti lamang po ang aking pakiramdam." Hindi napansin ni Carina na mayroon na palang dugo na lumalabas sa kaniyang ilong kung kaya't nagawa niya pa ring sabihin iyon.

Lumapit si Donya Catalina rito at nang haplosin ang noo ng dalaga'y inaapoy na naman ito ng lagnat. Agad na binigyan ni Josefa ng maiinom na tubig si Carina ngunit hindi na nito nagawa pang makainom dahil bigla na lamang itong nawalan ng malay.

"Babalitaan ko na lamang kayo kapag nagising na si Carina, maraming salamat sa inyong pagdalaw." Paalam ni Manang Rosing kina Josefa at Juliana, sinundo na ang mga ito ni Ursula sapagkat ipinararating na ng lola ni Josefa na kailangan na nitong umuwi.

Si Ursula ay nanilbihan na sa pamilya Fernandez, kailangan niya ng mapagkukuhaan upang buhayin ang mga kapatid kaya't kahit ayaw niya mang lisanin ang Hacienda Estrella ay ginawa niya pa rin. Tuwing linggo at walang trabaho ay binibisita niya pa rin naman si Carina upang kumustahin ang kalagayan nito.

Nagmano si Helia kina Donya Catalina at Manang Rosing bago tuluyang lisanin ang kanilang tahanan, babalik na sila ng Maynila upang kalimutan ang karumaldumal na pagparusa sa inosenteng si Lorenzo. Doon ay magsisimula sila ng panibagong buhay at kabuhayan upang mas mapaunlad ang negosyo, nangako rin sina Donya Lucia at Don Santiago na tutulungang makaluwas si Carina upang ipagamot sa mga espesyalista.

☐☐☐☐☐☐☐☐ buwan mula noong mamatay ang ama, kaibigan, at ang ginoong nais niya sanang pakasalan, nakaratay pa rin si Carina sa kaniyang higaan.

Sa isang malalim na gabi, kalat-kalat na bituin ang kaniyang natatanaw mula sa durungawan ng kaniyang silid. Palagi niyang ibinibilin kina Manang Rosing at sa kaniyang ina na hangga't maaari ay nais niyang buksan lamang ang bintana sa gabi, upang makaramdam ng sariwang hangin at masilayan ang naggagandahang tala sa himpapawid.

Nagising si Carina mula sa pagkakahimbing, ninais niya sanang makatayo upang mas lalong tanawin ang mga bituin ngunit pag-upo lamang sa kaniyang katre ang kaniyang nagawa. Tila ba manhid na siya kahit pa inaapoy na naman siya ng lagnat sa gitna ng gabing yaon, hindi niya matanggap ang mga pasakit na patuloy niya pa ring nararamdaman.

Sumisikip ang kaniyang dibdib, hindi na makahinga, hindi na rin makasigaw pa upang humingi ng tulong, pinipilit niyang abutin sana ang baso ng tubig sa mesa malapit sa kaniyang kinahihigaan ngunit tila ba hinahabol niya na lamang ang kaniyang paghinga, unti-unting nanghina ang buo niyang katawan, ang nag-aapoy na temperatura'y tila mas nanaig sa kaniyang buong katawan. Sa puntong 'yon ay alam niya nang maaaring ito na ang kaniyang huling sandali, bumagsak ang isang babasaging baso sa sahig dahilan upang makagawa ito ng malakas na ingay, ingay na umalingawngaw sa buong kabahayan sa gitna ng madilim na gabi.

Napalitan ng mga ulap ang kaninang nagpapagandahan sa pagkislap ng mga bituin, sumipol ang isang panaghoy, dahan-dahang ibinuhos ang malakas na ulan. Sabay ng pagbukas nina Manang Rosing at Donya Catalina sa silid ni Carina ay ang pagbungad ng wala nang buhay na katawan nito, sinubukan nilang iligtas pa ang dalaga ngunit huli na ang lahat.

000

00000000,

0000☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐☐, ☐☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐ ☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐0000 00 000-0000 0000000.

*☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐ 0.0000 00 0000-000 ☐☐☐ ‘☐☐☐☐☐ ☐☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐ *☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐ ☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐ ☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐00 0.000 0☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐

00000000, ☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐ 00000 0000...000☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐)?

rieteratura

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report