"Balita ko, nahuli na raw ng pulis si Gab, ah?"

Napatigil ako sa pag-inom ng tubig nang marinig ang sinabi ng kaibigan kong si Jasrylle. Malakas akong bumuntong hininga at nagkibit balikat. "Talaga?" tanging sambit ko.

"Dapat lang sa kaniya 'yon, gago siya. Kulang pa ang salitang hayop para sa kaniya. Hindi ka na nga pinanagutan, hindi ka pa tinulungan noong may sakit ang inaanak ko. Kung sana lang ay tinulungan ka niya e 'di sana..." Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang malakas na akong bumuntong hininga. Itinikom niya ang kaniyang bibig at pekeng umubo. "Sorry na, hindi ko naman sinasadyang banggitin ulit ang tungkol doon. Nakakagigil lang, tangina niya talaga! Kung ako lang sana ang masusunod, hahayaan ko na siyang mabulok sa kulungan dahil sa ginawa niya. Walang puso ang gagong iyon. Wala ring itlog," may halong inis na dagdag niya.

Nanatili akong tahimik. Gustuhin ko mang magsabi rin ng masama tungkol sa lalaking iyon ay hindi ko na nagawa. Sapat na ang gabi-gabi kong pagsumpa sa kaniya dahil sa ginawa niya sa anak nam-anak ko.

Bente anyos nang mabuntis ako ng dati kong kasintahan na si Gab. Hindi ko alam kung tanga lang ba ako noong mga panahong iyon o sadyang bobo ako noong ipinanganak dahil pumatol ako sa ganoong klaseng lalaki. Mayaman ang pamilya niya ngunit wala naman siyang ibubuga sa mga ito. Hindi siya nakapagtapos ng Kolehiyo at walang trabaho kaya naman nang sabihin ko sa kaniyang buntis ako ay hindi niya tinanggap ang anak naming dalawa at sinabing ipalaglag ko ang bata.

Mahirap man ako pero hindi ko magagawa ang bagay na hinihingi niya. Kaya naman kahit na hindi niya ako binigyan ng perang pansustento sa anak namin at kahit na ipinipilit niya na ipa-abort ko ang bata, hindi ako pumayag. Naipanganak ko nang malusog ang anak naming dalawa nang walang kahit na magkanong sustento mula sa kaniya.

Akala ko ayos na ang lahat. Akala ko kapag nagsumikap ako, mapapalaki ko nang maayos ang anak ko kahit na wala siyang tatay. Hindi ko naman alam na...

Muli akong uminom ng tubig at ibinaba ang baso sa lamesa bago muling tumingin kay Jasrylle na ngayon ay nakaupo sa Monobloc chair na nasa tabi ko. "May nahanap ka na bang raket?" tanging tanong ko sa kaniya.

Agad naman akong napasimangot nang agad siyang umiling. Sabi na nga ba. Malakas siyang bumuntong hininga at nag-angat ng tingin sa akin. "Sigurado ka bang ayaw mo sa bar namin? Alam mo na, sasayaw-sayaw ka lang naman doon, hindi ka naman magpo-prostitute. Magkaiba naman ang dalawang iyon. Saka tingnan mo, kahit naman nagkaanak ka na, maayos pa naman ang katawan mo. Sexy ka pa rin naman. Ayaw mo ba talaga?" "Ayaw ko sa mga ganiyan, Jasrylle," mariing sambit ko.

"Minsan kasi Lyana, kailangan mo ring tanggalin 'yang hiya mo sa katawan. Kumikita ako ng pitong libo isang araw, ano ka ba? Ayaw mo rin bang kumita nang ganoon? Baka nakakalimutan mong kailangan mong magdoble kayod para riyan sa kapatid mo? Gusto mo na naman bang maulit ang lahat ng nangyari noon, ha?"

Hindi ako nakasagot at sa halip ay nagbaba lamang ng tingin. Tama siya. Kailangan kong alisin ang hiya sa katawan ko. Pero kasi...

"H-Hindi ako marunong magsayaw."

Malakas na bumuntong hininga si Jasrylle nang marinig ang sinabi ko. Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at agad naman akong napalunok nang makita ang suot niya. Tingin ko ay hindi ako makapagsusuot nang ganoong klaseng damit. Naka-tube top siya at luwang-luwa ang malaking dibdib. Sobrang iksi rin ng suot niyang short at kaunting tuwad lang ay sigurado akong lalabas na ang puwit niya dahil sa sobrang ikli niyon. Mabuti na lamang ay nakalugay ang buhok niya kaya't kahit papaano ay may natatakpan pa sa katawan niya.

"Ganito kasi 'yan, sizmars. Giling-giling lang. Hindi mo naman kailangang humataw nang bongga, dapat 'yong mukha ka lang sexy para maaliw sila. Saka ano ka ba naman, hindi ka naman ikakama ng mga iyon. Maliban nalang kung ikaw ang may gusto-"

"Jasrylle," suway ko sa kaniya.

Umirap siya at tinampal ang aking balikat kaya't napailing na lamang ako. Oo at iisipin ng iba na pariwara ako sa buhay dahil nabuntis ako nang hindi pinapakasalan at tinakbuhan pa ng nakabuntis sa akin-pero hindi naman ako ganoong klaseng tao. Tanga lang siguro ako noong mga oras na iyon pero ang totoo ay conservative akong tao.

He's my first and last. Wala na akong balak pang umibig ng ibang lalaki dahil nadala na ako sa kaniya. Akala ko si Gab na pero mali pala ako. Pare-parehas lang ang lalaki-pare-parehas silang manloloko. Masiyado na akong nasaktan noon at wala na akong balak pang sumugal pang muli para lang sa letseng pagmamahal na 'yan na ikasasakit ko lang din naman pala sa huli.

"Lumunok ka nalang, sizmars. Para kay Thirdy, ano ka ba? Alam mo naman na kailangan niya ng gamot, 'di ba? Huwag ka nang mahiya, ang isipin mo, 'yong pera nalang. Kakayanin mo ba kung pati kapatid mo, mamatay tulad ni... ni ano..." Muli siyang umubo at nag-iwas ng tingin sa akin nang muntik na naman siyang madulas at sabihin ang tungkol kay... ang tungkol kay Waylen.

Waylen is my son who died. Dalawang taon nang mamatay siya dahil sa dengue. Akala ko ay magiging maayos ang buhay naming dalawa pero akala ko lamang pala iyon. Hindi ko inaasahan na kailanman ay babawiin siya kaagad sa akin ng Maykapal. Tatlong taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon, narito pa rin ang sakit sa pagkawala niya at kahit kailan man ay mukhang hindi na mawawala ang sakit na dulot ng pagkawala ng anak ko.

Kung sana mayaman lang ako. Kung sana naging maayos akong ina sa kaniya. Kung sana naipagamot ko siya kaagad. Sana... sana narito pa rin ang anak ko.

"Isipin mo nalang si Thirdy, Lyana. May ilulugar pa ba 'yang hiya mo kung wala na kayong kainin at wala ka ng maipambili ng gamot ng kapatid mo? Tandaan mo, si Thirdy nalang ang mayroon ka ngayon. Pati ba naman siya, hahayaan mong mawala dahil lang diyan sa hiya mo?" dagdag niya pa kaya't malakas akong bumuntong hininga. "Sayaw lang naman, girl. Saka narito ako, tingin mo ba ay pababayaan kita nang mag-isa, ha? Siyempre, hindi. Sizmars kaya kita, ano." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya atb humugot ng malalim na buntong hininga. "Turuan mo muna akong sumayaw bago mo ako ipasok diyan sa trabaho mong 'yan. Kailangan ko ng pera, alam mo naman 'yan," pagsuko ko sa kaniya. Tama naman kasi siya. Nawala na sa akin ang anak ko, hindi na ako papayag na pati ang kapatid ko ay mawala rin sa akin.

Pumalakpak si Jasrylle at malapad na ngumiti. "Yan, ganiyan dapat, sis! Bata ka pa naman, ayos lang 'yan. Marami ka pang magagawa sa buhay. 'Yang si Gab, hayaan mo na ang gagong iyon. Move on na, sizmars ko. Saka malay mo, kapag nagtrabaho ka na sa bar namin, baka ano, alam mo na..." Tumaas ang gilid ng labi niya kaya't kunot noo ko siyang tiningnan.

"Na?"

"Malay mo makahanap ka ng mayamang lalaki na magkakagusto sa 'yo. Ayaw mo noon, gaganda na ang buhay mo—"

"Ayaw ko na sa mga ganiyan, Jasrylle," pagtutol ko sa kung ano mang sasabihin niya at nag-iwas ng tingin. "Nadala na ako. Ayaw ko nang umulit pa."

Malakas siyang bumuntong hininga at tinapik ang aking balikat. "Sure ka na? Okay, ayaw mo nang magmahal pa ulit, gets ko naman. Pero ayaw mo na ba ulit na magkaroon ng anak? Ayaw mo na ng pamilya? Hindi naman porque fail 'yong una, fail din ang sunod. Hindi natin sure pero malay natin, baka may pamilya pala naman talagang nakalaan para sa 'yo. Kailangan mo lang subukan muli."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report