The Billionaire's Prize Wife
Chapter11 Fake Wife, True Wife

"Anak, hindi ka puwedeng magpaiwan dito. Tungkulin mo ang samahan ang asawa mo at ibigay ang pangangailangan niya." Naaawa man si Zorayda sa kaniyang anak ay hindi niya ito mapayagang lumayo nang tuluyan kay Harry. Hindi agad nakakibo si Jemima sa tinuran ng kaniyang ina. Hindi pa man sila naikakasal ay alam niyang ito ang magiging gampanin niya bilang asawa. Tinanggap niya ito kasabay ng pagpayag niyang makasal kay Harry noong araw na nagkaroon ng kasunduan ang kanilang mga magulang ang Ten Billion Dollar Deal na siyang punto ng lahat ng ito.

"Naiinis na po kasi talaga ako sa kaniya, ma, mula nang pinagmukha niya akong tanga sa unang kasal namin." Hindi pa rin siya nakaka- move on sa naging karanasan niyang iyon. "Masyado akong nanliit sa sarili ko dahil sa ginawa niya." "Come on, hindi naman niya alam na ikaw iyon. Saka naging maayos naman ang treatment niya sa iyo mula nang makasal kayo, 'di ba," pag-aalo niya sa anak. "And I've heard na inaakit mo siya ng sobra," panunukso pa niya sa anak. Dahil sa sinabi ng ina ay nag-blush si Jemima. "Ma!.."

"Don't deny it. I've got the most reliable source," kinindatan pa niya ang anak.

Walang nagawang pag-aapela ang anak. Pinigil na lang niya ang sariling matawa. Kinilig kasi siya lalo na nang kinilig ang kaniyang ina.

"Support kita diyan, anak. Galingan mo pa ha," at kinilig uli ang ina. "Nagmana ka talaga sa akin. Ganiyan din kami ng papa mo noon, pinaglaway ko muna siya sa kagandahan ko bago ko siya sinagot," pagyayabang pa ng ginang sa anak, bagay na ikinalaki ng mga mata ni Jemima.

"Ma!..."

"Aba'y totoo naman, ah! Tingnan mo ngayon, mahal na mahal ako ng papa mo. Kaya bet ko iyang ginagawa mo sa asawa mo, manggigil muna siya bago mo lasingin sa kaligayahan!"

"Pa!" Gusto niyang magpasaklolo sa ama. "Si mama, o, may sanib yata!"

Nagtawanan ang mga magulang niya sa over acting niyang pagbibiro.

"Totoo namang mahal na mahal ko ang mama mo," ani Allan habang papalapit sa dalawa. "Sino ba naman ang hindi magmamahal sa kaniya, maganda na malambing pa."

"Oy, sabi mo noon, I'm the sexiest woman in your eyes."

"Oo naman, mahal. Hanggang ngayon naman."

"Yuck!" over-acting niyang saway sa naglalambingang mga magulang. Pinagdabugan pa niya ang mga ito at iniwan ang dalawa sa kuwarto.

Sa terrace. Umaasa si Jemima na mararanasan din niya ang uri ng marriage life na mayroon ang kaniyang mga magulang.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maiwasang mainis sa kaniyang asawa. Lalo na ngayon. Inakusahan ba naman siyang siya ang nanghalik dito. Bakit 'di na lang nito aminin na sadyang naaakit ito sa kaniya? Speaking of that kiss, she can still remember how her heart leaped during that moment. Lekat na Harry. Siguradong hindi nito alam na first kiss niya iyon.

'Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Haynaku!... Pero that kiss was sweet,' at napapangiti siya habang binabalikan sa kaniyang isipan ang tagpong iyon. 'Oh, no!' Sinaway niya ang sarili sa ginawang pagbabalik-tanaw.

SUNOD-SUNOD na buntunghininga ang pinakakawalan ni Samuel Sy habang kaharap ang mag-asawa sa loob ng salas niya. Nagtungo naman ng noo ang dalawa. "I'm very disappointed!"

Lalong itinungo ni Jemima ang kaniyang noo sa tinuran ng matanda.

"Dad, it's my fault," gusto niyang huwag kagalitan ng ama ang kaniyang asawa. Hindi naman niya naituloy ang sasabihin. Since when did he want her to be out of this? Chance na niya ito para makaganti sa babaing ito. Puwede niyang susugan. ang kaniyang ama para magalit kay Jemima.

"I'm giving you an ultimatum!"

Biglang naging defensive si Harry. 'Ultimatum for what?'

Napapikit naman si Jemima dahil sa narinig sa biyenan. 'God! Ano na naman ito? Ano na naman ang kailangan kong gawin?'

Hindi niya magawang tingnan sa mata ang matanda. Alam niyang galit na ito kay Harry at ayaw niyang madamay. "You, two..."

Sa narinig ay napatingin si Jemima sa matanda. Nagtagpo ang kanilang paningin.

"I'll talk to your parents," sabi ni Samuel kay Jemima, kapagkuwa'y isa-isa silang tinitigan sa mata. "You will be out of the office. I'll send you to live in the north pole without any money to start!" "Seriously, Dad?"

"When did I joke about your marriage?" giving his son a stern look, Samuel's lips tightened. "You two are not ignorant people. I believe that you know what is marriage, and your roles in it. But you're giving me a headache!" Dahil sa pamumula ng mukha ng ama, agad itong inalo ni Harry. "Give us time, dad. We'll do it right. We're just starting."

"Starting to what? You don't get along well, and you're not trying to resolve it." Dinuro niya ang sariling anak, "you overpowered ruthless rivals, but you can't even take care of a flower in your own room!"

Nag blush si Jemima sa narinig sa biyenan. Flower na pala ang kahalintulad niya ngayon.

"You're acting like kids. When will you grow up? You need to be isolated!"

Nagkatinginan ang mag-asawa. Mukhang nauubos na ang pasensiya ng matanda sa kanilang dalawa.

"If you do not produce a child this year,..." seryoso niyang tinitigan sa mata ang mag-asawa, "your failure is my failure. And you know that I don't want to fail."

'Bakit ganito ang ama niya? Hitler yata ang ninuno ni Harry.'

"I want to see my grandchild this year. And that grandchild should only see love from his parents."

"Dad,..."

Lalong pinamulahan ng pisngi si Jemima sa tinutungo ng usapan.

"I will give you two months to give me good news. So work it out."

'Talagang mararanasan ko na ang bagay na iyon?' Nanlabo ang mga mata niya sa nararamdamang tension pero nagpakatatag siya. "Dad, we need time to-"

"Enough! Starting today, no parties, no vacation,..." tinitigan niya ang tiyan ni Jemima, "I want my grandchild there in no delay!"

'My gosh!' Napapikit sa nararamdamang embarrassment si Jemima. Pinagpapawisan siya pero ayaw niyang kumilos para magpahid ng pawis.

"You signed for it so do your part. Now, go home and do your assignment." Sumenyas si Samuel sa mag-asawa upang humayo na sila.

Kagat-labing nakatungo si Jemima habang naglalakad silang mag-asawa papalabas ng bahay. Pinipigilan niya ang mangiti. Hindi niya sigurado kung bakit tila may kumikiliti sa tiyan niya.

Nagkagulatan pa sila nang ma-realize nila na pareho silang naupo sa backseat ng kotse. Hindi nila kasama si Cohen kaya wala silang driver.

"Sorry, sorry.” Aligagang lumipat sa driver's seat si Harry. "Sorry, sorry, sorry."

Hindi nakaligtas sa pandinig ni Harry ang alumpihit na pagtawa ng asawa. Nilingon niya ito. Natawa siya sa mixed emotions ng asawa na rumirehistro sa mukha nito.

Dahil sa magkahalong emosyon, hinampas niya ng kamay ang balikat ng asawa. Naiinis siya dahil hindi niya masawata ang kiliti sa tiyan niya.

"So, you're touching me now?"

"That is hitting, not touching. Duh!" Pero ewan niya bakit kinilig siya sa sinabi ng asawa.

"Well, buckle up. You can touch me later," at pinaandar na niya ang sasakyan.

Hindi na sinagot ni Jemima ang asawa. Nati-tense siyang isipin ang salitang "touch". "Mukhang dis is it pansit na talaga to!'

Lingid sa mag-asawa, agad na lumabas mula sa pinagtataguan sina Cholo at Daniel. Masaya silang nilapitan ang ama.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Best actor of the year!" panunukso ni Daniel sa ama kapagkuwa'y niyakap ito.

"The award goes to Samuel Sy!" susog namang panunukso ni Cholo.

"Who says I'm joking?"

Nagngitian lang ang magkapatid.

"You should have ordered twins, dad," patuloy na panunukso ni Cholo sa ama. "I would like a wife like her, dad. I'm tired, I can't choose among my girls. I'll just leave it to you." "Be careful what you wish for," pabirong paghahamon ni Samuel sa anak.

Binawi naman agad ni Cholo ang sinabi. "Nah, I think I'll have my regular girl after our sports festival."

"I will travel around first and taste different foods before I commit myself to any girl," pahayag naman ni Daniel.

Tinapik ni Samuel ang balikat ng dalawang anak. Wala naman siyang balak na ipasok sa arranged marriage ang dalawa. Wala pa siyang nakikitang dahilan para gawin ito. Samantala, hindi mapakali si Harry habang nagda-drive. Kung ano-ano ang naiisip niya tungkol sa mahigpit na order ng kaniyang ama.

Dahil hindi siya makapag-focus, minabuti niyang i-park ang sasakyan sa tabi ng isang restaurant.

"Are you starving?"

Hindi agad nakasagot si Jemima. She opened her mouth but no words came out of it.

'Cute.'

Naunang bumaba si Harry para alalayan sa pagbaba ang asawa pero nakababa na rin ito ng kotse.

Sa loob ng restaurant. Tila nasa first date ang dalawa. Kimi silang kumakain. Kapuwa sila umiiwas na magtagpo ang kanilang paningin. Palihim nilang sinusulyapan ang isa't isa.

'Her rosy cheeks make her look innocent and charming.' Gusto pa sana niyang hagurin ng tingin ang mukha ng asawa pero agad siyang nagbawi ng tingin.

'Cute pala ang lips niya.' Agad siyang tumungo nang binasa ni Harry ang kaniyang labi.

Naramdaman kasi ni Harry na nakatitig ang asawa sa lips niya. Wala sa plano niyang i- moisten ito. May kumiliti sa tiyan niya nang nakitang namumula na ang pisngi ng kaharap. Napangiti siya. Nakukyutan siya sa itsura ng asawa lalo na ngayong kumikibot-kibot ang ilong nito habang nakatungo at namumula ang pisngi.

Kinuha niya ang isang baso ng softdrink para iabot sa asawa, tiyempong kinuha din ito ni Jemima. Nagtagpo ang kanilang mga kamay. Kapuwa nila binawi ang kanilang kamay. "S-sorry, sorry, sorry..."

She wanted to talk pero napakagat-labi na lang siya. Nakukyutan kasi siya sa naging reaction ni Harry.

Nahalata naman ni Harry ang pagpipigil ni Jemima na matawa. "Oh, gosh!" Napahilamos siya ng kamay. "What's happening? Why are we doing this?" Nagkatinginan sila saglit. Sabay silang natawa. Nakokornihan sila sa ginagawa nila.

"Am I your first date?"

Nanlaki ang mga mata ni Jemima sa narinig, kapagkuwa'y naningkit ito. Nanunulis ang ngusong sumagot, "of course, not! Don't feel so lucky, mister!" "Oh, well. You're acting like the girl I know in the kindergarten."

"Ikaw naman, parang forty-year old virgin."

Natahimik sila pareho. They can't afford another war between them. May assignment sila at kailangan nilang gawin ito. Apurado na ang gustong maging lolo.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Natataranta sa loob ng kuwarto si Jemima. Hindi siya mapakali habang tinitingnan ang mga unan at kumot. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin.

Sa sala naman ay alumpihit si Harry. Tiningnan niya ang wall clock. Alas nuwebe na ng gabi. Oras na para pumasok na siya sa loob ng kuwarto. Paano kung magkaroon ng resistance? Mapapahiya siya. Nagpalakad-lakad siya. Paroo't parito. Tila lumundag ang puso ni Jemima nang pumihit ang seradura ng pinto. Nadatnan siya ni Harry na nakahawak siya sa dibdib. Napatungo naman si Harry. Walang imik itong pumasok at umupo sa kama.

Nagdesisyon si Jemima na mag half bath. Sa loob ng banyo, panay ang buntunghininga niya. Dinama ang sarili. 'Gosh!'

Kahit naka-aircon, nararamdaman ni Harry ang pag-iinit ng katawan. May butil ng pawis na tumulo mula sa kaniyang sentido. Hinubad niya ang tee shirt para magpalit ng damit. Habang nasa loob ng banyo ang asawa ay nilulukob ang kaniyang katawan ng lamig at init. Nagbuga siya ng hangin.

Paglabas ni Jemima ng banyo, amoy na amoy ni Harry ang kabanguhan ng asawa. Napatungo siya. Gusto niyang itago sa asawa ang mukha niya. He's guessing that his face tells it all.

Napakagat-labi si Jemima nang makita ang itsura ng asawa. Malinaw na attracted sa kaniya si Harry. Pero tinubuan siya ng awkward feeling ngayong gabi. Nagsuot siya ng roba sa ibabaw ng night gown. Nahihiya siya, baka magmukha siyang excited.

Hinawakan ni Jemima ang unan niya para ayusin. Gayon din ang ginawa ni Harry. Nagkatinginan sila. Kapuwa naman nagbawi agad ng tingin.

"Lights off, please," aniya kay Harry pagkahiga niya.

"O-okay."

Magkatabi silang nahiga sa malambot na kama. Nalalanghap ni Harry ang kabanguhan ng asawa. Hindi siya makakibo. Hindi siya makakilos. Malalim na ang gabi. Nagpapakiramdaman pa rin ang dalawa.

"Jem..."

Pinag-iisipan ni Jemima kung sasagot ba siya o hindi sa asawa. Baka kung ano ang isipin nito.

"Do you want water?" pabulong niyang sagot.

"Y-yes. No!"

Saglit na katahimikan.

"Are we gonna..."

Binuksan ni Harry ang ilaw. Gusto niyang makita ang reaction ng asawa. Ayaw niyang akusahan siya nitong namimilit.

"I suggest that we do it."

Tumango naman agad si Jemima kahit nakatungo siya ng ulo.

"But if you don't want to..." saka lang niya na- realize na tumango na ang asawa.

Nagkatitigan sila. Agad ding nagbawi ng tingin. Titigan uli. Mas matagal. Alanganin, hinawakan ni Harry ang magkabilang balikat ng asawa. Dahan-dahan niyang hinubad ang roba nito. Pumikit si Jemima. Mariing pagkakapikit na parang nananalangin.

"Oh, you're making it harder for me!"

Tinakpan na lang ni Jemima ng kamay ang mukha.

Inihiga ni Harry ang asawa.

"H-Harry...' halos pabulong niyang tawag.

"What?"

"I don't know how to moan."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report