The Billionaire's Prize Wife -
CHAPTER 13 Captives
Nasa isang fishing boat sina Harry at Jemima. Wala na silang piring sa mata. Wala na ring busal. Nakapalibot sa kanila ang mga kidnapper habang nakaupo sila sa sahig ng barko.
"Now that we're here, you have no chance to escape." Sinenyasan ng lider ng kidnappers ang mga kasama. Kinalagan ng mga ito sa pagkakatali ang mag-asawa. "You be good or I might feed you to the sharks." Iniwan sila ng grupo. Masayang nag-inuman ang grupo sa cabin ng fishing boat. Nanatiling nakaupo sa sahig ang mag-asawa.
"We really can't escape here. There's no island in sight," pabulong niyang wika sa asawa.
"What shall we do?" Tanong ang naging sagot niya sa asawa. Gusto niyang paganahin ang utak. Alam niyang great swimmer si Harry pero hindi siya kagaya ng asawa.
"I'll think of something." Pinagmasdan niyang sandali ang mukha ng asawa. "Once we're free, you can fly with Chester."
"W-What?!" Nagulat man ay sumilay ang ngiti ni Jemima. Agad niya itong itinago sa pamamagitan ng pagkagat sa labi. 'Loko to, nasa delikadong kalagayan na nga kami, nagseselos pa.'
Hindi man niya alam kung bakit naisip pa ni Harry ang tungkol kay Chester at kung ano ang ipinagseselos nito ay bahagyang kinilig si Jemima sa pagseselos ng asawa.
Hindi nalingid kay Harry ang saglit na pagngiti ng asawa. Kumunot ang noo niya. "Funny how you smile just by hearing his name. You really like him, huh!"
Napangiti uli si Jemima sa narinig. This time ay hindi na niya itinago sa asawa ang pagngiti niya. "Of course, I like him." Hindi na niya idinugtong ang 'He's a friend and he's your cousin' dahil tila may kumiliti sa kaniya sa nakitang pagtagpo ng mga kilay ng asawa.
"You don't even deny it," at tiningnan niya ng masama ang asawa. "You really have guts. Is he better in bed than me?"
"I don't know, I haven't tried. You can ask him though."
Sa narinig, sinuring mabuti ni Harry ng tingin ang asawa. Nagsasabi ba ito ng totoo? Totoo kayang wala pang nangyari sa dalawa?"
Hindi nila namalayan ang paglapit sa kanila ng isang kidnapper. "Snacks. We'll arrive soon."
Hindi ginalaw ng mag-asawa ang pagkain. Napansin nila ang dalang dalawang tubo ng kidnapper.
"Boss said I can hit you with these if you won't eat. You want?"
Agad na tumalima sa pagkain ang dalawa. Ngingisi-ngising iniwan sila ng kidnapper. Napansin nilang naiwan nito ang dalawang tubo. Nagkaunawaan sila. Dahan-dahan silang kumilos papunta sa gilid ng barko. Nakita nilang may maliit na isla malapit sa kinaroroonan nila. Sinikap nilang hindi makalikha ng ingay ang pagtalon nila sa tubig.
Gamit ang mga tubo, magkahawak-kamay sila habang humihinga sa ilalim ng tubig. Nang sa tingin nila ay malayo na sa kanila ang fishing boat ay lumangoy sila patungo sa nakitang isla. Nasa kalagitnaan pa lang ng paglangoy, kumapit si Jemima sa bisig ni Harry. Naunawaan ni Harry na hindi na kaya ng asawa na lumangoy. Niyakap niya ito at inalalayan sa paglutang sa tubig-dagat. "You hurt?"
Tumango ang babae, "my foot."
Pinapuwesto niya sa kaniyang likod ang babae at nagpatuloy siya sa paglangoy habang nakasampa ang asawa sa kaniya.
"Where are you?!" Sunod-sunod na sigaw iyon mula sa pinanggalingan nilang barko. Bumalik pala ito sa gawi kung saan sila lumundag.
Sa takot na mahuli uli ng kidnappers nila ay nagtago sila sa ilalim ng tubig. Hawak nila ang mga kamay ng isa't isa habang pinipigilan nila ang pagpasok ng tubig sa kanilang katawan. Nang umiling-iling na si Jemima ay sabay silang pumaibabaw. Saglit na pagkuha ng hangin at agad silang bumalik sa ilalim ng tubig. Tinantiya ni Harry ang kakayahan ng asawa. Nang tila susuko na ito ay pinagdikit niya ang kanilang mga labi. Kailangan niyang tulungang maka-survive sa ilalim ng tubig ang asawa.
Matapos nilang lumangoy ay agad silang nagtago sa isang bato sa dalampasigan. Paikot-ikot pa rin kasi ang barkong pinanggalingan nila.
Pagod si Jemima habang nakasandal ito sa bato. Kinakapos ito ng hininga.
"You will be fine... you will be fine," bulong niya sa asawa. "Don't leave me."
Napatitig si Harry sa asawa. Siyempre hindi niya ito iiwan. Napadako ang tingin niya sa mga labi nito. Isang dampi ang ikinintal niya. Isang dampi uli sa labi. Nagtagpo ang kanilang paningin. Hindi na niya napigilan ang sarili. Inangkin na niya ang mga labi ng asawa. Hinapit niya ito sa bewang. Hinalikan sa pisngi. Sa baba. Sa leeg. Hindi ito tumututol. Naramdaman niya ang pagdantay ng mga kamay nito sa kaniyang buhok. Tumigil siya sa pagkilos ngunit hindi niiya iniaalis ang kaniyang labi sa labi ng asawa. Kumilos ang mga labi ni Jemima. Ang babae na ang humahalik sa kaniya ngayon. Nakasabunot pa ito sa kaniyang buhok. Tuluyan nang nag-init ang kaniyang katawan. May gustong kumawala sa bahagi niyang iyon, gustong mapalapit sa kaniyang amo. Binuksan niya ang zipper ng kaniyang pantalon.
"They might catch us here," hinihingal na bulong sa kaniya ng asawa.
Kapuwa nahihiya sa isa't isa, inayos nila ang sarili. Maingat nilang tinungo ang looban ng isla.
"May bahay!" nabuhayan ng loob na nagpatiuna sa paglapit si Jemima sa nakitang kubo. Nadismaya siya nang makitang walang tao sa kubo.
"There's no one here, and no other hut around."
"Let's check."
Sinuyod nila ang buong isla. Walang ibang tao sa maliit na islang kinaroroonan nila.
"This is an islet! How can we go home?"
"Oh, you're itching to go back to your Chester, huh! Don't worry, you can reunite with him soon."
"You're ridiculous!"
Hindi na niya kinontra ang sinabi ni Jemima. Maging siya ay nagtataka sa mga pinagsasabi niya. Nagiging seloso na yata siya ngayon. Nai-insecure na ba siya? Hindi siya ganito. Nahihiya siya sa babae kaya minabuti niyang talikuran muna ito. "Where are you going?"
"I'll replace our food. Aren't you starving?"
"I'll go with you."
Mga puno ng prutas ang nakita nila. Tahimik silang kumain. Halos hindi sila nagtitinginan.
Nang napatitig si Harry sa asawa ay napansin niyang nanginginig ito habang kumakain. Lumapit siya dito. Hinubad niya ang suot na basang polo at niyakap ang asawa. "You're cold. We can do this. We will go home."
Hindi na umimik si Jemima. Kailangan niya ang init ng katawan ng kaniyang asawa. Ayaw niya munang makipagbangayan dito.
Nang hindi pa rin umiimik ang asawa ay tiningnan ni Harry ang mukha nito. Nakatulog na pala ang babae sa pagod. Kinarga niya ito pabalik sa kubo. Nang malapit na sila sa kubo ay biglang umulan. Nagising si Jemima. Wala siyang nagawa kundi ang ibaba ang asawa. Sabay nilang tinakbo ang kubo.
Naghanap sila ng telang maibabalabal. Nakahanap sila ng tuwalya at beddings sa isang karton. Nakakita rin sila ng rechargeable lamp at kubyertos. May lamang mainit na tubig pa ang thermos.
"Maybe the campers left just before we came."
Pero iba ang naiisip ni Harry. "Maybe they're not just campers. I think they regularly come here." "They're--?"
Tumango si Harry sa asawa.
"Hunters?! Harry, we should go now!"
Nagpa-panic na si Jemima kaya hinawakan niya ito sa mukha."No. I think they were honeymooners. Look," ipinakita niya ang nakitang mga damit at lingerie sa loob ng isang bag. "These are unused clothes. And there's food inside that box." Nahihiya man sa ginawi ay tahimik na nagbihis si Jemima. Isinuot niya ang nakitang oversized tee shirt at panty. Ginaw na ginaw na siya kaya hindi na niya inalintana ang presensiya ng lalaki.
Napanganga naman si Harry nang tumambad ang alindog ng kaniyang asawa. Hanggang ngayon ay tila bago pa rin ito sa kaniyang paningin. Kinasasabikan pa rin niyang makita ang mga umbok na iyon. Kinasasabikan niyang mahawakan. Mahagkan. Maangkin. Pero nahihiya na siyang sumubok muli. Baka tanggihan lang siya ng asawa.
Nang tmila ang ulan ay naghanap sila ng mga kahoy na puwedeng gawing balsa. Minabuti nilang magkasundo muna para mapabilis ang pagkilos nila.
"We can't stay here. I got meetings to attend."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Yeah. We'll be launching our advertisement soon."
"Do you have plans with Chester?"
Napalunok siya ng laway sa isiping si Chester ang pipiliing maging escort ng asawa sa launching ng proyekto nito. Napahinto siya sa ginagawa. Kanina lang ay ayaw niyang manatili sa islang ito. Ngayon ay tila ayaw na niyang umalis dito. Hindi yata niya mapapayagang iwan siya ng kaniyang asawa para sa pinsan niyang si Chester Singh. "Are you planning to marry Ivana?"
Tutal, Chester siya ng Chester e di binanggit na ni Jemima si Ivana. Gusto niya ring malaman ang saloobin ng asawa tungkol sa ka-fling nito.
"One marriage is enough. Besides, my hands are full."
"Will she be fine with that?" Naawa rin naman siya doon sa babae. Ayon sa nalaman niya ay magdadalawang taon na itong ikinakama ni Harry. Open secret ito sa society circle na kinabibilangan ng kaniyang asawa kahit hindi ito ipinakikilalang nobya ng lalaki.
"Why didn't you marry my cousin? Why me?" Inilapit niya ang sarili sa asawa. Hindi niya binalak na hagurin ng tingin ang kabuuan nito pero tila may kusang pag-iisip ang kaniyang mga mata. Nakatitig na naman ang mga ito sa paborito nitong mga umbok. Nagtagis ang bagang ng lalaki. Nasa harapan niya ang isang magandang babae. Asawa niya ito. Walang suot na bra. Pero hanggang tingin na lang siya dito.
Mga titig ng kalungkutan at panghihinayang, iyon ang nakita niya sa mga mata ni Harry. Hinayaan na lang niya ito nang talikuran siya nito. Alam niyang naniniwala itong may something silang dalawa ni Chester.
Nang nagtatakip-silim na ay inihinto nila ang kanilang ginagawa. Bumalik sila sa kubo para kumain.
"I'll retire early." Nauna nang tumungo sa jama si Jemima.
Walang ganang sumagot si Harry, "sleep well."
Umupo sa may gilid ng maliit na hagdan si Harry. Tumingala. Pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan. Inilibot niya ang paningin sa palibot ng kubo. Tumayo siya at tinanaw ang dako ng dagat. "What is it?"
"I--I think...," sagot niya sa asawa habang nakatanaw siya sa dagat, "no... it's not happening. It cannot be!"
Umupo si Jemima. ""What?"
Naaalarmang tinitigan ni Harry ang asawa. Bumalik ito sa pagtanaw sa dagat.
Nilapitan ni Jemima ang asawa. "What is it? Is the boat coming?"
"N-No... it's not the boat." Sapo ang ulong nagpatuloy siya sa pagsasalita, "it's worse!"
"Then, what is it?"
Hindi mapakali si Harry. Gusto niyang umiwas sa pagsagot sa asawa.
"Harry!" nakikiusap na ang boses ng babae.
"I don't know, I might be wrong... I hope I'm wrong!" Tinantiya niya kung ipagpapatuloy ba niya ang pagsasalita o hindi. Naghihintay ng paliwanag ang asawa. "Do you know where are we?"
"No."
Tumahimik si Harry. Nililimi ang susunod na sasabihin sa asawa. Nasapo niya ang mukha.
Napansin ni Jemima ang reaksyon ng asawa. "Are we in the mystery island?"
"Y-ye--, I think,... I guess..."
"Like in the movies? The one with the high tide?"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! Napalingon siya sa asawa pero agad siyang nagbawi ng tingin. "Look at the tide, the gap of the water from the shore is different from before."
"Harry, I don't want to die!" Kumapit ito sa braso ng lalaki. "Don't leave me here!"
"O- of course,... of course!" Gusto niyang yakapin ang asawa at aluin, pero nag-aalala siya.
"What are we going to do?" Sumubsob siya sa bisig ng asawa. "I don't wanna die, Harry!"
Huminga ng malalim ang lalaki. Kinakalkulang mabuti ang gagawin. Natakot na yatang talaga ang asawa niya. "L-look there!"
"Where?"
Ipinakita ni Harry sa asawa ang mala burol na bato. Malapit lang ito sa kinaroroonan nila. "I think it's the highest ground here." Tiningnan ni Jemima sa mata ang asawa na agad nagbaba ng tingin.
"You can go there. I'll help you climb."
"No. I don't want you to die here. You have to go with me." Tila isang helpless na babae ang itsura ni Jemima. "Come with me." Tumango naman si Harry, waring nag-aalinlangan. "Okay."
Inakyat nila ang burol na bato. Kasya lang sila sa tuktok nito. Magkatabi silang naupo.
"You might fall," hinapit niya ang bewang ng asawa padikit sa kaniya. Hindi naman tumanggi ang babae.
"What if we fall asleep?"
"Don't worry, I will not sleep. I got you." Pinisil niya ang kamay ng babae. "You're cold."
"So are you."
Nagdadalawang-isip si Harry ngunit ayaw niyang manigas sila pareho sa lamig. "C-can I?"
Tango at matipid na ngiti ang itinugon sa kaniya ng asawa.
Patagong napangiti si Jemima nang niyapos siya ng mahigpit ng asawa. Halos hindi siya makapaniwalang kinailangan pa nilang umakyat dito para magkaroon ng lakas ng loob ang asawa. Sabagay, nagpasya na nga naman silang maghiwalay. "Will-" hindi na muna niya babanggitin dito ang tungkol sa hiwalayan nila.
Natatanaw niya ang loob ng kubo. Alam naman niyang hindi aabot sa kanila ang tubig kahit mag high tide pa ito. Tuyung-tuyo ang loob ng kubo. Walang bakas ng tubig-dagat. Nagugustuhan niya ang yakap ni Harry. Mahigpit. Mainit. Tumatama sa kaniyang leeg ang mainit nitong hininga. Pumupukaw sa kaniyang pagkababae.
"Jem..."
"Uhm..."
Isang mainit na halik sa kaniyang leeg sabay ng pagdakma sa kaniyang dibdib ang iginawad ng lalaki. Napapasinghap siya sa bawat pagkilos ng mga kamay at bibig ng kaniyang asawa. Hinanap ni Harry ang kaniyang bibig. Mainit niyang sinalubong ang halik nito. Mariin. Mapang-angkin ang mga halik na pinapakawalan nila. Humawak si Jemima sa ulo ng lalaki, tila ayaw itong pakawalan. Unti-unting natatalo ng init ng kanilang katawan ang lamig ng gabi. Naglakbay ang kamay ni Jemima. Gusto niyang makatiyak. Dumaan ang kaniyang kamay sa matigas na dibdib ng lalaki. Ibinaba niya ito. Natagpuan nito ang naninigas na pagkalalaki ni Harry. Nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon sa may puson niya. Pinisil-pisil niya ang naninigas na iyon habang nakikipaglaban ang kaniyang mga labi sa mga labi ng asawa. Sa ginagawa niya'y lalong nahayok si Harry. Halos makagat na nito ang labi niya.
"Mmh!" Tila mawala sa katinuan si Harry nang marinig ito.
Saglit niyang tiningnan ang asawa. Agad din niyang binalikan ang nakaawang nitong bibig. Naging maingay ang kanilang halikan. Parang kapuwa gutom na nang-aangkin. Habol ang kanilang hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Nagkatitigan sila.
"Let's do it. Just once." Puno ng pagnanasa at pagsusumamo ang mga mata ni Harry.
Tumango siya.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report